You are on page 1of 14

PAG-IBIG

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!


Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;


pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . .  naglalaho,
layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,


parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,


walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod
pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,


tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan
iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib


ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,
pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,


umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa.
Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha
at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag,


ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak.
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,
o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”


Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,


kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid.
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,
at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

Jose Corazon De Jesus


MARUPOK

Kalapating puti sa gitna ng hardin,


Iginawa kita ng bahay na siím;
May dalawang latang palay at inumin,
Saka walong pinto sa apat na dingding.

Minsan kang nagutom at ako’y nalingat,


Oh, kalapati ko, bigla kang lumipad.
Sa nagdaang kawan sumama ka agad,
Ayaw mong mabasa ng luha ang pakpak.

Ikaw naman rosas, na mahal kong mahal,


Dinilig kita kung hapong malamlam;
Sa bawat umaga’y pinaaasuhan,
At inaalsan ko ng kusim sa tangkay.

Minsan lang, Nobyembre, nang di ka mamasid,


Nakaligtaan kong diligin kang saglit;
Aba, nang Disyembre, sa gitna ng lamig,
Sa mga tangkay mo’y nag-usli ang tinik.

Ang hardin ko ngayo’y ligid ng dalita,


Walang kalapati’t rosas man ay wala;
May basag na paso’t may bahay na sira,
At ang hardinero’y ang puso kong luksa.

Babae, hindi ka marapat lumiyag,


Napakarupok mo, maselan at duwag.
Sa Tabor ay walang tuhod na di gasgas,
Sa Glorya, anghel ma’y may sira ring pakpak.

Jose Corazon De Jesus


KABAYANIHAN

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod


na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya, minsang kusang-loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos.

Natatalastas mong sa iyong pananim


iba ang aani’t iba ang kakain;
datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.

Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay…


pinupuhunan mo at iniaalay,
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan.

Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,


sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.

Tikis na nga lamang na ang mga tao’y


mapagwalang-turing sa mga tulong mo;
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.

Lope K. Santos
Maliit na Bato

Isang munting bato ang aking nadampot!…


Nang ako’y mapuno ng duming alabok,
Ay ipinukol ko agad na padabog
Na taglay sa puso ang sama ng loob…

Nang aking ipukol ay tumama naman


Sa lalong malaking bato sa may pampang;
Sa lakas ng tama’y dagling umilandang,
Nagbalik sa aki’t ako ang nasaktan

Di ko akalaing yaong munting bato


Na tinatapakan ng sino mang tao,
Sa di sinasadyang pagmamalikot ko’y
Batuhin ang biglang naghagis na ako…

Mandin ay totoong ang lahat sa lupa


Ay may katutura’t kagamitang pawa;Ang bato, kung batong
sinlambot ng luha,
Sa palad ng tao’y tatalsik, tatama.

Teodoro E. Gener
Makabuhay

Lubid kang luntiang sa gubat nanggaling,


Sa bakod ng dampa’y naging salang baging…
Dahil sa dagta mong may pait na lihim,
Hayop man o tao’y takot kang sagiin.

May dala kang ditang kapait-paitan


Na kung lalasahi’y “kadalamhatian”…
Ngunit ang pait mo ay gamot kung minsan,
Sa maling akala’y diwang Makabuhay.

Sa maraming sakit, ikaw ay panlunas,


At sa tagabukid ay gamot sa sugat;
Sa bibig ng bata na sakim sa gatas,
Madalas kang gawing mabisang pang-awat.

Ang ingat mong dagtang simpait ng mira,


Pagsayad sa labi’y nangangaral tila:
“Sa tamis, ang bata kapag namihasa,
Munting kapaita’y mamalakhing dusa.”

Si Kristo sa Kurus, isang halimbawa,


Nang kanyang lagukin ang apdo at suka…
Ang taong masanay uminom ng luha,
Sa sangmundong dusa’y hindi nalulula.

Tula ni Nemesio E. Caravana


Ang Alamat ng Bundok Banahaw
Noong ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa
pangalang Banahaw ay meron ng maraming tahanang nakatayo sa paanan ng
bundok na pinaninirahan ng mga tao lalo na yaong malapit sa ilog.

Sa maraming mag-aanak na doon nakatira ay kabilang ang mag-asawang Lukban


at Bayabas. Iisang anak nilang lalaki, si Limbas, ang namumukod sa lakas, sa
tapang at sa bilis. Sa kanyang panudla ay bihirang usa, baboy-damo, unggoy, at
malaking ibon ay nakaliligtas. Kaya’t hindi nagtagal, sa paligid-ligid, ng malaking
bundok ay natanyag ang pangalang Limbas. Siya ang naging hantungan ng
paghanga ng lahat. Sa malayong pook ay dumating ang kabayanihan ni Limbas.

Isang araw ay nawala si Limbas at gayon na lamang ang panimdim ng mag-asawa.


Hindi sila makakain at makatulog sa hindi pagdating ng kanilang anak. Makalipas
ang pitong araw ng pagkabalisa ay muling nagbalik si Limbas. Dala niya ang isang
balutan na sari-saring damit at pagkain. Sa buhay ng mag-asawa ay hindi pa sila
nakakalasap at nakakatikim ng gayong nag-iinamang damit at nagsasarapang
pagkain. Pakinggan natin ang balita ni Limbas.

“Isang maginoong balbasin ang nagpakilala sa kanya na isang ‘enkantado’. Sa


maharlikang tahanan nito sa tugatok ng bundok ay doon isinama si Limbas. Doon,
ang lahat ng hayop ay puti ang balahibo, di lamang ang mga manok pati ang mga
usa. Ang hardin ay napakalawak at humihitik sa mga bunga ang mga puno. May
sasakyang hinihila ng dalawang kabayong puti, na siyang ginagamit sa paglalakbay
sa buong Luzon. At sumama lamang ako sa pag-uwi ng bahay ay hindi nawala ang
dulot.”

Yaong balutan ng damit at pagkain na pasalubong ni Limbas sa kanyang mga


magulang ay unang dulot ng maginoo. Nguni’t ang bilin nito bago iabot ang dulot ay
dapat munang humalik si Limbas sa kanyang mga magulang. Anupa’t ang hindi
paghalik sa kamay ay makakapagpabago sa dalang dulot. Hindi minsan mang
nawala si Limbas ng pituhang araw at hindi rin sa kanyang pagbalik ay sari-saring
kasuotan at pagkain ang dala ang nakasisiya sa kanyang mga magulang.

Minsan pagbalik ng bahay ni Limbas ay isang balutan ng maliit na bolang ginto ang
padala ng ginoo. At sa tuwa ni Limbas ay nakalimutan humalik muna ng kamay sa
kanyang mga magulang, at kara-karakang binuksan ang balot at sinabing, “Narito
po ang ating kayamanan mga bolang ginto!”

Subali’t ng buksan ang balutan ay hindi ginto ang lumabas kundi mga bunga ng
Anahaw.

Kaya’t sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas: Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Ba!


Anahaw!”

At buhat noon ay tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng


Luzon. Gayon din, ang bayan ng Lukban at Tayabas ay nagsimula sa pangalang
Bayabas at Lukban, na mga magulang ni Limbas.
Ang Alamat ng Bundok Arayat
Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng
Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan
na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala.

Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga


talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa
ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.

Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng


isang napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang
Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng
lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa
bayan upang magtinda at mamili.

Subali’t ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba’t


ibang paraan ng pagbabalatkayo na kanyang ginagawa.

Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang


magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at
sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-
Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan
ng sinumang dadalaw sa bundok na iyon.

Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy at


ang sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang
makakpipitas at makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang
sinumang magtangkang mag-uwi ng mga bungang-kahoy mula
roon ay hindi matututuhan ang landas pauw.

At ang lalong kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay


ang paglakas ng ihip ng hangin.

Ngunit sa sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang


dala niya, ang landas sa pauwi ay madaling matututuhan.

Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok ay


batyang pinaglalabhan ng engkantada.

Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin


sa magaagndang tugtugin maririnig sa kabundukan, wala sinumang
namamlagi roon sa pangambang baka magayuma sila at hindi na
muling makabalik sa kanilang tahanan.
Ang Alamat ni Prinsesa Manorah
Ito ay isang alamat na nagpasalin salin na sa iba’t ibang
henerasyon mula noong panahon ng Ayutthaya na itinatag noong
taong 1350

Si Kinnaree Manorah ay ang bunso sa pitong anak nina Haring


Prathum at Reynang Jantakinnaree. Sila ay nakatira sa maalamat
na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong magkakapatid ay
kapwa mga kinnaree o kalahating tao at kalahating swan. Sila’y
nakakalipad at nagagawang itago ang mga pakpak kung kanilang
naisin.

Sa loob ng kanilang kaharian ay nakatago ang Himmapan, isang


kagubatan na kung saan ay naninirahan ang iba’t ibang mga
nilalang na di makikita sa daigdig ng mga tao.

Sa Himmapan din nakakubli ang magandang lawa na kung saan ay


madalas dalawin ng pitong prinsesa lalo na sa araw ng Panarasi o
kabilugan ng bwan. Sa di kalayuan ng lawa ay nakatira ang isang
ermitanyong nagsasagawa ng meditasyon.

Isang araw, naligaw ang isang binata na si Prahnbun sa kagubatan


ng Himmapan. Doon nya nakita sa ilog ang pitong prinsesa.
Nabighani sya sa taglay na ganda ni Prinsesa Manorah. Naisip nya
na kung mahuhuli nya si Manorah at maiuuwi ito kay Prinsipe
Suton ay tiyak na matutuwa ito.

Ngunit di tiyak ni Prahnbun kung paano nya mahuhuli ang prinsesa


kaya’t humingi sya ng tulong sa ermitanyo.

Agad syang nagtungo sa ermitanyo at sinabihang mahihirapan


syang mahuli ang Prinsesa sapagkat ang mga kinnaree ay agad na
lumilipad kapag tinatakot. Nag suhestiyon ang ermitanyo na may
dragon na nakatira sa sulok ng gubat na maaring makatulong sa
binata.

Agad na lumisan si Prahnbun upang mahanap ang dragon. Hindi


pumayag ang dragon sa balak ng binata ng sabihin nito ang pakay
bagkus ay binigay nito ang makapangyarihang lubid na
makakatulong sa panghuhuli ng binata sa isang kinnaree.

Nagpasalamat ang binata at agad na nagtungo sa ilog kung saan


naroroon si Prinsesa Manorah. Habang abala sa paglalaro ang
mga kinnaree ay inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na
nahuli si Manorah. Bagamat naawa ang ibang kapatid ni Manorah
ay wala itong nagawa at agad na nagsilipad dala ng takot.

Itinali ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang di


makalipad at agad na naglakbay upang maibigay kay Prinsipe
Suton.

Si Prinsipe Suton ay naglalakbay din noon ngunit nakasalubong


nito si Prahnbun na dala dala si Prinsesa Manorah. Doon pa
lamang ay naakit na agad ang prinsipe sa ganda ni Prinsesa
Manorah.

Doon ay nalaman ni Suton ang dahilan ni Prahnbun kung bakit nito


hinuli si Manorah.

Nagbalik ang prinsipe ng kanilang palasyo na kasama na si


Prinsesa Manorah na kung saan ay umusbong ang pag-ibig nila sa
isa’t isa.

Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang mga magulang ang buong


pangyayari ay agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal para
kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah. Bumalik sila sa palasyo
kung saan isinagawa ang kasal sila’y at namuhay ng matiwasay.
Ang Alamat ng Hagdan-Hagdang Palayan
sa Ifugao
Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang
sabi ng lider, “Ipinagmamalaki ng Banaue ang kanyang alamat na
bantog na nantog sa buong Bulubundukin.

Ang Ifugao Rice Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam


mo ba kung paano nagmula ito?” Si G. Malintong ang guro ay
sumagot, “Ikinalulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanang
pakinggan.”

Nagsimula ang pagkukwento ng lider habang ngumunguya-nguya


ng buyo. “Noong pang kauna-unahang panahon ang mga tao sa
Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sa kanilang
kasaganahan ay nakalimot tuloy sila sa Diyos. Si Kabunian ay
nagalit kaya pinarusahan ang mga mamamayan. Umulan ng
walang patid kaya nagkaroon ng malaking baha.

Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sa


paligid liban sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may
buhay ay nangalunod. Namatay lahat ng mga tao at ang natira
lamang ay si Wigan at Bugan nama’y sa Bundok ng Anuyao.

Nais magluto ni Wigan subalit walang apoy. Kanyang natanaw na


may liwanag na nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa
gasinong lumalaki ang baha, kanyang nilangoy ang bundok. Siya’y
tinanggap ni Bugan ng buong kasiyahan.

Nang sumunod na araw ay humupa na ng patuluyan ang baha


kaya ang dalawa ay lumusong sa bundok ng Anuyao. Sapagkat
napag-alaman nila na walang natira sa kanilang tribo, nang
magpatuloy ang buhay, sila’y nagsama bilang mag-asawa. Ang
dalawang ito’y nag-isang dibdib, pati ang kanilang mga inaanak ay
ang pangasawahan din kaya hindi nagtagal dumami ang tao.

Lumipas ang taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni


Duntungan ay nagtanim ng palay sa banlikan. Ang dakilang Diyos
ay nagpakita sa kaniya aat nagsalita, “Kilala kitang mabuting tao.
Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho. Kung susundin mo ang
aking mga tagubilin, kakasihan ka ng mga Diyos.” “Anong gusto
mong gawin ko, Kabunian?”
Ang Dakilang Diyos ay sumagot, “Sabihin mo sa mga tao na
gumawa ng cañao araw at gabi ng tatlong araw nang upang ako’y
ipagbunyi. Kung ako’y masiyahan, uunlad ang inyong tribo.”

Ipinag-bigay alam ni Kabagan sa ulo ng tribo ang kanyang narinig.


Nagsimula ang paghahanda hanggang sa matupad ang nasabing
seremonya kay Kabunian. Kinabukasan, si Kabaganay nagpunta
sa kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho,
napakita uli sa kanya ni Kabunian. Siya’y nagsalita, “Mabuti anak.
Ako’y nasiyahan sa inyong parangal.

Makinig ka ito ang aking gantimpala. Kita’y bibigyan ng aking


supling ng palay na kung tawagi’y inbagar. Kinuha ko ito sa
mahiwagang batis. Itanim sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat
ng oras ay dapat puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ng
iyong taniman.

Ang malapot na putik at ang batong-buhay na yaon,” tuloy turo sa


duminding, ‘ ay kaloob ng Diyos. Hala, sundin mo ang aking
tagubilin at umasa kang sa mga teres ay makikipagtagalan sa
panahon.”

“Salamat po, Diyos ko,” ag sagot ni Kabagan nang buong


pakumbaba. Nagsimulang magtayo ng dike si Kabagan. Kanyang
itinayo ang teres ng palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian.
Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabanagan. Ang lahat ay
tumulad hanggang ang buong Ipugaw ay natalikupan ng mga teres
na ngayo’y ating ipinagmalaking hagdan-hagdang taniman ng
palay na itinayo ng ating mga ninuno, isang obra maestro ng
inhenyeriya.
Ang Alamat ng Chocolate Hills
Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting
Kabisayaaan, may lupang malawak subali’t ito ay tuyot. Makikita
mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang
pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali’t kapag tag-
ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag
ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas
ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.

Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng


isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa
parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan
doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya’t nilisan
pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari
nagkita nga ang dalawang higante.

“Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!” Ito’y aking pag-aari


at umalis ka na,” galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . ”
Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin.”

“Aba!, ako yata ang nauna rito at ito’y pag-aari ko na!” sagot ding
galit ng higante mula sa hilaga. “Ikaw dapat ang umalis!”

“Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng Higante


mula sa Timog at nayanig ang lugar na parang lumilindol.

“Lalong hindi maaari!” mas malakas ang padyak ng Higante mula


sa Hilaga.

Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at


maputik sa kinatatayuan nila. Ginawa ng isang higante ay bumilog
ng putik at binato sa isa. Subali’t gumanti rin ang isa at humulma
rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang
tigil na batuhan ng binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay
hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga. Tumumba ang
dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa
pangyayari na tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang


putik na siyang ginamit ng mga naabing higante sa pagbabatuhan.

Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon.


Namuhay ng mapayapa at masagana.Dahil sa bulubunduking
ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring
napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate
Hills.

You might also like