You are on page 1of 4

Pangalan: RINGOR, JOHN I.

Kurso at Seksyon: BSED FILIPINO 2B


Petsa: November 6, 2021

Panuto: Basahin, unawain at suriin ang tula (MARUPOK ni Huseng Batute). Gumawa
ng pagsusuri sa tula gamit ang balangkas na naibigay.

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG TULA


1. Pamagat

- Ang pamagat ng akda ay “Marupok” na pagmamay-ari ni Jose Corazon de


Jesus o kilala bilang Huseng Batute.

2. Talambuhay ng May-akda

- Si Jose Corazon de Jesus ay kilala bilang Huseng Batute, siya ay isang


makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang ipahayag ang
pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong panahon ng pananakop
ng Estados Unidos sa Pilipinas. Tinawag ring "Pepito" noong kanyang
kapanahunan.

3. Paksa

- Ang tula ay pumapaksa sa mga nararansan sa buhay ng bawat-tao. Ito ay


tumutukoy sa pagiging mahina ng isang tao sa pagharap nito sa mga
suliranin at mga pagsubok na kinakaharap sa buhay.

Minsan kang nagutom at ako’y nalingat,


Oh, kalapati ko, bigla kang lumipad.
Sa nagdaang kawan sumama ka agad,
Ayaw mong mabasa ng luha ang pakpak.

Ang hardin ko ngayo’y ligid ng dalita,


Walang kalapati’t rosas man ay wala;
May basag na paso’t may bahay na sira,
At ang hardinero’y ang puso kong luksa.

Babae, hindi ka marapat lumiyag,


Napakarupok mo, maselan at duwag.
Sa Tabor ay walang tuhod na di gasgas,
Sa Glorya, anghel ma’y may sira ring pakpak.
4. Simbolismong Ginamit

Kalapating Puti- kapayapaan


Rosas- katatagan
Ligid ng Dalita- kahirapan
Tinik- paghihirap

Kalapating puti sa gitna ng hardin,


Ikaw naman rosas, na mahal kong mahal,
Ang hardin ko ngayo’y ligid ng dalita,
Sa mga tangkay mo’y nag-usli ang tinik.

5. Genre

- Ang uri ng tulang “Marupok” ay tulang padamdamin. Kung saan ito ay


punong-puno ng damdamin at kaisipan.

6. Tugma at Sukat

- Ang bawat taludtod ng tula ay mayroong lalabindalawahing (12) pantig. At


ang tulang ito ay isang tradisyunal na taludturan. Narito ang ilan sa mga
salitang mayroong pagkakapareho ang tunog sa hulihang pantig ng bawat
taludtod:
Hardin- 2
Siim- 2
Inumin- 3
Dingding- 2
Lumipad- 3
Wala- 2
Sira- 2
Lumiyag- 3
Duwag- 2

7. Angkop na Teoryang Pampanitikan

- Ang tulang ito ni Jose Corazon de Jesus ay ginamitan ng Teoryang Realismo


na tumutukoy sa mismong karanasan sa buhay ng bawat tao.

Minsan kang nagutom at ako’y nalingat,


Oh, kalapati ko, bigla kang lumipad.
Sa nagdaang kawan sumama ka agad,
Ayaw mong mabasa ng luha ang pakpak.

Ang hardin ko ngayo’y ligid ng dalita,


Walang kalapati’t rosas man ay wala;
May basag na paso’t may bahay na sira,
At ang hardinero’y ang puso kong luksa.

Babae, hindi ka marapat lumiyag,


Napakarupok mo, maselan at duwag.
Sa Tabor ay walang tuhod na di gasgas,
Sa Glorya, anghel ma’y may sira ring pakpak.

8. Pagpapaliwanag sa bawat Saknong

Kalapating puti sa gitna ng hardin,


Iginawa kita ng bahay na siím;
May dalawang latang palay at inumin,
Saka walong pinto sa apat na dingding.
- Ang saknong na ito ay tumutukoy sa isang taong malaya mayroong payak at
simpleng pamumuhay sa isang tahimik na lugar.

Minsan kang nagutom at ako’y nalingat,


Oh, kalapati ko, bigla kang lumipad.
Sa nagdaang kawan sumama ka agad,
Ayaw mong mabasa ng luha ang pakpak.
- Ito naman ay nangangahulugang minsan kung ang tao ay dumating sa punto
ng kahirapan, siya ay lumalayag at nakikipagsapalaran. Sapagkat, ayaw
nitong magdusa at tuluyang maghirap sa buhay.

Ikaw naman rosas, na mahal kong mahal,


Dinilig kita kung hapong malamlam;
Sa bawat umaga’y pinaaasuhan,
At inaalsan ko ng kusim sa tangkay.
- Sa saknong na ito, nangangahulugan ang katatagan ng isang tao sa buhay.
Dumating man ang panahon ng unos at kahirapan, hinding-hindi ito
sumusuko sapagkat sa bawat darating na umaga ay mayroong bagong pag-
asa.

Minsan lang, Nobyembre, nang di ka mamasid,


Nakaligtaan kong diligin kang saglit;
Aba, nang Disyembre, sa gitna ng lamig,
Sa mga tangkay mo’y nag-usli ang tinik.
- Sinasabi rito na may mga bagay na dapat nating mas pagtuunan ng pansin.
Ngunit, mas pinagtutuunan natin ang kahirapan at kabiguan. At kahit
anumang pagsubok ang sa buhay natin ay dumating, dapat tayo’y manatiling
nakatayo at lumalaban sa hamon ng buhay.

Ang hardin ko ngayo’y ligid ng dalita,


Walang kalapati’t rosas man ay wala;
May basag na paso’t may bahay na sira,
At ang hardinero’y ang puso kong luksa.
- Minsan, humahantong tayo sa panahon ng kalungkutan. Walang mga taong
masasandalan at maasahan sa kabiguan. Kaya tayo’y nananatiling sugatan
at wasak. At tayo ay labis na naghihinagpis sa labis na hirap na
pinagdadaanan.

Babae, hindi ka marapat lumiyag,


Napakarupok mo, maselan at duwag.
Sa Tabor ay walang tuhod na di gasgas,
Sa Glorya, anghel ma’y may sira ring pakpak.
- Sa anumang hamon ng buhay, huwag natin itong iiwasan at hahayaang tayo
ay malipasan lamang. Huwag tayong matatakot lumaban. Dahil walang
madirigmang hindi nasusugatan at nasasaktan sa gitna ng labanan.

9. Talinghaga

KAWAN- grupo o pangkat ng ibang mga ibon


NAG-USLI- nagsilabasan ang mga tinik
DALITA- kahirapan o kalungkutan
LUMIYAG- umibig o magmahal
LUKSA- hinagpis
Sa nagdaang kawan sumama ka agad,
Sa mga tangkay mo’y nag-usli ang tinik,
Ang hardin ko ngayo’y ligid ng dalita,
Babae, hindi ka marapat lumiyag,
At ang hardinero’y ang puso kong luksa,

10. Larawang-diwa

- Ang larawan o mensaheng naikintal sa isipan ng mga mambabasa ay


anumang hirap ang maranasan sa mga hamon ng buhay, matuto tayong
humarap at lumaban sa mga ito. Huwag na huwag tayong matatakot
masaktan at mabigo, sapagkat ang mga ito ay kalakip ng ating
pakikipaglaban sa hamon ng buhay. At ito ang magiging instrument upang
tayo ay manatiling matatag upang kailanma’y hinding-hindi na mabubuwal
ang ating kalooban.

11. Kaisipan/Sariling Pang-unawa

- Ang buhay ay isang malaking bahagi ng mundo. manatili tayong matatag at


nakatayo. Sapagkat may mga bagay na hindi natin inaasahan na siyang
magpapahirap sa bawat-isa sa atin. Maging handa at positibo sa lahat ng
bagay. Maging sa mga pagsubok o hamon ng buhay na darating sa atin.
Huwag tayong agad sumusuko. Dahil naniniwala akong ang taong umaayaw
ay hindi nagwawagi at ang taong nagwawagi ay hindi umaayaw.

You might also like