You are on page 1of 5

Central Mindanao University

University Town, Musuan Maramag, Bukidnon


Language Department Office
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino

PAPEL NG PAGSUSURI SA TULANG KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING


BAYAN NI AMADO V. HERNANDEZ

Ang Makata
Si Amado V. Hernandez (1903-1970) ay isang kilalang
manunulat mula sa Pilipinas. Siya ay isa sa mga pangunahing
makata at manunulat ng bansa. Karamihan sa kanyang mga
akda ay nakatuon sa mga isyu ng kahirapan, pag-aalipin, at
katarungan. Isa sa mga pinakatanyag niyang akda ay ang
tanyag na tula na "Isang Dipang Langit" na naglalakbay sa
buhay ng mga manggagawa sa bukid. Siya rin ay kilala sa
kanyang aktibismo at pagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at
magsasaka. Dahil sa kanyang mga kontribusyon sa panitikan at lipunan, itinuring
siyang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1973.

Ang Katha
Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,


Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin, tumatangis kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong ksawirang nagtalakop


Na s aiyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,


Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkam sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol

May araw ding ang luha mo’y masasaid matutuyo,


May araw ding di na luha ang mat among namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy , at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

Ang Estilo at Pamaraan


Ang estilo sa tulang " Kung Tuyo na ang Luha Mo, Ang Bayan" ay may mga
biglaan at agresibong pagputol sa mga linya, tila binibigyang diin at bigat ang lahat ng
mga nais sabihin ng bawat saknong. Ang nai-imahe sa pagputol na ito ay ang persona
ay parang isang tagapagsalitang itinataas ang kanyang boses para madinig ng lahat ng
mga takapakinig at sa bawat kuwit at semicolon ng kaniyang mga pangungusap ay
naghahabol siya ng kaniyang hininga at naghahanda para bumwelo. Bagamat, tila
biglaan at agresibo ang pagputol sa mga linya ay napagdidikit at naitatahi ito ng mga
tugmaan sa dulo ng bawat saknong. Ang tugmaang ito ay sinisiguradong magiging
malinis at swabe ang daloy ng tula sa kabila ng matinik at matalim na mensahe ng tula.
Ang pamamaraan ng pagsusulat ng tulang ito ay isang nagpapahayag ng pag-
asa at pagmamahal sa bayan. Sapagka’t, nakaayon sa kanyang mga piling salita,
istruktura, at pagsasama-sama ng mga salita upang magbigay-diwa at magpahayag ng
mga mensahe sa mga tao. Masasabi rin na masagisag ang akda ng may akda kasi
gumamit ang makata ng simbolo sa pagpapakahulugan sa kaniyang ginawang akda.
Makatotohanan rin ang akdang ito sapagkat makikita natin sa kaniyang akda ang tunay
na kaganapan o nagaganap sa ating daigdig. Sa pamamagitan ng tula nagawang
naipakita ni Hernandez ang kanyang malalim na pagmamahal sa bayan.
Ang Persona
Sa tula, makikita na ang tagapagsalita ay isang mamamayan ng bansang
Pilipinas na kung saan nakikita niya ang sakit na dinadanas ng bansang Pilipinas. Sa
panahon na mas laganap ang kultura ng mga banyaga sa bansang Pilipinas, tiyak na
masakit ito sa damdamin bilang isang hirang na Pinoy. Masakit din itong pakinggan
para sa mga tao na binuwis ang buhay para sa kalayaan ng ating bansa. Mga tao
katulad nina Andres Bonifacio, Jose Rizal, Emilio Jacinto, at marami pang mga bayani
na walang sawang sinugal ang sarilig buhay, pawis at dugo para sa kaginhawaan ng
mga paparating na henerasyon.
Sa tula, maaari rin na ang tagapagsalita ay isang matandang lalaki na kung saan
sa kaniyang panahon, sumabak siya sa digmaan na naganap sa Pilipinas na kung saan
ipinaglaban din nila ang lupang sinilangan. Para sa mata ng isang mandirigma na
walang sawang pinaglaban ang bansang Pilipinas, maaaring mahalintulad ang kanilang
nararamdaman sa isang magulang na buong pagmamahal na pinagmasdan ang
kanilang anak na lumaki at minahal na walang kapalit, at sa huli ay mas nanaisin pa nila
mamuhay sa kabilang bahay – sa ibang pamilya. Labis ang poot, at sakit na
mararamdaman.
Kagaya sa nararamdaman ng tagapagsalita sa tula, ito ang kaniyang nakikita.
Ang Pilipinas ay siyang nagbigay sa atin ng pagkakakilanlan, ngunit bakit natin ito
babayaran ng walang hiyang pag tangkilik sa mga banyaga. Kahit paman saksi na natin
ang sakit na kanilang binigay sa atin, bakit pa natin mas ipairal ang ating pag-ibig sa
mga mananakop?
Ang Sukat at Tugma
Ang tulang " kung tuyo na ang luha mo, aking bayan" ay may anim na saknong
at sa bawat saknong ay may anim na taludtod. Ang bawat taludtod naman ay binubuo
ng labing anim na pantig. Sa pagbigkas ng mga tulang may labing dalawa hanggang
sa labing walong pantig ay merong sesura o hati (/). Nangangahulugan na saglit na
paghinto sa pagbasa o pagbigkas sa kalahati ng pantig ng isang taludtod. Halimbawa
sa tulang " kung tuyo na ang luha mo, aking bayan" ay may labing anim na pantig sa
isang taludtod ang sesura ay nakalagay o naka pwesto sa ika walong pantig o kalahati
ng labing anim. Ang bawat saknong naman ay magkakaiba ang tugma ngunit sa isang
saknong na may anim na taludtod ay magkakapareho ang tugma.
Ang Talinghaga
Ang tula ni Amado V. Hernandez na pimagatang "Kung Tuyo na ang Luha Mo,
Aking Bayan" ay isang tula tungkol sa ating pagkaalipin sa ating sariling bansa. Nakikita
sa tula na ito ang labis na kalupitan na dinanas ng ating bansa sa kamay ng mga
dayuhang mananakop.
Mapapansin sa tula na may nakikitaan ng mga metapora o simbolismo na
tumutukoy sa mga kaganapan ng ating bansa noon.
"Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan"
Gumamit ang may akda ng isang karakter mula sa kilalang nobela ni Jose Rizal
na "Noli Me Tangere" kung saan si Sisa ay nabaliw dahil sa labis na pagmamalupit na
naranasan nila Crispin at Basilyon mula sa kamay ng mga prayle. Ganoon din ang
nangyari sa tula ni Amado V. Hernandez na kung saan nakadanas ng matinding pang
aapi, pagsasamantala at pagkawalan ng katarungan ang ating bansa. Ang akda nila
Jose Rizal at ni Amado V. Hernandez ay di magkalayong magka pareho ng mensaheng
nais ipahatid sa mambabasa.
Sa kabilang banda naman ang "luha" ay isa rin sa sumisimbolo ng dinanas ng
bayan mula sa mga taon ng pang aapi at kolonyalismo.
"May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo.”
Samantalang ang “dugo mo ay aserong kumukulo", ay sumisimbolo na ang ating
bayan ay may pag-asa pang lumaban at bumangon mula sa kanyang mga paghihirap at
umaasa sa isang mas magandang kinabukasan. "Sisigaw kang buong giting sa liyah ng
libong sulo At ang lumang tanikala'y lalagutin mo ng punglo" ipinapahiwatig din dito na
tayo ay sawa na sa pang aalipin at pang aabuso sa ating sariling bayan kaya tayo ay
lalaban at magiging malaya. Sa kabuuan ipinapakita sa tula ang diwa ng pagmamahal
at dedikasyon ng mga mamamayan para sa bayan, at ang kanilang determinasyon na
itaguyod ang kalayaan at katarungan. "Sisigaw kang buong giting sa liyah ng libong
sulo At ang lumang tanikala'y lalagutin mo ng punglo" ipinapahiwatig din dito na tayo ay
sawa na sa pang aalipin at pang aabuso sa ating sariling bayan kaya tayo ay lalaban at
magiging malaya.
Ang Simbolo at Simbolismo
Ang tulang "Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan" ni Amando Hernandez ay
nagpapakita ng pagmamahal at pagnanais ng makata na makamtan ang kalayaan at
katarungan para sa kanyang bayan. Sa tulang ito ni Amando Hernandez, makikita ang
simbolismo ng pag-asa, pag-ibig sa bayan at paglaban para sa kalayaan. Ito rin ay
isang tula na nagsisilbing paalala mula sa mga biktima ng pang-aapi.
Maraming mga matatalinhagang salita na ginagamit upang mas lalong
maipabatid ng manunulat ang kanyang mga hangarin. Gumamit ang may-akda ng
salitang “luha” na simbolo ng hirap at pighati, “Sisa” na simbolo ng baliw at “huli” na
sumisimbolo ng mga kababaihan noon. Mayroon ding “tumataghoy” na simbolo ng
umiiyak sa tuwa o kalunkotan. Habang ang “dugo mo ay aserong kumokulo” ay
sumisimbolo ng panggigil, nagagalit o naiinis.
Sa kabuuan ipinapakita sa tula ang diwa ng pagmamahal at dedikasyon ng mga
mamamayan para sa bayan, at ang kanilang determinasyon na itaguyod ang kalayaan
at katarungan.
Central Mindanao University
University Town, Musuan Maramag, Bukidnon
Language Department Office
Bachelor of Secondary Education Major in Filipino

PAPEL NG PAGSUSURI SA TULANG KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING


BAYAN NI AMADO V. HERNANDEZ

Ipinasa kay:
Gine Mae L. Lagnason
Fil67 Dulaang Filipino Instructor

Ipinasa nina:
Allyza G. Ibarra
Aiza Joy Bataga
Alona Rose B. Dumale
Darwin A Bayta Jr.
Jun Mark C. Calam
Jievhean Charls Tabalba
Reyjey P. Balauro
Michelle L. Emnace
Bea M. Esmero

Seksyon:
BSED Filipino 3B
2023, October 04

You might also like