You are on page 1of 2

#TulaAlaySaBayan

#WagMagingBOBOTANTE

Alay sa Bayan

Ni: Jhomari Antonio

Ang ating bayang minahal,

Na may pulitikong halal,

Na walang ibang ginawa,

Kundi tayo’y pagnakawan,

Nang walang pag- alinlangan,

Ang inang baya’y nagdurusa.

Dakilang lahi na tangi,

Ipagmalaki sa lahat,

Pagkat tayo’y natatangi,

Sa pagmamahal sa bayan,

Ang sugat ng nakaraan,

Ay papahiran ng kamay.

Pag- ibig ko inang bayan,

Sana’y maitayong muli,

Ang ating mga karangalan,

Dala ng pagkakalugmok,

Sa iyong kapighatian,
Na punong- puno ng lumbay.

Kalayaan… sinisigaw,

Kapayapaan…isigaw,

Ang lahi nati’y isigaw,

Pag- iibigan ialay,

Tayong lahat magsigawan,

Dahil tayo’y pantay pantay.

Ito ay alay sa bayan,

Bayan nating minamahal,

Tayo’y dapat magkaisa,

Sa paglilingkod sa bayan,

Dapat may pagmamahalan,

Upang umangat ang bayan.

Minamahal naming bayan,

Buhay nami’y inaalay,

At ika’y ipaglalaban,

Sa lahat ng mga dayuhan,

Kahit ito’y ikamatay,

Hindi mag- aalinlangan…

You might also like