You are on page 1of 4

Francisco Santiago

Pilipinas Kong Mahal


Ang bayan ko’y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay
Tungkulin ko’y gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong hirang

Bayan sa silanga’y hiyas


Pilipinas kong mahal
Kami’y iyo hanggang wakas
Pilipinas kong mahal
Mga ninuno naming lahat
Sa iyo’y naglingkod ng tapat
Ligaya mo’y aming hangad
Pilipinas kong mahal
STEPHEN B. GATMAITAN
Tumutukoy ito sa pagsisilbi natin sa bayang Pilipinas.
Kailangan daw pagsilbihan ang ating bayan nang may
pagmamahal. Hindi lamang natin ito dapat ipagmalaki sa mga
dayuhan at banyaga ngunit kailangan din natin itong protektahan
mula sa mga mang-aapi at mang-aagaw ng lupain.
ANG BAYAN KO'Y TANGING IKAW
PILIPINAS KONG MAHAL
Sinasabi rito na wala ng ibang bayang itinuturing ang may akda
kundi ang minamahal lamang niyang Pilipinas.
ANG PUSO KO AT BUHAY MAN
SA IYO'Y IBIBIGAY
Mahalin ang bayan sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga
produkto nito at huwag Itong ikahiya bilang bayang
pinanggalingan. Maging ang buhay kung kinakailangan ay lalay sa
kanya upang ma protektahan ang mga naninirahan dito at ang
mismong bayan mula sa panggagamit ng mga banyaga gaya na
lamang ng nakalipas na kasaysayan
TUNGKULIN KO'Y GAGAMPANAN
NA LAGI KANG PAGLINGKURAN
Bilang isang Pilipino, gagampanan ang tungkulin bilang isang
mamamayan. Ipagtanggol sa mga mang-aapi upang maipakita ang
paglilingkod bilang ganti sa bayan na siyang nagkanlong sa atin
mula nang tayo ay isinilang.
ANG LAYA MO'Y BABANTAYAN
PILIPINAS KONG HIRANG
Gaya ng ginawa ng mga bayani, hindi nila hinayaang makuha ng
iba ang lupaing kinagisnan nila at iba pang mga ninuno. Nais
ipahiwatig ng kanta na hanggang ngayon, ipaglalaban natin ang
bayang ito
.

You might also like