You are on page 1of 1

“Pagmamahal sa Pilipinas”

Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang


tungkulin ng mga mamamayan sa isang bansa.
Tayong lahat at kahit kabataan ay dapat
magmahal sa kanyang sariling bayan dahil kung
hindi "daig pa natin ang hayop at malansang isda"
kagaya sa sinabi ni Dr. Jose Rizal. Ipagmalaki
natin ang Pilipinas bilang bansang ating tinubuan
saan mang sulok ng mundo tayo ay pupunta.
Mahalin natin ang ating sariling wika at salita.
Tangkilikin at bilhin ang mga produktong gawa sa
ating bayan. Sundin natin ang ating mga magiting
na mga bayani na handang mamatay sa Pilipinas.
Bilang mag-aaral, maipapakita rin natin ang
pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng
paggalang sa watawat at pag-awit ng Lupang
Hinirang sa tamang paraan. Huwag tayong gumaya
sa mga kultura ng ibang bansa dahil meron tayong
sariling kulturang dapat ipagmalaki. Lahat tayo ay
magkaisa at magtulungan sa pagpapaunlad ng
Pilipinas. Ang mga mamamayan sa Pilipinas ay
dapat mayroong disiplina, takot sa maykapal at
dapat nating mahalin ang ating inang bayan
katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili,
pamilya at kapwa.

You might also like