You are on page 1of 2

KANLURANG ASYA

Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral particular na s langis at petrolya.

Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolya sa buong daigdig ang Saudi Arabia, at Malaki na rin ang

produksiyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United Arab Emirates (UAE), Kuwait, at Oman.

Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito ay may natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc,

magnesium, phosphate, at iba pa. Sa Agricultura, nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya ng

trigo at barley sa mga oasis. Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley, palay, bulak, mais,

tabako, at mga prutas. Nangunguna naman ang Iraq sa produksiyon ng dates at dalandan ang

Israel. Paghahayupan ang karaniwang Gawain ng mga naninirahan sa mga lugar na bulubundukin

at sa disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia, at Turkey.

Kanlurang Asya

Ang Kanlurang Asya ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at sa hilagang silangan

bahagi ng Africa. Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar, madalas ang pagkatuyo ng mga

ilog at lawa dahil sa sobrang init at walang masyadong ulan ang nararanasan ditto.

Nahahati ito sa tatlong rehiyong pisikal: Northenrn Tier na lupain ng kabundukan at

talampas, Arabian Peninsula na isang malawak na tangway na pinaliligiran ng iba’t-ibang anyong

tubig ngunit ang loob na bahagi at salat sa tubig dahil disyerto ang malaking bahagi nito, at ang

Fertile Cresent na nagtataglay naman ng matabang lupa at saganang suplay ng tubig. Sa kanluran

ng Northen Tier ay matatagpuan ang Anatolian Plateau na may matabang lupas, samantalang
kabaligtaran naman ito ang Iranian Plateau sa silangang bahagi ng Northen Tier na may lupang

tuyo.

You might also like