You are on page 1of 4

Mulaan ng Batis ng Impormasyon: mapanuring pagpili sa Samo’t saring Batis

Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan para makagawa ng mga pahayag
ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad.
MGA HALIMBAWA NG MGA PINANGGALINGAN NG KATUNAYAN
1. Facts
2. Figures
3. Data/Datos
4. Observation
5. Berbal at Biswal na Teksto
6. Artifact fossil
Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa, facts, and figures at
datos (halimbawa obserbasyon, berbal at biswal na teksto, artefact fossil) na kailangan para makagawa ng
mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad. Ang mga ito ay
maikakategorya sa dalawang pangunahing uri: primera at sekundarya.
DALAWANG URI NG BATIS PRIMARYA AT SEKUNDARYANG BATIS

Ang primaryang batis ay mga original na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa
isang indibidwal, grupo,o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o
penomeno.

Halimbawa ng mga primaryang batis ang sumusunod:


Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa- tao:

1. pagtatanong-tanong
2. pakikipagkuwentuhan
3. panayam o interbyu
4. pormal, impormal, instrukturado o semi-estrukturadong talakayan
5. umpukan
6. pagbabahay-bahay

Mula sa mga materyal na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang elektroniko

1. awtobiyograpiya
2. talaarawan
3. sulat sa koreo at email
4. tesis at disertasyon
5. sarbey
6. artikulo sa journal
7. balita sa dyaryo, radyo, at telebisyon
8. mga record ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon, katitikan ng pulong,
kopya ng batas at kasunduan, taunang ulat, at pahayagang pang-organisasyon
9. orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testamento
10. talumpati at pananalita,
11. larawan at iba pang biswal na grapika
Iba pang batis

1. harapan o online na survey


2. ariefact kagaya ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen pera,
kagamitan, at damit;
3. nakarekord na audio at video
4. mga blog sa internet na naglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon;
5. website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet, at
6. mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting at music video

Ang sekundaryang batis naman ay pahayag ng interpretasyon, opinion at


kritisismo mula sa mga indibidwal, grupo o institusyon na hindi direktang nakaranas,
nakaobserba , o nagsaliksik sa isang paksa o penomeno. Kasama rito ang mga
“account o interpretasyon” sa mga pangyayari mula sa taong hindi dumanas nito o
“pagtalakay sa gawa ng iba” (Hinampas, 32016, p. 51)

Halimbawa ng Sekundaryang batis ang sumsunod:

1. ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagayang editorial, kuro-kurong tudling,


sulat, patnugot at tsismis o tsika.
2. Encyclopedia
3. Teksbuk
4. Manwal at Gabay na aklat
5. Diksyunaryo at Tesoro
6. Kritisismo
7. Komentaryo
8. Sanaysay
9. sipi mula sa orihinal na pahayag o teksto
10. Abstrak
11. mga kagamitan sa pagtuturo kagaya ng Power Point presentation
12. Sabi-sabi
BUOD/SUMMARY

 Ang mga sekundaryang batis ay maaaring maging primaryang batis kung ito ang mismong
paksa ng pananaliksik.

Alinman sa mga sekundaryang batis ay maaaring maging primaryang batis kung ito
ang mismong paksa ng pananaliksik. Halimbawa, ang nilalaman ng tsismis na pang-showbiz
na nalalathala sa mga diyaryo at ang katuturan nito sa buhay ng mga Pilipino ay maaaring
maging paksa ng isang pag-aaral ng diskurso. sa gayon, ang tsismis ay itinuturing na
primaryang batis dahil ito mismo ang susuriin.

 Sa dalawang uri ng batis may binibigyang prayoridad ng isang mananaliksik ang primary
kaysa sekundaryang batis sapagkat ang una ay nanggaling sa aktuwal na karanasan,
obserbasyon, o pagsisiyasat kaya itinuturing na mas katiwa-tiwala kaysa pangalawa.
Sa pangkalahatan, sa dalawang uri ng batis, binigyang prayoridad ng isang
mananaliksik ang primary kaysa sekundaryang batis sapagkat ang una ay nanggaling sa
aktuwal na karanasan, obserbasyon, o pagsisiyasat kaya itinuturing na mas katiwa-tiwala
kaysa pangalawa. Ngunit hindi dapat ipagbalewalang bahala ang alinmang sekondaryang batis
dahil maaaring maghain ito ng kaugnay o alternatibong perpektiba at kabatiran na
magpapatatag sa kaalamang binubuo ng mananaliksik, lalo na kung ang mga ito ay mula sa
kinikilalanag eksperto.
 Batay sa pagsangguni ng isang espesipikong primaryang batis mainam naman ito basta
iwasan lng ang nalathala sa mga tinatawag na predatory journal na hindi kinikilala sa
akademya bilang kapani-paniwala at katiwa-tiwalang sanggunian.
Sa pagsangguni sa isang espesipikong primaryang batis, maging pamilyar sa paalala
ng mga bihasang mananaliksik na gumagamit man nito.Iwasan ang nalathala sa mga
tinatawag na predatory journal na hindi kinikilala sa akademya bilang kapani-paniwala at
katiwa-tiwalang sanggunian.
 Batay sa pagsangguni sa mga sekundaryang batis, iwasan lamang ang tahasang
pagtitiwala sa mga sanggunian na ang nilalaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng
sinuman. Halimbawa sa Wikipedi, sapagkat madali itong puntahan at e edit ang mga
impormasyon. Kung maaari ay mainam rin na sumangguni sa mga teksbuk para sa
pagbabalangkas ng depeinisyon ng mga salita.
Sa pagsangguni sa mga sekundaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga
sanggunian na ang nilalaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman (halimbawa;
Wikipedia) Bagamat madali itong mapuntahan at impormatibo, kailangang tiyakin ng laman
nito sa pamamagitan ng pagsangguni sa iba pang mga batis. Maaari namang sumangguni sa
mga teksbuk sa pagbabalangkas ng depinisyon ng mga salita, lalo na ng mga teknikal na
katawagan.
Sa harapang ugnayan sa kapuwa tao, sinasadya, tinatanong at kinakausap ng
mananaliksik ang mga indibudwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong
sinasaliksik, ang mga apektado nito, nakaobserba rito, dalubhasa rito, o kaugnay nito.
Ilan sa mga kalakasan ng harapang ugnayan ang sumusunod:
1. maaaring makakuha ng agrang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid,
2. makapagbigay ng angkop na kasunod na tanong (follow –up question) sa kanila,
3. malinaw niya agad ang sagot
4. naobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresyon

Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas maraming oras para sa
fieldwork lalo na kung malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga tagapagbatid.
Bentahe naman sa mediadong ugnayan ang:

1. Pagkakataong makausap ang mga tagapagbatid na nasa malalayong lugar sa anumang oras at
pagkakataon kung kalian nila maisisingit ang pagreresponde,
2. Ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang personal ng
mananaliksik angmga tagapagbatid, at
3. Ang mas madaling pag-oorganisa ng datos , lalo na kung may elektronikong Sistema
na ginagamit ang mananaliksik sa pagkalap ng datos (halimbawa: mga online survey tools,
digital transcriber, video analysis software, computer assisted qualitative data analysis)

Kailangan ng matibay na dahilan sa pagpili ng mga tagapagbatid sa kwantitatibong


disenyo ng pananaliksik. Kadala’y hangad ang random na pagpili ng kalahok lalo na kung
hangad ang paglalahat mula sa sample ng isang populasyon. Sa kwalitatibong pamamaraan
naman, pakay ang dibersidad sa katangian ng mga tagapagbatid, maliban kung kahingian
sa pananaliksik ang pagkakatulad ng isa o ilang partikular na katangian ng mga paksa.

You might also like