You are on page 1of 6

Ito ang bayan ko

Ito ang bayan ko:


Pitong libong pulong kupkop ng Bathala,
ngunit dinuhagi at sinamantala ng mga banyaga;

Lipi ng magiting na mapaghimagsik ang puso at diwa,


Unang Republikang sa dulong silanga’y nagtamo ng laya;
Ito ang bayan ko: sumilang sa dugo’t nabuhay sa luha
At pinagsawaan ng lahat ng biro’t hampas ng tadhana!

Ito ang bayan ko:


Dagatan, lupaing may sapat na lawak, bundok na mamina,
Bukiring matanim at maisdang dagat…

Sa lahat ng itong alay ng Bathala ay nagging marapat at maituturing na lupang hinirang at


lubhang mapalad…
Ditto, ang ligaya sa lahat ng dako’y biyayang laganap,
Ngunit kailangang dukali’t hukayin ng sikhay at sipag.

Ito ang bayan ko:


Pinanday sa dusa ng mga dantaon, hinampas ng bagyo,
Nilunod ng baha, niyanig ng lindol;

Dinalaw ng salot, tinupok ng poot ng digmaang maapoy,


Sinakop ng Prayle, inagaw ng Kano, dinahas ng Hapon;
Ngunit patuloy ring ito ang bayan ko nakatindig ngayon,
Sa bawat banyaga’y magiliw ang bating “Kayo po’y magtuloy.”

Ito ang bayan ko:


Puso ma’y sugatan ay bakal ang dibdib,
Bawa’t naraana’y isang karanasa’t isang pagtitiis…
Ito ang bayan ko

Taas-noo ngayon sa pakikiharap sa buong daigdig, sapagkat sa kanyang sikap na sarili ay


nakatindig…
Ito ang bayan ko: bunga ng nagdaang mga pagkaamis, matatag ang hakbang, patungo sa isang
bukas na marikit.

Ito ang bayn ko;


Ang bayan ko’y ito.
Ipinaskil ni Arnel B. Mahilom sa Huwebes, Setyembre 09, 2010
Mga etiketa: Deklamasyon
Walang Ganiyanan
Alison Madamdamin

Sige, isisi mo lahat sa pamahalaan


Wala ka ba talagang ginawang kasalanan?
Iisang presidente, milyon-milyong katao
Iisang bansa, pero iba’t ibang reklamo!

Aasahan nalang ba natin ang namumuno?


Tumingin ka sa salamin, tignan mo ang sarili mo;
Wala ka bang bakas ng katamaran?
May nagawa ka na ba para sa lupang sinilangan?

Kung nakikita na nating may mali sa paligid,


Ano pang silbi natin at tayo’y may paa’t kamay?
Palibhasa’y ang sandata’y galaw ng bibig,
Bulag ang mata; kita lang ang hirap ng buhay!

Ito mismong pagdakdak ang walang tinutunguhan,


Pagkatapos non, ano na?
Tapos na ang gawain mo bilang mamamayan?
Ang galing nga naman ng tinuturo sa kabataan!

Tititigan nalang ba natin ang ginagawa nila?


Hihintayin nalang ba natin ang pagbabago?
‘Wag kang tumunganga diyan, kumilos ka!
‘Wag ganiyan at meron pang pagasa.
Ipinaskil ni Arnel B. Mahilom sa Sabado, Setyembre 11, 2010
Mga etiketa: Deklamasyon

You might also like