You are on page 1of 2

Ating Karangalan, Lupang Sinilangan

Kaunlara't pagbabago, sigaw ng marami,


Opisyal na nakaupo ay rumarami,
Mga kasinungalingan pilit na itinatanim,
Saksi ang maykapal sa dila niyong matalim.

Sugpuin mga taong makasarili't sakim,


Katotohanan ang dapat itanim,
Patayi't sugpuin pangungurakot sa kaban ng bayan,
Bunuti't puksain mga salot sa lipunan.

Kabataan na pag-asa ng bayan,


Lumaban kayo't ipagtanggol ang bayan,
Upang kislap ng pagbabago ay ating masilayan,
Dahil ang bansang to'y ating karangalan, lupang sinilangan.

Lahat ng mga kabataan ay pag-aralin,


Kinabukasan ng mga bata'y karapat-dapat unahin,
Kaligtasan nila'y dapat pagtuunan ng pansin,
Sapagkat sila ay kinabukasan natin.

Halina at tayo ay magtulugan,


Kapit bisig sa pagharap sa laban,
Ikaw, ako, at sila, ay iisa,
Isang lahi, isang dugo,
Isa sa labang ito
Labang Filipino...
Ningning ng Gabi
Kay sayang pagmasdan ng mga matang nagniningning,
Tila mga bituing kumikislap sa gabing tingin,
Mga pailaw na nagbibigay kulay sa gabi,
Isang tingin lang alam mong may kasiyahan sa tabi.

Mas lalong tumingkad ang kulay nating Filipino,


Salamin nito ang ating pagiging Pilipino.
Makulay na kasuotang bumabalot sa kadiliman ng gabi,
Pinapawi nito ang lumbay ng mga taong malungkot ang labi.

Ningning ng pag-asa ay nadarama sa aking puso,


Sana walang taong may pusong mapanlinlang at tuso,
Nang sa gayo'y tayo'y maging isa sa laban na ito,
Laban ng pagmamahal natin sa ating inang bayan.

Sana’y dingin mga palahaw na iyak ng mga pusong bigo’t wasak,


Bigyan sila ng isang matiding pagsusumamo’t yakap.
O’inang bayan, kami’y pagkalooban mo ng iyong handog,
Aming kaalaman at kasarinlan ay gawing mong bantog at wag hambog.

You might also like