Professional Documents
Culture Documents
Panahon NG Isinauling Kalayaan
Panahon NG Isinauling Kalayaan
Sumigla muli ang panitikan sa Pilipinas. Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya,
kalupitan ng mga Hapon. Kahirapan ng pamumuhay noon at iba pa. Nabuksang muli
ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera.
Naitatag iba’t ibang pangkat na nagbigay ng gantimpala sa mga manunulat gaya ng ang
Palanca Memorial Award in Filipino and English Literature noong 1950, Gawad ni
Balagtas Award, Republic Cultural Heritage Award, Gawad Surian ng Wikang Pambansa.
Dalawang pangkat ng mga manunulat ang sumibol sa panahong ito. Ang makalumang
makata at ang makabagong mga makata.
Makalumang Makata Makabagong Makata
ANG PANDAY
Pagmasdan mo irog
Hayun naghihintay mula pa kanina-
Ako ang gagaod, ikaw ang aawit
Mutyang prinsibini,
Sasaliwan tayo ng kalawkaw-tubig;
Kung kita’y limutin, buhay ko’y paano? Kung kapos ang palad,
Kamataya’y langit – na makalilibo!
Pahirin na ngani sa nimintang diwa, ang sugat ng puso,
ang lagim ng dusang lason sa siphayo
Si Ponciano B. Peralta Pineda ay isang manunulat, guro, linggwista at abogado. Itinuring si Ponciano
Pineda bilang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon
batay sa Seksiyon 9 ng ating Saligang Batas. Siya ay naging direktor ng Komisyon sa Wikang Filipino na
dati ay Surian ng Wikang Pambansa sa taong 1971 hanggang 1999. Sa ilalim ng kanyang pamumuno,
sinimulan ni Pineda ang mga sosyo-linggwistikong pananaliksik, na layong palaguin ang wikang
pambansa. Isa na rito ang patungkol sa repormang ortograpiya ng wikang Filipino. Sa ilalim ni Pineda ay
may malaking pagbabago sa mga patakaran ng wika: ang bilingual na edukasyon sa taong 1974; Filipino
bilang pangunahin at pambansang wika sa 1983 ng mga Pilipino; at alpabetong Pilipino na binubuo ng 28
titik sa 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan.
Abakada’y Ibinawal
Ipinasiyang mga mangmang
Ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay
At naging alipin ang bayan kong irog
Mailoko, ma-bisya, ma-kamampangan, ma-tagalog
Ito tayo
Pilipino
At sa halip, sa halip
Pinalitang Lahat-laht
Gobyerno, relihiyon, ugali at kultura
Kinastila itong dila pati na puso
Edukasyon ay hulog ng langit
Mga tao ay dumunong sa pagbasa at pagsulat
Kastilaloy ang panturo, kastilaloy ang balangkas
At yumabong
Ilokano’y Ilokano
Kapampanga’y Kapampangan
Bikolano’y Bikolano
Pangasina’y Pangasinan
Datapuwa’t sa sansaglit
Pagsasarilii ay inagaw ng malakas
Ilokano’y Ilokano
Kapampanga’y Kapampangan
Bikolano’y Bikolano
Pangasina’y Pangasinan
GITING NG BAYAN
ni: Francisco Soc Rodrigo
akala ni marcos ay pampalagiang
kaniyang mabobola’t mapaglaruan
ang dating maamo at sunod-sunurang
mga matiisin taong bayan
salamat sa dios ngayon ay gumising
itong baying nating waring nahihimbaing
salamat ngayo’y sumiklab ang giting
nitong bayng dati ay inaalipin
kaya nama’t ngayon ay taas noo
nating Pilipino sa harap ng mundo pagkat tayo’y laang magsakripsyo
sa ngalan ng laya ng tama’t totoo
PAG-USBONG NG ISLOGAN
Isa sa mga bagay na maaalala sa panahong ito ang pag-usbong at paglaganap ng islogan. Ilan sa
mga halimbawa ng islogan sa panahong ito ay ang mga sumusunod:
“Magplano ng pamilya
Nang buhay ay lumigaya”
“Tayo’y magtanim
Upang mabuhay”
Ang “Anák” ay isang awiting Tagalog na isinulat ni Freddie Aguilar. Kabilang ito sa mga nominado para sa kauna-
unahang Metropop Song Festival sa Maynila noong 1977. Dahil sa kantang ito, nagkaroon ng kontrata si Aguilar
sa VICOR, ang nangungunang record label noon sa Filipinas. Nagkaroon ng mahigit 100 cover versions, 27
salin, at inilabas sa 53 bansa, at nakabenta ng 30 milyong kopya. Tungkol ito sa isang anak na inalagaan ng
kaniyang mga magulang noong sanggol pa lamang na kalaunan ay napariwara ang buhay.
ANAK
Ni: Freddie Aguilar
Noong isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng
magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo’y di Malaman ang
gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay Sa
pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama’y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo Ngayon nga ay
malaki ka na
Nais mo’y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago Naging
matigas ang iyong ulo
At ang payo nila’y sinuway mo.
TL AKO SA IYO
Ni: Cinderella
Ewan ko ba kung bakit type kita
Di ka naman guwapo
Kahit malabo ang pagpili ko
T.L. ako sa 'yo
Panay kantiyaw ng mga ng utol ko
Dehins ka raw bagay sa kagandahan ko
Malabo na ba raw ang mata ko
At na-T.L. ako
Ganyan liko-liko ang takbo ng isip ko
Sabi ng lolo may toyo ang utak ko
Sabi ng lola ay humanap ng iba
May porma't mayaman, T.L. wala naman
Ewan ko ba kung bakit type kita
Di ka naman guwapo
Kahit malabo ang pagpili ko
T.L. ako sa 'yo
Ganyan liko-liko ang takbo ng isip ko
Sabi ng lolo may toyo ang utak ko
Sabi ng lola ay humanap ng iba
May porma't mayaman, T.L. wala naman
Ewan ko ba kung bakit type kita
Di ka naman guwapo
Kahit malabo ang pagpili ko
T.L. ako sa 'yo T.L. ako
sa'yo
Ikaw ang true love ko
a. Ang tula ay may angking iwing katangian at kabuuan. Lumikha ito ng sarili niyang daigdig.
b. Malaya ang makata na baguhin ang istruktura ng pangungusap, may lisensiyang gawin ito.
c. Gumamit ang makata ng sariling jargon o talasalitaan.
d. Isipin at unawain ang tula sa iba’t ibang dimensiyon, biswal, pandinig, pandama, panlasa at iba pa.
e. Ang ganda ng tula ay napapayabong sa pamamagitan ng iba’t ibang pagpapakahulugan.
A. TINIG
Mahalagang puhunan ng isang mambibigkas ang tinig. May ilag katangian ang tinig na nagkakaiba-
iba sa bawat tao. Iyan ay ang taas o baba ng tinig, ang diin at ang uri ng tinig. Ang wastong gamit
ng tinig ay kailangan sa pagbigkas ng ulat o talumpati. Ang malabong pagsasalita ay makasisira sa
bisa ng tula o talumpati.
Ang paglakas o paghina ng itnig ay dapat iayon sa diwa ng tula. Ang tanging tinig dapat ding ibagay
sa damdaming ipinahahayag. Ang tulin ay iniaayon din sa diwang isinasaad. Ang mahalagang
bagay sa tula ay dapat bigkasin nang mariin at marahan upang bigyan ito ng diin at pagkakataon
ang tagapakinig na maunawaan itong mabuti. Kung bahagi ng tulang nagsasaad ng sunod-sunod
na mabilis na pangyayari, bigkasin ito nang may katamtamang bilis upang ipahayag ang mabilis na
pangyayari.
B. TIKAS
Ang tikas ay nakikita sa tindig, pagkilos ng katawan at pagkumpas ng mambibigkas nang maginhawa
at maluwag. Ang katauhang pantanghalan ng mambibigkas ay agad na naipakikilala ng kanyang
tikas, ng kanyang maayos na pagtindig. Ang bigat ng katawan kung minsa ay dapat na nakasalalay
sa nauunang paa, ngunit kapag patag ang tindig, ang bigat ay dapat ilagay sa dalawang paa.
Matuwid ang katawan at ulo, hindi hukot subalit iwasang maging military.
C. HIKAYAT
Ang isang mabuting mambibigkas ay nakikilala sa lakas ng kanyang hikayat sa madla. Ang asal at
kilos ng mambibigkas sa ibabaw ng entablado ay mahalaga. Sinusuri ng tagapakinig ang
katapatan at pagiging magili ng mambibigkas. Kung ang kanyang asal at kilos at nakapasa sa
pagsusuri magkakaroon ng magandang reaksyon ang madla sa mambibigkas, nakikiisa, sa kanya
ang madla at ito’y nakikilala sa pagpalakpak, pagtawa, masusing pakikinig o ganap na
pananahimik.
D. GALAW NG KATAWAN
Ang galaw ng buong katawan ang pagtuunan nating una; ang galaw ng kamay ay tatalakayin sa
ilalim ng pamagat na kumpas ng kamay. Ang bawat galaw ng mambibigkas sa ibabaw ng
tanghalan ay nakatawag ng pansin ng madla, kaya’t hindi dapat na maging labis na magalaw.
Kailangang ang galaw ay natural at hindi pilit o di kaya ay artipisyal.
Ang bawat galaw ng mambibigkas ay may kahulugan. Ang hakbang na pasulong halimbawa ay
nagsasaad na may isang mahalagang kaisipang babanggitin ng mambibigkas. Iwasan ag labis na
pagiging magalaw. Hindi magandang tingnan ang pagpapabalik-balik sa kaliwa at kanan ng
tanghalan sa unahan at sa dakong likuran ng tanghalan. Nawawalan ng konsentrasyon sa
pakikinig ang madla. Ang labis na pagkamagalaw sa tanghalan, lubha pa at hindi naman kailangan
ay nakatutulong sa pagbaba ng hikayat ng mambibigkas sa madla.
E. KUMPAS NG KAMAY
Malaki ang naitutulong ng wastong kumpas sa masinig at mabisang pagbigkas ng tula. Nakatutulong ito sa
pagpapaigting ng damdaming isinasaad ng tula. Tandaang ang kumpas ay nagiging mabisa kung angkop at
nasa lugar. Ang mabuting kumpas ay maluwag at maginhawa. Ito ay natural, hindi pabigla-bigla. Ang bisig
ay hindi parang naninigas. Hindi rin naman iyong kumpas ng kaliwa, kumpas ng kanan, kumpas ng kaliwa,
kumpas ng kanan na tila sumasayaw o lumalangoy.
f. Ang tula ay may angking iwing katangian at kabuuan. Lumikha ito ng sarili niyang daigdig.
g. Malaya ang makata na baguhin ang istruktura ng pangungusap, may lisensiyang gawin ito.
h. Gumamit ang makata ng sariling jargon o talasalitaan.
i. Isipin at unawain ang tula sa iba’t ibang dimensiyon, biswal, pandinig, pandama, panlasa at iba pa.