You are on page 1of 1

Deklamasyon

Ito Ang Bayan Ko


ni David San Pedro

Ito ang bayan ko:


Pitong libong pulong kupkop ng Bathala,
Ngunit dinuhagi at sinamantala ng mga banyaga;

Lipi ng magiting na mapaghimagsik ang puso at diwa,


Unang Republikang sa dulong silanga’y nagtamo ng laya;
Ito ang bayan ko: sumilang sa dugo’t nabuhay sa luha
At pinagsawan ng lahat ng biro’t hampas ng tadhana!

Ito ang bayan ko:


Dagatan, lupaing may sapat na lawak, bundok na namina,
Bukiring matanim at maisdang dagat…

Sa lahat ng itong alay ng Bathala ay naging marapat at maituturing na lupang hinirang at lubhang
mapalad…
Dito, ang ligaya sa lahat ng dako’y biyayang laganap,
Ngunit kailangang dukali’t hukayin ng sikhay at sipag.

Ito ang bayan ko:


Pinanday sa dusa ng mga dantaon, hinampas ng bagyo,
Nilunod ng baha, niyanig ng lindol:

Dinalaw ng salot, tinupok ng poot ng digmaang maapoy,


Sinakop ng Prayle, inagaw ng Kano, dinahas ng Hapon:
Ngunit patuloy ring ito ang bayan ko nakatindig ngayon,
Sa bawat banyaga’y magiliw ang bating “Kayo po’y magtuloy.”

Ito ang bayan ko:


Puso ma’y sugatan ay bakal ang dibdib,
Bawa’t naraana’y isang karanasa’t isang pagtitiis…
Ito ang bayan ko.

Taas-noo ngayon sa pakikiharap sa buong daigdig, sapagkat sa kanyang sikap na sarili ay


nakatindig…
Ito ang bayan ko: bunga ng nagdaang mga pagkaamis, matatag ang hakbang, patungo sa isang
bukas na marikit.

Ito ang bayan ko;


Ang bayan ko’y ito.

You might also like