You are on page 1of 3

Sa pagsisimula ng unang araw ng Agosto ay syang pagbubukas rin ng programang Brigada

Eslwela na may temang “Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik Aral” kaya naman
ang lahat ng guro ng bawat paaralan ay nakiiisa sa pagbubukas ng programang ito. Isa sa mga
dapat na pagtuunan ng pansin ay ang pagbasa, kaya naman ang Departamento ng Filipino mula
sa Bilaran National High School ay nagsagawa ng “Brigada Pagbasa” kung saan ay nagpabasa
ng mga mag-aaral na mula sa Baitang 7 hanggang Baitang 10. Ang mga mag-aaral na ito ay
mga mag-aaral na nag-eenrol sa araw din ng pagbubukas ng unang araw ng Brigada gayon din
sila ay tumutulong sa mga guro sa paglilinis at pag sasaayos ng paaralan, kaya naman nabigyan
ng pagkakataon ang Departamento ng Filipino na makapagsimula ng kanilang pagpapabasa sa
mga mag-aaral. Sa pangunguna ng Brigada Pagbasa Koordineytor na si Gng. Jean Janna P. Rox-
as kasama ang kaniyang mga kasamahan sa departamento ay kanilang naisagawa ang unang
araw ng pagpapabasa sa mga mag-aaral.
Sa Baitang 7 ay nagkapagpabasa ng anim (6) na mag-aaral. Ang ilan sa mga ito ay medyo
nahihirapan sa pag-unawa ng kanilang binasa at ang ilan naman ay maayos at mataa ang
nakuhang iskor sa mga katanungan.

Samantala sa Baitang 8 naman ay mayroong limang (5) mag-aaral ang napabasa at lahat
sila ay nakakabasa ng maayos at higit na marami ang nakakaunawa sa kanilang binasa.
Sa Baitang 9 naman ay mayroon lamang tatlong (3) mag-aaral ang napabasa ang ilan sa ka-
nila ay hirap din sa pag-unawa sa kanilang binasa ngunit lahat ay nakakabasa ng maayos.

At sa Baitang 10 naman ay mayroon ring limang (5) mag-aaral ang napabasa kung saan la-
hat sila ay maayos na nakakabasa ngunit may ilan ring hirap sa pag-unawa ng kanilang
binasa.
Dahil na rin sa naging resulta ng unang pagpapabasa ng mga guro sa ilang mag-aaral,
lalong higit na bibigyan pansin ang pag-unawa sa binasa upang lalong maging epektibo at
malaya sa pagbabasa ng Wikang Filipino ang lahat ng batang Pilipino bago sumapit ang
pagbubukas ng pasukan.

You might also like