You are on page 1of 2

“KABATAANG MAY BUKAS SA BAYAN”

Para sa kabataang pinanganganiban,

Sa pag-ibig niring kapalaran,

Panahon may makalimot,

Sa lubhang damdamin ikinalabog.

Kabataang may bukas sa bayan,

Ang siyang tatayo ng kalayaan,

Pagod moy halagahan,

Ibig tumarok pakikinabangan.

Kahit ano man ang ipinagdaraanan,

Babangon muli para sa mabuting kinabukasan,

Tayong lahat magtulungan,

Para sa ikabubuti ng ating bayan,

Marami mang ipinagdaraanan ngayon,

Huwag kalimutan na magdasal sa panginoon,

Kahit ano man ang mangyari,

Sarili mo lang ang iyong kakampi

Di hinihinging pakamahalin mo,

Huwag mo lamang baguhin ang berso,

Mahalin ang bayang sinilangan,

Huwag tumangkilik sa ibang bayan


“Wikang pinagmulan”
Wikang filipino, wikang kinagisnan
Wikang unang natutunan
Lubos na mahalin, Wag’ pabayaan
Ating ipaglaban, ipakita ang katapatan

Mahalin ang wikang pinagmulan


Para sa ikakabuti ng ating bayan
Wikang kay akit-akit
Huwag sa iba’y nakikikapit

Mahalin ang sarling atin


Ipagsigawan at ibahagi din
Wikang ipinaglaban, alagaan
Wag’ ipagtatabuyan

Wikang filipino, unang wika


Unang aking sinalita
Hindi nahihiyang natutunan
Ang aking wikang pinagmulan

You might also like