Professional Documents
Culture Documents
Tulang Walang P
Tulang Walang P
Isa
Dalawa
Sa bawat hinanaing
Na hindi mo dininig
Tatlo
At sa aking paglingon
Apat
Ayaw ko na
Gusto ko ng tumakas
Gusto ko ng lumayo
Gusto ko ng umusad
Mula sa pagkakadapa
Ayaw ko ng makulong
Titigil na ako
Gusto ko ng umuwi
Wala ng lungkot
At 'di na babalik
Ayaw ko na.
Na ang dahilan
Ay ang paglisan mo
Ako na umaasa
Na sa pagdating ng LIMA
Ay magkakaroon ng tayo
TAYO na kailanman
Ay hindi mo ipinangako
Kaya sa pang-ANIM
Heto ako
Kakanta ng
WALA SA LIKOD
WALA SA HARAP...
AY AALIS NA AKO