You are on page 1of 2

Ang nararamdam mo ay nararamdam ko rin!

Ni: Jhomari Antonio

Sa tuwing aking naaalala,


Mga kahapong kaysaya,
Sama- samang,
Nagbibiruan at nagtatawanan.

Ngunit, isang iglap,


Lahat ay nagbago,
Lahat ay naglaho,
Lahat ay lumayo.

Ang sakit at kirot,


Na inyong nararamdaman,
Ay nararamdaman ko rin;
Ang puso ko’y nadudurog.

Ano ang aking magagawa?


Ako'y inyong iniwan,
Iniwan kung saan,
Ang puso ko'y luhaan.

Ako'y naluluha,
Pagkat mahalaga kayo sakin,
Sa paglipas nang araw,
Na hindi kayo kapiling.

Hindi makatulog,
Sapagkat kayo'y malungkot,
Ang tumatakbo sa aking isipa'y,
Daing at panibugho.

Ako'y hindi makatulog,


Pagkat kayo'y iniisip,
Sa kung anong puwedeng gawin,
Sa inyo, mga giliw!

Nag- aalangang lumapit,


Pagkat may kaba sa dibdib,
Gustong lumapit,
Ngunit namimilipit.

Tinatanong ang sarili,


Kung saan nagkulang?
Sana'y magbalik na,
Ang dating giliw.

You might also like