You are on page 1of 1

Sa Memorya na Lamang

Akda ni:Paul Justyn C. Alojado

Aking sinta, iyo bang natatandaan?,


Ang istoriya ng ating kabataan?,
Kuwentuhan hanggang madaling araw,
Kung saan ikaw lagi ang natatanaw,

Bata palamang nang yumaon si itay,


Nalungkot, Umiyak, Nawalan ng malay,
Ikaw ay nariyan upang magpatahan,
sa mga luhang masakit ng lubusan,

Nalaman kong may nanakit sa iyo,


Kaya’t agad kong binigyang pansin ito,
Biglaan lamang na aking napagtanto,
Naramdaman ko saiyo ay totoo,

Narinig nila iyong pinagdaanan,


Naawa sila at tumulong nalamang,
Nakangiti nang tayo’y maghiwalay,
Na may pasasalamat na iyong taglay,

Aking sinta, naaalala mo pa ba?,


Noong panahong Ika’y nabubuhay pa?,
Nalaman ko nalang na yumaon ka na,
Nang sinabi ko na ako’y aamin na,

Kakalampas lamang ng dalawang taon,


Bago ang gusto, ngunit ugali’y pantay,
Di malilimutan ang pinagsamahan,
Narito ka, Sa Memorya na Lamang.

You might also like