You are on page 1of 1

Paalam

Ni: Neptune Mamucud


Isang taon ng pagdurusa, at aking pagluluksa;
Sa iyong pagkawala puso`y nangulila
Ang puso kong naiwan hanggang ngayo`y sugatan
Pilat ng kahapon aking di malilimutan.
Mga alaala mong, iniwan sa isipan
Mananatiling sandigan magpakailanman,
Sa katapusan ng walang hanggan;
Mananatili tayong matalik na magkaibigan.
Sa mga panahong lutang ang isipan,
Aking nadaragit ang ating nakaraan
Mga kalokohan hanggang sa mapagalitan,
Ako`y napangiti ng di namamalayan
Mabilis ding nawala ang sayang nadarama
Nang aking natalima ang tunay na riyalidad
Na ang iyong pagpanaw ay dahil sa akin,
Sa iyong pagtulong ikaw ang nasawi.
Patuloy pa rin ang aking pagtdurusa
Sa isang idlap bigla kang nawala,
Matagal ko ng kinikimkim ang aking damdamin,
Na ako`y sayo`y may lihim na pagtingin.
-Paalam aking mahal.

You might also like