You are on page 1of 2

 

 Tula para sa kaibigan

Aking kaibigan gusto kitang aliwin


Pagkat alam kong may tampo ka sa akin
Sa oras na iyon ako’y unawain
Pagkat sasakit lang ang iyong damdamin
 
Basta lagi mo lang sanang tatandaan
Ang mga kwento mo’y handa kong pakinggan
Ang ‘di ko pagdating ay nagkataon lang
Kaya pasensya kung ako’y inasahan
 
Ramdam ko ang pag-intindi mo sa akin
Lalo na sa braso kong idinadaing
usto mo pang ngang gamutin at hilutin
!indi ba’t ang sarap sa iyong maglambing"
 
Ang araw na ‘yon ‘di ko binalewala
Alam kong malawak ang ‘yong pang-unawa
Ang puso’y may lakip na pagtitiwala
Ang ala-alang ‘yan ‘di ko iwawala
 
Kay rami na ng ating pinagsamahan
Ala-alang nakatatak sa isipan
#ga tampuhang tampororot lang naman
$akakatuwa% sarap sa pakiramdam&
Rate this'

You might also like