You are on page 1of 1

Malayo

Palagi kong tinitingnan ang oras,


Kahit alam kong madalas ako’y huli na.
Di namalayan ako pala’y nakaposas,
At ang palaso’y sa puso ko’y pumana na.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa?


Kase hanggat maaari alam kong ayaw ko pa,
Iniisip ko nga kung isa ba itong sumpa?
Dahil ako naman itong lutang na lampa,

Na biglaang bumagsak at nadapa.


Hindi mo sinalo at unti-unting bumagsak sa lupa.
Nakaramdam ako ng sakit saking pagkakadapa,
At unti-unti na ring bumagsak ang luhang ayaw humupa.

Napapaisip rin ako kung bat di ko man lang namalayan


At hindi ko rin alam kung bat palagi kang andiyan.
Nagpatuloy ang ating kwentuhan at tawanan.
Ayan tuloy, mas lalo kong hindi napigilan na ikaw ay hangaan.

Habang tumatagal lalo lang akong nahuhulog.


Inaamin ko rin na hindi ko gusto ang aking nararamdaman.
Dahil alam kong sa ating dalawa, ako lang naman yung nahulog.
Kaya pilit kong tinatanggap dahil alam at ramdam ko naman.

Pero ewan ko ba kung bakit ka ganyan.


Minsan pakiramdam ko gusto mo rin ako.
Pero bakit mo ako hinayaan?
Oh baka sadyang traydor lang talaga ang puso ko.

Kaya naman kahit paulit-ulit kong itanggi


Di ko maipagkakailang ikaw lang ang tinatangi.
Ngunit sa isipan ko’y isang bagay ang sumagi,
Nalaman kong minamasdan pala kita ng palihim palagi.

Ngunit naalala ko lang, sino ba naman ako sa buhay mo?


Dapat alam ko na hanggang dito lang ako,
Dahil isa lang naman ako sa mga tagahanga mo.
Malayo at malabong ako’y mapansin mo.

You might also like