You are on page 1of 2

Apat na Anyo ng Sabayang Pagbigkas

1. Ang Pagbabasang may Madamdaming Pagpapakahulugan

-Isang uri ito ng madamdaming pagbabasa ng isang pangkat sa isang piyesa. Imunumungkahing idikit ang
piyesa sa isang polder na matigas at may iisang sukat.

2. Ang Sabayang Bigkas na Walang Kilos

- Dito ay saulado ang piyesa.

- limitado lamang ang gawain/kilos ng koro maliban sa pagbibigay damdamin sa pamamagitan ng


angkop na tinig, ekspresyon ng mukha, mga kibit ng balikat, payak na kumpas ng kamay, mga iling at
tango ng ulo.

3. Ang Sabayang Bigkas na may Maliliit na Angkop na Kilos

- Sa uring ito ng gawain, ang piyesa ay magkakaroon na ng higit na pagkamasining na pagpapakahulugan


sapagkat bukod sa mahusay at madamdaming pagbigkas ay may kaangkop na kilos at galaw na maaring
isahan o pangkatan (blaking) upang lalong mabigyang diin at kulay ang mensahe ng mga salita, linya o
taludturan.

4. Ang Madulang Sabayang Pagbigkas o ang tinatawag na mga PETA Tula-Dula.

-Tinatawag din itong ganap na dulaan o total theatre. Ito ay isang uri ng madulang bigkasang pangkoro
na gumagamit ng panlahatang pagtatanghal teatro – isang tulang isinadula; may tauhang gumaganap,
may korong tagapagsalaysay, nilalapatan ng angkop na kasuotan, angkop na tunog, musika, awitin,
sayaw, pag-iilaw, mga tanawin, kagamitan o props, atbp.

Ang sabayang pagbigkas ay isinasagawa ng isang pangkat or isang grupo kung saan ang piyesa ay
sabayang binibigkas nang madamdamin at malakas. Iba't ibang tinis o haba ng boses ang pinagsasanib
ng bawat mambibigkas upang lumikha ng masining at kawili-wiling interpretasyon ng binibigkas.

Sinasangkapan din ito ng angkop na kilos o galaw, ekspresyon o damdamin, kasuotan, kagamitan, at
maging tunog at musika.
Mga Uri ng Pagsasaayos para sa Panabayang Pagbigkas

1. Antiponal – Ang pangkat sa uring antiponal ay hinahati sa dalawa ayon sa tinig; mataas at mababa o
malaki at maliit o lalaki at babae.

2. Refrain – Pinakapayak ang uring refrain sa pagsasaayos at angkop para sa mga nagsisimulang
bumigkas nang panabayan. Ang akda ay pinaghati-hati.

3. Line-A-Child – Gumagamit ang uring line-a-child ng maraming soloista na ang bawat isa ay may
kanya-kanyang bibigkasin.

4. Part Arrangement – ang uring part arrangement ang pinakamahirap isaayos ngunit ito ang
pinakakawili-wiling pakinggan. Ang bawat tinig ng korista ay inuuri ayon sa taas o baba (pitch) at laki o
liit (timbre) gaya ng halimbawa ng sumusunod: lalaki – tenor, baho; babae – soprano, alto.

5. Unison – Sabayang bigkas ng buong pangkat ang akda. Angkop itong gamitin sa mga tulang hindi na
kailangang pagbaha-bahaginin para sa iba’t ibang mambibigkas, tulad ng mga tula o akdang wala
namang usapan o diyalogo.

You might also like