You are on page 1of 2

Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo?

sayo pako nagkagusto?


bakit sa dinami dami ng lalaki jan sa tabi tabi
sayo pa ko tumabi?
bakit?
bakit sayo pa ko nagpapaktanga?
napapakatanga ng ganito?
para sa isang tulad mong
hindi kayang suklian ang pagmamahal ko?
Bakit?
Siguro dahil?
iba ka?
kakaiba ka?
pero siguro dahil.
Gusto kita.
Hindi.
Siguro dahil
mahal na kita.
Pero bakit sayo pa?
bakit sayo pa, nagkagusto ang isang tulad ko?
bakit sayo pa?

nakakalito.
di makakuha ng tamang sagot.
sa lahat ng imahinasyon kung bakit sayo pa?
sayo pa ko nahulog ng ganito.
sobrang babaw ko.

kasi alam mo bakit?


kahit ilang beses mo pa kong ipagtulakan sa iba.
sayo at sayo pa rin ako bumabalik
di ko alam... kasi sa tuwing lumalayo ka.
yung puso ko, parang inaakit mo papalit sayo.

bakit ganun?
kung kelan alam ko ng wala ng pag-asa para sating dalawa
saka mo ko hinihila pabalik sayo.
kung kelan kaya ko ng mapag isa
saka mo ko tatabihan sa silya.
bakit sa tuwing bumabalik ka...
yung puso ko nagiging marupok.
marupok nanaman
marupok na handang magpakatanga.
magpakatanga sa tulad mong paasa.

Ano ba, tadhana?


hindi pa ba sapat lahat ng sakit na binigay at pinaramdam mo sakin?
tama na....
ayoko ng maging tanga.
dahil patapos na,
dahil paubos na,
ang tinta ng ballpen ko,
sa isang huling kapirasong papel,
wala na.
tapos na.
ayoko na.
tama na pagiging tanga.
gusto ko ng mapag-isa.
mapag-isa sa lahat ng sakit.
sa lahat ng nang-aakit,
tama na.,
dahil nagising na ang isang tanga.
sa istoryong purong kasinungalingan.
sa lahat ng mga pangako,
sa lahat ng pagpapakilig.
lahat lahat, wala palang katotohanan
dahil walang parorounan ang isang storyang ito.

nakakatawa...
nakakatawang isiping,
nagpakatanga ako sa isang tulad mong paasa.
gano man kasakit, ay pilit na gagamutin.
dahil deserve ng kahit sinong taong maging masaya,
ano man ang nangyari noon.
dahil walang gamot sa pusong nagdurusa
kundi panahon.

You might also like