You are on page 1of 2

Isa, tanging isang rosas ang kapalit kung bakit ang puso ko ay nagawa mong iposas.

Nahulog ako
sayo ng walang habas, sobrang saya walang katumbas, pangako mamahalin kita katulad ng
pagmahal ng bigas, pangako mamahalin kita hanggang wakas, ay mali pangako mamahalin kita ng
walang wakas at pangako itong pag ibig ko sayo ay hinding-hindi kukupas. Dalawa, dalawang gitara
kasama mo ang iyong barkada, ako ay inalayan niyo ng harana, Pakiramdam ko tuloy isa akong
ulirang pilipina, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ang puso ko sayo ay hulog na hulog na. At
hindi na nakakapagtaka kung bakit ang puso ko sayo ay nahulog na, bumaon pa. Tatlo, tatlong taon
na tayo, tatlong taon nang mayrong tayo, tatlong taon ng mayrong ikaw at ako, tatlong taon na ng
bumubuo tayo ng sariling nating mundo, tatlong taon na na lumalaban tayo pareho at tatlong taon na
pero bakit naisip mo pang mangloko? Apat, hindi lang sa isa, dalawa o tatlo, kundi nahati sa apat ang
puso kong dati ay buo, ang puso kong akala ko ay aalagaan mo pero bakit ka nagkaganito? Mayroon
ka ng ako pero bakit naghanap ka pa ng bago? Kahit na alam mong ang kapalit nito ay pweding
mawala ang tayo at pweding sisibol ang kayo. Lima, limang beses ko ding pinag isipan kung tama
bang sabihin sayong alam ko na, na alam ko ng may iba kang kalandian. Na alam ko na, kung bakit
pag magkasama tayo ay lutang ka. Na alam ko na, kung bakit ramdam kong nanglalamig ka, na alam
ko na na hindi lang ako kundi mayron ding siya. Na alam ko na, na pweding bibitaw ka na at kakapit
na sa iba. Anim, anim na araw na ang nagdaan. Anim na araw na rin akong nagbubulag bulagan.
Anim na araw na rin akong nagtatanga-tangahan. At anim na araw na rin akong nagpapanggap na
hindi nasasaktan, nagpapanggap na okay lang. Nagpapanggap na kaya ko pa, kahit na ang totoo ay
hindi na dahil sobrang sakit na talaga kaya mahal... pasensya, sinubukan kong lumaban pero ang
puso ko'y wasak na ng paulit-ulit mo itong saktan,sinubukan kong lumaban, pero naisip ko mayroon
pa bang dahilan? Naisip ko, mayroon pa bang dapat ipaglaban? Naisip ko kaya ko pa bang lumaban
samantalang ikaw ay kaya mo na akong bitawan? Pito, pitong balde ng alak ang kasabay ng mga
luhang walang tigil sa pagpatak, dahil ng gabing iyon ang ating mundo ay tuluyan ko ng biniyak.
Hinayaan kitang ipagpalit mo sa bato ang tulad kong pilak. Dahil ginusto mong lumayo sa diyosa at
mas piliin ang tiyanak. Alam kong sa una masakit, pero sisiguraduhin kong akin ang huling halakhak.
Walo, pero bakit kahit walong anesthesia na ang itinurok, bakit hanggang ngayon nandito pa rin ang
sakit na iyong itinusok. Na nagiging sanhi ng aking pagkakalugmok, na naging sanhi kung bakit ang
puso ko ay pilit kong tinatago at pinamumokmok. Na naging sanhi kung bakit hindi ko na mabuksan
ang puso ko kahit marami pa diyan ang kumakatok, dahil kahit anong iwas, anong pigil, ang puso
ko'y sayo pa rin nakatutok at ikaw pa rin ang kaniyang tinitibok. Siyam, siyam na beses ko ng
sinampal ng paulit-ulit ang aking sarili para tuluyan na akong magising sa katotohanan, para ang
pagtanggap ay aking mapag-aaralan na ang ikaw at ako ay mayroon ng hanggan, na ang ikaw at
siya ay may bago na ring sisimulan. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu.
Walang dahilan kung bakit minahal kita ng lubusan, pero binigyan mo ako ng higit pa sa sampung
dahilan para tuluyan na kitang kalimutan.

Bakla ako hindi basta bakla lang. Bakla na hindi basta lalapitan mo lang kapag lubog ka na sa utang.
Bakla na hindi basta pagtatawanan mo lang dahil mukha akong tikbalang. Bakla ako na hindi basta
ipapahiya mo lang dahil sa kaamoy ko ang malansang aswang o hindi kaya ay lalayuan mo na dahil
daig ko pa ang maasim na sinigang. Kundi bakla ako na nangangailangan lang naman ng respeto
dahil hindi ko naman kayo inaano. Ako ay isa din pong tao na nasasaktan at umiiyak kapag
nasasaktan na ng todo. Baklang walang ibang hinangad kundi ang paligayahin kayo. Baklang walang
ibang ginusto kundi ang tanging mahalin mo at ang baklang walang ibang pinangarap kundi ang
tumigil ka na sa pangloloko at kahit man lang minsan seryosohin mo din sana ako. Ano ba ang
problema mo sa akin, bakit hindi mo ako kayang mahalin? Bakit hindi mo ako kayang tanggapin?
Bakit lumalapit ka lang 'pag may gusto kang bilhin? At ako namang si tanga hindi ka kayang tiisin kasi
nga ikaw ang tanging laman ng damdamin. Kasi kahit ganyan ka kaya pa rin kitang mahalin. Kasi
kahit ganyan ka hindi pa rin kita kayang limutin. Kaya sige lang. Ano pa ang gusto mo, 'wag ka ng
mahiyang sabihin. Ano? Gusto mo ililibre na kita ng buong linggo sa canteen? At kahit ipapagawa pa
kita ng braces sa ngipin o di kaya'y ibibili na lang kita ng cellphone na mamahalin para naman may
magamit ka pa sa pangloloko mo sa akin. Pero baka ang gusto mo ay wala sa mga nabanggit? Pera
ba? Sige magbibigay ako at hindi na magtatanong kung bakit? Kasi baka sa magiging sagot mo
mamatay lang ako sa inggit. Alam ko namang ang mahal mo talaga ay katulad ni Juliet at ang perang
binibigay ko alam kong ibibili mo lang din ng necklace at bracelet, para pagdating ng linggo sa kanya
mayroon kang maisabit. Pero pagod na pagod na akong ipilit ang aking sarili sayo dahil sobra ng
sakit. Pagod na akong mahalin mo lang 'pag ika'y gipit, dahil hindi ako alkansiya na kupit ka lang ng
kupit. Dumating ang araw na hindi ko inaasahan, nagkaroon ako ng karamdaman. Ang gusto ko lang
naman ay iyong alagaan. Ang gusto ko lang naman 'wag mo muna akong iwanan. Pasensya na,
pansamantala ko kasing nakalimutan, na para sayo ay walang kwenta lang pala akong basahan, na
hindi mo kayang pahalagahan. Kaya sa muli, mas pinili mo siyang puntahan at ako ay mas pinili
mong hayaan. Sa ginawa mo doon ako biglang natauhan. Natauhan ako sa lahat ng aking
kahangalan, natauhan ako sa lahat ng aking katangahan, pero mas natauhan ako, dahil sayo ang
sarili ko'y akin ng napabayaan. Kaya sana'y wag mo ng asahan na mayroon ka pa ring babalikan,
dahil hindi ako papayag na muli mo na naman akong saktan. Alam ko na mahirap pero pipilitin ko na
ikaw ay aking makalimutan, dahil sobra-sobra na ang binigay mong dahilan para ikaw ay tuluyan ko
ng layuan. Pagkalipas ng isang linggo muli tayong nagkita. Lumapit ka sa akin at nagmamakaawa,
habang walang pakundangan ang pagtulo ng iyong mga luha, pero patawad sa akin wala ka ng
halaga. Patawad pero sa akin, wala ka ng mapapala at patawad dahil hindi mo na ako muling
makukuha, dahil hindi lang ako basta bakla. Minahal naman kita, pero sadyang nagmahal ka lang ng
iba. Minahal naman kita, pero sadyang mas pinili mo siya. Minahal naman kita, pero sadyang pagod
na ang puso kong intindihin ka. Nagmahal naman ako, pero siguro sadyang nagkamali lang ako ng
minahal na tao. Kaya patawad dahil hindi mo na ako, muling mapapatuwad. Kakalimutan,
kinakalimutan at ngayon ikaw na ay tuluyang nakalimutan. Masaya na akong wala ka. Masaya na
akong nag-iisa, total sinanay mo na rin diba? Ako ay masaya na. Masayang-masaya, lalo na at
dadating ang aking buong pamilya. At ayan na, dumating na nga sila. Pero teka, bakit tila may
pamilyar sa akin na pigura? Tama! Ikaw nga, bakit nandito ka? Tanging ikaw lang ang nakikita ng
mga mata, mabuti na lang biglang nagsalita si mama, " Anak, gusto ko sana sayo ipakilala, ang
bagong miyembro ng ating pamilya. Kapatid mo siya sa ama". Wala akong naisabi kundi " bakit ikaw
pa? Putang Ina"

Nasa puso lamang makikita ang tunay na yaman Kayamanan ng salinlahing unti-unting
nakakalimutan Sa kalawakan ay may natatanging tahanan Iwinagayway ang bandila – Pilipinas ang
pangalan Sa isang bahay-kubo makikita dalaga Nakahawak ng pamaypay, nakasuot ng baro’t saya
Sa isang palasyo makikita ang dyosa Nakahawak ng salamin, nagsasalita nang mag-isa Nakasandal
ang binata sa puno ng Narra Nang makita ang dalaga’y napasulat ng alibata Nabigla na lamang nang
tumae ang agila Natamaan ang matipuno at matikas na awra Sa gilid ng pader, ang hari’y
nakasandal Wari’y sumisigaw sa Pugadlawin dahil nahihingal Inaatake ng kalaban at ang estatwa ni
Ba’al Habang hawak ang telepono, kung manligaw ay utal Wari’y Maria Clara ang hinhin ng
napakagandang dalaga Nilapitan ng binata at sumayaw ng Cariñosa Binisita ang bahay-kubo,
pinaigib ng lima Pinasibak ng isang sako, pinagtanim ng sampaguita Isang araw ang dyosa ay
namasyal sa Luneta Nakita niya ang haring nagluluksong-baka Nabighani ang hari sa kutis niyang
morena Nilapitan at nag-usap hanggang sa nagkakilala “O Dandansoy, bayaan ko ikaw” Sinabi ng
dalaga sa binata sa tabi ng anahaw “Hihintayin kita, hindi ako susuko” Ang sagot ng binatang sa pag-
asa ay punong-puno Sa unang pagkikita ng hari at dyosa Batid ang ligaya sa kanilang dalawa Bago
muna lumisan, may sinabi sa isa’t isa “Galingyan ko seka,” “Ay ayaten ka.”

You might also like