Sa liwanag at dilim ng 'yong buhay ako'y karamay Tapat na pagmamahal kong handog ay walang kapantay Sa sandaling nagkasama ligaya ay walang humpay
Tinanggap at minahal ka na walang labis at kulang
Sa mga pangarap ko ay kasama kang tunay Araw-araw ay di ka nawaglit sa aking isipan Umasa ako na ikaw ang kasama habambuhay
Sa mga salita't kilos mo ako ay nabighani
Buong akala ko ay tunay iyon pala ay wow mali Sa iyong pagdating ikaw ay wala ng babalikan Sapagkat ang nang iwan ay dapat ng kalimutan
Maraming nagnanais sa akin pero di ko pansin
Iyong nabihag dalaga na mayumi at pihikan Di ko lubos maisip kung ba't ako'y iyong sinaktan Lahat ng problema't lungkot ay kinaya kong tiisin
Pagsinunggaling, pag unfriend, kalabisan sa mobile games
Pag inom ng alak, manhid, tigas ng ulo at sweet photos Ang mga naging sanhi ng aking pag iyak at lungkot Mga katanungan ko sa iyo'y di man lang nasagot
Singlalim ng karagatan ang sugat na 'yong iniwan
Labis ang aking pagdusa pati trabaho'y naapektuhan Lahat ng ito'y kailanma'y hindi ko malilimutan Nawa'y ang aking paglisan ay iyong maintindihan
Sa viber, skype, messenger ako'y di na makokontak
Pagkat ako'y napagod na puso ko'y wasak na wasak Patawad kong ako man ay may pagkukulang sa iyo Patawad kong wala na ang tamis ng dating pagsuyo
Maraming salamat sa'yo Sir kahit ako'y nasaktan
Di mabilang ang aral na sayo'y aking natutuhan Nawa'y iyong matagpuan binibining sayo'y dapat Salamat.. Salamat.. Salamat.. Salamat!