You are on page 1of 1

Bakit ‘di ko makaklimutan si Carl?

Bakit nga ba?..


Bumalik tayo sa panahong di man kapiling
Anumang oras na gusto kitng makitq qy higit pa sa isang hiling
Ang mga tawa at halakhak mo sa pandinig ko ay nakakagising
Bakit ng aba ‘di kita makaklimutan
Ikaw lang ang bukod-tanging ibinigay ng Diyos na supling at nakamtan

Bumalik tayo sa panahon na tayo man ay nagkalayo


Ngunit tirahan mo’y ‘di ko na kailangang humayo
Sa’king paghahanap-buhay itong mga taong to’y sa’yo ay sumalo
Bakit ng aba ‘di kita makaklimutan
Ikaw ang dahilan kung bakit hindi dapat ako susuko sa buong sanlibutan

Sa mga panahong ako ay nag-iisa


Akala nila ako ay lagging balisa
Umi-eskapo sa pananagutan ng pagiging isang ina
Kung tutuosin sila rin naman ang tumulak upang ako ay magising
Sa relasyon kong hindi kami kayang buhayin ng aking supling

Sa araw na ako ay lumuwas


Tanaw kita sa malayo, nakadungaw sa bintana
Habang kami’y lumipad papalayo, puso ko’y nagdurugo
Buhay ko ay nag-iba ‘nong ako’y naging malaya
Bakit ng aba ‘di kita makakalimutan, kakarampot man ang kitain ko’y laging
mayroon sayong lagging nakalaan

Napakabilis ng araw tayo pa rin ay muling nagkapiling


marami mang hadlang – nagkikita pa rin
Nagba-bonding, tawanan, kantahan, kainan, at sa eskwelahan ikaw ay lagging
Napaparangalan
Hindi kailangan ag karangyaan ngunit kaarawan mo ay laging may handaan
Bakit ng aba ‘di kita makakalimutan? Eh, magkasunod pa tayo ng araw
ng kapanganakan..

Carl, anak, ‘di ko na yata kayang tapusin ang mga susunod pa sanang mga talata
Ang bawat patak ng luha ko’y walang kasing –bigat at kasing-sakit
Kapag naaalala ko ang iyng mukha
Miss na miss na kita pinapasabi ko kay Bathala
Kung nasaan ka man gusto ko pa sanang margining ang iyang mga salitang – “Thank you po!”
“Sorry po.” “I love you po” “Okay po.”
Mahaba pa sana ang kwento ko sa’ong pagkawala
Pero mas nakabubuti ng alalahanin ko ang mga araw, oras at minute na masaya ka
at napapasaya kita
Mahal na mahal kita at ipinapanalangin ko sa baling araw makakapiling ulit kita.

You might also like