You are on page 1of 6

Dakila Ka Ina!

ni Dan Rogayan
Ilaw ng tahanan kung siya’y tagurian
Dakilang handog ng Diyos sa tanan;
Sinuman ay tiyak na maliligayahan
Sa taglay na buti ng kanyang katauhan.

Ako, ikaw at siya, sadyang mamamangha


Sa mapag-arugang puso niya na isang biyaya;
Alin pa kayang pag-ibig ang makahahangga
Sa ganoong pag-ibig na batbat ng hiwaga.

Saanman at kailanman, siya’y masasandalan


Kandili niya sa atin, di mapapantayan;
Mahal na ina, ikaw ang aming kahilingan
Sakripisyo mo, kalian pa naming matutumbasan?

Lahat ng hilahil, iyong nilalagpasan


Ito’y kadakilaan na alay kaninuman;
Tigib ng galak, bawat isa sa tahanan
Sa pagmamahal mo na ipinararamdam.

Dakila ka ina, higit ninuman


Dito sa puso namin, ikaw ay mananahan
Salamat sa lahat, sadyang di malilimutan
Inyong mga bigay mula nang kami’y isilang.
Ang pag-ibig ng isang ina ay kailaman hindi mapapantayan. Kahit ano man ang hamon nang
buhay ay kanyang susu-ungin para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga anak. Naalala
ko ang aking ina, hindi man perpekto ang aming buhay pero binibigay niya ang lahat kahit
walang matira sa kanya. Inu-una niya palagi yung mga gusto namin, mapa gamit man yan o pera.
Kapag nagsabi ako na wala na akong “allowance”, kahit katitng na lang yung pera niya,
magpapadala at magpapadala agad yun sa akin. Sa ngayon, wala pa aong nagagawa para
masuklian man ang mga bagay na ginagawa niya para sakin at sa mga kapatid ko pang nag-aaral,
pero alam ko na darating ang panahon, masusuklian at masusuklian ko rin lahat ng paghihrap
niya para makapagtapos mai sa pag-aaral.
Tatlong Lebel ng Kaibigan
ni Mark Ipil
Kaibigan, pinakamasakit na tinawag mo sa akin,
Na lubhang kumirot at tumusok sa damdamin,
Isang bagay na tumuldok sa aking naisin,
Isang kirot at hapdi na kay hirap alisin.

Kaibigan, isang taong laging nandiyan,


Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman,
Lahat ng sakit at luha mo’y maiintindihan,
Hindi ka matiis kahit mapunta saanman.

Kaibigan, isang mapagpanggap na kaaway,


Na palagi sayo’y nakangiti’t kumakaway,
Ngunit sa iyong pagtalikod hanap ay away,
Iyong pagbagsak ay kanyang tagumpay.
Ang kaibigan ang iyong madadamayan kapag ikaw ay may hinaharap na problema. Sila yung
tipong patatawin ka sa panahong lugmok na lugmok ka. Maghahanap sila ng paraan para hindi
ka na mahirapan. Sila yung mga taong magpapagaan ng iyong dinaramdam. Sila yung mga taon
nagpapagaan ng “college days” ko. Marami man ang mga pagsubok o gawain ngayong sem na
ito, hindi ko na maalintana dahil nandyan sila sa likod ko, nag uudyok na galingan pa lalo. May
mga kaibigan din akong magaling lang pagkaharap ka, pero pag nakatalikod na, ikaw naman
yung pulutan nila. Mga kaibigang magaling lang pag may kailangan. Kaya kapang humanap ng
kaibigan, wag kang Maghanap ng kaibigang makaka-intindi sayo, hanapin mo yung kaibigang
hindi ka ma maiintidihan, pero hinding-hindi ka naman iiwan at tirahin ng talikuran.
Patungo sa Tuktok
ni KLi
Kayraming lubak, alon ay malakas
Tatagaan ang loob, sa daa’y maraming ahas
Maraming kasama ngnit ikaw ay mag-isa
Pagtaas ng tubig sa sapa, sa’yo ay walang kakarga

Natural lang ang umiyak at magpapadayak


Pag-abot sa tuktok ay hindi basta at payak
Minsan pa nga sa’yo ay maraming tatapak
Pero ang payo ko sa’yo, sumayaw at pumalakpak

Hindi ka baliw sa iyong gagawin


Ipakita ang galing at taas ng mithiin
Daan naman talaga minsa’y mahirap tahiin
Ngunit kapag umayaw, ika’y palpak na tatawagin

Matapos ang hirap, asahan mo ang sarap


Damhin ang lasap ng natupad na pangarap
Bawat pawis at dugo, kapalit ay karanasan at kamalayan
Na sa iyo ngayon ay magsisilbing kayamanan
Ang buhay ay parang see-saw, may panahon nasa ilalim ka pero darating yung oras na nasa itaas kana.
Hindi madali ang pag-abot ng pangarap. May mga dapat ka pang maranasan sa pagkamit nito. Bibgyan
ka ng Maraming hamon. Madaming beses kang malulugmok. May mga panahong sukong-suko kana
pero wala kang nagagawa kundi bumangon at lumaban muli. Maraming mga tao ang hihila sayon
pababa pero wala kang magagawa kundi magpatuloy ng lakad sa agos ng buhay. Kalian man hindi
magiging madali ang pag-akyat sa tuktok. Lakasan mo lang ang iyong sarili, samahan ng dasal, tiyak na
magiging maayos ang iyong paglakad at maabot mo ang iyong matagal na pinapangrap.

You might also like