You are on page 1of 5

Kasawian

May alinlangan ang aking pagpunta at dumalo sa kasayahang gaganapin sa makalawa hindi ko yata maatim na makita sintang iniwanan upang sumama sa iba. Puso ko'y nangangamba, isip nagugulo ibig kalimutan sintang kalaguyo sana'y maintindihan ang aking paliwanag nang sa ganon kalooban ay mapanatag. Remigio ang pangalan ng aking kaibigan sa tindig na lamang at buong katayuan mga katangiang pinapangarap ng mga kababaihan pag-ibig bubukal kung siya'y masusul-yapan. Himig naulinigan nagmumula sa orkestra tugtuging may halaga sa kahapong nakaraan, sa itong pagkakataon si Remigio'y tumayo sa lugar ng kinauupuan ko siya'y patungo. Hinawakan ang nanlalamig kong mga palad At ako'y inanyayahang sumayaw, aming dibdib nagkalapit,paa ko'y namitig, parang bato naramdaman,hindi ko maigtig. Habang kami'y nagsasayaw naibulong sa aking teynga "bakit iniwan ang puso kong nagdurusa ano ang dahilan at ikaw'y nag-asawa sa iba, bigyan mo ako ng linaw ng puso'y hindi na magdusa". Patawad Remigio sa pait ng aking nagawa ako'y dumanas ng pighati at pagdurusa, ang kapiling sa tuwina walang makamit na ginhawa, kung hindi puro kasawian na ako ang maysala". Ako'y napakasal sa hindi ko kagustuhan si ama at si ina ang dahilan ng kapalaran, ipinagkasundo ako sa isang kababatang sukdol yaman, upang mabigyan ako ng mabuting kinabukasan". Ang tibok ng puso dapat sundin ang pintig hindi dapat makialam magulang man o kapatid,

malaking kamalian ang humadlang sa pag-ibig, dusa dadanasin at pait ng puso ang haharapin.

Ang Buhay Ng Tao


Magmula ng masilayan ang ilaw ng buhay Mahiwaga talaga hanggang kamatayan Wariin ko man tila walang katapusan Buhay sa mundo lubhang napakagulo. Kaligayahan kilala habang may hininga Anumang mapaglarong kapalaran ay tarukin Pipiliting sagipin kahit mapait ang lasapin Ito ang haharapin hanggang kabiguan ay masupil. Masaya,walang kalungkutan buhay ng kabataan Mahimbing matulog,kumain masarap Kabiguan o masamang kapalaran Sa puso at diwa ni hindi maramdaman. Ang buhay ng tao parang saranggola Pagkatayug-tayug kung lumipad Subalit kung ang hangin ito'y kalawitin Mahuhulog sa lupa at magkakagula-gulanit. Ganito ang buhay ng tao Sumandaling kaligayahan mararanasan Dagok ng tadhana ni hindi mo inaasahan Tanggapin natin ng malualhati ang ating kapalaran.

Mapulang Pagpupugay

Mula sa sinapupunan ng bayang nagpupumiglas, Nagpupumilit makawala sa hawlang kinasasadlakan; Sumibol ang pintig ng panibagong-buhay; Punlang ipinaglihi sa rebolusyonaryong pagpupunyagi; Sanggol na iniluwal sa banig ng kontradiksyon; Antagonismo ang nagsilbing komadrona; Bente-sais ng Disyembre, pumailanlang ang iyong tinig Hudyat ng paghihiwalay ng dalawang kulay Ang kulay ng pulang dugo na bumabalot sa yo Simbolo ng kagitingan at katapangang siyang magiging tugon Sa panangis ng bayang nalugmok sa hirap, Sa kumunoy ng karalitaan.

Araw ng iyong pagsilang ay isang hudyat Ng pagpasok ng rebolusyon sa panibagong yugto ng buhay Ipinaghele ka sa duyan ng digma Mga putok ng baril ang nagsilbing uyayi Lumaki kang taglay ang kapasyahang Adhikay ipagtagumpay Sa iyong pagsilang, labis na nagalak ang iyong ina Ang amang malaon nang naghihintay Mga kapatid na patuloy sa pakikibaka Anakiy nagkaroon ng tala sa kanilang daan Magsisilbing tanglaw upang hindi muling maligaw Ang sinimulang pakikibaka Ng iyong mga ninuno. Sa iyong paglalakbay dumaan sa ibat ibang balakid Mga pagsubok na pilit mong nilagpasan Matatarik, at makikitid na daan Nariyang madapa ka, nariyang mahulog Sa bawat pagkadapay pilit nilalapa ng halimaw na kaaway, Mga buwitreng nagnanais na patuloy kang ibulid

Sa walang hanggang pagkaalipin Datapuwat naririyan ang tatlong tala na sa iyoy pumapatnubay Itinuturo sayo ang tamang daan Tinuturuan kang lumakad, lumangoy sa dagat At dahil sa iyong pagtalima sa kanilang dakilang salita Nanatili kang nakatindig sa harap ng mga hambalos Patuloy kang nagpunyagi upang manatiling bag-as At bantayog ng rebolusyon.

Sa iyong kanang kamay tangan mo ang sibat Sandatang ginagamit mo upang gapiin ang halimaw Sa kaliwang kamay mo naroroon ang kalasag Sandata at pananggalang sa pakikibaka; Humayo kang taglay ang tibay at ibayong pananalig Na sa iyong paglalakbay kasama mo ang mamamayan.

Ngunit sadyang ang kaaway ay hindi basta matutulog Hindi basta papayag na magapi sa pagtutuos Mula sa loob ay pilit kang winasak Nais agawin, iyong sibat at kalasag Pilit binubulag, iyong mga mata At mas masahol pa Nais ka nilang pugutan ng ulo!

Nakaririmarim na mga balakin! Mga taksil sa bayan! Nais tayong iligaw ng landasin Isadlak sa karimlang walang hanggan! Salamat at naging matalino ka Nakita mo ang sakit na dumapo sa katawan Kalawang na nais sumira sa bakal ng kapasyahan Dahil sa IDKP nalamapasan mo ang kritikal na yugto ng iyong buhay.

Mula roon ay patuloy kang naglayag sa laot Higit na matatag, higit na matibay Kapasyahang isulong ang rebolusyon Handang harapin ang bagong hamon Lagi nay katuwang mo ang masa Sa pagsulong sa ulan tuwing may unos

Sila ang walang kupas na tala ng iyong buhay, Ang kabuuan ng iyong buhay.

Sa araw na ito muling gugunitain Ang dakilang araw ng iyong pagsilang Muling babaybayin ang landas na iyong tinahak Iwawagayway ang pulang bandilang taglay ang maso at karet Sagisag ng iyong katapatan at kagitingan; Ipagdiriwang ang iyong mga tagumpay. Sisigaw ang buong hanay: Mabuhay ang PKP! Mapulang pagpugay sa iyong pagsilang!!!

You might also like