You are on page 1of 1

Andrei S.

Javierto 10 – Abellana Filipino (Dagli) October 07, 2019

"Matalik na Kaibigan"

Masarap mabuhay ng maraming kaibigan. Iba't ibang ugali ang ating


masusumpungan. Pero iba pa rin talaga kapag may tunay kang matalik na kaibigan.

"Patid!" ang tawag mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya tuwing
tinatawag mo ako, tuwing naaalala mo ako. Lagi mo pa akong pinagkukuwentuhan ng
mga nangyari sa buong araw mo, masaya man o malungkot, lahat-lahat na yata.

Maraming salamat sa pagtitiwala mo sa akin, at sa pagiging matalik na kaibigan mo.


Umaga pa lang hinahanap-hanap mo na ako, sobrang swerte ko bilang matalik na
kaibigan mo. Hindi mo ako pinapabayaan, lagi mo pa akong iniingatan.

Kaya lang aalis ka na naman, lagi mo na lang akong iniiwan. Pero masaya na ako kasi
binabalikan mo pa rin ako. Ayan, nagpapaalam ka na naman sa akin na aalis kana at
iwan akong mag-isa, ayos na yon basta alam kong babalik ka naman.

Pero isang gabi, narinig ko ang tarangkahan tumunog, umuwi ka na ulit! Kaya lang
pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari. Tama nga ang hinala ko,
dumating ng basang-basa ng luha ang iyong mukha. Halos hindi ka na makapagsalita
dahil sa lakas ng iyong mga hikbi. Galit na galit ako sa sarili ko dahil wala akong
magawa. Ang tanging nasabi mo na lang na pautal-utal pa ay, "Iniwan niya na ako" na
sa bawat salita mong sinasambit ay ramdam na ramdam ko ang sakit na iyong
dinaramdam. Hanggang sa kumuha ka ng isang tali, at parang may masama kang
binabalak. Ihinto mo 'yan! Parang awa mo na! Pero kahit anong gawin ko, ayaw mo
akong pansinin o pakinggan man lang.

Ang nakita ko na lang ay ang huling patak ng luha saiyong mata. Wala na, wala ka na.
Huli na ang lahat. Iniwan mo na naman ako, pero ngayon hindi ka man lang
nagpaalam at hindi ka na babalik pa. Sobrang sakit. Hindi mo man lang ba naisip na
iwan mong mag-isa ang matalik mong kaibigan habangbuhay at hindi ka iiwan? Ang
laging nandiyan sa tabi mo sa hirap at ginhawa? Sa paglutas kasama ka sa ating
problema? At ang lahat pati ang ating matatamis na ala-ala?

Kung tao lang sana ako, napigilan sana kita. Kaya lang aso lang ako, ang matalik na
kaibigan mo.

You might also like