You are on page 1of 2

Mordido, Anna Clarrise G.

1 BSA-A

“Paghanga”

Alam mo ba,

na habang sinusulat ko itong aking tula

Ikaw ang tumatakbo sa isip ko

Pero hindi ito para sayo

Para ito sa mga kapwa kong may hinahangaan

At kuntento nang hanggang paghanga nalang

Dahil hindi pa ako handang aminin ang nararamdaman ko.

Pero tutula ako na parang ikaw ang kausap ko

Dahil aaminin ko, gusto ko ring marinig mo kung gaano kita kagusto

Gusto ko sanang ikwento mula sa simula

Ngunit di ko rin alam kung kailan nag-umpisa

Ang pagtingin ko sayo,

Ang pagngiti ko sa kakwelahan mo

At ang pag-iwas ko tuwing titingin ka sa gawi ko

Napansin mo ba?

Siguro ay hindi,

dahil hindi naman talaga ako yung tipo ng halatado

Pagtagal ng nararamdaman ko ay natutong na rin akong salubungin ang mga titig mo

Natuto na rin akong makipagplastikan na para bang hindi kita gusto.

Oo, gusto kita at oo aaminin ko na masaya ako dahil balita ko wala ka pang gustong iba.

Hindi sa umaasa dahil ang motto ko nga, "Aral muna"

Pero bakit nga ba ikaw?

Hindi ko alam kung dahil ba sa paraan ng pagdako ng iyong mata,

pagngiti mong nakakahawa,

paraan nang pagtawag mo sa pangalan ko, sinta


Ngunit alam kong masaya akong hinahangaan ka

Happy crush kumbaga

Maraming dahilan kung bakit nabubuo mo ang araw ko

Kaya't iniisip ko, ganito pa rin ba kung malaman mo?

Natatakot akong aminin sayo

dahil natatakot akong magbago kung anong meron tayo

At bago ka pa mag-isip ng kung anu-ano,

Oo, alam kong walang espesyal sa tayo

Tila dalawang taong nagkakilala dulot ng pagkakataon

Hanggang ngitian lang tuwing magsasalubong

Siguro para sayo, isa lang akong kakilala

Pero para sakin, sana ikaw na ang tinadhana

Sana sa oras na ako'y matapang na

Sa oras na kaya ko nang sabihin habang nakatingin sayong mata

Na gusto kita

Sana'y huwag kang mabahala

Hindi naman ako yung stalker type na pagmamasidan ka

Ako lang yung kaibigan na tatanungin ka kung kumain ka na ba

Ako lang yung kaibigan na tatawa sa biro mo kahit hindi na nakakatuwa

Ako yung kaibigan na kapag ikaw ang kasama, doble ang saya

Kaya sana, manatili tayo sa ating posisyon

Hindi ako maghahangad ng romantikong relasyon sa ngayon

Dahil sapat na sakin na maging kaibigan ka nang mahabang panahon

At hindi ba, sabi nila,

Ang pagkakaibigan ang pinakamatibay na pundasyon?

Kaya't sa oras na umamin ako sayo,

Susulat ulit ako nang tula

Pangalan mo ang unang linya

At hanggang sa huli ay gusto pa rin kita

You might also like