You are on page 1of 1

Isang mabisang armas ang libangang pagkanta upang kalabanin

ang kalungkutan habang naghahanap buhay abroad.


MUSIC LOVERS. Ito ay isang likas na katangiang taglay ng mga
Pilipino na dinadala nila saan mang dako ng mundo sila dalhin ng
kanilang mga kapalaran. Mismong kasaysayan na ang
magpapatunay mula sa mahabang listahan ng mga OFWs na
lumahok at nagwagi sa ibat-ibang patimpalak na may kinalaman sa
musika saan mang bansa sila kasalukuyang naninirahan. At hindi
exempted dito ang mga OFWs sa Italya. Sa katunayan, halos bawat
pamilyang Pilipino na nasa Italya ay tiyak na mayroong iniingatang
instrumento na pwedeng gamitin sa pagkanta tulad ng magic
sing. Ang iba naman ay natuto na ring mag-upload ng kanilang
mga paboritong awitin mula sa ibat-ibang websites gamit ang
internet. Hindi makukumpleto ang mga espesyal na selebrasyon
tulad ng mga kaarawan, binyag at kasal kung walang
magkakantahan.
Ano ang saysay ng isang pagdiriwang sa Italya kung hindi lalahukan
ang palatuntunan ng mga awitin? Ano pa ang halaga ng mga
pinakahihintay hintay na day-off kung walang kantahan sa bahay na
tinutuluyan? Paano mo gugugulin ang isang mahabang araw na
pahinga kung walang madadayuhang kantahan?

You might also like