You are on page 1of 2

Kapag tinatanong ko ang isang tao, Ano ang pinaka-naaalala mo tungkol sa

Primary? ang madalas na sagot ay, Ang musika. Hindi natin malilimutan ang
mga titik sa mga awitin sa Primarynakatimo ang mga ito sa ating puso.
Tingnan natin, halimbawa, ang sumusunod na mga awitin sa Primary.
Makukumpleto ba ninyo ang bawat parirala?
Sinisikap kong tularan
Ama sa Langit kayo bay ?
Aklat ni Mormon
Habang kinukumpleto ninyo ang bawat pangungusap, nasumpungan ba ninyo
ang inyong sarili na kinakanta ang himig?
Kung gayon, siguro ay dahil pinalalakas ng musika ang ating mga
pandamdam, inaantig ang ating damdamin, at ibinabalik ang mga alaala.
Kaya hindi nakapagtataka na ipinagdiriwang natin ang mga paglalaan ng
templo sa isang kaganapang pangkultura kung saan lumalahok ang mga
kabataan sa nakasisiglang musika at pagsasayaw. Sa mga kaganapang ito
magkaingay [tayong] may kagalakan sa Dios at awitin [natin] ang
kaluwalhatian ng kaniyang pangalan (Mga Awit 66:12).

Lagi Tayong Naaapektuhan ng Musika


Itinuturo sa Para sa Lakas ng mga Kabataan na malaki ang epekto ng musika
sa inyong isipan, espiritu, at ugali.1 Mapagyayaman ng musika ang inyong

buhay sa napakaraming paraan, ngunit maaari din itong maging mapanganib.


Sabi ni Pangulong Thomas S. Monson, Ang musika ay makakatulong sa inyo
na mas mapalapit sa inyong Ama sa Langit. Magagamit ito para magturo,
magpasigla, magbigay-inspirasyon, at magkaisa. Gayunman, ang musika,
dahil sa bilis, tiyempo, intensidad, at mga titik nito, ay maaaring magpahina sa
inyong sensitibidad sa mga espirituwal na bagay. Huwag punuin ng di-kaayaayang musika ang inyong isipan.2 At maaaring hindi na mahalaga kung
pinakikinggan ninyong mabuti ang mga salita o hindi; ang mga salitang
nilapatan ng musika kadalasan ay madaling matutuhan at matandaan.3 Kaya
pala tayo pinag-iingat na piliing mabuti ang musikang pinakikinggan [natin].4

You might also like