You are on page 1of 10

Pag-aaral sa Epekto ng Iba’t-ibang Genre ng Musika sa Tibok ng puso ng Tao sa

Pamamagitan ng Pagkuha ng Pulso

Mga Mananaliksik:

Angelica Grace Arrey

Christine Kae Junsay

Josfed Porol

Carmina Senioson

Christine Joy Sungkip

Ipinasa Kay:

Bb. Carmela Memis

Southland College S.Y. 2017-2018


KABANATA 1

Introduksyon

Ang musika ay isang importanteng bahagi ng buhay ng tao. Noong unang sibilisasyon,
ang musika ay ginagamit ng iba’t ibang tribu sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga ritwal. Ito ay
pinaunlad ng iba’t-ibang kultura, tradisyon, at paniniwala (Ayon kay Black, 2013).

Ang musika sa kasalukuyan ay ginagamit sa mga aliwan at pandangal. Ang mga usong
musika sa henerasyon ngayon ay pop, rock, rap music, at RnB. Ang mga milenyo ngayon ay
mahilig sa pakikinig sa musika kapag sila ay nalulungkot, nasisiyahan, o di kaya’y nababagot
lang.

Ang musika ay makikita sa iba’t ibang kilalang kultura, noon man at sa kasalukuyan, at
naka-depende sa oras at lugar. Sa panahon ngayon, may mga grupo o tribu pa na gumagamit ng
kanilang nakagisnang musika.

Ang epekto ng popular na musika sa ngayon ay may iba’t ibang epekto sa mga kabataan
dahil sa marahas na mga liriko at mga kahulugan ng musika. Maraming kabataan ang
nalulungkot dahil sa musika ngayon. At naging dahilan sa mga kasong pagpapakamatay (Ayon
kay McDonald, 2017).

Ang musika ay daan sa mga kabataan sa pagdiskubre, pagpapahayag, pagpili at


pagproseso ng emosyon na hindi sila komportableng sabihin sa ibang tao. “Para sa mga
kabataan, ang musika ay isang paraan para malaman ang emosyong nararamdaman. Sa musika
na may liriko, malalaman at maipapahayag ng kabataan ang mga emosyon na pagiging masaya,
malungkot, o sa sosyolohikal o politikal na tema at paghihirap sa mga isyu sa kapaligiran” (Ayon
kay Allen, 2017). Ginagamit ng mga kabataan ang musika para mabawasan ang kanilang galit,
kalungkutan at i-stress. Ang pakikinig sa malakas na musika ay maaaring naglalaman ng mga
paksa na hindi angkop at maaaring ipagbawal ang mga kabataan sa pakikinig nito. Subalit, ang
pakikinig sa musikang may malakas na tunog ay maaaring maging daan para sa mga kabataan
upang maibsan ang galit at pagkainis na hindi nasasangkot sa isang kaguluhan.

Ang daan para malaman ito ay nakadepende kung paano nakaaapekto ang ganitong uri o
genre ng musika sa kabataan.
Ayon sa nasaliksik na mga datos, kung gaano karaming oras ang iginugugol ng kabataan
sa pakikinig ng musika ay mas may malaking pagkakataon na sila ay nalulungkot. Ngayon, hindi
nangangahulugan na ang musika ang dahilan kung bakit mas nararanasan nang maraming
kabataan ang lalo pang kalungkutan. Ang dahilan sa ganitong pag-aaral, simple lang ang
kalungkutan ay malalang problema sa kalusugan ng maraming kabataan kaya ang mga
mananaliksik ay napag-isipan ito para sa kabutihan ng nakararaming kabataan. Ang masusing
pagpapahayag ng dahilan at epekto sa ganitong kaso ay, ang mga kabataan ay nangangailangan
ng mga gawaing komportable sila na may kasamang pagsisiskap sa sarili (Ayon kay Cevine,
2011).

Ang mga kabataan ay kadalasang nakikinig sa mga malalakas na musika na nakasisira sa


kanilang pandinig. “Mas tumataas ng 30% ang mga kabataang nawawalan ng pandinig kumpara
noong 1980 at 1990. Ayon sa “New Study” na isinagawa sa Journal of the American Medical
Association. Ang pag-aaral ay nagpapakita na isa sa limang tinedyer, sa halos 6.5 milyong katao,
ay may iba’t-ibang isyu ng pagkabingi” (Ayon kay Freeman, 2010). Totoo na ang pagkawala ng
pandinig ay isa sa mga epekto ng pakikinig sa musika, nakapokus din kami sa epekto nito sa
pulso ng tao.

Nakaranas ka na bang umupo malapit sa speaker at noong namatay ay tila sumasabay sa


pintig ng iyong puso? Kahit man lang nakikinig ka sa iyong earphones o headphones ang
intensidad o ang ritmo ng musika ay nagkakaroon ng repleksyon sa pintig ng iyong puso.

Ang normal na heart rate para sa matatanda ay 60-100 bawat minuto. Sa kabuuan, kung
mababa ang heart rate nangangailangan ang pusong magkaroon ng magandang koneksyon sa
buong katawan lalo na ang cardiovascular fitness. Halimbawa na lang, isang manlalaro na
nasanay ng maayos, mayroong normal na heart rate malapit sa 40 na tibok kada minuto (Ayon
kay Laskowski, 2015).

Ang musika ay may positibong impluwensya sa pagtibok ng puso (Ayon kay Greco,
2016). Kung mabilis ang tempo, mas mabilis ang respirasyon ng dugo, heart rate at iba pa. Kung
ang musika ay mabagal, ang epekto nito ay mabagal din. Kapag mabagal na tempo ng musika,
nagpapabagal din ito ng tibok ng puso ng isang tao.
Ang tibok ng puso ang nagbabago kung nakikinig sa musika, pero kung ang tibok ay
mabilis o mabagal nakadepende ito sa tempo ng musika.

Noong Nobyembre 2009 ipinatupad ng “Harvard Health Lether” ang pagsasagawa ng


pag-aaral kasama ang iba’t-ibang institusyon katulad ng Massachusetts General Hospital at
Medical na pasalidad sa Hong Kong na nagsusuri, na ang tao na nakikinig sa musika sa
dalawampu hanggang trenta minutos kada araw ay bumababa ang blood pressure at bumababa
din ang tibok ng kanilang puso, kumpara sa hindi nakikinig ng musika. Ang unibersidad ng
Oxford ay naglabas din ng pagsusuri sa pamamagitan ng Australias ABC News in Science na
nagpapaliwanag na ang musika na may mataas at mabilis na ritmo, katulad ng rap ay
nagpapataas ng tibok ng puso at hindi nagpaparelax sa katawan (Ayon kay Roth, 2017).

Ang musika bilang nakakarelax na abilidad ay may epekto rin na mapababa ang tibok ng
puso dahil ito ay nakakatanggal ng i-stress o pagod. Ang musika ay parte ng ating buhay at tayo
ay nakakarelate sa mga iba’t-ibang tunog na nakapalibot sa atin. Ang pag-aaral na ito ay
nakatuon upang masuri ang epekto ng iba’t-ibang klase o genre ng musika sa tibok ng puso ng
tao sa pamamagitan ng pagsukat ng pulso.

Ang Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon para malaman kung mayroong epekto ang ibat-ibang
genre ng musika sa tibok ng puso o pulso ng tao. Gamit ang pop, rock, rap music and RnB.

Paglalahad ng Suliranin
 Ano ang normal na tibok ng puso ng respondente?
 Anong uri ng genre ng musika na kung saan tumataas ang pulso ng respondente?
 Anong uri ng genre ng musika na kung saan bumababa ang pulso ng respondente?
Kahalagahan Ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isasagawa upang malaman kung ano ang epekto ng iba’t-ibang genre ng
musika sa tibok ng puso sa pamamagitan ng pulso. Ito ay paraan upang matukoy kung ang genre
ng musika ay may koneksyon sa pagbilis at pagbagal ng tibok ng puso ng tao. Ito rin ay
makapagbibigay ng dagdag impormasyon na maaaring magamit ng mga estudyante sa kanilang
pananaliksik sa hinaharap. Sa mga “Music Artist” naman, ito ay may mabuting maitutulong sa
paggawa ng mga musikang pwede sa mga tagapagkinig. Nakakatulong din ito sa iba pang mga
mananaliksik para mabigyan ng wastong pamantayan at ideya kung ito ay pareho sa ganitong uri
ng topiko,
Para sa mga guro ito ay para sila mismo ang makakaalam kung mayroon ba talagang
epekto ang iba’t- ibang genre ng musika sa tibok ng puso ng ng tao o sa pisikal, psykolohikal,
physolohikal na problema.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aral


Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga totoong kolehiyong estudyante ng
Southland College. Ang mga respondente ay nasa 18 na taong gulang pataas. Ang pag-aaral na
ito ay isasagawa para masuri ang eksaktong epekto ng iba’t-ibang genre ng musika sa pulso ng
tao. Ang mga mananaliksik ay susukat ng pulso ng mga respondent pagkatapos making sa
musika. Ang mga genre na ginamit ng mga mananaliksik ay ang sumusunod: Rap music, Metal
Rock, Serene Music, at RnB.Ang mga respondent ay pinangangalagaan ng mabuti upang
maiwasan ang sakuna.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Epekto.sa konseptwal na depinisyon ito ang pagbabago sa resulta o ang masidhing epekto ng
pagaaral samantalang saoperasyonal na depinisyon ito ang pagbabago ng tibok ng puso sa
iba’t-ibang genre ng musika.
Genre. Sa konseptwal na depinisyon ito ang particular na klase ng kanta o kategorya ng
literature, samantalang sa operasyonal na depinisyon ito ang mga trending o sikat na musika
sa panahon ngayon halimbawa ang rap music, pop, rock , at RnB na gagamitin sa mga
respondente.
Musika. Sa konseptwal na depinisyon ito ang tunog gamit ang boses o gamit ang mga
instrumento: May mga iba’t-ibang simbolo na nagpapakita kung paano patunugin ang isang
kanta: Ito ay sining sa paglikha ng iba’t-ibang tunog. Samantalang sa operasyonal na
depinisyon ito ay ang mga genre na gagamitin sa pagsasagawa nang mga sulating papel.
Millennial. Sa konseptwal na depinisyon ito ay katulad sa milenyum ( sanlibong
taon),samantalang sa operasyonal na depinisyon sila ang mga pinanganak noong decada 80,
90 at 2000 taon.
Respondent. Sa konseptwal na depinisyon ito ang persona na tinatanong tungkol sa survey o
sumasagot sa mga katanungan, samantalang sa operasyonal na depinisyon sila ang mga
estudyanteng kolehiyo ng Southland College.
KABANATA II
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Ang musika ay nakatutulong sa pagkakaisa ng isang lipunan at nakapagpataas ng epektibong
samahan ng isang grupo. Ang trabaho at mga musikang may mensaheng tungkol sa digmaan, at
mga pampatulog na mga kanta, at pambansang awit ay nakakatulong sa pagkakaisa ng iba’t-
ibang pamilya, karamihang grupo, at ng buong mundo. At dahil dito, ang musika ay
nakapagbibigay ng dahilan kung bakit bumababa ang pursiyento ang mga hindi
pagkakaintindihan at problema sa lipunan at lalo na ang hindi pagkakaisa sa kapwa. Ang ideya
na ang musika ay may koneksyon sa lipunan at may malaking tulong sa pagkakaisa ng
mamamayan at nagbibigay ito ng maraming katibayan. (Ayon kay Bicknel J. (2007)
Nagpapahayag ng tugon sa musika:lipunan at pagkakalapit.J.Conscious .Study.14,5-
23:D.(2001).ang musika ba ay nagbabago bawat taon? R. J., Peretz I., editors. (New York, NY:
New York Academy of Sciences) 43–61 [PubMed]

Juslin P. N., Liljeström S., Västfjäll D., Barradas G., Silva A. (2008).Mithen S. (2006). The
Singing Neanderthals: The Originsof Music, Language, Mind, and Body. Cambridge: Harvard
University Press).

Ang ideya ng musika ay may malaking maitulong sa mga pangunahing problema ng


karamihan katulad ng pag- iwas sa mga pangyayari na maaring magdala ng hindi kaaya-ayang
kalalabasan at paggawa ng mga bagay na pinaghirapan na para lalo pang maunawaan ay lagging
katulad sa unang dimension . At ang opinion na ang pangunahing layunin ng musika ay
magbigay at makagawa ng organisadong pangkat ng tauhan o grupo ng mga tao, at kasiyahan sa
mga tagapakinig ay makikita sa pangatlong dimension .
Sa kasabihang ang musika ang pangunahing dahilan ng pag-ganda ng samahan sa isang
lipunan at pagkakaroon ng komunikasyon- ang posisyon nito ay pabor sa mga scholars-ang
resulta ay lumabas na ito ay mapakinabangan .Makikita ang mga tao ngayon ay nahihirapang
makinig sa musika dahil sa mga kadahilanan ukol sa lipunan, pero imbis na gamitin ito sa
importanteng bagay para maiwasan at mabawasan ang kalungkutan , at mapanatili ang
katahimikan sa paligid , at magkaroon ng kumportable at espasyo sa sarili. Halimbawa nito ang
private mode habang nakikinig sa musika kasama ang kapareha, ay ang kanluraning pagpapakita
sa indibidwal o self acknowledgement at ang tingin sa sarili o pagpapahalaga sa sarili kaysa sa
sosyal na realasyon . (Ayon kay Robert D. F., Foehr U. G(2008). Trending sa media at pag-awit
.Future child. 18,11-37[PubMed] Heye A, Lamont A. (2010). Pakikinig sa mobile sitwsyon sa
araw-araw :Ang paggamit ng MP3 player habang nagbabyahe.Music. Sci.14,95-120).
Musika Nagpapagalaw sa Utak at Pagpukos sa atensiyon.
Ang magandang abilidad o tinik para magpokus sa isang pangyayari o nagdudulot ng masidhing
atensiyon. Ang pag-aaral ay nagsasabing ang isang posibleng adaptibong rebulosyon sabi ni
Jonathan Benjer PhD,associate professor ng musika at musikero kasama ang ibat-ibang
manunulat nang nasabibing pag-aaral. Nasasanay ng musika ang utak sa ilang oras,sabi niya,ang
proseso sa pakikining ng musika ay maging daan upang ang utak ay mapatalas o mahasa at
makakaresulta ng ang musika ay isang uri ng sining at libangan o ibat –ibang gawain ng tao at
kasama na doon ang orgganisado at pinakikinig nangtunog at katahimimakan.Ito ay nailalahad s
apamamagitan ng pagtaas at pagbaba ng tunog (kasama na doon ang tono at kaisahan ng
ipinahatig ng kanta), ritmo (kasama na ang tempo at metro), at ang kalidad ng tunog (kasama ang
timbre,ekspresyon,daynamiko, at tekstura). Angmusika ay may kasamang komplikadong paraan
sa oras sa paggawa ng desinyo at pasasama-sama ng natural na stimuli, at ang pinakamahalaga
ay ang tunog. Ang musika ay magagamit din sa mga presentasyon o sining sa kagandahan,
komunikasyon,at panlibangan at lalo na sa mga tradisyonal na mga gawain o kultura, halimbawa
na lang sa tradisyonal na paglilibing. (http//:www.scribd com/mobile/doc/6279966/Related –
Literature-and-studies).
KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay magpapatupad ng pangunahing layunin sa 20 estudyante ng


Southland College S.Y. 2017-2018. Ito ay gagawin sa mga kolehiyong estudyante na
naobserbahang na ang kanilang tibok ng puso ay umaayon sa musikang pianapakinggan nila.

Paraan

Ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ay ang mga sumusunod: 1. Ang mga
mananaliksik ay pumili ng 20 respondents at nag-aaral sa kolehiyo ng Southland College S.Y.
2017-2018. 2. Naghanda ng apat na genre ng musika tulad ng: rap music, metal rock, serene
music at RnB. 3.Kunin ang pulso bago magpatugtog ng musika. Ang unang patutugtugin na
genre ng musika ay serene music sa loob ng tatlong minute. 4. Pagkatapos, kunin ang pulso sa
loob ng isang minute. 5. Ulitin ang 3 at 4 sa ibang genre ng musika naman. Paalala: Para sa mas
magandang resulta gumamit ng stethoscope at manuwal na pagkuha.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang Pag aaral na ito ay gumamit ng case study. Ito ay tumutukoy sa pag aaral kung
paano ang iba’t ibang genre ng musika ay nakaaapekto sa pulso o tibok puso. Ang case study na
pamamaraan ay nababagay sa pananaliksik na ito dahil makapagbibigay ng magandang resulta at
deskripsiyon.
Mga Respondente

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga estudyante sa kolehiyo ng Southland


College na edad 18 pataas A.Y. 2017-2018.

Buod ng mga Respondente

Estudyante Bilang ng Estudyante


Estudyante sa Kolehiyo 20

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga instrument sa pananaliksik ay ang tibok ng puso at genre ng musika (rap music,
metal rock, serene music at RnB). Ang mga materyales na ginamit sa pananaliksik ay
headphones, MP3 player at stethoscope.

You might also like