You are on page 1of 7

Angelo M.

Vitug BSPHY 1-1


2021-A002440 GEED 10103

ANG SIYENSIYA NG MUSIKA: PAG-USBONG NG MGA AWITIN


AT KOMPOSISYON NA MIDYUM NG AKADEMIKONG PAG-AARAL

Sa kasakalukuyang panahon ay lumalaganap ang mga musikang kontemporaryo.


Mula sa mga radio, telebisyon at maging sa internet ay hindi mawawala ito sapagkat
naging parte na ito ng pang araw-araw na buhay ng isang Pilipino. Itinuturing ito bilang
sining at mayroong katuturan bilang libangan ng karamihan. Tunay ang mga artikulo na
nagsasabing ang musika ay ang tagapag-bigay ng buhay sa iba pang mga uri ng sining
subalit ang patingin nito sa ganoong paraan lamang ay isang malaking kamalian. Ayon kay
Nietzsche (1889) na isang Aleman (German) na Pilosopo, ang buhay na walang musika ay
isang pagkakamali. Mula sa pahayag ng Pilisopo ay nabunga ang sari-saring mga
pananaliksik na sumasangayon dito. Partikular ito sa mga pag-aaral ng mga eksperto
katulad ng neuroscientists, musicologists, psychologists at anthropologist. Sa lahat ng
naisagawang pag-aaral ay nangingibabaw ang tiyak gamit ng musika sa akademikong
pag-aaral. Isa ito sa mga sa maituturing na pinakamakabuhuhang natuklasan ng mga
pananaliksik sapagkat siguradong makatutulong ito sa pag-unlad ng talinong-bayan at
pagiging produktibo ng isang bansa na salik ang mahusay na pagganap ng mga mag-
aaral sa kanilang tungkulin sa kasalukuyan at sa hinaharap na propesyon. Mabuti ang
patutunguhan ng lahat ng ito kung ang mga estudyante sa mga paaralan ay may
magandang biyson sa musika. Sa katunayan ay maraming maabilidad, matalino at tanyag
na mga tao ang kumikilala sa kahalagahan nito. Ang isa sa pinaka tanyag na dalub-agham
na si Albert Einstein mula sa saktong mga salita ay nagsabing “If I were not a physicist, I
would probably be a musician. I often think in music. I live my daydreams in music. I see
my life in terms of music.”

ANG KONTEMPORARYONG MUSIKA SA PILIPINAS

Ang kontemporaryong musika o contemporary music sa ingles ay nagsimulang


malikha noong 1945 at nananatili hanggang sa kasaukuyang panahon. Sinasaklaw nito
ang lahat ng uri ng musika na nakapaloob at nalikha sa naisaad na timeline. Sa Pilipinas,
maaaring ituring bilang kontemporaryong musika ang mga komposisyon na nakabatay at
nakaangkop ang ideya mula sa mga elemento ng musika noong ika-20 na siglo mula sa
kanluraning bansa, at maging ang mga umuusong makabagong istilo ng musika sa
kasalukyan ng industriya. Maryroong iba’t ibang pangkalahatang kategorya ang musika na
laganap sa Pilipinas. Halimbawa nito ay ang musikang tinatawag na (OPM) na
nangangahlugang “Original Pilipino Music” na siyang nilikha at inawit ng isang Pilipino.
Karamihan sa mga ito ay mga Pop, Ballad, Rock o kombinasyon ng nabanggit. Maliban sa
dito ay patok din sa Pilipinas ang mga Internasyonal na mga awit katulad ng Kanluraning
musika (Western Music). Ilan sa mga musikang ito ay inawit ng mga tanyag na mga mang-
aawit tulad ni Bruno Mars, Ariana Grande, The Weekend, at marami pang iba. Bukod sa
mga ito ay nahuhumaling din ang mga Pilipino sa musika ng Asya (Asian Music). Kasama
dito ang K-Pop at Japanese Pop- Rock na hango mula sa Asyanong mga Pelikula. Mula
sa mga impormasyong ito ay maaring sabihin na laganap ang kotemporaryong musika sa
Pilipinas.

ANG AKADEMIKONG PAG-AARAL

Akademiko ang salitang ginagamit upang maiugnay ang isang bagay sa mga
gawain sa paaralan, kolehiyo at unibersidad. Ang mga gawaing ito ay tumutukoy sa pag-
aaral at pangangatwiran na hindi nakabatay sa pratikal at teknikal na kakayahan. Kung
ilalapat ang Akademikong salita sa pag-aaaral ay mabubuo ang salitang Akademikong
pag-aaral. Sa pinagsamang salita ay mabubuo ang kahulugan nito bilang paghahasa ng
mga kakayahan na binibuo ng mga pangunahing kurikulum ng mga paaralan na walang
iba kundi ang kasanayan sa matematika, wika, sining, agham, at panlipunang pag-aaral.
Mula sa mga kahulugang ito ay masasalamin ang kahalagahan ng Akedemikong Pag-
aaral. Batay sa pananaliksik ni Regier (2015), ang mga taong matagumpay sa akdemiko
at mayroong mataas na antas ng edukasyon ay higit na mataas ang posibiliadad na
matanggap sa trabaho, may mas maaasahang trabaho, higit na marami ang opportunidad
na matatanggap, at may mas mataas na sahod kumpara sa mga taong lubhang mababa
ang antas ng edukasyon. Implikasyon ito na napakahalagang sangkap ng Akademikong
Pag-aaral sa pagkamit ng tagumpay, maayos na kabuhayan, at maunlad na isang bansa
bilang kabuuan.

AKADEMIKONG PAG-AARAL AT KONTEMPORARYONG MUSIKA BILANG ISA

Pagsapit ng ika-21 siglo ay lumabas ang mga sari-saring komento mula sa mga
eksperto na nag-uugnay ng akademikong pag-aaral sa kontemporaryong musika. Sa
unang tingin ay pawang hindi gaanong magkalapit ang dalawang paksa subalit dahil sa
mga isinasagawang pananaliksik ay nabibigyan ito ng linaw. Iisa lamang ang konklusyon
nga mga pag-aaral at ito ay ang pagpapaunlad ng musika sa pagiging epektibo ng pag-
aaral na akademiko. Ayon sa kanila ay higit na napadadali ang proseso ng pagkatuto sa
pamamagitan lamang ng kontemporaryong musika.

EBIDENSIYA SA AKADEMIKONG PAGLAGO

Marami sa mga pananaliksik ang nagbibigay ng ebidensiya sa katapat na


benepisyo ng kontemporaryong musika sa proseso ng akademikong pag-aaral. Ang ilan
sa mga pinaka-makabuluhang naitala at naisapublikong mga batayang pag-aaral ay ang
mga sumusunod:

1. Ang mga estudyante sa ilalim ng kursong musika ay higit na nakakukuha ng mas


mataas na akademikong iskor kumpara sa mga kamag-aral na hindi musikero.
Ayon ito sa malakihang pag-aaral na isinagawa sa University of British Colombia
(UBC) na pinangunahan ni Peter Gouzouasis noong taong (2019)
2. Napatunayan na ang pag-aaral na may kasamang musika ay nakapagpapababa ng
“stress levels”. Sa pananaliksik na isinagawa ng (UMD) Medical Center ay nakita na
ang malumanay na musika ay nakapagpapababa ng blood pressure,
heart rate, at anxiety levels ng mga pasiyente maging sa mga estudyante.

3. Ayon kay Wetter (2009), ang tagal ng patisipasyon ng isang estudyante sa mga
gawaing musical ay may karampatang epekto sa akademikong tagumpay na
maaaring makakamit. Ibig sabihin nito ay higit na marami ang matatamasang
karangalan ng isang estudyante na may higit na “exposure” sa kontemporaryong
musika.

4. Maraming pag-aaral ang nagpatunay ng ilang mga positibong epekto ng musika sa


utak at katawan ng isang tao. Dalawang pag-aaral ang isinagawa ni Janata (2014)
at nakasaad sa mga ito na tumutulong ang kontemporaryong musika sa
pagpapagana ng kanan at kaliwang parte ng utak nang magkasabay. Ang paggana
ng dalawang parte ng utak ang nagtutulak sa buong potensiyal ng pagkatuto at
malakas na memorya.
5. Batay sa pananaliksik na isinagawa nila Hu, Chen, at Wang noong (2019).
Ginagamit ng mga estudyante sa kolehiyo ang musika sa kanilang pag-aaral at
kalusugan sa aspetong emosyonal, physical, mental at sosyal. Lumalabas sa mga
datos na natural at pangkaraniwang tugon nga mga na sa kolehiyo ang pakikinig sa
musika sa gitna ng pag-aaral dahil naktutulong ito sa kanilang mapanatili ang pokus
at enerhiya.

KONTEMPORARYONG MUSIKA SA AKADEMIKONG PAG-AARAL BILANG


TALINONG BAYAN

Ang mga kongklusyon ukol sa positibong epekto ng kontemporaryong musika sa


akademikong pag-aaral ay suportado na ng mga malalaking pananaliksik mula sa ibat-
ibang bansa. Subalit hindi ito sapat upang maisakatuparan ang pagiging talinong-bayan
nito. Hindi ang simpleng pagbabasa nito at boluntaryong pangangalap ng impormasyon
ang magpapalaganap ng kaalaman at kamalayan bagkus ay ang pagsasapubliko ng mga
pag-aaral na suportado ng mga eksperto sa iba’t ibang midyum ng pahayagan. Maaring
gamitin ang pagdadagdag sa school curriculum sa usapin tungkol dito o kaya naman ay
pagbabahagi ng impormasyon sa mga sikat na social media sites katulad facebook,
instagram, at twitter nang may permiso ng mga nagmamay-ari ng naturang mga
pananaliksik.

MULA KONTEMPORARYONG MUSIKA TUNGO SA PAMBANSANG


INDUSTRIYALISASYON

Magiging possible lamang ang pambansang industriyalisasyon kung ang antas ng


edukasyon na lumalaganap sa bansa ay mataas at epektibo sapagkat kinakailagan ito
upang magkaroon ng maabilidad at produktibong mga manggagawa na siyang tutulong sa
progresibong pagbabago ng Pilipinas. Kung magkakaroon ng kamalayan ang mamayan at
ang gobyerno sa malaking kahalagahan ng kontemporaryong musika sa akademikong
pag-aaral ay maaari silang makabuo ng mekanismo base dito na siyang magpapairal ng
paggamit nito bilang tulong sa pagtuturo sa mga paaralan mula primarya hanggang sa
kolehiyo. Ang posibilidad na ito ang siyang lilikha ng mga mahuhusay na mag-aaral na
kalaunan ay magiging manggagawa ng Pilipinas. Dahil dito ay higit na darami ang mga
propesyonal sa piling mga larangan at mababawasan ang mga manggagawang “job
mismatched” at “underqualified”. Kung ganito ang mangyayari ay sunod nang lalago ang
ekonomiya dahil sa mga malilikhang mga trabaho dulot ng pagdami ng mahuhusay na
trabahador.

Einstein, Muse, A. C. (2021). 100 Famous and Inspirational Music Quotes. CMUSE. Retrieved

February 25, 2022, from https://www.cmuse.org/100-famous-and-inspirational-music-

quotes/

Ekwuribe, E. (2022). What Is Contemporary Music? The Music Resource. Retrieved February 26,

2022, from https://themusicresource.com/what-is-contemporary-music/

Greenslade, A. (2020). What makes OPM original? The characteristics of Original Philippine

Music. Filifest. Retrieved February 23, 2022, from https://newsroom.spotify.com/2019-03-

27/the-opm-ballads-of-the-philippines-will-make-you-get-up-and-sing/
Hu, Chen, Wang, X. J. Y. (2021, January 10). University students’ use of music for learning and

well-being: A qualitative study and design implications. ScienceDirect. Retrieved February

28, 2022, from https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0306457320309043

Janata, Davis, P. U. C. (2019, August 12). The benefits of Studying with music. Florida National

University. Retrieved February 24, 2022, from https://www.fnu.edu/benefits-studying-

music/

Popova, Nietzsche, M. F. (2019). Nietzsche on the Power of Music. Themaginalian. Retrieved

February 27, 2022, from https://www.scribbr.com/apa-citation-generator/new/webpage/

Regier, J. (2011). Why is Academic Success Important? Saskatchewan School Boards Association.

Retrieved February 22, 2022, from

https://saskschoolboards.ca/wp-content/uploads/2015/08/2011SIAST.pdf

Ventana, Nietzche, C. F. (2017, September 22). What is the Purpose of Music? Open Mind BBVA.

Retrieved February 26, 2022, from

https://www.bbvaopenmind.com/en/humanities/arts/what-is-the-purpose-of-music/

Wetter, O. E. (2009). Does musical training improve school performance? ArtsEdSearch. Retrieved

February 23, 2022, from https://www.artsedsearch.org/study/does-musical-training-

improve-school-performance/

You might also like