You are on page 1of 22

Impluwensya ng OPM (Original Pilipino Music) sa Pagpapahalaga ng Kulturang Pilipino

Batay sa Pananaw ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon

sa Pamantasan ng Misamis

Isang Pananaliksik na Iniharap

sa Guro ng Edukasyon

ng Pamantasan ng Misamis

Lungsod ng Ozamiz

Bilang Bahagi ng Pagtupad

sa Pangangailangan

ng Asignaturang Educ 8

Liza Mae A. Reroma

Joshua S. Colanggo

Chares G. Casanes

Cristine Joy A. Delfeno

Oktubre 2018
Impluwensiya ng OPM (Original Pilipino Music) sa Pagpapahalaga ng Kulturang Pilipino

Batay sa Pananaw ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon

sa Pamantasan ng Misamis

Lungsod ng Ozamiz

Liza Mae A. Reroma, Joshua S. Colanggo, Chares G. Casanes, Cristine Joy A. Delfeno

Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Misamis, Lungsod ng Ozamiz 7200 Philippines

Corresponding email: lizamaereroma1003@gmail.com

Abstrak

Ang Original Pilipino Music o OPM ay isang uri ng musikang Pilipino na sumikat noong dekada
’70. Sinasalamin nito ang talento at buhay ng mga Pilipino ngunit sa kasalukuyang panahon ay
tila nalilimutan na ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan ang tunay na diwa ng OPM dahil na
rin sa mga nagsilabasang musika mula sa ibang bansa. Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy
ang impluwensya ng OPM sa pagpapahalaga ng kulturang Pilipino ng mga mag-aaral sa
Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Misamis, Lungsod ng Ozamiz. Ang deskriptib-
kwantitatibong pamamaraan ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral na ito.Isang talatanungan o
sarbey kwestyuner ang ginamitsa pangongolekta ng datos. Ang mga tagatugon ay ang 133 na
mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Misamis. Natuklasan sa pag-aaral
na ito na lubos na mataas ang impluwensya ng OPM sa pagpapahalaga ng kulturang Pilipino.
Mahalaga ang pag-aaral na ito upang matukoy ang mga maaaring maging impluwensya ng OPM
sa pagpapahalaga ng kulturang Pilipino at upang mas malinawanagan ang mga mambabasa
tungkol sa OPM lalo na ang mga kabataan.

Susing Salita: buhay, mang-aawit, pagkakakilanlan, tagapakinig, tradisyon


Panimula

Ang musika ay sining na gumamagamit ng tunog. Ayon kina Peterson at Dunworth


(2004) ito ay hango sa salitang Griyego na “mousike” na nangangahulugang “sining ng mga
Musa” na kung saan ang Muses ay kinabibilangan ng mga dyosa ng musika, sining, tula at
sayaw. Ang musika ay inilalarawan bilang isang sining ng paglalahad ng mga kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng tunog ng musika (Fungo, 2014). Nakatutulong ito upang mahasa
ang kasanayan sa pag-unawa, pananalita at pagbabahagi ng saloobin (Diamante, 2008).Ayon kay
Vella (2000) sa pagbibigay kahulugan sa musika ay kinakailangang isaalang-alang ang
maraming aspekto simula sa kalagayang kultural at inaasahan ng mga tao, ang tungkuling
panlipunan ng musika, ang pamilyaridad ng mga tagapakinig at salik pisyologikal. Ayon naman
kay Clark (2005), mayroong kakayahang makapagbago ng kalooban ng konsyus ang musika.
Isinaad pa ni Mojica (2004) na ang musika ay may kakayahang makapagpagaling at makapag-
bigay sigla na halos lampas sa ating pang-unawa

Gayunpaman, ang kasaysayan ng musikang pangkalahatan ay nahahati sa panahon at


kalidad. Ang unang bahagi ay sa musikang panrelihiyon partikular sa pananampalatayang
Kristiyano na namayagpag sa Europa noong Gitnang Panahaon, ikalawang bahagi ay ang
Renesiyamento noong ika-12 siglo hanggang sa ika-18 iglo, ikatlo ay ang tinatawag na Musical
Simponia na namayagpag noong huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang 1920s at ang ikaapat ay
ang musikang Rock and Roll na dala ng ikalawang digmaang pandaigdig (Losephus,2011). Ang
kasaysayan naman ng musika sa Pilipinas ay nahahati sa 4 na panahon. Una ay ang unang Ethnic
Tradition noong ika-9 hanggang ika-16 na siglo. Pangalawa ay ang Spanish Colonial mula 1521
hanggang 1598. Pangatlo ay ang American Colonial at sa kasalukuyan ang Contemporary
Tradition ngayong ika-21 na siglo (Anupol et. al., 2010). Sa panahong ito umusbong ang uri ng
musika sa Pilipinas ngayon na tinatawag na Orihinal Pilipino Music o OPM. Ang Original
Pilipino Music o mas kilala sa tawag na OPM ay tumutukoy sa mga uri ng musikang Pilipino sa
anyong balad na sumikat noong dekada 70 sa katauhan ng mga batikang mang-aawit katulad
nina Basil Valdez, Rey Valera at Apo Hiking Society (Dumaslan, 2013). Ayon kay Parenno
(2013) ang musika ay isang malaking bahagi sa kultura at lipunan ng Pilipinas lalo na ang OPM.
Ito ay itinuturing na isang gawaing sosyal sapagkat mayroong naganap na komunikasyon sa
pagitan ng komposer, mang-aawit at tagapakinig kahit anong musikang gawa ng isang Pilipino
ang nagsulat at naglapat ng musika sa isang awitin upang maituring na OPM (Toledo, 2012).
Ayon pa rin kay Dumaslan (2013) ang musika at kultura ng mga Pilipino ay magkaugnay.
Malaking bagay para sa mga Pilipino ang musika, ito ay isang tila sinulid na nakaugnay na sa
ating kultura, tradisyon at pagkakakilanlan. . Inilarawan ni Pagayon (2004) na ang musikang
Pilipinio ay katangi-tangi gaya ng kanilang likas na kakayahang manghiram at malikhaing
imahinasyon. Inilarawan naman ni Green (2001) na ang pagtatamo ng kultura, kaalaman at
kasanayan ay nababatay sa kanyang musikang pinakikinggan.

Masasabi ngang naging malaking bahagi na ang OPM sa buhay ng mga Pilipino ngunit sa
kasalukuyang panahon ay tila maraming tao na ang nakalilimot dito lalong-lalo na ang mga
kabataan. Ayon kay Jurado (2012), maaring may kinalaman ang paligsahan sa mga awiting
banyaga sa paghina ng OPM. Maraming kabataan sa henerasyon ngayon ang mas pinipiling
tangkilikin ang mga musikang galing sa ibang bansa kagaya ng sa Amerika at South Korea
(KPop). Ayon naman kay Gueverra (2012), hindi na maganda ang takbo ng OPM ngayon sa
ating bansa. Malaking dahilan di umano ng paghina ng OPM ay ang hindi pagpili ng mga
Pilipino sa tunog nito. Layunin ng pag-aaral na ito na maipaliwanag at matuklasan ang tunay na
impluwensya ng OPM sa kulturang Pilipino at kung ano-anu ang mga ito. Layunin ng mga
mananaliksik na matuklasan at maibahagi sa mga mambabasa kung sa paanong paraan
nakakaimpluwensiya ang OPM sa pagpapahalaga ng kulturang Pilipino ng mga mag-aaral sa
Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Misamis at kung paano nito sinasalamin ang buhay at
kaugalian ng mga Pilipino. Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat magbibigay ito ng kalinawan
tungkol sa kung paano nakatutulong at nakaiimpluwensya ang OPM sa pagpapahalaga ng
kulturang Pilipino. Mahalaga rin ang pag-aaral na ito upang mas mapaliwanagan pa ang mga tao
sa tunay na kahulugan ng OPM lalong-lalo na ang mga kabataan.

Pamamaraan

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng deskriptib-kwantitatib na


pamamaraan. Ito ay isang disenyo ng pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagtatali at
paglalarawan ng mga impormasyon hinggil sa mga salik o factors kaugnay ng paksa ng
pananaliksik.
Lugar at Tagatugon

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Pamantasan ng Misamis sa lungsod ng Ozamiz. Ito


ay isang pribadong institusyon sa lunsod ng Ozamiz na naitatag noong taong 1929. Ito ang
kauna-unahang pamantasan sa Misamis Occidental at isa sa apat 4 na pamantasan sa buong
Northwestern Mindanao at Zamboanga Peninsula na ginawaran ng Autonomous Status ng
Commission on Higher Education (CHED).

Ang mga naging tagatugon sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral mula sa
Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Misamis. Gamit ang Slovin’s Formula na may 5% o
0.05 na marginal error ay natukoy ang bilang ng mga tagatugon na sumagot sa pananaliksik na
ito. Mula sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral na dalawangdaan at lima (205) ay isang daan
tatlumpu’t tatlo (133) lamang ang naging mga tagatugon.Ang mga mga tagatugon na ito ay pinili
sa pamamagitan ng stratified random sampling. Ang kabuaang pangkat ng sampol na populasyon
ay hinati sa dalawang grupo o strata at sa mga pangkat na ito pinili ang mga naging pinal na
tagatugon. Sa pamamaraang ito mayroong pantay na pagkakataon ang bawat kabahagi ng
populasyon na mapabilang sa sampol.

Instrumento at Pagpapatibay

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang


pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos. Ang talatanungan ay nahati sa dalawang
bahagi. Ang unang bahagi ay tungkol sa personal na impormasyon tungkol sa tagatugon kabilang
ang pangalan (opsyunal), edad, kasarian, programa at taon. Ang ikalawang bahagi ay tungkol sa
prinsipal na mga datos na kinailangan ng mga mananaliksik. Ito ay mayroong apat na kategorya;
(a.)Wika, (b.)Sining, (c.)Tradisyon at Paniniwala at (d.)Relihiyon. Bawat katergorya ay
mayroong tiglilimang (5) pahayag bawat isa. Ang mga naging kasagutan ng mga tagatugon ay
batay sa 5-point Likert-type scale na mayroong tugon na (5)Lubos na sumasang-ayon;
(4)Sumasang-ayon; (3)Niyutral; (2)Sumasang-ayon ng bahagya; (1)Hindi sumasang-ayon. Ang
talatanungan ay napatibay sa pamamagitan ng pagpaapruba nito sa mga eksperto sa larangan ng
pananaliksik at sa larangan ng Original Pilipino Music at ito rin ay isinalang sa Chronbach’s
Alpha test na nakakuha ng markang 0.87 kung saan masasabi na iton ay epektibo. Pagkatapos
nito ay nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang pilot testing sa dalawampung (20) mag-aaral
sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Misamis upang mapagtanto ang katapatan,
pagiging epektibo at pagkatotoo ng talatanungang ito.

Paraan sa Pangongolekta ng Datos

Ang mga mananaliksik ay humingi ng pahintulot mula sa dekano ng Kolehiyo ng


Edukasyon upang isagawa ang nasabing paag-aaral at makuha ang kabuuang bilang ng mga
mag-aaral sa departamentong ito sa taong panuruan 2018-2019. Sumunod ay isinalang ito sa
balidasyon upang malaman ang bilang ng mga tagatugon o sample. Pagkatapos ay sinimulan na
ang pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang sarbey. Inalam muna
ng mga mananaliksik kung papayag ang mga tagatugon sa isasagawang sarbey at ipinaliwanag sa
kanila ang mga detalye tungkol sa kanilang sasagutang talatanungan. Binigyan sila ng kaukulang
oras upang masagot ang talatanungan. Pagkatapos makalap ang mga kanailangang datos ay
inalisa ito ng mga mananaliksik upang matuklasan ang mga maaring maging impluwensya ng
Original Pilipino Music o OPM sa pagpapahalaga ng kulturang Pilipino ng mga mag-aaral sa
Kolehiyo ng Edukassyon sa Pamantasan ng Misamis.

Wastong Pagsaalang-alang

Ang mga pangalan ng mga tagatugon ay mananatiling lihim maliban kung ipinag-uutos
ng batas naibunyag ang mga ito. Walang inaasahang panganib na magaganap sa partisipasyon sa
pag-aaral na ito. Walang pamimilit sa kanilang partisipasyon sa pagkat ito ay kusang loob.
Maaaring tumanggi ang mga tagatugon na lumahok sa pag-aaral anumang oras o panahon at
walang kaakibat na parusa kung saka-sakaling maganap man ito. Ang desisyon kung lalahok o
hindi ang mga tagatugon sa pag-aaral ay hindi makakaapekto sa relasyon sa Pamantasan ng
Misamis partikular na sa Kolehiyo ng Edukasyon. Ang opinyon o kuro-kuro ng mga tagatugon
ay walang kaugnayan sa opinyon o kuro-kuro ng dekano, mga guro, mag-aaral at iba pang tao sa
loob ng Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Misamis.
Interpretasyon ng mga Datos

Ang ginamit sa pag-aanalisa ng mga datos sa pag-aaral na ito ay ang Deskriptib-Statistik


na pamamaraan sa MiniTab Software. Tinukoy kung ilang bahagdan ang sumagot ng (5) Lubos
na sumasang-ayon; (4) Sumasang-ayon; (3) Niyutral; (2) Sumasang-ayon ng bahagya; (1) Hindi
sumasang-ayon sa bawat pahayag ng bawat kategorya na may berbal na interpretasyon na (1.00-
1.79) Hindi nakaiimpluwensya; (1.80-2.59) Bahagyang nakaiimpluwenysa; (2.60-3.39) Niyutral;
(3.40-4.19) Nakaiimpluwensya; (4.20-5.00) Lubos na nakaiimpluwensya. Mean at Standard
Deviations ang ginamit sa pag-alam ng impluwensya ng OPM sa pagpapahalaga ng kulturang
Pilipino ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Misamis. Ginamit
naman ang ANOVA test (Analysis of Variance) upang makuha ang makabuluhang kaibahan sa
kasaugtan ng tagatugon batay sa kanilanng profayl.

Resulta at Pagtatalakay

Ipinapakita sa talahanayan 1 na ang may pinakamaraming tagatugon ay nasa edad na 18-


20. Kadalasan sa mga mag-aaral na nasa kolehiyo ay nasa pagitan ng mga edad na ito. Ayon kay
Steiner (2016) ang karaniwang edad ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay sa pagitan ng edad na 17
hanggang 19. Ang edad ng mag-aaral sa kolehiyo ay naapektuhan din ng kanilang pagsisimulang
pagpasok sa kindergarten na nag-iiba-iba batay sa kanilang komunidad kung kaya’t ang ilan ay
napapasok sa edad na 17-20.

Ang kasarian ay nangingibabaw ang babae na may bahagdan na 86.47%. Ito ay sa


kadahilanan na ang kursong edukasyon ay pambabaeng propesyon. Ang pagtuturo ay isang
pambabaeng-dominante na larangan, partikular na sa elementarya ang mga guro ay babae
(Brabeck&Weisgerber, 1989).

Ang bilang ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon na nasa ika-apat na taon ay mas
marami kumpara sa unang taon. Bumaba ang bilang ng mag-aaral na pumasok sa kolehiyo at
kumuha ng kursong edukasyon kumpara noong nakaraang mga taon kung saan hindi pa
napapatupad ang programang K-12 ng pamahalaan. Mahihinuha rito na ang karamihan sa mga
mag-aaral na nakapagtapos na ng Senior High School ay hindi na nagpatuloy sa kolehiyo dahil
maari na silang makapagtrabaho gamit ang kanilang diploma. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon
ang mga mag-aaral na nakapagtapos ng Senior High School ay handa na sa laranagan ng
paghahanap-buhay dahil bahagi na ng kaning kurikulum ang work-immersion na naghuhubog sa
kanilang mga kakayahan para sa iba’t-ibang larangan ng trabaho.

Mas marami ang mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Misamis


ang kumukuha ng Bachelor of Science in Secondary Education o BSEd. 69.17% ang kumukuha
ng programang BSEd. Ito ay dahil sa implementasyon ng K-12 Curriculum sa ating bansa. Ayon
sa Kagawaran ng Edukasyon, 128,105 na guro ang tinanggap noong ika-31 ng Disyembre taong
2014 na nadadagdagan pa ng 37,000 na guro sa taong 2014. Sa mga natanggap na guro ay
nangingibabaw ang BSEd dahil tinatarget nila na may magtuturo sa Senior High na siyang
magtuturo naman sa core subjects tulad ng Mathematics, Science at Language. Gayundin, ang
magtuturo sa specialized subjects per track.

Talahanayan 1.Profayl ng mga Mag-aaral ayon sa Edad, Kasarian, Taon at Programa

Profayl Bilang Bahagdan


Edad
17 2 1.50
18 39 29.32
19 39 29.32
20 31 23.31
21 9 6.77
22 5 3.76
23 2 1.50
24 4 3.01
25 2 1.50
Kasarian
Babae 115 86.47
Lalaki 18 13.53
Taon
Unang Taon 52 39.10
Ika-apat na Taon 81 60.90
Programa
BEEd 41 30.83
BSEd 92 69.17
Ipinapakita sa unang pigura ang impluwensya ng Original Pilipino Music sa kultura ng
mga Pilipino sa larangan ng wika. Makikita sa resulta na lubos na nakaiimpluwensya ang OPM
sa lahat ng pahayag. Ang may pinakamataas na bahagdan ng lubos na nakaiimpluwensya ay sa
pagbibigay halaga ng Original Pilipino Music (OPM) sa wikang Filipino na wikang pambansa
ng mga Pilipino. Masasalamin sa mga awiting Pilipino ang pagkakakilanlan ng ating wika. Ang
musika ay isa sa mga mabisang paraan upang ating maipahayag ang iba’t-ibang wika ng bawat bansa o
kultura (Operio, 2018).

Kung gagamitin ang wikang pambansa ng Pilipinas na wikang Filipino (Artikulo XIV, Sek, 6 ng
Saligang Batas ng 1987) sa larangan ng musika ay tiyak na malaki ang maitutulong ng Original Pilipino
Music upang mapayaman, mapayabong at mapaunlad pa nang husto ang wikang Filipino. Sa bansang
Pilipinas, ang wikang Filipino na ibinatay sa tagalog ay isa sa nangungunang sa apatnapung wika ng mundo
na may dalawampu’t apat na milyong nagsasalita nito bilang kanilang unang wika at higit sa animnapu’t
limang milyon nagsasalita nito bilang kanilang pandagdadag na wika (Mia, 2015).

Nabibigyang halaga ang wikang Filipino 4.73 Lubos na naka-


iimpluwensya

Lubos na naka-
Naipapahayag ng OPM ang wikang Filipino 4.63
iimpluwensya

Lubos na naka-
Napapalawak ang bokabularyo sa wikang Filipino 4.59 iimpluwensya

Lubos na naka-
Nalilinang ang kasanayan sa pagsasalita at pagsulat sa wikang Filipino 4.57 iimpluwensya

Lubos na naka-
Nakatutuklas ng mga makaluma at maririkit na salita 4.54 iimpluwensya

0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4 4.5 5

Mean
Pigu
ra 1. Lebel ng Impluwensiya ng OPM sa Pagpapahalaga ng Kulturang Pilipino sa
Larangan ng Wika
Sa pangalawang pigura ipinapakita ang mga naging tugon ng mga mag-aaral tungkol sa
impluwesya ng OPM sa pagpapahalaga ng kulturang Pilipino sa larangan ng sining. Ang bawat
pahayag ay may markang lubos na nakaiimpluwensya. Ang may pinkamataas na antas ay ang
unang pahayag kung saan isinaaad na lubos na nakaiimpluwensya ang OPM sa paghahasa ng
talento sa paggawa ng awit at pagkanata ng mga Pilipino. Habang nag-aaral kang tumugtog ng
isang instrument o umawit natututo kang maging disiplinado at matiyaga. Hindi ito puwedeng
madaliin. Magiging mahusay ka lang kung magiinsayo ka (Orejas 2017).

May sariling estilo ang bawat mang-aawit sa pagkanta at paglikha ng mga musikang
Pilipino. Ito ang nagsisilbing pagkakaiba ng musikang Pilipino sa mga musikang banyaga. Ang
anim o apat na nota sa sinaunang eskalang Filipino ay hindi kapareho ng limang nota sa
musikang Tsino. Ang diwa at modulasyon ng musikang Filipino ay malumanay ngunit likas at
natural samantalang ang modulasyon ng musikang Tsino ay hindi likas at natural kundi
arbitraryo at baluktot (Romualdez, 2016)

Hindi na maipagkakaila na nananalaytay na sa dugo at kultura ng mga Pilipino ang


musikang Pilipino. Mahilig ang mga Pilipino sa musika sapagkat ito ay nagsisilbing paraan
upang mabawasan ang problemang pinapasan, nagsisilbing kaakibat sa mga emosyong
nararamdaman, nagsisilbing pinagkakakitaan at dahil na rin sa kahiligan ng mga Pilipino ang
pagkanta (Monzon, 2018).
Nahahasa ang talento sa paggawa ng kanta at pag-awit 4.68 Lubos na naka-
iimpluwensya

Napagtanto ang kahiligan at pagmamahal ng mga Pilipino sa musika 4.67 Lubos na naka-
iimpluwensya

Lubos na naka-
Napapahalagahan ang mag likhang awitin ng mga Pilipino 4.63 iimpluwensya

Lubos na naka-
Natataguyod at napapaunlad ang mga sariling likha ng mga Pilipino 4.61 iimpluwensya

Lubos na naka-
Nakakalikha ng sariling liriko at tono 4.58 iimpluwensya

0 1 2 3 4 5

Mean

Pigura 2. Lebel ng Impluwensiya ng OPM sa Pagpapahalaga ng Kulturang Pilipino sa


Larangan ng Sining

Sa ikatlong pigura makikita na lubos na nakaiimpluwensya ang OPM sa larangan ng


Tradisyon o Kaugalian. Batay sa pigura makikita na ang OPM ay lubos na nakaiimpluwensya sa
lahat ng pahayag at ang pinakamataas ay sa pagpapahayag ng damdamin at pagmamahal ng mga
Pilipino. Masasabing epektibo ang paggamit ng musikang Pilipino upang maipahayag ang
damdamin at pagmamahal. Noon pamang panahon ng mga kastila nauso na ang kundiman at
harana na mga kilala dahil sa pagpapahayag ng damdamin, tulad ng pag-ibig sa harana at
kasiyahan o kalungkutan naman sa kundiman (Celebrado, 2012).

Tanyag ang mga musikang Pilipino bago pa man nagsilabasan ang mga bagong anyo o
genre ng mga musika ay buhay na ang musika sa sinaunang bayan. Katuwang ng mga sinaunang
Pilipino ang musika, ito ang nagsilbing kaagapay sa pagpapaunlad ng tradisyon at kaugalian ng
mga Pilipino. Sa katunayan, ginagamitan ng mga instrumento tulad ng gangsa, tambol, at gitara
upang marikit ang alindog o daloy ng musika. Ginagamit ang mga ito sa ritwal, panliligaw,
pagluluksa, paghihingi ng proteksyon, selebrasyon ng pista o sa mga mahahalagang araw
(Sahara, 2016).

Naipapahayag ang kaugalian sa pagpapahayag ng damdamin at pagmamahal 4.61 Lubos na naka-


iimpluwensya

Nakikilala ang mga tradisyon ng selebrasyon 4.6 Lubos na naka-


iimpluwensya

Lubos na naka-
Nagbibigay ng kaalaman sa pagkakaisa o Bayanihan 4.57
iimpluwensya

Lubos na naka-
Taglay ng OPM ang mga kantang makabayan 4.5 iimpluwensya

Lubos na naka-
Maaaring matutunan ang iba't ibang mabuting pag-uugali ng mga Pilipino 4.45iimpluwensya

0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4 4.5 5

Mean

Pigura 3. Lebel ng Impluwensiya ng OPM sa Pagpapahalaga ng Kulturang Pilipino sa


Larangan ng Tradisyon at Kaugalian

Isa sa mga elemento ng kultura ng isang bansa ang o ang mga relihiyon nito. Ipinapakita
sa ika-apat na pigura ang pananaw ng mga tagatugon sa impluwensya ng OPM sa pagpapahalaga
ng kulturang Pilipino batay sa relihiyon. Batay sa kanilang mga kasagutan ang OPM ay lubos na
nakaiimpluwensya sa bawat pahayag ngunit ang may pinakamataas na bahagdan ay natutungkol
sa kung paano na aantig ang kanilang damdamin at napalalakas ang kanilang paniniwala sa mga
relihiyong kanilang pinaninindigan dahil sa OPM. Isang paraan ng mga Pilipino ang pag-awit
bilang papuri sa kadakilaan ng iba’t-ibang Diyos na kanilang pinaniniwalaan. Mahalaga ang
musika sa karanasan sa relihiyon sa buong kasaysayan at rehiyon (Stowe, 2012).

Karamihan sa mga tema ng musikang Pilipino ay nauukol sa kanilang relihiyong


pinaniniwalaan. Ang mga salita sa mga kanta o liriko nito ay madalas nakabatay sa kalagayang
pangkabuhayan ng isang tao (halimbawa ay taggutom), ang kanyang kawalan ng prehuwisyo,
estado sa buhay, paghihiganti ng isang mandirigma, pangangaluwa tuwing Nobyembre, paghingi
ng proteksyon o papuri kay Allah o sa Poong Maykapal (Sahara, 2016).

Naantig ang damdamin at napapalakas ang paniniwala ng mga Pilipino sa relihiyong kanilang pinaninindigan 4.58 Lubos na naka-
iimpluwensya

Lubos na naka-
Mas naiintindihan ang paniniwala ng ibang tao 4.49
iimpluwensya

Lubos na naka-
Mas nahihikayat ang paggalang sa ibang relihiyon 4.48 iimpluwensya

Lubos na naka-
Nakikilala ang iba't ibang relihiyon sa Pilipinas 4.43 iimpluwensya

Lubos na naka-
Nagkakaroon ng ideya ang mga tao tungkol sa relihiyon 4.43 iimpluwensya

0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4 4.5 5

Mean

Pigura 4. Lebel ng Impluwensiya ng OPM sa Pagpapahalaga ng Kulturang Pilipino sa


Larangan ng Relihiyon

Ipinapakita sa ika-limang pigura ang kabuuang kasagutan ng mga tagatugon tungkol sa


impluwensya ng Original Pilipino Music sa pagpapahalaga ng kulturang Pilipino. Ang mga
naging tugon sa larangan ng (a.)Wika, (b.)Sining (c.)Tradisyon at Kaugalian at (d.)Relihiyon ay
pawang lubos na nakaiimpluwensya. Makikita sa pangkalahatang resulta ng isinagawang sarbey
na may pangkalahatang mean na 4.57, mahihinuha na lubos na nakaiimpluwensya ang Original
Pilipino Music (OPM) sa pagpapahalaga ng kulturang Pilipino batay sa pananaw ng mga mag-
aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Misamis. Sumasalamin ang awiting Filipino
sa buhay, gawain, kultura, pakikibaka, inspirasyon, pangyayari sa kapaligiran, at sa
nararamdaman ng mga Filipino bilang tao (Cabangon, 2018).

Ang musika ay tuwirang interpretasyon ng kultura. Sa kabila ng mabilis na pagbabago


nito dahil na rin sa paglipana ng mga makabagong teknolohiya, ang musika ay mananatiling
daan sa pagtatagpi-tagpi sa lahat ng mga tao sa buong mundo. Gayundin, ang daan upang
maibahagi ang mga mahahalang aspekto ng kultura ng bawat lahi. Batay na rin sa pag-aaral sa
bansang China at US, lumalabas na mula sa scale na 1-10, ang average ng importansya ng
musika sa kultura. Sa kabuuan, lumalabas na mahalaga ang papel na ginagampanan ng musika sa
aspektong kultural (Kondrat, 2014).

Sining 4.64 Lubos na naka-


iimpluwensya

Wika 4.61 Lubos na naka-


iimpluwensya

Lubos na naka-
Tradisyon o Kaugalian 4.55 iimpluwensya

Lubos na naka-
Relihiyon 4.48 iimpluwensya

Lubos na naka-
Grand Mean 4.57 iimpluwensya

0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4 4.5 5

Buod

Pigura 5: Buod ng Resulta


Ipinakita sa ikalawang talahanayan ang makabuluhang kaibahan sa kasagutan ng mga
tagatugon tungkol sa impluwensya ng OPM sa pagappahalaga ng kulturang Pilipino base sa
kanilang profayl. Makikita na sa bawat aspekto (a.)Wika, (b.)Sining, (c.)Tradisyon o Kaugalian,
at (d.)Relihiyon ay hindi makabuluhan ang edad. Ito ay hindi nakaapekto sa kanilang pananaw
tungkol sa impluwensya ng OPM sa lahat ng aspekto ng kulturang Pilipino. Ito ay taliwas sa pag-
aaral na isinagawa nina Harrison at Ryan (2010) sa mga indibidwal na nasa edad 18 hanggang 75
kung saan natuklasan na mayroong malinaw na kaibahan sa kanilang panlasa sa musika batay sa
pagkaiba-iba ng kanilang mga edad.

Makikita naman na ang kasarian ay lubos na makabuluhan para sa lahat ng aspekto. Ito
ay lubos na nakaapekto sa pananaw ng mga tagatugon tungkol sa impluwensya ng OPM sa
pagpapahalaga ng kulturang Pilipino. Ito ay sa kadahilanan na nagkaiiba-iba ang uri ng musikang
tinatangkilik ng mga babae at lalaki. Mas pinipili ng mga kababaihan ang mas malawak na istilo
ng musika kumpara sa mga kalalakihan lalo na sa mga seryosong uri nito (Hagreaves et.al 1995).

Ang taon ng pag-aaral naman ng mga tagatugon ay masasabing hindi makabuluhan para
sa aspekto ng wika, kaugalian o tradisyon at relihiyon at lubos na makabuluhan para sa aspekto
ng sining. Mahihinuha na lubos na nakaapekto ang taon ng pag-aaral ng mga tagatugon sa
pananaw nila sa impluwensya ng OPM sa pagpapahalaga ng kulturang Pilipino sa larangan ng
sining dahil masasabing mas malalim ang emosyon ng mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon na
mas nagtutulak sa kanila na maiugnay ang sarili sa mga kantang madamdamin at dahil dito mas
malakas ang magpapahayag nila ng kanilang mga damdamin na isang uri ng sining. Ito ay dahil
na rin sa sinasabing Academic Pressure at sa labis na pag-iisip sa kung ano ang gusto nilang
gawin sa kanilang mga buhay gawa ng kanilang nalalapit na pagtatapos (Ferner, 2016). Ang
Academic Pressure ay isang pangunahing pinagmumulan ng stress ng karamihan sa mga mag-
aaral (Hashim 2003).

Ang programa naman ng kursong edukasyon na kinuha ng mga tagatugon ay lubos na


makabuluhan. Ito ay lubos na nakaapekto para sa kanilang mga kasagutan sa lahat ng aspekto ng
kulturang Pilipino. Masasabing nagkaiiba-iba ang pananaw ng mga tagatugon na kumuha ng
programang Bachelor in Secondary Education at Bachelor in Elementary Education dahil ang
BSEd ay pang-high school samantalang ang BEEd naman ay ang mga gurong magtuturo sa mga
bata sa elementary. Mahihihunaha na naiiba ang pananaw ng mga mag-aaral na naghahandang
maging guro sa elementary sa mga awitin dahil mas kinakailangang pagtuunan ng pansin ang
mga musikang iparirinig sa mga bata dahil malaki ang pagiging epekto nito sa kanila. Sa isang
pag-aaral noong 2016 na isinagawa ni Habibi (2016) natuklasan na ang mga karanasang pang-
musika ng kabataan ay maaring makapagpabilis ng pag-debelop sa utak ng isang bata partikular
na sa larangan ng pagatatamo sa wika at kasanayan sa pagbasa.

Talahanayan 2. Makabuluhang Kaibahan

Mga Variable Test Statistics p-Value Puna


A. Wika
Edad F = 0.78 0.62 Hindi makabuluhan
Kasarian T = 75.14 0.00 Lubos na makabuluhan
Taon F = 1.05 0.31 Hindi makabuluhan
Programa T = 56.33 0.00 Lubos na makabuluhan
B. Sining
Edad F = 1.41 0.20 Hindi makabuluhan
Kasarian T= 84.10 0.00 Lubos na makabuluhan
Taon F = 4.87 0.01 Lubos na makabuluhan
Programa T= 63.65 0.00 Lubos na makabuluhan
C. Kaugalian o Tradisyon
Edad F= 1.74 0.10 Hindi makabuluhan
Kasarian T= 75.96 0.00 Lubos na makabuluhan
Taon F= 1.01 0.32 HIndi makabuluhan
Program T= 54.83 0.00 Lubos na makabuluhan
D. Relihiyon
Edad F= 1.04 0.41 Hindi makabuluhan
Kasarian T= 66.63 0.00 Lubos na makabuluhan
Taon F= 1.00 0.32 Hindi makabuluhan
Program T= 47.21 0.00 Lubos na makabuluhan
Konklusyon at Rekomendasyon

Batay sa isinagawang pananaliksik maasasabing lubos na nakaiimpluwesya ang Original

Pilipino Music (OPM) sa pagpapahalaga ng kulturang Pilipino batay sa pananaw ng mga mag-

aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng Misamis. Lubos na nakaiimpluwensya ang

OPM sa pagpapahalaga ng wika, sining, tradisyon o kaugalian at relehiyon na bahagi ng

kulturang Pilipino. Sa lahat ng aspekto ang may pinakamataas na lebel ng impluwesya ay sa

larangan ng sining. Mahihinuha rito na malaki ang epekto ng OPM sa paghahasa ng talento ng

mga Pilipino sa pag-awit at paggawa ng mga kanta na bahagi ng sining na mahalagang salik sa

kulturang Pilipino. Isang tunay na repleksiyon ang awit sa kultura ng mamamayan at sa

pamamagitan nito, makikilala natin ang mga Pilipino.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na mas tangkilikin pa ang OPM upang mas

mapalakas ang impluwensya nito at makilala hindi lamang sa kasalukuyang henerasyon kundi

pati na rin sa mga sumusunod pa. Inirerekomenda rin magkaroon pa ng mas maraming programa

at pananaliksik tungkol sa OPM upang mas makilala at lumawak ang kaalaman ng mga Pilipino

tungkol dito nang sa gayon ay mas mapagyaman at mapahalagahan ang kulturang Pilipino na

syang sumasalamin sa ating pagkakakilanlan.


Sanggunian

Anupol, Cayabyab, Chua, Luarca, Shimamoto, Torio & Yumol (2010) Philippine Music.
Retrievedfrom:file:///C:/Users/LENOVO/Documents/RESEARCH/PHILIPPINE
%20MUSIC.pdf

Brabeck, M., & Weisgerber, K., (1989). College Students’ Perceptions of Men and Women
Chossing Teaching and Management: The Effects of Gender and Sex Role
Egalitarianism. Retrieved from: https://link.springer.com/article/10.1007/BF00289812

Cabangon, N., (2018). Wika sa saliw ng musika. Retrieved from:


https://varsitarian.net/news/20090404/wika_sa_saliw_ng_musika

Clark, A., (2005). Philippine Music. Retrieved from:


https://books.google.com.ph/books/about/Psychology_of_Moods.html?
id=RqNVshbRkmEC&redir_esc=y

Diamante, E., (2008). Attitude of students toward various types of music and their musical
involvrment: nalathaing tesis, Adventist University of the Philippines

Dumaslan, K., (2013). OPM (Original Pinoy Music): A Medium for Informal Learning Retrived
from: https://educreflections.wordpress.com/2013/01/31/opm-original-pinoy-music-a-
medium-for-informal-learning/

Ferner, S., (2016). Pressures of College Students. Retrieved from:


https://www.theodysseyonline.com/pressures-of-college-students

Fungo, AJ. V., & Brinosa, I. J., (2014). Teenage music genre: OPM or Foreign. Retrievedfrom
https://edoc.site/research-paper-in-english-pdf-free.html
Green, (2008). Enculturation of Music and Source. Retrieved from:
https://books.google.com.ph/books?
id=5xehDQAAQBAJ&pg=PT92&lpg=PT92&dq=green+2008+enculturation+the+acquis
ition+of+music&source=bl&ots=2xWfmzAMBK&sig=SF2A1nMRQHedOejqOko3J04u
-ys&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjmkv2y-
M3cAhVEE7wKHcbHA2EQ6AEwBHoECAYQAQ#v=onepage&q=green
%202008%20enculturation%20the%20acquisition%20of%20music&f=false

Gueverra, F., (2012). Ang OPM Bilang Bahagi ng Kulturang Pilipino. Retrieved from:
https://www.academia.edu/7634920/Ang_OPM_Bilang_Bahagi_ng_Kulturang_Pilipino

Habibi, A., (2016). Music training speeds up brain development in children. Retrieved from:
https://dornsife.usc.edu/news/stories/2423/music-training-speeds-up-brain-development-
in-children/

Hagreaves, D., (1995). Musical Preference and Taste in Childhood and Adolescence. Retrieved
from:https://www.researchgate.net/publication/232523022_Musical_Preference_and_Taste_i
n_Childhood_and_Adolescence

Harrison, J., & Ryan, C., (2010). MUSIC PREFERENCES IN ADULTHOOD. Retrieved from:
https://www.researchgate.net/publication/316074948_Age_trends_in_musical_preference
s_in_adulthood_1_Conceptualization_and_empirical_investigation

Hashim, E.M., (2003). Academic Stress Among Adolescent in Relation to Intelligence and
Demographic Factors. Retrieved from: http://iasir.net/AIJRHASSpapers/AIJRHASS14-
150.pdf

Jurado, N., (2012). Ang OPM Bilang Bahagi ng Kulturang Pilipino retrieved from:
https://www.academia.edu/7634920/Ang_OPM_Bilang_Bahagi_ng_Kulturang_Pilipino

Kagawaran ng Edukasyon (2018). Retrieved from: https://www.ciit.edu.ph/senior-high-school-


graduates/
Komisyong ng Wikang Filipino, (n.d.). Artikulo XIV, Sek. 6 ng Saligang Batas ng 1987. Retrieved from:

http://kwf.gov.ph/tungkol-sa-kwf/

Komisyon ng Wikang Filipino, (n.d.). Buhay at Kulturang Filipino. Retrieved from: http://kwf.gov.ph/wp-

content/uploads/2016/04/Romualdez.pdf

Kondrat, M., (2014). Does Culture Affect Music or Does Music Affect Culture? Retrieved from:

https://prezi.com/_ofmyns8lnua/does-culture-affect-music-or-does-music-affect-culture/

Losephus, A., (2011). Maikling Kasaysayan ng Musika. Retrievd from:


http://andrewantes.blogspot.com/

Mia, (2015). Musika Gamit ang Wikang Filipino, Ipinagmamalaki sa Buong Mundo. Retrieved

from: https://tatakmusikangpinoy.wordpress.com/2015/09/17/musika-gamit-ang-wikang-

filipino-ipagmalaki-sa-buong-mundo/

Mojica, J., (2004). The Art of Singing: Extensive vacal Therapy: Makati City. Sound. Retrieved
from: https://www.academia.edu/5939596/Pamanahong_Papel

Monzon, G., (2018). I am Filipino June 22: Mga Dahilan Kung Bakit Mahilig ang Pinoy sa
Musika. Retrieved from: https://philippineone.com/i-am-filipino-june-22-mga-dahilan-kung-
bakit-mahilig-ang-pinoy-sa-musika/

Operio, L.I., (2018). Pagpapahayag Ng Ating Wika, Gamit Ang Musika Ng Ating Bansa.
Retrieved from: http://musiwika.blogspot.com/

Orejas, E., (2017). Ang Impluwensya ng Musika. Retrieved from:


https://www.lds.org/liahona/201/09/youth/the-influence-of-music?lang=tgl
Pagayon, R. (2005). Tunugan: four essays on filipino music. Q.C.: The University of the
Philippines Press. Retrieved from: https://books.google.com.ph/books?
id=ScoMtNDK9WIC&printsec=frontcover&source=gbs_ge_summary_r&cad=0#v=onep
age&q&f=false

Parenno, E.,(2013). OPM: Patay o Hindi?. Retrieved from:


https://uclaliwanagatdilim2013.wordpress.com/2013/06/07/opm-patay-on-hindi-enzo-
parreno/

Peterson, A., and Dunworth, D., (2004). Mythodology in the Midst: A Guide for Cultural
References.Westport , London: Greenwood Press. Retrieved from:
https://books.google.com.ph/books/about/Mythology_in_Our_Midst.html?
id=ztRbyAbWuFEC&printsec=frontcover&source=kp_read_button&redir_esc=y#v=one
page&q&f=false

Sahara, M., (2016). Copy of Copy of Musika: Daluyan ng Kalooban. Retrieved from:
https://prezi.com/qime-_v072e1/copy-of-copy-of-musika-daluyan-ng-kalooban/

Stenier, R., (2016). The College and University Experience. Retrieved from:
https://www.quora.com/What-is-the-normal-age-for-college-freshmen-in-the-U-S

Stowe, D., (2012). Mga Kanta ng Pagsamba: Bakit Naman Namin sa Panginoon. Retrieved from:
https://tl.innerself.com/content/personal/spirituality-mindfulness/religions-a-
beliefs/14841-songs-of-worship-why-we-sing-to-the-lord.html

Toledo, R., (2012). Ang OPM Bilang Bahagi ng Kulturang Pilipino. Retrieved from:
https://www.academia.edu/7634920/Ang_OPM_Bilang_Bahagi_ng_Kulturang_Pilipino

Vella, R., (2000). Musical Environments: A Manual for Listening, Improvising and Composing.
Special Topics and Appendix 2 Retrieved
from:https://www.researchgate.net/publication/27469456_Musical_Environments_A_Ma
nual_for_Listening_Improvising_and_Composing_Special_Topics_and_Appendix_2

You might also like