You are on page 1of 50

Republika ng Pilipinas

Mindanao State University – General Santos City


SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM
Unang Semestre, S.Y. 2018-2019

K-POP VS OPM:
Interpretasyon ng mga Datos sa Taunang Klase ng 2017-2018 at 2018-2019

Isang Papel Pananaliksik na Ipinasa sa Faculty ng


Departamento ng Senior High School
Mindanao State University
Fatima, Lungsod ng Heneral Santos

Bilang Parsyal na Katuparan


Sa Pangangailang sa Asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino

BIBO, JAYNO
CASIPLE, RENEEVI
DOMANTAY, BRIXSON
LAPIDO, MISSY MLYTHE
SARMIENTO, DEMI MOORE
TAPIC, AMBER ROANNE

Disyembre, 2018
KABANATA I

Ang Suliranin at Sandigan Nito

Panimula

Isa sa mga elementong kumukumpleto sa pundasyon ng wika ay ang

tunog. Kung wala ito, hindi magiging posible ang pagbuo ng mga salita, wika, at

marami pang iba. Isa na rito ang musika. Ang musika, sa pinakasimpleng

depinisyon, ay grupo ng mga salitang nilagyan ng tunog. Ito rin ay nagsisilbing

paraan upang mailahad ang tinitimping damdamin, storya at opinyon.

Ang musika ay nahahati ayon sa katangian ng tugtog na ginamit dito o

genre. Maaring nagbibigay ito ng sigla o kalungkutan sa nakikinig. Ang

pagkakakilanlan ng isang musika ay nag-iiba at umuunlad dahil sa iba’t-ibang

salik gaya ng topograpikal na lokasyon.

Sa pamamagitan ng musika, hindi lamang umuunlad ang kultura,

nagkakaroon din ng pagkakakilanlan o identidad ang isang bansa. Ilan sa mga

ito ay ang Original Pilipino Music o OPM na patuloy na tinatangkilik ng mga

mamamayan mula sa bansang Pilipinas at ang K-Pop na unti-unting umuusbong

mula sa bansang Timog Korea.

Ang OPM ay umusbong noong taong 1970, ang taon kung saan umusbong

rin ang Metro Manila Popular Music Festival. Dahil sa pangyayaring ito,

ipinanganak ang mga sikat na kanta sa nasabing bansa, ang “Anak” ni Freddie
Aguilar at “Kay Ganda ng Ating Musika” ni Ryan Cayabyab. Patuloy na

yumaman ang kultura ng Pilipinas sa aspetong musika. (Santos, 2012)

Lumipas ang panahon, unti-unting naiimpluwensyahan ng ibang bansa ang

musika ng bansa. Nagsimula ito noong umusbong ang iba't-ibang Asianovelas sa

telebisyon ng mga mamamayan. Isa sa mga ito ay ang Meteor Garden mula sa

bansang Taiwan na isinalin sa Filipino ng channel na ABS-CBN. Ito ay naging

patok sa panlasa ng mga Pilipino at ito’y tinangkilik ng higit pa sa inaasahan.

Hindi kalaunan, nagsimula din na ipalabas ang musika ng Timog Korea. Ang mga

tugtog na ito ay sinabayan ng bidyo at unang napalabas sa isang show na

nagngangalang MYX noong taong 2009. (Alanzalon, 2011)

Sa kadahilanang pagsikat ng mga musika gaya ng Hip-hop, Bossa Nova,

musika ng mga girl groups at boybands at marami pang iba, tila’y natabunan

ang sariling pagkakakilanlan ng bansang Pilipinas sa larangan ng musika. Sa

patuloy na paglaki ng impluwensya ng ganitong uri ng musika, patuloy ring

bumababa ang benta ng mga produsyer at musikero ng OPM. Ito ay nagdulot

ng isang pangmalakihang pagbabago sa literaturang Pilipino.

Ngunit hanggang ngayon, patuloy na nabubuhay ang Musikang Pilipino o

OPM dahilsa mga musikerong sina Moira Dela Torre, Sarah Geronimo, KZ

Tandingan, Bamboo, Morissette Amon, Yeng Constantino, Juan Karlos Labajo, at

mga bandang Ben&Ben, Callalily at IV of Spades. Gamit ang mga estilong


minsan ng pumatok sa masa at konting haplos ng klasikong pamamaraan,

naging mabenta ang bagong musika ng bagong siglo.

Patuloy na namamayagpag ang OPM sa bansang Pilipinas. Dahil dito, nais

ipagkumpara ng mga mananaliksik ang datos na makakalap sa Taunang Klase

2018-2019 at ang nakalap na datos sa Taunang Klase 2017-2018 sa paaralan ng

Mindanao State University-GSC upang mas maunawaan ang iba't-ibang

persepsyon ng mga mag-aaral sa aspetong OPM at K-Pop.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglayong makalap ang mga datos tungkol sa

persepsiyon ng mga mag-aaral ng senior high school sa kasalukyan (2017-2018)

hinggil sa pagtatangkilik ng K-Pop at OPM at nang maihahambing ang resulta

sa nakaraang taon (2018-2019). Ito ay naghahangad na masagot ang mga

sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang mas tinatangkilik ng mga mag-aaral sa pagitan ng K-Pop at

OPM?

2. Ano ang mga dahilan kung bakit tinatangkilik ang:

a. K-Pop;

b. OPM?

3. May makabuluhang kaugnay ba ang kasarian sa pagtangkilik ng OPM

at K-Pop?
4. Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng K-Pop at OPM sa

aspetong:

a. Biswal;

b. Kultural na Handog;

c. Kwento;

d. Sensibilidad ng Tagahanga;

e. Partipasyon ng Aktibidad ng Tagahanga?

5. Ano ang makabuluhang pagkakaiba ng paghahambing ng

dalawang resulta mula sa 2017-2018 na pag-aaral nina Orapa,

Piquero, Poblete, Somo at Teves?

Saklaw at Limitasyon

Sinasaklaw sa pag-aaral na ito ang paghahambing ang nakalap na resulta

sa Original Pilipino Music (OPM) at Korean Pop (K-Pop) sa Taunang Klase 2017-

2018 at ang maikakalap na resulta sa Original Pilipino Music (OPM) at Korean Pop

(K-Pop) sa Taunang Klase 2018-2019 sa pamamagitan ng mga tagahanga nito.

Bibigyan rin ng pansin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng bawat isang

aspeto – biswal, kultural na handog, kwento, sensibilidad, at partisipasyon. Sakop

ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral lamang sa Mindanao State University

na nasa ika-11 na baiting. Ang pagkalap ng datos ay maisasagawa sa loob ng

dalawang araw.
Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mas maunawaan ng mga

tagahanga ang konsepto ng fandom at ang lawak at bigat ng epekto nito sa

kanilang pananaw sa pang araw-araw na buhay.

Higit pa rito, maikukumpara ng mga tagapagsaliksik ang mga datos na

nakuha nina Arapa, atbp. Sa Taunang Klase 2017-2018 sa datos na kukunin ng

mga tagapagsaliksik sa taong 2018-2019 kung nagging mas intensibo ang epekto

ng K-Pop at OPM sa mga tagapaghanga. Ang mga makikinabang sa pag-aaral

na ito ay ang mga sumusunod:

Mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong ng husto sa mga guro

dahil madadagdagan ang kanilang kaalaman at magiging bukas ang kanilang

mga isipan sa mga bagay kung saan nahuhumaling ang kanilang mga mag-

aaral lalo na sa larangan ng musika.

Mga Mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakapagbigay ng

karagdagang impormasyon sa mga mag-aaral patungkol sa kaibahan ng OPM

at K-Pop. Sa karagdagan, mamumulat ang kanilang isipan sa pagbalanse ng

pagiging tagapaghanga at bilang mag-aaral.

Mga Mananaliksik sa hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong

makapagbigay ng karagdagang impormasyon at kaalaman tungkol sa OPM at

K-Pop na maaring gawing basehan para sa mga sumusunod na pananaliksik.


Mga Magulang. Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng

karagdagang kaalaman at impormasyon sa mga magulang sa paggagabay sa

kanilang mga anak sa mga bagay katulad ng pagpili ng musika at paggamit

nito ng wastong paraan.

Ang Industriya ng Musika. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay

makapagbibigay ng makabuluhang kaalaman at paraan kung papano

mapalago ang iba’t-ibang barayti ng musika ditto sa Pilipinas lalong-lao na ang

OPM at K-Pop.
Kahulugan ng mga Termino

OPM (daglat: OPM Pop)

Ito ay tumutukoy sa kontemporaryong musikang popular sa Pilipinas. Mula

noong dekada sitenta, ang Pinoy pop ay patuloy na lumalawak at nakilala

bilang isang sensasyon. Ito ay nagmula sa mas malawak na uri ng musika, ang

Orginal Pilipino Music (Rimorin, 2010)

Ito ay ginamit ng mananaliksik bilang subheto sa kanilang komparatibong

pag-aaral.

K-Pop (daglat: Korean Pop)

Ito ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop,

rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Ang K-pop ay naging popular sa

kultura ng mga kabataan sa buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes

sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng mga Koreyano at mga mang-

aawit. (Custodio, 2010).

Ito ay ginamit ng mananaliksik sa bilang subheto sa kanilang

komparatibong pag-aaral.

Tagahanga

Ito ay tumutukoy sa taong nahuhumaling sa isang partikular na artista,

tanyag na tao, pelikula, programa sa telebisyon at banda. (Hills, 2002).


Sila ang nagsilbing instrumento sa isinagawang pananaliksik sa

pamamagitan ng pagsagot ng sarbey.

Fandom

Ito ay isang lupon ng mga tagahanga na nagpapakita ng parehong

interes sa isang bagay. (Merriam Webster Dictionary, 2016).

Ito ay bahagi ng sarbey ng mga mananaliksik na nagpapakita, ng

kaibahan ng dami at lebel o antas ng paghanga o pagtangkilik ng mga

estudyante mapa OPM o KPOP man.

Genre

Isang kategorya ng artistikong komposisyon, gaya ng musika or kaya'y

literatura, nailalarawan ng pagkakatulad ng porma, istilo, o kaya'y paksang

pinag-uusapan. (Brainly.ph, 2015)

Sa kategoryang ito nagsimula ang mga mananaliksik upang maging sentro

ng kanilang pananaliksik o pag-aaral ang musika ng Pilipino at Koreyano na

siyang pagrerepresenta gamit ang biswal, kwento, sensibilidad at gawain ng

mga tagahanga.
Biswal

Ito ay tumutukoy sa taong nagrerepresenta sa isang grupo dahil sa

kanilang kariktan at kagwapuhan. Maari rin silang tawagin na “Face of the

Group” sa Ingles. (Quora.com, 2016)

Ito ay naging bahagi ito ng sarbey ng mga mananaliksik upang malaman

ang interes ng mga tagahang sa kaanyuan ng isang partikular na artista o isang

grupo ng mga artista.

Kultural na handog

Ito ay tumutukoy sa kultura ng isang banyagang bansa na nagtataglay ng

iba't ibang kaugalian na maaaring makaimpluwensiya na maaring

makaimpluwensiya sa mga tumatangkilik nito. (Lana, 2016)

Ito ay naging bahagi sa sarbey ng mga mananaliksik upang malaman ang

naging pananaw ng mga tagahanga ukol sa mga kultura na mayroon ang

kanilang iniidolo.

Kuwento

Ang kwento ay mga produkto ng malikhaing-isip ng tao at naipapahayag

ito sa pamamagitan ng pagsusulat, pagdadrama o pagsasapelikula. (Brainly.Ph,

2014)
Ang terminong ito ay bahagi sa pananaliksik upang malaman ang naging

pananaw ng tagahanga base sa inilahad na mensahe o kuwento ng kanilang

kantang pinapakinggan.

Sensibilidad ng Tagahanga

Ito ay tumutukoy sa katangian ng isang tao na may mahusay na

pakiramdam o pagiging sensitibo sa isang musika o pelikula. (Ricarte, 2017)

Ito ay isa sa bahagi ng sarbey na kung saan inilahad ang lebel ng pagiging

sensitibo ng isang tao kapag nauugnay ang kanilang iniidolo sa K-Pop at OPM.

Partipasyon at Aktibidad ng Tagahanga

Ito ay tumutukoy sa mga gawaing kinakailangan ng pakikisama o

pakikibahagi sa proyekto sa isang samahan. (Tagalog Dictionary, 2017)

Ito ay isa sa bahagi ng sarbey kung saan inilahad ang ugnayan ng

tagahanga sa kanilang sinusuportahan na genre ng musika.


KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Sa kabantang ito, ilalahad ng mga mananaliksik ang mga kaugnay na

literatura at pag-aaral upang magkaroon ng mabuting pananaw sa suliraning

nakapaloob sa pag-aaral na ito.

Demograpiya

Pigura 2.1. Mapa ng lungsod ng Heneral Santos at MSU GenSan College

Ang Heneral Santos ay lungsod na matatagpuan sa Probinsiya ng Timog

Cotatabato Ayon sa 2010 na sensus, umabot sa 538,086 na kabuuang tao ang

naninirahan dito. Nakapaloob ditto ang Kolehiyo ng Pamatansang Mindanao na

may 158 hektaryang lupain na nabuo noong taong 1967. Dito isinagawa ng mga

mananaliksik ang kanilang pag-aaral tungkol sa K-Pop vs OPM.


Populasyon

Ang populasyon na magiging saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga

mag-aaral sa ika-11 na baiting ng MSU Senior High School Program. Ito ay may

kabuuang bilang na 443 na estudyante.

Kaligirang Kasaysayan

Ang Mindanao State University-General Santos City ay nagsimula bilang

isang pampublikong mataas na paaralan o hayskul na kampus ng West

Elementary School noong taong 1967. Sa taong 1973, naging Mindanao State

University Campus ito sa pamamagitan ng Pangunahing Kampus o ang

Mindanao State University-Marawi City. Pagkatapos ng ika-ilmampu’t pitong

Meeting of the Board Regents na ginanap sa Aberden Court sa lungosd ng

Makati noong Oktubro 10, 1973, naipasa ang Resolution No. 822 na siyang

dahilan sa pagkabuo ng unibersidad. Mayroong kabuuang sukat ang paaralan

na 156 ektarya.

Nagsimula ang Senior High School program noong taong 2016, ang unang

taon ng pag-iimplementa ng K-12 Program sa Pilipinas.


Kaugnay na Literatura

Ang papel na ito ay isang pahambing nap ag-aaral sa pagtangkilik ng

mga tagahanga ng K-Pop at OPM sa genre ng musikang hinahangaan ng mga

ito. Magsisimula ito sa pagtatalakay ng K-pop at OPM upang mas malinawan

ang mga mambabasa patungkol sa nilalaman ng pananliksik na ito.

OPM

Ang Original Pilipino Music o OPM ay tumutukoy sa mga kanatang pop,

ballad, at iba pang mga genre na binuo ng iba't-ibang taong tinuturing na

Pilipino. Ang mga lenggwaheng ginagamit sa mga kantang ito ay iba-iba.

Maaaring ito'y binuo gamit ang wikang Cebuano o Tagalog. Bagama't minsan

lamang nakilala bilang parte ng OPM, ang mga kantang nagawa gamit ang

mga wikang Hiligaynon, Pangasinense, Ilokano, Bikolano, Ingles, mga wikang

katutubo at marami pang iba ay napapabilang dito. Sa kadahilanang ito,

maituturing na daybers ang musika ng mga Pilipino. Unti-unti naring nakikilala ng

buong mundo ang musika ng Pilipinas. Ilan sa mga halimbawa ng pagtangkilik

ng mga dayuhan sa OPM ay ang paghanga ng sikat na musikero/manunulat ng

kanta na si Troye Sivan sa pop music na gawa ni No Rome na nagngangalang

"Seventeen" (youtube.com/BandwagonTV, 2018). Ang kantang "Akin Ka Na

Lang" naman ni Morissette Amon ay minsan ng pinagkaguluhan sa komunidad

ng YouTube, isang video-sharing website. Umani ng samu't-saring reaksyon at

papuri ang nasabing musikero dahil sa kanta. Siya ay nagpamalas ng


kagalingan. Ang bagong labas na kanta ni Juan Karlos Labajo na

nagngangalang "Buwan" ay agad na hinangaan ng mga dayuhan dahil mismo

sa ganda ng boses at konstruksyon ng kanta at sa nakakatindig-balahibong

konsepto ng bidyong isinama dito.

Bahagi na ng araw-araw na pamumuhay ng bawat Pilipnio ang musika. Ang

videoke malapit sa bahay, ang simpleng pagkanta ng mga kaklase sa paaralan,

ang tugtog sa isang convenience store, maging ang huni ng mga ibon at

kaluskos ng puno ay maituturing ring musika. Ang mga ito ay minsan nang

nagsilbing inspirasyon upang makagawa ng OPM. Ilan sa mga ito ay ang mga

kantang "Masdan mo ang Kapaligiran" ng Asin, "Paraiso" ng Smokey Mountain at

"Magkaugnay" ni Joey Ayala na may kapaligiran bilang inspirasyon ng kanilang

mga kanta. Meron din namang mga kantang hango sa pinakakakaibang

bagay. Isa sa mga halimbawa nito ay ang awiting "Butsekik" ng yumaong na

Yoyoy Villame na hango sa mga salitang "butse" at "keyk" na pag pinagsama,

bubuo ng salitang "butse keyk", isang tinapay na nilagyan ng malasang red bean

paste sa loob at binalutan ng maraming linga. Sa kabila ng kasaysayan nito, ito'y

pumatok sa mga Pilipino dahil sa aliw ng liriko nito. 'Di kalaunan, nagsimulang

haluan ng nakakagiliw at nakakasiglang ritmo ang mga kanta. Dahil dito, nauso

ang mga kantang may kasamang sayaw. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang

mga kantang "Sumayaw Sumunod" ng The Boyfriends, "Awitin Mo at Isasayaw Ko"

ng VST & Co., "Hataw Na" ni Gary Vallenciano, "Bongga Ka Day" ng Hotdogs, at

marami pang iba.


Ang musika ng Pilipinong katutubo ay resulta ng pag-impluwensya ng mga

tao mula sa mga karatig bansa gaya ng mga Indones, Malay, Arabo, Hindu, at

mga Tsino. (Generalao, 2015) Isang patunay ang kulintang ng mga Maranao,

isang percussion instrument. Ito ay kamag-anak ng gamelan, isang uri ng gong

na hinihinalang nabuo sa mga bansang India at Tsina noong Saka Era.

("Percussion Instrumemts and Their History", 1992)

Noong 1521 naman, taon ng pagdaong ng mga barkpng Trinidad, San

Antonio, Victoria, Conception at Santiago na pinamunuan ni Ferdinand

Magellan, naisulat ang kaunaunahang masinsinang deskripsyon ng musika ng

Pilipinas. Gamit ang mga lenggwaheng Portuguese at Spanish, detalydong

isinulat ng mga prayle, alipin at kasamahan ni Magellan ang kahanga-hangang

daybersidad ng musika ng Pilipinas. Ayon dito, iba't-ibang instrumentong gawa

sa mga likas na yaman gaya ng kahoy, tanso at kawayan ang gamit ng mga

Pilipino. Ilan sa mga instrumentong ito ay ang plauta, tambol at marami pang

iba. Nabanggit din dito ang musika sa aspetong relihiyon. Sinasabing ginagamit

ito upang magsagawa ng mga ritwal patungkol sa pagsagana ng mga ani at

isda. Hindi lang ito, gamit na gamit ang musika sa mga importanteng okasyon

gaya ng kapanganakan, kasal, libing, panliligaw at digmaan. ("Philippine Music,

A Historical Overview", 2015)

Nagsimula ang malaking pagbabago sa musikang Pilipino noong tuluyang

sinakop ng mga Español ang Pilipinas. Mabilis ang paglaganap ng impluwensya


ng simbahang Katoliko, na nagdulot ng biglaang pag-iba ng paniniwala. Ito ay

nagresulta sa paglantay ng makalumang pamamaraan. Sa panahong ito, hindi

lamang ang musika ang nagbago, kundi pati na rin ang panitikan, wika at

tradisyong Pilipino.

Ilan sa mga kapansin-pansing pagbabago ay ang presensya ng harana at

kundiman. Ang harana at kundiman ay ang pag-akit ng kababaihan gamit ang

magandang ritmo at pagkanta. Ang mga ito'y naggaling sa mga bansang

España at Mexico na kung saan ito'y isang estilo ng panliligaw. Mas naging sikat

ang mga pamamaraang ito nang ito'y gamitin ng mga tanyag na musikero sa

panahon na iyon. Ilan sa kanila ay sina Sylvia La Torre, Atang de la Rama, at

Ruben Tagalog, ang mananawit ng mga kantang "Ramona", "O Ilaw", at "Ang

Pasko ay Sumapit".

Simula sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, taong 1898, naging

libre ang edukasyon at umakit ito ng mga Pilipinong uhaw sa kaalaman.

Napabilang sa kurikulum ng bagong sistema ng edukasyon ang subhetong

musika. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang hugis ng

industriya ng musika ng Pilipinas kaswal lamang. Ang musika ng mga Amerikano

ang naging inspirasyon ng unang henerasyon ng mga Pilipinong kompositor na

nagtapos sa kolehiyo ng musika. Dahil sa kalakihan nng impluwensya ng

musikang dayuhan, tila naging parte ito kultura ng Pilipinas sapagkat labis ang

pagkakalantad nito sa mga mamamayang Pilipino. Simula noon hanggang


ngayon, umaabot sa 92% ng kabuuan ng populasyon ng Pilipinas ang mahilig sa

musika ng kanluran. Karamihan sa natirang 8% ay ang mga katutubong patuloy

na naging matatag sa kanilang mga paniniwala. (Lifey.com, America's Influence

in the Philippines)

Ilan sa mga patunay ng labis na impluwensya ng Amerika ay ang presensya

ng sarswela sa bansang Pilipinas. Bagama't ito'y tradisyon ng mga Español, ang

mga Amerikano ang pormal na nagpakilala nito sa anyo ng klasikal na musika sa

teatro. Sa panahon ng pananakop ng España, ang mga Español lamang ang

may karapatang sumali rito. Nang dumatin ang kolonisasyon ng Amerika sa

Pilipinas, pinahintulutan ang mga Pilipino na aralin ang konsepto nito at higit pa,

sumali sa nasabing tradisyon. Ito ay nagbigay ng oportunidad na mapayaman

ang musika ng Pilipinas. Sa teatro napapalabas ng mga Pilipino ang kanilang

mga emosyon patungkol sa kalayaan ng Pilipinas. Mas lalo pang naging tanyag

ang sarswela nang ipinakilala sa madla ang cinema. (Corazon Canave-

Dioquino, 2015)

K-Pop

Sa nakalipas na mga taon, ang eksena ng K-Pop sa Pilipinas ay nakikitang

lumago. Ito ay nagsimula sa kalagitnaan ng 2000's. Sa kasalukuyan, ang eksena

ng K-Pop ng Pilipinas ay naging isang ganap na kultura. (Capili, 2014)

Hindi natin maitatanggi na maraming Pilipino ang nahuhumaling sa musikang K-

Pop o Korean Popular Music. Mula sa mga unang henerasyon ng mga sikat na
grupo pati na din sa mga hindi gaanong sikat hanggang sa mga makabago at

kasalukuyang grupo ay hindi mapigilan ng mga Pilipino na magkagusto sa mga

idolong ito. Iilan sa mga grupong ito ay naggtatagal hanggang sampung taon

at mahigit pa mula nang inilunsad sila sa Korean entertainment industry. Fanbase

ang tawag sa grupo ng mga tagahanga na nilikha din ng mga tagahanga hindi

lamang galing sa Timog Korea kundi galing sa buong mundo.

Gaya din ng K-Pop, nahuhumaling din ang mga Pilipino sa dramang

Koreano na kuntawagin ay K-drama, ang kaibahan lamang nilang dalawa ay

naisasalin sa wikang Filipino ang dramang Koreano o nailalagyan ng subtitle

samantala ang mga musikang K-Pop ay nasa wikang Hangul o Korea at minsan

ay mayroong maliit na bahagi ng Ingles. Pero kahit hindi naiintindihan ng mga

Pilipinong tagahanga ang mga salita sa liriko ng mga Koreanong musika ay

patuloy parin nila itong tinatangkilik dahil sa marami at iba’t ibang kadahilanan.

Kagaya ng sinabi ng Miss Universe 2018Catirona Gray, “Just like in music you don’t

need to understand the lyric but you can feel the feeling from what they’re

communicating so why should it be any different from language” na kung salinin

sa wikang Filipino ay, “tulad ng musika hindi mo na kailangang maunawaan ang

liriko ngunit maaari mo nang maramdaman ang kanilang gustong ipahatid o

iparamdam kaya bakit ito naiiba sa wika” ay isa sa mga kadahilanan kung bakit

patuloy na itinatangkilik ang Koreanong musika.


Sa isang artikulo mula sa The Freeman (sa pamamagitang ng Philstar),

ipinaliwanag ng manunulat na si Sonney Boy Temblor ang dahilan kung bakit ang

mga Pilipino ay nahuhumaling sa musikang K-Pop. Ipinaliwanag ni Temblor na

ang K-Pop ay bumuo ng isang pansarili at natatanging karakter bagamat ito’y

naglalaman ng mga impluwensiyang musika mula sa Kanluran. Kadalasang

nagtataglay ng “nakakahalinang musika at dinamikong koryograpiya” ang K-

Pop, at madali itong sundan at matatandaan ng mga Pilipino sapagkat paulit-

ulit ang elemento nito. pagdating naman sa kanilang istilo ng pananamit, ito ay

marangya o quirky at sunod sa moda, ayou sa artikulo mula sa Candy

Magazine.at ang istilo ng pananamit na ito ay ginagaya at sinusunod na rin ng

maramiing kabataan sapagkat patuloy ang pagsikat ng K-Pop sa mundo.

Pagdating sa K-Pop, ang aliw na kanilang dinadala ay kadalasaang nag-

iiwan ng epekto hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo gaya

ng pagsikat ng kanilang mga kanta sa ITunes, Billboard, Spotify, at iba pang music

streaming platform.

Ang K-Pop invasion sa Pilipinas ay talagang nakakaapekto sa industriya ng

OPM, ito ay mailalathala sa apat na pangunahing aspeto: una, ang bilang ng

mga naibentang album, pangalawa, ang pag-organisa ng mga konsyerto,

pangatlo, ang taglay nitong orihinalidad sa musika at ang panghuli ay ang

katanyagan, tulad ng mapatunayan ng mga ebidensya na binanggit kanina.

Ngunit hindi iyan nangangahulugan na ang pagsalakay ng K-Pop ay ang


pinakamalaking banta sa OPM ngayon dahil may maraming mga salik sa

nakakaapekto dito. (Arriola, 2013)

Ang terminong “Hallyu” ay isang salita na nanggaling sa Korea. Nagmula

ito sa dalawang salita sa “Han” (na ang kahulugan sa Korean ay “Korean”) at

“Ryu” (na ang kahulugan sa Korean ay “Wave”). Isang pangalan sa kasalukuyan,

na literal na nangangahulugang Korean Wave (Deen, 2012). Karaniwang

inilalarawan nito ang daloy at ang katanyagan ng mga tanyag na kultural na

produkto ng Korea, lalo na ang mga nilalaman ng media, sa iba pang mga

bansa sa Asya at sa ibayo, pati na rin ang mga nai-export na sikat na kultural na

produkto sa Korea mismo (Yang, 2012).

Tumataas ang popularidad ng Kultura ng mga Koreano sa buong mundo

(Mogtortor, 2013). Ang mga tagahanga ay sinisiguradong maipakita ang

kanilang kakayahan at supporta sa kanilang minamahal na idolo. Ang lahat ng

ito ay bunga ng impluwensyang Hallyu sa Pilipinas, ang paglago ng ekonomiya

ay makikita sa nalalapit na hinaharap (Cruz, 2014).

Ang isang partikular na malakas na kadahilanan ng Hallyu ay ang K-pop

(o Korean-Popular) na musika at sayaw (Kim, 2012). Ang pag-unlad ng K-pop sa

Pilipinas ay maaaring mailalarawang natatangi o kakaiba (Hicap, 2009), mula pa

noong 2008, wala pang grupo ng K-pop o idolo ang nakarating sa Pilipinas kahit

na ito ay magkaroon ng mga promosyon, pag-eendorso o pagsasagawa ng

mga palabas / konsyerto. Simula noon, ang mga bagong grupong idolo ay
nilikha ng mga produksyon ng K-pop, tulad ng SM Entertainment at JYP

Entertainment. Marahil sa katotohanan na ang mga Pilipino ay maagang

nailantad sa mga Amerikanong musika kahit papano sinimulan nila na tanggapin

ang tinatawag na "bagong musika" - na nilikha ng mga Koreano at hindi lamang

iyon, kundi dahil ito ay isang halo-halong kultural, ay marahil isa pang

kadahilanan na nagdaragdag kung bakit ito nakakaakit (Cruz, 2014).

Kahit na may pagkakaiba sa mga pinagmulang panrehiyon sa pagitan ng

Pilipinas at ang pinagmulang bansa ng K-pop, mayroon pa ring kamangha-

manghang paglago sa subkultura nito sa bansa (Deen, 2012), isang kadahilanan

na ginagawang kahanga-hanga ang produkto. Ang mga tagahanga ng Hallyu

wave sa bansa ay natural na humahanap ng kasama na may kaparehong

pagkahilig katulad ng sa kanila (Cruz, 2014).

Tagahanga

Malaki ang bahagi na ginagampanan ng mga tagahanga o mga

tagatangkilik sa patuloy na pamamayagpag at pag-unlad ng isang industriya.

At kung pagbabasehan sa konsepto ng pagkunsumo, nakasalalay sa mga

pangangailangan at kagustuhan ng mga kunsumer o tumatangkilik ng isang

produkto, kung kaya’t nagbabago o napapalitan ang mga produkto ayon sa

demand ng mga tagatangkilik.

Ayon pa sa pnanaliksik na ginawa ng grupo ng Trioka, ang mga stratehiya

sa industriya ay nakaayon sa kung papaano ito nakakonekta sa mga


tumatangkilik o mga tagahanga nito, at matuto sa ng mga bagong bagay sa

kanila na siyang ikayayabong ng isang industriya. (Kresnicka, 2015)

Sa isang pananaliksik na ginawa noong Setyembre 2015, 85% ng sarbey

ang naitala ng mga tagahanga ng isang tao o bagay- 97% nito ay nasa edad

na 18-24 taong gulang.

Ang mga tagahanga ay nagpapakita ng kanilang paghanga sa iba’t-

ibang paraan, (Professor Lornel Sandross) sa kaniyang librong, Fans: The Mirror of

Consumption na nagsasaad na magkakaiba man ang mga tagahanga ngunit

sa huli ay nagkakaisa sa isang “fundamental psychological, social and cultura

premises and consequences”. Na siyang sinang-ayunan naman ng Journal of

Sport Behavior (2010) na kung saan sinasabi na ang mga tagahanga ng isports

at tagahanga ng isang bagay o tao ay nakakaranas ng kanilang paghanga sa

parehong paraan.

Ang mga tagahanga ay ang mga taong humahanga at tumitingala sa

isang tao o grupo ng mga tao na siyang bumubuo ng isang industriya. Sila din

ang bumubuo ng mga pangangailangan o gumagawa ng effort sa kanilang

mga iniidolo.

Fandom

Ang fandom ay isang grupo ng mga tagahanga na sumusuporta sa

isang tao o isang grupo. Ang isang tao ay hindi nagiging tagahanga sa kanyang
sarili lamang dahil dito nabubuo ang mga organisasyon o fan clubs. Ayon naman

sa klasipikasyon ng aktibong tagahanga sa isang fandom binanggit ni Sandvoss

sa kanyang libro ang akda nina Abercombie at Longhurst tungkol sa iba’t ibang

grupo ng tagahanga at isa rito ang enthusiasts. Ang mga enthusiasts ay

nakalilikha ng sarili nilang tektso na kanila naming ibinabahagi sa kapwa nila

tagahanga sa pamamagitan ng mga pagtitipon, fan club at komunidad sa

internet. (Abercombie.Longhurst, 2000)

Ang mga fun club ay nabubuo sa pamamagitan ng online dulot ng kalat

kalat na populasyon ng mga tagahanga ng K-Pop. Para makapagtipon ng

personal bumubuo muna sila ng online forums o form text clans. Ayon kay Vangie

Beal (2012) ang online forum ay isang online discussing group. Ito ay nagbibigay

ng iba't ibang mga forum, kung saan ang mga kalahok na may mga parehong

interes ay maaaring makipagpalitan ng mga mensahe. Tinatawag rin ito na

newsgroups o conferences sa mundo ng internet. Sa kabilang banda, ang text

clan naman ay isang grupo ng mga tagahanga na nagpapalitan ng mensahe

sa pamamagitan ng pagpapalitan ng numero gamit ang kanilang cellphone.

Maliban sa pakikipag-ugnayan gamit ang internet at pagpapalitan ng

mensahe gamit ang cellphone, nagkikita rin sa personal ang mga miyembro sa

mga pagtitipon tulad ng mga konseryto at fan meetings at iba pa. Nagkikita

buwan-buwan ang mga miyembro sa isang fan club upang ibahagi ang mga

bagong karanasan at pag-usapan ang tungkol sa kanilang iniidolo. (Singh 2018)


Mapapansin na mas malaki ang bilang ng mga fandom ng K-Pop kaysa

OPM dahil sa kadahilanan na mas maraming tagahanga ang K-Pop kaysa OPM.

Base sa obserbasyon ng isang mananaliksik, ang opm ay pinapahalagahan pa

rin ng iba ngayon ngunit mas marami pa rin ang tumatangkilik at

naiimpluwensiyahan ng K-Pop. Mas lalong dumarami ang bilang ng mga ito dulot

na rin ng impluwensiya ng mga kaibigan at sosyal midya sa isang tao. (Quora,

2016)

Mahalaga ang Fandom sa pag-aaral dahil ito ay isa sa mga salik kaya

naging tagahanga ang isang tao. Ayon kay Dr. Laurel Steinberg, isang

psychotherapist at isang professor sa Unibersidad ng Columbia, ang mapabilang

sa isang fandom ay nakakatulong sa mga kabataan upang maipahayag at

makonekta nito ang kanyang sarili sa kanyang kapwa kabataan na may

parehong interes sa kanya sa pamamagitan ng sosyal midya at pati na rin sa

mga concert event.

Ang maramdaman na parte ka ng isang grupo ay makakatulong upang

mas makilala niya ang kanyang sarili at magbigay ng makabuluhang direksiyon

sa kanya at halaga sa maaaring magmistulang ordinaryong buhay. Dagdag pa

niya, ang kumonekta sa mga tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng

parehong mga hilig at interes ay mabuti sa mental at emosyonal na kalusugan

ng tao dahil nakakatulong ito para makabuo ng isang grupo o pamilya na

nagbibigay ng isang pakiramdam na isang tao ay ligtas. (Steinberg, 2017)


"Belonging to a fandom group helps adolescents connect to other

like-minded youths on social media throughout the year, as well as at

concert events. Feeling like you are part of a group can help one define

his/her identity and give a sense of purpose to what might be an otherwise

routine lifestyle."

“Connecting with people over shared passions and interests is good for

mental and emotional health because it helps to create a fraternity -like or

family-like sense of security. It’s also generally fun to scheme and get excited

about something with others, and gives them a subject to tal k about that

they know will always be well received.”

Genre

Mayroong iba’t-ibang genre ang OPM. Kabilang dito ang Pop, Pinoy Rock,

at Hip Hop. Ang genre na Pop o Pinoy Pop ay tumutukoy sa mga sikat na

modernong musika sa PIlipinas na patuloy na namamayagpag hanggang sa

kasalukuyan. Halimbawa ng mga kilalang mang-aawit mang-aawit ng Pinoy Pop

ay sina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano. Kilala naman sina Mike

Hanapol, Wally Gonzales at Pepe Smith bilang Pinoy rock grandfathers at ang

bandang Juan DEla Cruz Band bilang kauna-unahang “rock and roll revolution”

sa bansa. Ang Hip hop naman o kilala bilang Pinoy Rap ay nagsimula noong

1980s. Ito ay combinasyon ng sayaw at musika na ipinapakita sa mga kakaibang

galaw. Isa sa mga kilalang personalidad ng genre na ito ay ang Pinoy’s King of

Rap na si Francis Magalona (Generalao, 2014).


Sa kasalukuyan, kapansin-pansin ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga

muskang banyaga. Ang bagong henerasyon ay nakatuon at nakalantad sa

iba’t-ibang uri at kategorya ng musika. Sa paglipas ng panahon, ang musika ay

napapaunlad at ginagawang mas nakakaaliw pa kaysa dati. Mula sa

katutubong uri patungo samoderning uri ng musika kung saan ang mga

kabataan ngayon, lalo na ang mga mag-aaral, ay tila nahuhumaling at

nagkakaroon pa ng mga iidolohin. Isa sa nagging patok at pumasok ditto sa

ating bansa ang pagkahilig ng mga kabataan sa KPOP o Korean Pop Music. Pati

na rin ang mga mang-aawit sa bagong henerasyon, sa halip na gumawa ng

mga orihinal na awitin ang ginagawa ay puro mga cover versions na ng mga

banyagang awitin (Lorzano, 2015).

Maliban sa talagang maganda ang kakaaliw ang mga banyagang

kantang pumatok sa mga Pilipino, masasabing isa sa mga dahilan ng lubos na

pagtangkilik ditto ay ang kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino na nagmula

pa sa kolonyalismong panahon sa Pilipinas. Ang kolonyal na mentalidad ay ang

bunga ng apat na daang taong pananakop ng Espanya at Estados Unidos sa

bansa. Ito ang kaisipan o ideyang ang mga banyagang produkto, gawi, talento,

at kakayahan ay mas maganda at mas magaling kaysa sa mga Pilipino (Ambag,

2016).

Sa patuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino ng mga awiting banyaga,

nagkakaroon ng debate kung sikat parin baa ng OPM o kung patay na itong
klase ng musika sa kasalukuyang kultura ng Pilipinas. Ayon sa sinulat ni Don

Jaucian (2012) na “The Life and Death of OPM”, sinabi niyang patay na ang OPM

dahil wala nang bagong nag-iimbento nito. Aniya, pinuno na nang cover songs

at revivals ang industriya. Ang mga lumang kanta na kinanta ng bagong singer

na lang ang maririnig mo sa radyo, at kung may orihinal na gawa man ay bibihira

ito. Sa katunayan, ang mga best selling na album sa bansa ay iyong mga cover

album at teleserye soundtrack. Kung tutuusin, ang mga konsyerto ng mga

artistang dayuhan ay laging dinudumog ng Pinoy kahit pa napakamahal ng mga

ticket dito samantalang itsapuwera na lamang ang mga konsyerto ng mga lokal

na artists.

Sa kabila ng mga opinion na ito, ang OPM ay unti-unti nang tinatanglilik ng

mga Pilipino muli. May mga musikerong patuloy sa pagsusulat ng mga orihinal na

awitin tulad nina Cynthia Alexander, KC Concepcion, Barbie Almalbis at Kitchie

Nadal. Ang OPM rin sa henerasyon ngayon ay nagiging indie na. Mga

musikerong patok sa genre na ito ay ang Ben&Ben, IV of Spades, Ang Bandang

Shirley, at December Avenue. Nagsisilabasan na rin ang iba’t ibang kantang

gawang Pinoy at hindi maitatanggi na ang mga Pilipino ay may angking talento

talaga pagdating sa musika. Halimbawa na lamang diyan ang mga musikerong

nadidiskubre sa social media at saka ay pinapalabas sa telebisyon dahil sa

angking talento. Sa ating minamahal na kolehiyo pa lamang ay marami

nang musically inclined na mga mag-aaral na sumisikat sa Soundcloud, YouTube,

Facebook at sa iba pang social media platforms. Isa pang magandang


halimbawa ay ang pag-angat ng mga Pilipino sa mga patimpalak maging sa

ibang bansa katulad ng The Voice, Britain’s Got Talent at X-Factor. Dahil sa social

media mas napapadali na ang pagdiskubre sa mga bagong talento sa larangan

ng musika (Fojas, 2018).

Biswal

Isa sa mga salik na nakakaapekto sa paghanga ng mga tagahanga sa

isang banda sa OPM at KPOP ay ang biswal. Ang biswal ay tumutukoy sa isang

indibidwal na ikinikonsiderang may pinakagwapong itsura sa grupo. Madalas sa

mga biswal ay mga artista at madalas na tinutukoy ng mga madla na hindi

pamilyar sa banda ang biswal bilang “the face of the group”. Ang papel ng

“face of the group” ay magkatulad. Ang papel ng isang biswal ay ang maghatid

ng atensiyon sa grupo, upang makapagbighani ng mga potensiyal na

tagahanga gamit ang kanilang kaakit-akit na ganda at kagwapuhan. Ang

pagiging “the face of the group” naman ay nangunguhulugan na ang particular

na indibidwal na ito ay naiibintahan rin sa mga iba’t ibang palabas, at kumikilos

bilang spokesperson para sa grupo. (Besley, 2018)

Ang papel ng biswal at ang “face of the group” ay may posibilidad na

sumapaw, bagaman na mayroon itong mahalagang pagkakaiba. Ang biswal

ay ang indibidwal na kilala dahil siya ang pinakagwapong itsura sa grupo. Kung

ikukumpara, ang “face of the group” naman inaasahang kumilos na mas higit pa

sa pagiging “gwapo”. Ito ang indibidwal kumukwento ng mga nakakatawang


biro sa isang palabas kapag ang ibang miyembro ng grupo ay nahihirapan na

makasalita sa palabas, o palaging naiimbintahan sa mga palabas upang ipakita

ang kanilang nakaka-akit na personalidad at itsura. Ito ang indibidwal na

itinuturing ng mga madla na hindi pamilyar sa banda bilang kinatawan ng estilo

at personalidad ng buong grupo. Paminsan ang indibidwal na ito ay maaring

biswal at “face of the group” rin, kaya’t naipapakita nila ang kanilang

masaganang paglahok sa mata ng pampublikong madla.

Kultural na handog

Ang kultural na handog ay tumutukoy sa banyagang kultura na maaaring

makaimpluwensya sa mga taong tumatangkilik dito. Bagama't ito'y tumutulong

sa pagkakaroon ng kultural na daybersidad sa isang lugar, isa ito sa mga

malalaking salik na nakakaapekto sa paglago ng industriya ng musika ng

Pilipinas. Ang atensyon na dapat na itinuon sa musikang Pilipino ay unti-unting

bumaling sa banyagang musik, rumeresulta sa 'di proporsyonal na distribyusyon.

Ayon sa artikulong gawa ni Don Jaucian, Agosto ng taong 2012, "In a world where

giant studio producers roam the streets looking for a new product to sell to the

masses, OPM, as it was, has withered away. It has been thrown into some bargain

bin, upstaged by Korean girlbands, cover albums and bossa nova." (Sa mundo

na kung saan ang mga malalaking studio producer ay gumagala sa lansangan

at naghahanap ng bagong produkto na ibebenta sa masa, ang OPM, ay


tumamlay na. Ito ay tuluyan ng nilamon ng Korean girlbands, cover albums at

bossa nova.)

Kuwento

Ang kwento ay isang salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring

kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong

masining na anyo ng panitikan.

Ang video ay isang mahalagang bahagi sa mundo ng mediya sa 2018

dahil ang mga biswal ng lahat ng uri ay nagtutulong upang itaguyod ang musika

nang epektibo gaya ng tradisyonal na music video, maging ito man ay sa

pamamagitan ng video ng mga lirika, lip dubs, komersyal na mga pag-sync, at

marahil higit sa lahat, parangal ng mga tagahanga at memes. (Unterberger,

2018)

Sensibilidad ng tagahanga

Ito ay tumutukoy sa katangian ng isang tao na may mahusay na

pakiramdam o pagiging sensitibo sa isang musika o pelikula. Mahahalintulad rin

ang pagiging sensitibo ng mga tagahanga sa kanilang iniidolo. Ayon sa libro ni

Joli Jenson na The Adoring Audience: Fan Culture and Popular Media, inilahad

niya ang dalawang bersyon ng pathological fan. Ang una ay ang obsessed loner

o iyong mga may matinding pagnanasa o pagpapantasya na magkaroon ng

isang relasyon sa isang idolo na umaabot sa punto ng pagbabanta at palihim

na pagmamatiyag. Isang halimbawa nito ang tangkang pagpatay ni John


Hinckley sa dating presidente na si Ronald Reagar upang makuha ang atensyon

ng actress na si Jodie Foster. Ang pangalawang naman ay ang frenzied o

hysterical member of a crowd na tumutukoy sa mga tagahangang sumisigaw at

umiiyak tuwing nakikita nila ang kanilang inidolo, at mga tagahanggang

nakikipagsiksikan na umaabot sa sakitan upang ipakita ang suporta sa isang

grupo ng manlalaro. (Jenson, 2002)

Ang pagiging sensitibo ng mga tagahanga ang isa sa rason kaya mas

lalong sinusuportahan ang isang idolo. Umaabot sa punta na nararamdaman din

nila ang nararamdaman ng kanilang iniidolo. Isa sa mga dahilan nito ay halos ng

mga tagahanga nakakararamdam ng kalungkutan at minsa’y mapag-isa

lamang. Tuwing nakikita ng mga tagahanga ang kanilang iniidolo sa

pamamagitan ng mga larawan at bidyo sa internet nagdudulot ito ng kasiyahan.

(Hallyu, 2017)

Partisipasyon at Aktibidad ng Tagahanga

Sa kasaysayan, ang partisipasyon at aktibidad ng mga tagahanga ay may

malaking papel sa pagbuo ng “science fiction” at pantasya, at ang mga genre

na ito ay nag-iwan ng malaking epekto sa buhay ng mga tagahanga.

Ang partisipasyon at aktibidad ng mga tagahanga ay maaring mahati sa

tatlong henerasyon ng pag-aaral: ang makasaysayang buod ng fandom (1950s-

1980s), ang paglaganap ng mga tagahangang medya (1990 to 1999), at ang


pagdating ng “cyber-fandom” o fandom sa pamamagitan ng pag-gamit ng

internet (2000 to present).

Sa unang henerasyon, kahit ito ang pinakamatanda at pinakamahaba sa

tagal, ay maikli lamang ang pagpapaliwanag. Ang partisipasyon at aktibidad

ng mga tagahanga sa mga panahong ito ay napakalawak at naka tumuon ng

pansin sa mga pampanitikang teksto.

Sa pangalawang henerasyon, tumaas ang bilang ng mga tagahanga ng

medya, na nagtuon ng pansin sa mga aspetong magkaugnay sa pelikula,

telebisyon, at komiks.

Sa pangatlong henerasyon, dumating ang “cyber-fandom” o fandom sa

pamamagitan ng pag-gamit ng internet. Sa pagbago ng siglo, naging salik rin

ang internet sa pagdami ng mga tagahanga sa isang banda at nag-bago ang

pananaw ng mga madlaw sa pag kilos ng mga fandom.

Ang fandom ay isang kultura na ibinuo sa paggawa ng mga “fan

materials” na galling sa mga angkop na teksto at sa komunikason ng mga

tagahanga sa tekstong ito. Hindi nakikita ng mga tagahanga ang kanilang sarili

bilang magnanakaw o “plagiarizer, ngunit bilang isang aktibong mambabasa ng

isang particular na gawa ng medya na napapalakaw nila upang maging

sangkot sa mga kapansin-pansing mga ideya at detalye. Ginagamit ng mga

tagahanga ang pagiging malikhain ng iba bilang basihan sa kanilang malikhaing

gawa na nakakabuo ng mga “cultural artifacts”. Ang mga “cultural artifacts na


ito”, tulad ng “fan fiction” at “fan art” ay isa sa mga halimbawa ng

pagkokomunika ng mga tagahanga sa kanilang komunidad. Ang terminong

kultura ay maari mang hindi gaanong maliwanag sa iba, ngunit sa mga

tagahanga ang terminong kultura ay tumutukoy sa mga gawain at

pamamaraan ng komunikasyon na nagbigay ng kahalagahan sa kanilang pag-

iral. Mula sa mga halimbawang ito, ang mga tagahanga ay nakapagbago ng

kahulugan ng komunidad upang mabilang nila ang kanilang sarili sa mga

pamantayan na labas sa isang “hetero-normative” society. (Gooch,2008).

Gayon pa man, may ilang artikulong lumalabas na naglalarawan kung

ano talaga ang pagiging tagahanga. Ayon kay Henry Jenkins:

“To speak as a fan is to accept what has been labeled a

subordinated position within the cultural hierarchy, to accept

an identity constantly belittled or criticized by institutional

authorities. Yet it is also to speak from a position of collective

identity, to forge an alliance with a community of others in

defense of taste, which, as a result, cannot be read as totally

aberrant or idiosyncratic.”

“Ang pagsasalita bilang isang tagahanga ay

nangunguhulugan na tanggapin kung ano ang naitatak sa

iyong posisyon sa isang kultural na herarkiya, ang pagtanggap

ng pagkakakilanlan na patuloy na minamaliit o pinupuna ng


mga mga awtoridad na institusiyunal.Ito rin ay tungkol sa

pagsalita mula sa isang posisyon ng isang kolektibong

pagkakakilanlan, upang makabuo ng alyansa kasama ang

isang komunidad ng iba sa pagtatanggol ng kagustuhan,

bilang isang resulta, ay hindi maaring ituring na minamaliit o

hangal.”

Paghahambing sa K-Pop at OPM

Ang kantang Pilipino at maging ang mga artista nito ay nawawalan na ng

orihinalidad sa paggawa ng kanilang mga musika. Ang natatanging tunog ng

OPM ay dahan-dahan na ring nawawala at naimpluwensiyahan na ng iba pang

mga makabagong genre. Kung napapansin ng mga tao, ang ilan sa mga

nariring na kantang OPM na mula sa mga istasyon ng radyo ay mga remake

lamang o muling pagbabangon. Ang isa pang dahilan ay kumpara sa mga

bagong artista ng Pilipino ay ang mga Koryanong artista ay dumaranas ng mga

taon ng pagsasanay. Dapat muling gawin ng mga Pilipino ang “orihinal” na OPM

dahil ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan. Maari naman kumuha tayo ng

inspirasyon o ideya mula sa mga banyaga ngunit dapat din nating alalahanin na

kailangan din natin magkaroon ng orihinalidad nang sa gayon ay makagagawa

ng maganda at bagong musika (Barbose, 2015).


Kaugnay na Pag-aaral

Mahalagang malaman ang paraan ng pag konsumo ng mga

tagahanga dahil sila ang may kapangyarihan na magdikta sa direksiyon na

patutunguhan ng industriya ng musika. Sa pag-aaral na isinagawa ni Alanzalon

(2011), natuklasan na ang mga kabataang Pilipino ang mga aktibong

tagakonsumo ng mga midyang Koreano. Tumugma rito ang naging resulta ng

pananaliksik ni Cervantes (2015) na nagpapakita na ang pinakamarami sa mga

tagahanga ng OPM at K-Pop ay mga kabataan o tinedyer na karaniwang mga

mag-aaral sa hayskul at kolehiyo. Maaring ito ay dahil kumpara sa mga mas

nakakatandang tagahanga na abala sa paghahanap buhay at iba pang

prayoridad, mas marami ang panahon ng mga nakakabata na mailaan sa mga

aktibidad na may kinalaman sa fandom na kanilang kinabibilangan. Nagtugma

muli ang mga resulta ng pag-aaral ng dalawang mananaliksik na nabanggit

tungkol sa kasarian ng mga tagahanga ng dalawang genre. Lumabas na

parehong mas marami ang mga babaeng tagahanga. Gayon man, ipinakita sa

pag-aaral ni Cervantes na bahagyang mas Malaki ang bilang ng mga

tagahangang lalaki sa OPM kaysa tagahangang lalake sa K-Pop.

Parehong tinukoy ni Alanzalon at Cervantes ang isa sa mga pangunahing

dahilan ng pagkahumaling ng mga tagahanga ng K-Pop at OPM sa uri ng

musikang kanilang tinatangkilik. Ito ay ang apat na kultural na handog na

kinabibilangan ng wika, biswal, kulturang capital at ang kwento o mensahe na

nakapaloob sa mga kanta at bidyo. Ayon pa kay Alanzalon, nakikilala ang mga
handog na ito ng mga tagahanga ngunit hindi ibig sabihin nito ay agad nilang

naiuugnay ang mga handog na ito sa kanilang sarili. Isang halimbawa nito ay

ang pagkakilala ng mga tagahangang Pilipino sa wikang Koreano ngunit

karamihan sa kanila ay hindi ito naiintindihan.

Kahit na ganito, inilahad rin ni Cervantes na hindi nagiging hadlang para

sa mga tagahanga ang kaibahan ng wikang ginagamit ng K-Pop sap ag

tangkilik sa nasabing uri ng musika. Sa halip, musika ang nagsisilbing unibersal na

wika para sa mga tagahanga. Ang pangtikilik ng mga tagahanga sa naturang

genre ay nagdudulot ng masidhing pagnanais na maintindihan at matutunan

ang wikang ginagamit ng kanilang mga idolo. Sa katunayan, naipapakita ng

mga tagahanga ng K-Pop ang kanilang pagsisikap na malaman at makabisa

ang mga ibig sabihin ng mga liriko ng mga kantang kanilang nagugustuhan.

Ang pangunahing kultural na handog ng K-Pop sa mga Pilipino ay ang

wika. Ayon sap ag-aaral ni Agatep, et al., (2014), may malaking epekto ang

lenggwahe sa mga tagapakinig at tagahanga ng musikang K-Pop. Bagaman,

mayroong language barrier na nagiging dahilan ng hindi pagtangkilik ng ilang

mga Pilipino sa naturang klase ng musika, ngunit hindi parin maiikakaila ang

palawak ng impluwensiya nito. Sa katunayan, naipapakita sa mga datos na

nakalap ng nasabing mananaliksik na ang wika ay nagbibigay ng malaking

bahagi sa persepsyon ng mga tagahanga ng K-Pop at maging sa mga hindi

tagahanga nito.
Sa biswal na handog naman, naitukoy sa pag-aaral ni Alanzon ang mga

katangian ng mga mananawit na hinahangaan ng mga fans. Napapabilang

dito ang pisikal na kaanyuan na nag-iimpluwensya sa aktibong pagkunsumo ng

mga Pilipino sa musika nila. Sa kabila nito, nangunguna pa rin ang makulay na

konsepto ng music video na isinama sa musika bilang pangunahing dahilan sa

paghatak ng interes ng mga fans. OPM man o K-Pop, ang talentong taglay ng

mga mananawit ay siya pa ring importante at pinahahalagahn ng mga

tagahanga kaysa sa pisikal na kaanyuan nito, sang-ayon ni Cervantes. Sa

katunayan, hindi pa masyadong tanggap ng ibang mga Pilipinong fans ang

pagpaparetoke marahil sa pagiging konserbatibo nila.

Iba't-ibang imahe ang ipinapakita ng mga mananawit na hinahangaan sa

publiko at ito rin ay itinalakay sa parehong pag-aaral. Ang mga fans ay naaakit

sa mga imaheng "cool", "funny", "fierce", at "sexy". Ang daybersidad sa bilang ng

mga imahe na ipinapakita ng mga mananawit ay bunga ng pagpapalit ng

temang ginagamit nila tuwing may bagong produkto o kanta.

Nahuhumaling rin ang mga Pilipino sa konsepto ng music video.

Kinagigiliwan ng mga fans ang istilo ng mananawit, ang konstruksyon ng kanta,

ang pangkalahatang konsepto at ang fashion ng mga mananawit. Sa pag-aaral

ni Agatep, ipinakita rito na ang beat, music video, at melody ang

pinakanakakahatak ng interes ng mga tao. Ang beat ay natatangi mula sa

ibang musika at mas nakakaakit kumpara sa ibang genre nito. Ang fashion sense
at dance step na iinapakita ay lubos na ikinagigiliw ng mga manonood.

Itinalakay din sa pag-aaral ni Cervantes ang persepsyon ng dalawang klase ng

tagahangang itinalakay pagdating sa aspetong biswal ng mga music video at

live performance ng K-Pop at OPM. Ayon dito, binibigyan ng importansya ng mga

K-Pop fans ang choreography. Sa kabilang pangkat ng tagahanga naman, mas

binibigyan ng kahalagahan ang konsepto ng music video. Ito ay dahil sa

kadahilanang bihasa ang mga K-Pop idol sa larangan ng pagsasayaw

samatalang mas namamayagpag ang mga bandang tumutugtog ng

instrumento at umaawit sa OPM.

Samantala, ayon kay Alanzalon, sa handog ng kultural na kapital,

pinahahalagahan ng mga fans ang uri ng pag-eensayo ng Korean

Entertainment sa mga taong nakitaan ng potensyal. Hindi lingid sa kaalaman ng

nakakarami ang malaking paghihirap at pagsasakripisyong pinagdadaanan ng

mga K-Pop artist bago sila maging idol. Dahil sa nakakaakit na determinasyon,

minsan ng ginusto ng mga fans na gayahin ng industriya ng musika ng Pilipinas

ang estilo ng pagsasanay ng mga Koreano. Dito pa lamang, makikita na matindi

ang impluwensya ng Koreano sa mga tagahangang Pilipino.

Ipinakita rin ni Alanzalon bilang mga masugid na tagahanga, tila sila'y

nagkakaroon ng obligasyong alamin ang lipunan at kultura ng kanilang iniidolo.

Napatunayan ito nina Cervantes at Pacis (2012). Ayon sa kanila, nakakatulong

ang K-Pop sa pagtataguyod ng kulturang Koreano sa mga tagahangang Pilipino


kung saan nakakaranas ang karamihan ng matinding kagustuhan na

makapunta sa bansang Korea. Sa larangang OPM naman, nagkakaroon ng

pagnanasa ang mga tagahanga na halukayin ang kasaysayan at kultura ng

mga Pilipino.

Isa sa mga importanteng handog din ang mensahe o kuwento ng musika

sa mga tagahanga. Ang mensahe o liriko ang pangunahing isanasaalang-alang

ng mga tagatangkilik. Ayon kay Cervantes, ito ay magkapareho sa kaso ng mga

tagahanga ng OPM at K-Pop. Ito ay sa kabila ng pagkakaiba ng wika ng mga

tagahanga ng K-Pop sa kanilang iniidolong personalidad. Sa kasong ito, hindi

balakid ang pagkakakiba ng wika upang alamin ng mga tagahanga ang

mensahe ng awiting kanilang pinakikinggan. Bukod dito, importante rin ang tono

at tunog ng isang awitin para sa isang tagahanga dahil unang nabihighahani

ang mga tagapakinig sa tono ng kanta bago pa man maintindihan ang

mensaheng dala nito.

Pinapahalagahan rin ng mga tagahanga ang ganda at emosyon ng isang

mang-aawit at pati na rin ang kabuuang ganda ng awitin. Sa resulta naman ng

pananaliksik ni Alanzalon, nahinuna niya na kahalagahan ng pagkakaibigan at

kasipagan ang mga mensaheng nais ng mga tagahanga sa K-Pop. Dagdag pa

niya na ang mga Pilipino fans ay naglalaan ng oras upang malaman ang ibig

sabihin ng mga kantang kanilang nais pakinggan sa gayon ay lubos nilang

maintindihan ang mga mensahe at kwento na nakapaloob sa sa mga ito. Sa


kabila ng hindi lubos na pagkaunawa sa wikang pinapakinggan, isinasasulo ng

ilan ang mga liriko ng kanta. Ipinakita ng mga tagahanga ang lubsang

pagsisikap upang maunawaan ang nilalaman ng midyang kanilang

kinukonsumo.

Inilahad din sa pag-aaral ni Alanzalon ang iba’t ibang pamamaraan ng

pagkonsumo ng mga tagahanga at ang mas ginagamit na midyum sa

pagkonsumo ay ang telebisyon at internet. Binigyang diin dito na ang internet

ang mahusay na pinagmumulan ng mga libreng nilalaman. Kaugnay nito, sinuri

rin Cervantes ang paraan ng pagkonsumo ng midya ng mga tagahanga sa

dalawang genre. Parehong resulta ang lumabas at ito ay dahil sa patuloy na

pagsulong at pag-angat ng teknolohiya at paglabas ng mga bagong gadgets.

Nag-iba rin ang midyum na ginagamit ng mga tagahanga dahil sa pag-angat

ng teknolohiya.

Samantala, inirekomenda sa pag-aaral ni Bonayon (2013) na dapat ay

maging balance ang pagtataguyod ng mga midya. Importante na mabigyan

na pareho at pantay na exposure ang lokal na musika at internasyunal upang

ang mga tagapakinig ay mahikayat na suportahan ang parehong musika. Sa

parehong pananaliksik, lumabas na napakalaki ng porsento ng pagsusuporta ng

Inquirer sa mga foreign music events base sa dimension ng mga artikulong

inilathala ng pahayagan. Dahil dito mas nabibigyang pansin ang mga

banyagang musika ng mga tao at nagreresulta ng pagtangkilik ditto. Sa kabilang


banda, inilahad din sa pag-aaral na kahit na hindi patas ang pagbibigay

importansiya sa dalawang kategorya ng musika, hindi dapat ito isisi sa midya

lamang dahil marami pang salik na nakakaapekto sa sakop ng midya.

Ang tagumpay na nakakamit ng mga foreign music events ay hindi

lamang nakadepende sa paraan o istratehiya ng pagsasapubliko o

pamamayagpag ng mga midya subalit ito ay taliwas sa resulta ng pag-aarap ni

Bonayon, na nagsasabing malaki ang naging impluwensiya ng midya sa

tagumpay ng mga music events. Sa madaling salita, napakahalaga ang parte

na ginagampanan ng midya sa pagtataguyod ng music act. Naniniwala din ang

karamihan sa mga tagahanga na talaganag malaki ang epekto ng midya sa

paraan ng pag-iisip, pagdedesisyon at pagkilos ng mga tagahanga at

tumatangkilik dito.

Ang pagbili ng mga kanta at albumbs ng kanilang mga idolo ay kabilang

din sa mga aktibidad na ginagawa o tungkulin ng mga tagahanga. Ayon pa kay

Cervantes, mas maraming tagahanga ng K-Pop ang tumatangkilik, bumibili at

handing gumastos para sa mga produkto na may kinalaman sa kanilang iniidolo.

Kumpara sa mga tagahanga ng OPM na kakaunti lamang ang bumibili ng

produkto na may kinalaman sa kanilang fandom. Ito ay kinukonsidera ng mga

tagahanga ng nasabing genre, bilang bahagi ng kanilang pagiging tagahanga

at tagatangkilik. Kung ipagkukumpara masasabi ding mas masigasig ang mga K-

Pop fans kaysa OPM fans, sa istilo ng pagpapahayag ng kanilang paghanga at


kung pagbabasehan ang pagiging aktibo sa paggawa ng mga aktibidad na

mayroong kinalaman sa kanilang fandom. Hindi lamang limitado ang paghanga

at pagtangkilik ng mga tagahanga as aspeto ng karera at pamamayagpag sa

larangan ng musika ng kanilang mga iniidolo. May ilan ding mga personalidad

na nabibilang sa K-Pop at OPM na pumapasok sa larangan ng pag-arte maliban

sa pagiging aktibo sa larangan ng musika, na siyang parehong tinatangkilik ng

mga tagahanga ng OPM at K-Pop ang iba pang programa na siyang

kinabibilangan ng mga kanilang mga hinahangaan. Mayroon iba’t-ibang klase

ng programa sa telebisyon, kung saan nakikibahagi ang mga mang-aawit

katulad nalang ng mga reality show, teleserye at pelikula. Bukod pa dito, pareho

ding aktibo ang dalawang pangkat ng mga tagahanga sa apgdalo at

pagpunta sa kanilang mga mall shows, convention at mga konsiyerto ng

kanilang mga iniidolo at hinahangaan.

Ipinaliwang ng nasabing mananaliksik ang tungkol sa pagkonsidera sa

fandom bilang isang subculture. Hindi lamang makikita sa isang fanbase ang

sense of community ng K-Pop fandom sa halip ay umaabot ito sa iba pang grupo

na kapwa din tagahanga. Sa katunayan, ayon pa sa nasabing mananaliksik,

dahil sa mabilis na paglaki ng lokal na komunidad ng mga tagahanga ng K-Pop

ay nabuo ang Philippine K-Pop Committee, Inc noong 2009. Ang committee na

ito ay isang non-stock, non-profit organization na kinikilala ng Securities and

Exchange Commission (SEC) at ng Bureau of Internal Revenue (BIR); at


tinaguriang 'umbrella organization' ng halos lahat ng mga K-Pop fan club sa

bansa.

Ayon sa resulta ng pag-aaral na isinagawa ni Cervantes, parehong mataas

ang pagtingin ng mga tagahangang Pilipino sa uri ng genre na kanilang

tinatangkilik. Samantala, hindi naman maiiwasan ang ng mga tagahanga ang

kritisismo ng mga tao. Sa katunayan, ipinakita sa pananaliksik ni Cerventes na

dahil sa pagkakaiba pagdating sa wika at kultura ng mga Pilipino at Koreano, ay

mas maraming tao ang nagpapahayag na tutol sa K-Pop at nagbibigay ito ng

negatibong kritisismo. Sa kabilang banda, hindi rin nakaligtas ang mga

tagahanga ng OPM sa kritisismo kahit pa sariling wika at kultura ng mga Pilipino

ang nakapalaman dito. Sa kabila nito ay hindi natinag ang mga tagahanga ng

dalawang uri ng musika na patuloy suportahan ang kanilang hinahangaan at

nananatiling positibo at bukas sa kritisismo.

Natuklasan naman ni Cervantes na ang pagtangkilik sa dalawang uri ng

pangkat ng musika ay nakadudulot ng maraming positibong bagay gaya ng

kasiyahan, pagkawala ng stress at iba pang mga bagay na naisalaysay sa

kaniyang pananaliksik. Dagdag naman ni Agatep, naiimpluwensyahan ang mga

tagahanga ng musikang K-Pop ang interaksiyong sosyal, personalidad at pag-

uugali nito.
Konklusiyon

Sa mga pag-aaral nina Alonzalon, Cervantes at Pacis, naipakita ang mga

iba't-ibang salik ng simpleng paghanga sa mga banyagang produkto paetikular

na sa larangan ng musika at ang mga malalaking epektong idinudulot nito sa

lipunan at kultura ng bansang Pilipinas. Nahuhumaling ang mga tagahanga sa

mga idolong ito na nagsasanhi ng pagkakaroon ng interes sa kultura ng nasabing

mga idolo. Dahil dito, nagkakaroon ng bias sa isang kultura laban sa natirang isa.

Malaki ang posibilidad ng pagtamlay ng kulturang hindi interesado o sa ibang

salita, ang kulturang unti-unting kinakalimitan. Maaaring kalaunan, aangat ang

isa at mananatili sa lilim ang naiwan at haharap sa bingit ng ekstinksyon.


Konseptwal na Balangkas

Mga Mag-aaral sa Ika-11 na


Baitang ng Mindanao State
University-General Santos City

Paghahambing ng OPM at K-
Pop sa mga taunang klaseng:

2017-2018 2018-2019

Biswal Kasarian Dahilan Biswal Kasarian Dahilan

Kultural na Kultural na
Handog Handog

Kwento Kwento

Partipasyon at Partipasyon at
Aktibidad ng Aktibidad ng
Tagahanga Tagahanga

Sensibilidad ng Sensibilidad ng
Tagahanga Tagahanga

Paghahambing at Interpretasyon
ng Dalawang Datos na Nakalap

Pigura 2.2 Iskema ng Paradaym ng Pananaliksik


Kabanata III

Pamamaraan

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng disenyo ng pananaliksik, lokal,

respondante at instrumento ng pag-aaral at ang pangkalahatang pamamaraan

sa pananaliksik.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isang kwalitatibong pag-aaral na ayon sa

disenyong deskripto at komaparatibong pananaliksik na naglalayong ihambing

ang datos na makukuha sa datos na nakalp ng pag-aaral na may titulong “K-

Pop vs. OPM: Isang Pag-aaral” nina Orapa, Piquero, Poblete, Somo, at Teves. Sa

pag-aaral na ito, bibigyan ng masinsinang interpretasyon ang nasabing

paghahambing patungkol sa pagkapare-pareho at pagkakaiba ng K-Pop at

OPM sa mga aspetong biswal, kwento, kultural na capital, sensibilad ng

tagahanga, at partipasyon at aktibidad ng tagahanga. Layunin din ng pag-

aaral na ito na matukoy ang kaugnayan ng kasarian ng mga tagahanga

partikular na ang mga ika-11 na baiting na mag-aaral ng Mindanao State

University-GSC Senior High School sa nasabing topiko.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa Mindanao State University - Senior

High School, Brgy. Fatima, General Santos City.


Respondente

Ang mga kasangkot sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Grade

11 Senior High School ng Mindanao State University.

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay may kabuuang populasyon

na apat na raan at apatnapu’t isa (441) ng ika labing-sa (11) na baiting ng

Mindanao State University – General Santos City. Ang mga mananaliksik ay

gagamit ng Random Sampling Method upang makapili ng respondente. Mula sa

apatnapu’t isa (441) na respondente ng pag-aaral, limampu (50) lamang ang

pasasagutin sa talatanungan patungkol sa pag-aaral ng mga mananaliksik.

Ang limampung (50) respondente ay hahatiin ayon sa iba’t ibang strand.

Kukuha ng tig-lilimang (5) repsondente mula sa pitong (7) seksiyon sa STEM,

dalawa (2) sa HUMSS, at isa (1) sa ABM.

Estadistikong Instrumento

Ito ay ginagamit upang bigyang kahulugan ang mga datos at

impormasyon na nakalap. Sa pamamagitan ng percentage technique

maipapakita ang kinalabasan ng gagawing pagsusuri at pananaliksik na

nakabatay sa mga sagot ng mga respondente. Ito din ay ginagamit upang

makuha ang pangkalahatang bahagdan ng bilang ng sagot ng mga

respondente sa isang partikular na katanungan. Ang ginamit na pormula ay

P=f/n×100 na kung saan nirerepresenta ng:


P = porsyento o bahagdan F = bilang ng kasagutan N = bilang ng respondent

Pangkalahatang Pamamaraan

Sa bahaging ito inilahad ang maraming hakbang:

Una, ang mga mananaliksik ay gagawa ng liham ng pahintulot sa

tanggapan ng direktor ng Departamento ng Mindanao State University – Senior

High School upang makapagsagawa ng pangangalap ng datos.

Pangalawa, matapos mabigyan ng permiso ang grupo ng mga

mananaliksik ay sinimulan ang panagangalap ng datos sa pamamagitan ng

mga talatanungan sa mga respondente at habang isinisagawa ang

pagngangalap ng datos sa mga respondente, ang mga mananaliksik ay

kumuha ng mga litrato gamit ang isang cellphone upang maging patunay na

sila ay nagsagawa ng pangangalap ng mga datos. Siniguro rin ang pagiging

kompidensiyal ang mga nakalap na datos upang mas naipahayag ng mga

mag-aaral ang kanilang mga sagot.

Pangatlo, ang pagtala o paglilista ng mga datos na nakalap mula sa

talatanungan ay ilalathala sa pamamagitan ng talahanayan at grap.

Pang-apat ay isinuri ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa

pamamagitan ng percentage technique at ginamit ang pormula na P=f/n x 100

para matukoy ang kabuuang populasyon ukol sa mga iba’t ibang aspeto ng K-
Pop at OPM, at makabuo ng makabuluhang pagkakaiba ng paghahambing sa

dalawang resulta mula sa 2017-2018 na pag-aaral nina Orapa, Piquero, Poblete,

Somo at Teves.

Panghuli, matapos masuri ang mga datos ay nakabuo ang mga

mananaliksik ng buod at natuklasan ang kongklusyon at rekomendasyon.

Panghuli, bilang pagtatapos ay ipinakita ito sa mga tagapayo para mabigyan

ng unang resulosyon para sa pagpapaunlad pa sa papel ng pananaliksik.

You might also like