You are on page 1of 9

IMPLUWENSIYA NG SOUTH KOREA SA MGA MAG-AARAL NG AGUSAN

NATIONAL HIGH SCHOOL

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng


Pambansang Paaralang Sekundarya ng Agusan- Senior High School,

STEM

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 2,


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ng

Oktubre, 2017
TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito.

1. Introduksiyon
2. Layunin ng Pag-aaral
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
4. Saklaw at Limitasyon
5. Depinisiyon ng Terminolohiya

Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaal at Literatura

Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

1. Disenyo ng Pananaliksik
2. Mga Respondents
3. Instrumentong Pampananaliksik
4. Tritment ng mga Datos

Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

1. Lagom
2. Kongklusyon
3. Rekomendasyon

Listahan ng mga Sanggunian


Kabanata I

INTRODUKSIYON

Ang bansang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng mga kakaiba at


malikhaing uri ng pag-iisip pagdating sa ibat-ibang bagay, ngunit sa paglipas ng
panahon at sa paglaganap ng mga produktong banyaga sa ating bansa ay marami
na ang nagbago.

Dahil sa globalisasyon at pag-usbong ng teknolohiya, lumaganap sa


Pilipinas ang ibat-ibang kultura, laloo na ang Kulturang Koreano. Taong 2002
nagsimulang pumasok sa ating bansa ang kultura ng Koreano. Mas sumikat ito ng
dahil sa mga digital natives o millennials na sila ang gumagawa ng mga social
trends na umaakit o umaanyaya sa mga kabataan na pasukin ang mundo ng
Korea. Ang mga mag-aaral sa Agusan National High School ay kasali sa mga
kabataang naimpluwensiyahan nga Kulturang Koreano lalong lalo na sa kanilang
pisikal na kaanyuan. Ang ibang mga mag-aaral kung minsan ay napapalagay ng
bangs sa kanilang mga buhok para tumulad sa kanilang mga iniidolo at ginagaya
rin ng iba pang estudyante ang paraan ng pananalita pati ang wika ng mga
Koreano na ang tawag ay Hangul sa sobrang impluwensiya sa kanila ng mga
Koreano.

Hindi lingid sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng Asian Fever o


Asian Invasion o ang paglaganap ng mga produkto at kultura sa ating bansa
maging sa musika, pananamit, mga palabas, ang paggamit ng mga kolorete sa
mukha o liptint at ang pag-asam ng maputi at makinis na kutis kagaya ng mga
Koreano. Mapa bata man o matanda, halos lath ng mga Pilipino ay hindi na
maiiwasan ang Korean Virus. Kaya naman ang pag-aaral na it ay naglalayong
talakayin sa mga mambabasa ang impluwensiya ng Kulturang Koreano sa ating
bansa lalo na sa mga mag-aaral ng Agusan National High School.
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ang naiisasagawa base sa mga obserbasyon ng mga


tao, ang mga bata at matatanda ay higit na tinatangkilik ang mga bagay mula sa
Timog-Korea kagaya nalang ng mga pagkaing Koreano na Kimchi, Ramen
Korean Spicy Noodles na patok sa panlasa ng mga Pilipinong mamamayan; K-
Drama o Korean Drama na kadalasan na inaabangan at pinapanuod ng mga
kabataan: K-Pop Music o Korean Pop Music na kadalasan ring pinakikinggan ng
mga kabataan pati na rin ng mga nakakatanda. Ninanais naming gawin ang pag-
aaral na ito dahil gusto naming mabigyang-linaw ang totooong dahilan at salik
kung paano at bakit Malaki ang impluwensiya ng mga Kulturang Koreano at hindi
na nabibigyang-pansin ang mga gawang-pinoy.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang mapukaw ang mga


kabataan na kahit tinatangkilik ang Kuturang Koreano ay nararapat ding bigyan ng
pansin ang kahalagahan ang maka-Pilipinong gawa o produkto at higit sa lahat,
pati na rin ang Kulturang Maka-Pilipino.
SAKLAW AT LIMITASYON

Sabi nga ni Jose P. Rizal, Ang tao na hindi marunong magmahal sa sariling
wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda. Gaya ng pagtingkilik ng Pilipino sa
kulturang Koreano, lalo na sa mga kabataang Pilipino. Nalimutan na nila ang
kulturang atin, ang kagandahan at kaibahan nito. Ang kagandahan ng mga pelikula
at teleseryeng Pilipino. Ang sarap ng mga pagkaing Pilipino na Pang World Class.
Ang kagandahan at ang pagiging maka-bansa, sa paggamit ng sariling wika. Lahat
ng mga ito ay kinalimutan na dahil sa pag-usbong ng kulturang, di atin, ang
Kulturang Koreano.

Ang Pananaliksik na ito ay nakatuon sa pananaw at epekto ng Kulturang


Koreano sa mga estudyante sa Agusan National High School. Saklaw nito ang
mga estudyante sa Agusan National High School na tumatangkilik sa Kulturang
Koreano.

Naniniwala ang mga mananaliksik ng kasalukuyang panahon ay


pinakainam na magkaroon ng pag-aaral na ito upang masagot ang mga
katanungan at makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mamamayang Pilipino,
lalong lalo na sa mga estudyante o kabataang Pilipino.
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

K-Drama. K-Drama o Korean Drama ay mga pelikulang o palabas na ginagawa ng


mga Koreano. Teleserye kumbaga.

K-Pop. K-Pop o Korean Pop Music na patok ngayon sa social media na mga
Koreano ang kumanta.

South Korea. Isang bansa sa Asya na Malaki ang impluwensiya hindi lang Asya
pati na rin sa Hilaga at Timog Amerika.

Kimchi. Isang pagkain na sumikat sa Korea. Putaheng gulay na mag sauce.

Ramen o Ramyeon. Pagkaing Koreano na ang pangunahing sangkap ay noodles


na maanghang anghang ang lasa.

Bangs. Sikat na Haircut sa bansang Korea lalo na sa mga babae.

Hangul. Pambansang wika ng mga South Korea.

Liptint. Isang uri ng kolorete na nilalagay sa labi para magmukhang natural ang
pagpula ng labi.
Digital Natives o Millenials. Mga tawag sa mga taong ipinanganak sa panahon ng
pag usbo ng teknolohiya.

Social Trends. Mga usong bagay sa internet.


Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

You might also like