You are on page 1of 7

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

GRADE 11 CUBILAN

EPEKTO NG KDRAMA SA PAGPAPAUNLAD NG


WIKANG FILIPINO SA SENIOR HIGH SCHOOL
NG LIBAS SUD INTEGRATED SCHOOL

Pokus ng pag- aaral: Epekto ng Kdrama sa pagpapa-unlad ng Libas


Sud Integrated School
Populasyon o Responte: Senior High School
Lugar: Libas Sud
Ipinasa Nina:
Theresa Amor I. Azares
Angel F. Alameda
Janrey Mecasia
Ronel Ladaga
Arthur Engayas
Erwin Perodes
Libas Sud Integrated School
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
GRADE 11 CUBILAN

EPEKTO NG KDRAMA SA PAGPAPAUNLAD NG WIKANG


FILIPINO SA SENIOR HIGH SCHOOL NG LIBAS SUD
INTEGRATED SCHOOL

PANIMULA

Ang pag aaral na ito ay tungkol sa epekto ng kdrama sa


pagpapaunlad ng wikang Filipino. Ang mga mananaliksik ay
humantong sa paksang ito dahil napapasin na maraming studyante
sa senior high sa panahon ngayon na ginugugol ang karamihan ng
kanilang oras sa pagbababad sa mga networking sites. Ang
kdrama ay tumutukoy sa teledrama sa Korean na wika na ginawa
sa south korea.

Sa panahon ngayon marami ng mga estudyante ang nanonood ng


kdrama at ang kanilang lingguwahe na hangul ay kinawilihan na
rin ngayon mga kabataan ngayon. Marami ng bansa ang
nakaimpluwensya sa pilipinas at isa na ang bansang South korea
at ang mga kultura nito sa labis na tinatangkilik at
kinahuhumaling ng mga kabataan. Bukod sa magaganda na palabas
kinahuhumaling ng kabataan ang mga artista sa kdrama dahil sa
magagandang mga mukha nito. At bukod dito naiimpluwensyahan
ang mga estudyante sa paggamit ng wikang Korean o hanggul.
Ngunit sa kabilang dako unti-unting naglalaho ang ibang mga
kinaisgnang salitang Filipino. Kasabay ng modernisasyon at
paglunsad sa mga makabagong teknolohiya , ay patuloy din ang
pag-unlad at pagbabago ng wikang Pilipino, gayunpaman ang mga
estudyante ay may mga bagong salita na ginagamit ngayun tulad
nalang ng wikang koreano dahil dito maraming kabataan ang
gumagamit nito at mas ini idolo nila ang ibang wika kaysa sa
Libas Sud Integrated School
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
GRADE 11 CUBILAN

wikang Filipino. At dahil dun ang ating wika ay parang


naglalaho na dahil san a adopt nila ang pananalita sa panonood
ng kdrama.

Malaki ang impluwesyang naidulot ang panonood ng kdrama sa


pilipinas. Patuloy na humaling ang mga estudyante sa kdrama
di lamang sa panonood ng kdrama pati na din ang kulturang
koreano. Sa paglipas ng panahon, Malaki ang posibilidad na
kalimutan ng mga kabataaan ang kanilang kinalakihang wika at
kultura kapalit ng pagtangkilik nila sa kultura ng ibang bansa
lalong lalo na sa bansang South korea korea.

Pagkalap ng pahayag na may hanguan

 Inilahad sa pahayag na ito nina Delos Reyes et. al. (2017) na


nakaaapekto sa personalidad ng mga kabataan ang K-Drama
partikular na sa kanilang pisikal na pangangatawan, damdamin
at kalagayang pagkaisipan. Ang labis na panonood ng mga
kabataan ng K-Drama ay nakaiimpluwensiya sa kanilang
pamamaraan ng pananamit kung saan ginagaya nila ang iba’t
ibang estilo ng pananamit ng mga aktor sa napapanood nilang
mga drama. Sa panahon ngayon, ang ilan pang K-Fashion tulad ng
mga make-up at ayos ng buhok ay tinatangkilik na rin sa ating
bansa. Naisasakripisyo rin ng mga kabataan ang kanilang
pagkain at pagtulog upang makatapos ng isang drama na hindi
maganda sa kanilang kalusugan. Ang ilan pa sa mga nanonood ng
KDrama sa loob ng mahabang panahon ay nagagawa na rin gayahin
ang iba’t ibang ekspresyon sa Korea lalong lalo na ang sikat
na Aegyo.

“Filipinos most teenagers do like koreans not only with their


popular music and artist

but also the culture.” Batay sa pag-aaral na ito ni Heigoff


(1994), ang mga kabataan sa ating bansa ay hindi lamang
tumatangkilik sa mga sikat na kantang Korean o K-Pop at sa mga
Korean artist ngunit minamahal na rin nila ang mga kultura sa
Libas Sud Integrated School
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
GRADE 11 CUBILAN

South Korea. Ayon sa kanya, nagpapakita ng interes ang mga


kabataan sa iba’t ibang kultura sa nasabing bansa. Kung sa
Pilipinas ay kutsara at tinidor ang ginagamit sa pagkain,
chopsticks naman ang kinakailangan ng mga Koreano sa tuwing
sila ay kumakain na makikitang ginagaya na rin ng mga tao sa
ating bansa.

“Noon naman hindi ganoon kalakas ang impluwensya sa atin ng


mga Banyaga. Ngunit

ngayon kung ating pag-aaralan at bibigyang pansin, ang mga


banyagang awitin ay mas
Pagkalap ng mga pahayag na may hanguan

Ang mga Korean drama ay nagbibigay ng impluwensiya sa pag-


aaral ng mga estudyante sa ika-siyam na baitang. Ang
pagtangkilik sa mga Korean drama ay may epekto sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang. Ang paggamit ng
wikang Filipino ay nagbubukas ng isipan para mas maging maalam
sa kultura ng ating bansa at pagbabahagi]. Ang pananaliksik na
ito ay tungkol sa epekto ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa
pelikulang Pilipino

Layunin
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang suriin ang epekto ng
K-Drama sa pagpapaunlad ng wikang Filipino sa mga estudyante.
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay may layon na palakasin at
maipalaganap ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng
Wikang Filipino. Ang mga salik kultural tulad ng K-Pop, K-
Drama, Korean o Hangul, TV shows, at pagkain ay nagdudulot ng
impluwensiya sa wika at kultura ng Pilipinas. Ang mga magulang
ay isa sa mga pinaka-mahalagang salik na nakakaapekto sa
modernong teleserye at ang epekto nito sa bokabularyo at
kultura ng mga mag-aaral.
Pag-aaral Kapansin-pansin ang malaking pagkakaiba ng gawi at
tradisyon ng mga kabataan sa ating bansa noon sa ngayon dahil sa

Libas Sud Integrated School


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
GRADE 11 CUBILAN

labis na pagtangkilik ng mga ito sa iba’t ibang kultura ng bansang


South Korea. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapag-aralan ang
mga epektong naidudulot ng pagkahumaling ng mga kabataan ngayon sa
kultura ng nasabing bansa. Kaya ang pag-aaral na ito ay makatutulong
sa mga sumusunod: Para sa mga mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay
magsisilbing isang talaan ng impormasyon na makatutulong sa kanila
upang malaman kung paano nakaaapekto sa wika at kulturang Filipino
ang labis na pagsuporta at pagtangkilik nila sa kulturang Koreano
tulad ng pagyuko ng ulo na nangangahulugang pagpapakita ng respeto
at pasasalamat. Para sa mga magulang, ang pag-aaral na ito ay
magiging gabay upang kanilang malaman ang dahilan ng pagkahilig ng
mga kabataan sa K-Pop, K-Drama at iba pang kulturang Koreano at kung
paano nila ito makokontrol. Makatutulong din ito upang magabayan
nila ang kanilang mga anak tungkol sa epekto ng pagtangkilik sa mga
ito sa wika at kulturang kanilang nakagawian. Para sa mga mamamayan,
ang pananaliksik na ito ay magsisilbing paalala sa kanila na
pahalagahan at huwag ipakain sa sistema ng pagkahumaling ng
karamihan sa mga kulturang Koreano ang kinagisnang wika at kultura
ng ating bansa. Makapagbibigay-alam din ito

Sarbey kwestyner
 Ano ang epekto sa labis na pagtangkilik sa kdrama
 Bakit ang mga estudyante ay humahaling sa dayuhang
pelikula tulad ng kdrama
 Paano nakakaapekto ang panonood ng kdrama sa mga
estudyante sa pagpapaunlad ng wikang pilipino

Kahalagahan sa pag-aaral
Ang pag-aaral ng epekto ng Kdrama sa pagpapaunlad ng wikang
Filipino sa mga estudyante ay naglalayong matukoy ang
impluwensiya nito sa pag-aaral at kultura ng mga mag-aaral.
Ang mga salik-kultural na nakakaapekto sa pagkahumaling ng mga
Filipino sa panonood ng Kdrama ay kinabibilangan ng katangian
tulad ng pagsasama, pagiging masaya, at pagiging relatable.
Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral tungkol sa
makabagong wika ay nagbibigay pansin sa impluwensiya na
maidudulot ng Kdrama sa wikang Filipino.
Libas Sud Integrated School
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
GRADE 11 CUBILAN

Paglalahad ng saklaw at limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan lamang sa mga estudyante


libas sud integrated school sa senior high school at walang
presensya ng mga tagapayo o sinumang mga administrador. Ang
pangunahing layunin nito ay makilala ang mga kulturang Koreano
na nakaaapekto sa wika at kultura ng Pilipinas at para
makumpirma nito ang pagkakaroon ng mga sumusunod na epekto na
naiambag ng kultura ng bansang South Korea. Isinasaalang-alang
ng pag-aaral na ito ang bawat aspeto na maaaring maging
personal na sagot ng mga mag-aaral na may epekto sa kanilang
pagkakasangkot. Ang bawat isa sa mga estudyanteng sasagot ay
bibigyan ng parehong mga talatanungan upang sagutin.

Pagpapakahulugan

Kdrama- ay tumutokoy sa mga teleserye na galing south


korea

Senior high school- ay naglalarawan ng isang


instituuuusyon na nagbibigay ng sekondaryang
edukasyon at kadalasang kinabibilangan din ng gusali
kung saan ginaganap.

Wikang Filipino- ay ang katutubong wika na ginagamit


sa buong pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.

You might also like