You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

College of Education Arts and Sciences


Program: College of Hospitality and Tourism Management
College of Education, Arts & Sciences
Course Code: GEC210
Course Title: KULTURANG POPULAR NG PILIPINAS
Course Description:
Ang kursong ito ay sumasaklaw sa pag-aaral/pagsusuri ng ibat-ibang kulturang popular
ng pelikula, wika, edukasyon, kasarian, telebisyon,at pananaliksik sa Pilipinas na
nakaiimpluwensiya sa paghubog ng katalinuhan o aydentidad ng bawat Pilipino.

Course Learning Outcomes:


Nilalayon ng kursong ito na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa
kulturang popular ng Pilipinas at mailapat ang mga talento at ideyang mayroon sila sa
mga paksa sa bawat aralin maging sa mga pangyayari sa kasalukuyang panahon
partikular na sa kanilang mga karanasan sa loob ng bansa.

Grading Rubric:
Written works 30%
Performance Tasks 30%
Punctuality &Character 10%
Major Examination 30%
100%

TITLE: KABANATA I

GEC210-Kulturang Popular ng Pilipinas. 1ST Sem 2020-2021


NOT FOR SALE. EXCLUSIVE FOR GORDON COLLEGE ONLY.
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

MODULE NO. 1

I. INTRODUCTION
Kasabay ng paglipas ng maraming taon ay hindi maiiwasan ang pagsubok at
pagbabago ng maraming bagay. Tulad na lamang ng mga pagbabagong naganap
sa kurikulum ng edukasyon. Bilang simula, ating balikan ang mga pagsubok na
dumaan sa asignaturang ito at mga kadahilanan kung bakit hanggang ngayon ay
nananatiling buhay an gang Filipino sa antas kolehiyo.

II. LEARNING OBJECTIVES


Naipapahayag ang sariling pananaw patungkol sa isyung nabasa na may malaking
kaugnayan sa asignatura.

III. TOPICS AND KEY CONCEPTS


ARALING FILIPINO BILANG GENERAL EDUCATION

Ang pagtataguyod ng wikang pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon at lagpas pa


A.Ang Pakikipaglaban para sa Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon
“Kabalikat ng Tanggol Wika sa paggigiit na manatili ang Filipino bilang sabjek at bilang wikang
panturo sa antas ng tersyarya. Huwag nating sayangin ang nakamit nang tagumpay ng wikang
Filipino nang nakalipas nang mga dekada. Patuloy tayong mag-isip, magsulat, maglathala,
magsaliksik at makipagtalakayan gamit ang wikang Filipino sa lahat ng antas ng pagkatuto.” -
Aurora Batnag
PAGPATAY SA ASIGNATURANG FILIPINO
CHEd Memorandum Order bilang 20
General Education Curriculum
- wala na ang Filipino bilang bahagi ng GE subjects sa antas kolehiyo. (K to 12)
Ang mga asignatura na nananatiling itinuturo sa antas kolehiyo:
 Pag-unawa sa Sarili (Understanding the Self)
 Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas (Reading in Philippine History)
 Ang Kasalukuyang Daigdig (The Contemporary World)

GEC210-Kulturang Popular ng Pilipinas. 1ST Sem 2020-2021


NOT FOR SALE. EXCLUSIVE FOR GORDON COLLEGE ONLY.
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

 Matematika sa Bagong Daigdig (Mathematics in the Modern World)


 Pagpapahalaga sa Sining (Art Appreciation)
 Siyensiya, Teknolohiya at Lipunan (Science, Technology and Society)
 Malayuning Komunikasyon (Purposive Communication)
 Etika (Ethics)
Mga nagtanggol sa pananatili ng Filipino bilang asignatura sa antas ng kolehiyo.
1.Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika)
2. Mga iskolar
3. Guro
4. Organisasyong pangwika
5. Organisasyong pangkultura
6. Makabayang party list group
7. Mga unibersidad
8. Iba pang nagmamahal sa wika
Mga dahilan:
 Ang Filipino ay isang disiplinang nagluluwal ng mga kaalamang maka-Pilipino at
makabayan.
 Intelektwalisasyon ng Filipino sa pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin,
pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya.
 Higit na dapat mapaghusay ang gamit at pagtuturo ng/sa Filipino
 Ang Purposive Communication ay hindi malinaw kung ituturo sa Ingles o Filipino
 36 na yunit ay minimum lamang kung kaya’t maaari pang dagdagan ng 6 pang yunit.
D.O no. 25, Series of 1974 ( DECS)
- Ang wikang pambansa ang dapat gamiting wikang panturo sa Social Studies/Social
Science, Music,Arts, P.E, Home Economics, Practical Arts at Character Education.
Kabilang sa mga naging panawagan ng Tanggol Wika ang mga sumusunod:
1. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa GEC sa kolehiyo
2. Rebisahin ang CHEd Memorandum Order 20, series of 2013
3. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t-ibang asignatura
4. Isulong ang makabayang edukasyon
Abril 15,2015
- nagsampa ng kaso ang Tanggol wika sa Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema na
sinuportahan ng mga propesor at iskolar.
Dr. Bienvenido Lumbera
-ang nanguna sa naturang pagtatanggol sa wika
-Makata, mandudula, mananaysay at guro.

Nobyembre 2018
- nang magsampa ng motion for reconsideration ang Tanggol Wika
Marso 5, 2019

GEC210-Kulturang Popular ng Pilipinas. 1ST Sem 2020-2021


NOT FOR SALE. EXCLUSIVE FOR GORDON COLLEGE ONLY.
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

-lumabas ang desisyon ng Korte Suprema na (denied with finality) na tanggalin ang ang
asignaturang Panitikan at Filipino sa antas-kolehiyo.
Hunyo 10, 2019
-naghain ng second motion of reconsideration ang Tanggol Wika sa Korte Suprema
B. Kahalagahan ng Filipino bilang Disiplina at Wika ng Edukasyon at Komunikasyon sa Pilipinas
1.Lunan ng diskurso sa iba’t ibang larangan gaya ng pag-aaral ng Kasaysayan, Pilosopiya,
Sikolohiya, Etika, Antropolohiya o maging sa Agham man o Matematika sa iba’t-ibang
unibersidad sa Pilipinas.
1. (Tiamson-Rubin,1993) Higit na epektibo ang pagtuturo ng Agham Panlipunan gamit ang
wikang Filipino sapagkat higit na nagkakaunawaan ang mga guro at mag-aaral.
2. (Acuna,1987; Constantino,1996) Mas nagiging malikhain at tumutulong sa kognitibong
pag-unlad ng bata sa paggamit ng kanyang katutubong wika sa pag-aaral kaysa sa
banyagang wika.
3. (Constantino,1996) Mas mag-iisip, mas titingin at mas magsusuri sa kaniyang
kapaligiran at hindi mahihiyang magtanong ang mga bata.
Mga argumento kung bakit dapat manatili ang Filipino bilang wika ng edukasyon at asignatura
sa kolehiyo:
1. Ang Filipino ay disiplina,asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral, at hindi simpleng
wikang panturo lamang.
2. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro at linangin din ito
bilang asignatura.
3. Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang asignatura,
bukod pa sa pagiging wikang panturo nito.
4. 4.Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino at may potensyal itong maging isang
nangungunang Wikang Global-kaya lalong dapat itong pag-aaralan sa Pilipinas.
5. 5. Filipino ang wika ng mayorya, ng midya, at ng mga kilusang panlipunan.
6. 6. Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21.
7. 7.Hindi pinaunlad, hindi napaunlad at hindi mapapaunlad ng pagsandig sa wikang
dayuhan ang ekonomiya ng bansa.

“ Ang Filipino ay hindi dapat tignan bilang isang simbolo kundi bilang isang instrumento ng
pagkakaisa at paglaya tungo sa ekonomikong pag-unlad na magreresulta sa pag-unlad ng
kaisipan ng mga mamamayan sa isang kolonyal o malakolonyal at multilinggwal na
lipunan.”(Constantino,1996)

IV. TEACHING AND LEARNING RESOURCES


Aklat (Sipat:Araling Filipino,Wika,Edukasyon,Kultura at MIdya)

GEC210-Kulturang Popular ng Pilipinas. 1ST Sem 2020-2021


NOT FOR SALE. EXCLUSIVE FOR GORDON COLLEGE ONLY.
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

cellphone o laptop
papel at pluma/ Microsoft word
youtube.com

V. REFERENCES
Israel DC Saguinsin et al.Sipat:Araling Filipino, Wika,Edukasyon, Kultura at Midya.
Plaridel Bulacan.St.Andrew Publishing House,2017
https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM

TITLE: KABANATA I
MODULE NO. 2
I. INTRODUCTION

GEC210-Kulturang Popular ng Pilipinas. 1ST Sem 2020-2021


NOT FOR SALE. EXCLUSIVE FOR GORDON COLLEGE ONLY.
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Kung mayroong asignatura ipinagtatanggol, tiyak na may mga taong nasa likod nito.
Kilalanin natin ang isa sa mga taong masugid na alagad ng sining at panitikan at
alamin kung ano ang naging papel ng asignaturang Filipino sa kanyang buhay.

II. LEARNING OBJECTIVES


Nakikilala ang isa sa mga bantog na iskolar ng Filipino at nasasagot ang mga
katanungan ukol dito.

III. TOPICS AND KEY CONCEPTS


BIENVENIDO LUMBERA, ANG KANYANG RE-EDUKASYON AT
MAKABAYANG PANININDIGAN

Si ka-Bien o Dr. Bienvenido Lumbera ang kauna-unahang aktibistang buhay na ginawaran ng


Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 2006.

Ipinanganak si Lumbera noong April 11, 1932 sa Lipa, Batangas. Siya ang bunso sa dalawang
anak ni Timoteo at Carmen Lumbera. Labing-tatlong taon lamang ang batang Bienvenido noong
siya at ang kanyang ate ay lubusang naulila. Kinupkop at inaruga sila ng kanilang kamag-anak
na sina Enrique at Amanda Lumbera.

Ang makulay na buhay ni Bienvenido Lumbera


Sa pamantasan ng Unibersidad ng Sto. Tomas ginugol at natapos ni Bienvenido ang kanyang
kursong Literature. Mula sa Pilipinas ay lumipad siya ng Amerika kung saan naman siya ay
nagpaka dalubhasa sa Unibersidad ng Virginia.

Hindi lingid sa lahat na si Beinvenido Lumbera ay isang mahigpit na kritiko ng pamahalaan


noong rehiming Marcos. Dahil dito ay isa siya sa mga naging biktima ng opresyon noong
ibinaba ang Batas Militar. Inaresto at nakulong siya noong Enero 1974, ngunit sa kalaunan ay
nakalaya rin.
Mula noon ay naging aktibo na siya sa pakikibaka gamit ang kanyang papel, lapis at ng
kanyang mga kapatid sa panulat. Katunayan ay isa siya sa mga tumulong upang mapababa sa
posisyon ang noon ay Presidente Marcos. Hindi lang siya isang alagad ng sining isa rin siyang
mamamayang makabayan na lumalaban para sa tama at katotohanan.

Kontribusyon ni Bienvenido Lumbera

GEC210-Kulturang Popular ng Pilipinas. 1ST Sem 2020-2021


NOT FOR SALE. EXCLUSIVE FOR GORDON COLLEGE ONLY.
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Naging aktibo si Beinvenido hindi lamang sa pagsusulat. Binuo at itinaguyod niya ang samahan
ng mga alagad ng sining. Ito ang Concerned Artist of the Philippine o CAP kung saan siya ang
hinirang na chairman.

Bilang isang ganap na Professor Emeritus ng Unibersidad ng Pilipinas ay malapit din ang
kanyang puso sa kapwa niya mga guro. Patunay dito ay pinangunahan niya bilang isang
presidente ang grupo ng mga guro, ang Alliance of Concerned Teachers o ACT.

Dahil sa marami niyang kontribusyon sa panitikan, panulat, pelikula at pag-aaral ng kultura, si


Beinvenido Lumbera ay tinanghal bilang isa sa mga haligi ng sining sa Pilipinas.
Bilang pasasalamat ay ginawaran siya ng pamahalaan ng iba’t-ibang karangalan, kabilang dito
ay ang mga:

1. Philippines National Artist Award


2. National Award for Cultural Research
3. Ramon Magsaysay Award for Journalist, Literature and Creative Communication.
Isang huwarang Pilipino
Hindi naging hadlang para kay Lumbera ang kanyang edad (mahigit 80) upang patuloy na
ipaalala sa kanyang mga kapwa manunulat ang pagmamahal sa bayan at sa sining ng
panitikan.

Malaki ang paniniwala niya na ang isang manunulat ay mayroong napakalaking tungkulin upang
ang makamit ng tao ang isang magandang kalidad ng gobyerno.

Ayon sa kanya, ang pagiging isang alagad ng sining ay hindi lamang isang karangalan at
katanyagan na dapat ipagmalaki. Bagkus, ito ay mayroong kaakibat na malaking
responsibilidad para sa bayan lalo na sa mga mamamayan.

Para sa kanya, ang pagmamahal at hindi paglimot sa ating nakaraan ang magbibigay sa atin
upang lagi natin maalala kung sino at ano tayo. Lagi niyang pinapaalala na mahalin natin ang
ating sariling pagkakakilanlan at kailanman ay huwag iwawaglit.

Tunay nga na isang kayamanan na hindi basta matatagpuan ang katalinuhan at busilak na puso
ni Beinvenido Lumbera. Isang taong hindi lamang nagmamahal sa sining ng panitikan, ngunit
pati na rin sa Inang Bayan

IV. TEACHING AND LEARNING MATERIALS AND RESOURCES

GEC210-Kulturang Popular ng Pilipinas. 1ST Sem 2020-2021


NOT FOR SALE. EXCLUSIVE FOR GORDON COLLEGE ONLY.
Republic of the Philippines
City of Olongapo
GORDON COLLEGE
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS AND SCIENCES
Olongapo City Sports Complex, Donor St., East Tapinac, Olongapo City 2200
Telefax No.: (047) 602-7175 loc 322
www.gordoncollege.edu.ph

Aklat(Sipat:Araling Filipino,Wika, Edukasyon, Kultura at Midya)

Laptop o cellphone

Papel at pluma/Microsoft word

youtube.com

V. REFERENCES
Israel DC Saguinsin et al.Sipat:Araling Filipino, Wika,Edukasyon, Kultura at Midya. Plaridel
Bulacan.St.Andrew Publishing House

https://www.youtube.com/watch?v=n3hMcGgUUCw

https://www.panitikan.com.ph/nationalartists/blumbera.htm

GEC210-Kulturang Popular ng Pilipinas. 1ST Sem 2020-2021


NOT FOR SALE. EXCLUSIVE FOR GORDON COLLEGE ONLY.

You might also like