Professional Documents
Culture Documents
LAGPAS PA.
1. Sapagkat sa kasalukuyang kalakaran sa antas tersyarya ay may anim (6) hanggang siyam
(9) na unit ang Filipino sa batayang Edukasyon.
2. Sapagkat sa antas tersyarya ay nagaganap at lubhang nalilinang ang intektuwalisasyon
ng Pilipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin,
pagsasalitang paglagda at kaalaman pang media.
3. Sapagkat sa antas na ito ng karunungan, higit na dapat mapaghusay ang gamit at
pagtuturo ng Filipino sa Pilipino. Dahil na rin sa kumukuha ng kurso sa pagtuturo at mga
kaugnay na kurso tulad ng teacher education subjects.
4. Sapagkat dahil sa pagpapatupad ng K-12, mawawala na sa antas ng tertiary ang Filipino,
at sa halip ay ibababa bilang bahagi ng mga baiting 11 and 12 sa Senior High School.
5. Sapagkat ang panukalang Purposive Communication na bahagi sa batayang education sa
tertiary ay hindi malinaw kung ituturo sa English o sa Filipino.
6. Sapagkat ang panukalang tatlumpu’t anim na unit ng batayang edukasyon mula sa
komisyon sa lalong mataas na edukasyon o CHED ay minimum lamang kung kaya’t
maaari pang dagdagan ng anim na units pa o tatlong subjects pa.
3. Nilinaw ng PSLLF na mas dapat ituro ang Filipino sa kolehiyo sapagkat sa panahon ng patuloy
na globalisasyon at ng ASEAN integration nararapat lamang na pagtibayin ng mga Pilipino ang
sariling wika at panitikan upang makapag ambag ang mga ito sa proyekto ng global at regional
na integrasyong socio-cultural. Sa makatuwid, ang pagpapalakas ng wika at panitikang pilipino
sa lahat ng antas ng edukasyon ay paghahanda rin para sa ASEAN integration at globalisasyon.
Mahalagang ambag sa edukasyong socio-cultural ng maraming estudiyanteng inaasahang
darating at mag-aaral sa Pilipinas mula sa mga kasaping ASEAN at iba pang bansa ang
asignatura sa wika, kultura at identity ng Pilipinas. Sa panahong ito ng globalisasyon, higit na
kailangan ang pagpapabatili ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng antas ng pag-aaral upang
patatagin at payamanin ang ating pagka-Pilipino. (May maaambag tayo sa mga dayuhang mag-
aaral)
- nabuo ang tanggol wika, isang samahan na ang pawang miyembro ay mga guro sa mga
universidad. (UPD, PUP, etc.)
PUP
DLSU Manila
Malaking tulong ang ginawa ng sangay ng MEDIA upang maalarma ang CHED sa
pamamagitan ng pagbabalita ukol sa mga protesta at pagpupulong na isinasagawa ng nasabing
alyansa.
-nilinaw ng Tanggol Wika ang paglabag na ginawa ng CHED sa mga probisyon sa 1987 Philippine
Constitution.
Article II s. 17
Article II s. 18
- Ang lahat ng mga umiiral na batas, mga decrees, mga kautusang tapagpaganap, mga
proklamasyon, mga liham tagubilin at iba pang mga pahayag, tagapagpaganap na hindi
salungat sa komisyon, ito ay mananatiling ipatutupad hangga’t hindi sinususugan,
pinagwawalang bisa o pinagwawalangsaysay.
Article XIV s. 2
(1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong
pang-edukasyon.
(2) Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo, ihasik ang pag-ibig sa
sangkatauhan, paggalang sa mga karapatang pantao, pagpapahalaga sa gampanin ng mga pambansang
bayani sa historikal na pagpapaunlad ng bansa, ituro ang mga karapatan at mga tungkulin ng
pagkamamamayan, patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at espiritwal, linangin ang karakter na
moral at disiplinang pansarili, pasiglahin ang kaisipang mapanuri at malikhain, palawakin ang kaalamang
pang-agham at teknolohikal, at itaguyod ang kahusayang bokasyonal.
Article XIV s. 6
- Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa
tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa
ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon
Article XIV s. 15
- Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at
ipalaganap ng Estado ang pamanang historikal at kultural at mga likha at mga kayamanang batis
artistiko ng bansa.
Arcticle XIV s. 18