You are on page 1of 34

Fil 111-Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Ang Pagtataguyod ng
Wikang Pambansa sa
Mas Mataas na Antas
ng Edukasyon at
Lagpas Pa
KABANATA I
CMO Blg. 20, Serye 2013

Bahagi ng inilabas ng Komisyon sa Lalong Mataas


na Edukasyon o CHED na Bagong General
Education Curriculum
Wala na ang Filipino bilang bahagi ng GE subjects
sa antas kolehiyo

Nilagdaan ni Punong Komisyoner Patricia


Licuanan

Ang pagbabagong ito ay bilang bahagi ng


pagpapaunlad ng edukasyong Pilipino sa antas
kolehiyo bunsod ng implementasyon ng Batas K to
12
Mga asignatura na mananatili sa antas Kolehiyo

Understanding the self


Readings in Philippine History
The Contemporary World
Mathematics in the Modern World
Art Appreciation
Science, Technology and Society
Purposive Communicatiom
Ethics

Maaaring ituro gamit ang Filipino at Ingles


Paniniwala ng mga guro at iskolar
Ang Filipino ay hindi lamang midyum sa pagtuturo
o komunikasyon

Ang Filipino ay isang disiplinang nagluluwal ng mga


kaalamang maka-Pilipino at makabayan na
kailangan sa panahong ito na buhay na buhay ang
globalisasyon.

Itinuturing nila itong paconsuelo de bobo upang


papaniwalain na hindi binura ang Filipino sa
Kolehiyo.
QUESTION #1:

Pabor ba kayo sa pagtatanggal ng mga


asignaturang Filipino sa Kolehiyo?

Oo Hindi
Posisyong Papel ng PSLLF
Una, nilinaw ang patakarang bilinggwal sa edukasyon na ipinatupad sa
pamamagitan ng Department Order No. 25, Series of 1974 ng Department
of Education Culture, and Sports (DECS) ay ngayo’y operatibo at may
bisa mula Baitang 4 hanggang antas tersyarya.
Ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo sa Social
Studies/Social Sciences, Music, Arts, Physical Education, Home Economics,
Practical Arts at Character Education.
Dapat palawakin pa ang saklaw ng Filipinisasyon ng wikang panturo sa
kolehiyo sa pamamagitan ng mandatoryong paggamit nito sa 12 yunit sa
bagong GEC.
Posisyong Papel ng PSLLF
Ikalawa, pinanindigan nila ang pagpapalawak sa paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo sa kolehiyo ay alinsunod din sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
1987 Konstitusyon.

Artikulo XIV, Seksyon 3


(1) dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga
institusyong pang-edukasyon.
(2) dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo, ihasik ang pang-ibig sa
sangkatauhan, paggalang sa mga karapatang pantao, pagpapahalaga sa gampanin ng
mga pambansang bayani sa historikal na pagpapaunlad ng bansa, ituro ang mga
karapatan at mga tungkulin ng pagkamamamayan, patatagin ang mga pagpapahalagang
etikal at espiritwal, linangin ang karakter na moral at disiplinang pansarili, pasiglahin ang
kaisipang mapanuri at malikhain, palawakin ang kalaamang pang-agham at teknolohikal,
at itaguyod ang kahusayang bokasyonal;
Posisyong Papel ng PSLLF
Ikatlo, dapat mas ituro ang Filipino sa Kolehiyo sapagkat sa panahon ng
patuloy na globalisasyon at ng Association of Southeast Asian Nations
(ASEAN) Integration, nararapat lamang na patibayin ng mga Pilipino ang
sariling wika at panitikan upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto
ng global at rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural.
Ang pagpapalakas ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng antas ng
edukasyon ay paghahanda rin para sa ASEAN Integration at sa patuloy na
globalisasyon.
Tanggol Wika
Nabuo noong Hunyo 21, 2014 dahil sa kawalang-aksyon ng Komisyon sa
Lalong Mataas na Edukasyon o CHED

Kinabibilangan ng mga guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya ng


Pamantasang De La Salle - Maynila, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman,
Pamantasang Ateneo de Manila, Unibersidad ng Santo Tomas at
Politekniikong Unibersidad ng Pilipinas.

PUP ang itinuturing na pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte ng


Tanggol Wika
Panawagan ng Tanggol Wika
Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong General
Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo;

Rebisahin ang CHED Memorandum Order 20, series of 2013

Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at

Isulong ang makabayang edukasyon


Petisyon ng Tanggol Wika
Nilagdaan ng humigit-kumulang 700,000 na mga mag-aaral, guro, iskolar,
at nagmamahal sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang unibersidad at sektor
ng lipunan.

Naglalaman ng panawagang panatilihin ang Filipino sa antas Kolehiyo

Isinumite sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED


Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Nakatulong ng husto ang mga dokumentaryong kanilang inilabas na
pinamagatang “Sulong Wikang Filipino:Edukasyong Pilipino, Para Kanino?“

ipinaunawa nito sa publiko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Filipino


bilang hiwalay na asignatura sa antas kolehiyo.
Abril 15, 2015
Nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika na sinuportahan ng mga
propesor at iskolar mula sa iba’t ibang unibersidad.

pinangunahan ni Dr. Bienvenido Lumbera at ng mahigit 100 mga propesor


at iskolar.
G.R. No. 217451

Itinuring na kauna-unahang buong petisyong nakasulat sa Filipino.

Nilinaw ng Tanggol Wika sa petisyong ito ang paglabag na ginawa ng


CHED sa mga probisyon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, gayundin ang
paglabag sa ilang Batas Republika
Mga Probisyon sa 1987 Konstitusyon

Artikulo II, Seksyon 17. Dapat mag-ukol ng prayoridad ang Estado sa


edukasyon, agham, at teknolohiya, mga sining, kultura at pampalakasan
upang mapabulas ang pagkamakabayan at nasyonalismo, mapabilis ang
kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang ganap na paglaya at pag-
unlad ng tao.

Artikulo II, Seksyon 18. Naninindigan ang Estado na ang paggawa ay


siang pangunahing pwersang pangkabuhayan ng lipunan. Dapat nitong
pangalagaan ang mga karapatan ng mga manggagawa at itaguyod ang
kanilang kagalingan.
Mga Probisyon sa 1987 Konstitusyon

Artikulo VIII, Seksyon 3. Ang lahat ng mga umiiral na batas, mga


decree, mga kautusang tagapagpaganap, mga proklamasyon, mga liham
tagubilin, at iba pang mga pahayag tagapagpaganap na hindi salungat
sa Konstitusyong ito ay mananatiling ipatutupad hangga't hindi
sinususugan, pinawawalang-bisa, o pinawawalang-saysay.

Artikulo XIV, Seksyon 2. Ang Estado ay dapat: (1), Magtatag,


magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat, at pinag-isang
sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangagailangan ng
sambayanan at lipunan;
Mga Probisyon sa 1987 Konstitusyon

Artikulo XIV, Seksyon 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-
aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon.(2)
Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo, ihasik ang pag
ibig sa sangkatauhan, paggalang sa mga karapatang pantao,
pagpapahalaga sa gampanin ng mga pambansang bayani sa historikal na
pagpapaunlad ng bansa, ituro ang mga karapatan at mga tungkulin ng
pagkamamamayan, patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at
espiritwal, linangin ang karakter na moral at disiplinang pansarili,
pasiglahin ang kaisipang mapanuri at malikhain, palawakin ang kaalamang
pang-agham at teknolohikal, at itaguyod ang kahusayang bokasyonal;
Mga Probisyon sa 1987 Konstitusyon

Artikulo XIV, Seksyon 6. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon


sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng
mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Mga Probisyon sa 1987 Konstitusyon

Artikulo XIV, Seksyon 14. Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga,


pagpapayaman at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang
Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang
malaya, artistiko at intelektwal na pagpapahayag.

Artikulo XIV, Seksyon 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at
panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang
pamanang historikal at kultural at mga likha at mga kayamanang batis
artistiko ng bansa.
Mga Probisyon sa 1987 Konstitusyon

.Artikulo XIV, Seksyon 18. (1) Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na
pagtamo ng mga pagkakataong kultural sa pamamagitan ng sistemang
pang-edukasyon, mga kultural na entity sa publiko o pribado, at mga
scholarship, mga kaloob at iba pang mga insentibo, at mga
pampamayanang sentrong kultural at iba pang mga tanghalang
pangmadla. (2) Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga
pananaliksik at mga pag-aaral tungkol sa mga sining at kultura.
Batas Republika 7104 o Commission on the Filipino
Language Act
Pursuant to the mandate of the Constitution, it is hereby declared to
be a policy, of the Government to ensure and promote the evolution,
development and further enrichment of Filipino as the national language
of the Philippines, on the basis of existing Philippine and other languages.
To this end, the Government shall take the necessary steps to carry
out the said policy.
Batas Republika 232 o Education Act of 1982
Education Act of 1982

Batas Republika 7536


An Act Creating the National Commission for
Culture and the Arts, Establishing National
Endownment Fund for Culture and the Arts and
for Other Purposes
Abril 21, 2015
Isang linggo mula nang maisampa ang kaso, naglabas ng Temporary
Restraining Order ang Korte Suprema

Kinatigan ng Korte Suprema ang mga argumentong nakatala sa nasabing


petisyon.
They contend that the Constitution expressly states that the
Filipino is the national language of the Philippines. The State
must lead and sustain its usage as the medium of
officialcommunication and as the language of instruction in the
educational system. This holds true without distinction as to
education level. Hence, "Filipino" as our language deserves a place
of honor and usage in the educational system, from in pre-school
to higher education. For petitioners, rendering the usage of the
Filipino language as a medium of instruction in schools as merely
discretionary is a direct violation of the constitutional
protection afforded to "Filipino."
In the same vein, the deletion of "Panitikan" (literature) and "Philippine
Government and Constitution" as subjects in CMO No. 20 reflects its
non-compliance with the State policies to preserve not only the teaching
of literature as a part of cultural heritage but to the very
constitutional mandate to instill nationalism and patriotism in all levels of
education. Worse, the deletion of the said subjects in the new
curriculum would cause unemployment for more or less 78,000 teachers
and employees in educational institutions. To date, the CHED has
offered neither a plan nor a mechanism to cushion the blow of sudden
unemployment in the education sector. Finally, CMO No. 20 likewise
violates several statutory acts, namely: Republic Act No.7104
(Commission on the Filipino Language Act); Batas Pambansa Bilang 232
(Education Act of 1982); and Republic Act No. 7356 (An Act Creating
the National Commission for Culture and the Arts).
2018
Tatlong taon matapos ilabas at maipatupad ang TRO laban sa CMO
Bilang 20 Serye 2013, tinanggal ng Korte Suprema at tuluyan nang
binura ang asignaturang Filipino at Panitikan sa antas kolehiyo batay
sa 94 na pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Benjamin
Caguiao bukod pa ang pagsasabing konstitusyonal ang pagsasabatas
ng Batas K-12.
Nobyembre 2018

Nagsampa ng Motion for reconsideration ang Tanggol Wika sa Korte


Suprema
Panukalang Batas Bilang 8954
Batas na Nagtatakda ng Hindi Bababa sa Siyam (9) na Yunit
ng Asignaturang Filipino

Inihain nina ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Rep.


France Castro sa Kongreso noong Enero 30,2019
Ayon sa Tanggol Wika (2019)
Ang panukalang batas na ito ay hakbang na mapagpalaya na
gumagamit sa wikang pambansa bilang wika ng matalinong
diskursong panlipunan. Patitibayin nito ang pundasyon ng
pulitikal na demokratisasyon sa bansa sa pamamagitan ng
pagtitiyak na ang wika ng bayan ang siyang mangingibabaw na
wika sa mga paaralan at sa mga bulwagan ng kapangyarihan. Sa
esensya, karagdagang sandata natin ito laban sa misedukasyon
at kolonyal na pag-iisip.
Marso 5, 2019
Pinagtibay na (denied with finality) ng Korte Suprema ang
desisyon nitong tanggalin ang mga asignaturang Panitikan at
Filipino sa antas kolehiyo.
Resolusyon at Posisyong Papel
1. PSLLF
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
Naglabas ng dokumentong hindi nangiming ilantad ang maling desisyong ng
CHED
2. KWF
Komisyon ng Wikang Filipino
3. PUP
Departamento ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

4. DLSU - M
Pamantasang De La Salle - Maynila
Resolusyon at Posisyong Papel
5. UP-D
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

Sa mga nasabing resolusyon at posisyong papel ay mariing kinondena ng


mga naturang unibersidad at institusyong pangwika ang naging paurong na
hakbang ng CHED.
Pahayag ng Pagtutol at Pagkadismaya

Komisyon sa Wikang Filipino


Office of the Faculty Regent ng UP-Diliman
Act-Philippines
Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo
De Manila
Gawain
Panoorin ang Video clip na pinamagatang
“Sulong Wikang Filipino:Edukasyong Pilipino,
Para Kanino?“

Humanda sa talakayan at maikling pagsusulit


sa sunod na linggo.

You might also like