You are on page 1of 5

Tanggol Wika

•Ang Tanggol Wika ay alyansa ng mga tagapag-tanggol ng wikang Filipino na


pinangungunahan ni David Michael San Juan. Nabuo ang Tanggol Wika noong Hunyo
21, 2014 sa De La Salle University –Manila (DLSU).

•Binubuo ito ng mga guro, manunulat, mag-aaral at tagapagtaguyodng wika at kultura


mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Paano nabuo ang Tanggol Wika

•Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De
La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo,
unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing
konsultatibong forum.

•Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera,


Pambansang Alagad ng Sining (National Artist). Ang forum na iyon ay kulminasyon ng
mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012.

Paano ipinagtanggol ng Tanggol Wika ang Wikang Filipino

•Sa paglaganap ng usap-usapan na tatanggalin na sa bagong kurikulum ng kolehiyo


ang Filipino at Panitikan at iba pang asignatura sa kolehiyo, binanggit ng ilang
administrador sa ibang unibersidad ang posibilidad na lusawin o kaya’y i-merge sa
ibang departamento ang Departamento ng Filipino. Bilang tugon sa mga gayong plano,
noong Disyembre 7, 2012 ay inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang
“Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum” na may pamagat na “Isulong ang
Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng
Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na
Antas.” Ang may-akda ng nasabing posisyong papel ay si Prop. Ramilito Correa, ang
noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU.
•Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-
Filipinong CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte
Suprema.

•Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para
ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong
isinampa ng Tanggol Wika.

•Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang
pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa iba pang arena. Marami-rami pang kolehiyo at
unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa Kongreso ang
House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring
asignatura sa kolehiyo. 

Adbokasiya ng Tanggol Wika


•Pagtataguyod ng asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon, at Filipino
bilang wikang panturo ang mga pangunahing adbokasi ng Tanggol Wika.

•Bahagi ito ng mas malawak na pagsisikhay ng mga guro sa lahat ng antas at disiplina,
para sa pagkakaroon ng makabayang sistema ng edukasyon na nakaugat sa mga
pangangailangan ng ating bansa

•Pokus ng Tanggol Wika ngayon ang pagsasabatas sa House Bill 223

•Panatilihin ang pagtuturo ng mga asignaturang wikang Filipino sa bagong Philippine


General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo; 

•Revise Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order 20. series of


2013.

•Gamitin ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa iba`t ibang asignatura; 
PETISYON SA KORTE SUPREMA NG
TANGGOLWIKA
•Naghain ang grupong Tanggol Wika ng motion for reconsideration sa Korte Suprema
kasunod ng pagtanggal nito sa temporary restraining order sa utos ng Commission on
Higher Education na alisin ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo noong ika-26 ng
Nobyembre.

•Binigyan diin ni David San Juan na magka-iba ang tatalakaying leksyon sa kolehiyo sa
tinatalakay sa mababa at mataas na paaralan.

•"When Filipino in the core curriculum of basic education (senior and junior high school,
in particular) is put side-by-side with Filipino in the general education curriculum at the
tertiary level, it can be seen that there are matters covered in the latter which are not
covered in the former," sabi sa mosyon.

•Nagharap ang Tanggol Wika ng anim na pahinang talahanayang nagkukumpara sa


mga paksang saklaw ng mga kursong Filipino sa kolehiyo at basic education programs,
para ipakita na walang basehan ang sinasabing pagkakapareho ng mga ituturo.

•Ayon sa perisyon, kung susundin ang pangangatuwiran ng Korte Suprema, maaari ring
alisin ang iba pang basic education subjects katulad ng Science, Mathematics, History
at English bilang mandatoryang asignatura sa kolehiyo dahil itinuturo rin ang mga ito sa
basic education. 

•Sinasalungat ng pag-alis ng Filipino sa kolehiyo ang ilang dekadang pagsisikap na


mailagay ang Filipino sa higher education.

•Kung magiging optional lamang ang Filipino, kakaunting estudyante na lang ang
kukuha nito at baka ang gawin na lang ng mga eskuwelahan ay huwag na itong ipaturo
sa kanilang mga teachers," ani San Juan.

•Nasa 10,000 guro ng Filipino at panitikan sa kolehiyo ang posibleng mawalan ng


trabaho dahil sa desisyon. 
•Ayon sa Tanggol Wika, Ang CMO No. 20, Series of 2013 ay lumalabag sa 5 probisyon
sa Konstitusyon at 3 Batas Republika.

1. Probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6ng Konstitusyong 1987
2. Probisyong pang
-edukasyon tungkol sapreserbasyon ng yamang pangkultura ng bansana nasa Artikulo XI
V, eksyon 14, 15, at 18 ngKonstitusyong 1987.
3. Probisyong pang-edukasyon tungkol sa pagigingbahagi ng mandatoring pag-aaral ng 
Konstitusyonsa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa ArtikuloXIV, Seksyon 3 ng Konstitus
yong 1987.
4. Probisyong pang-edukasyon na nagbibigay
diin sakahalagahan ng nasyonalismo sa kurikulum atpagpapaunlad ng bansa, at pagb
ubuo ngsistemang pang-edukasyon na nakabatay sapangangailangan ng mga 
mamamayan, na nasaArtikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2at 3 ng Konstitus
yong 1987
5. Probisyong pampaggawa (labor provisions) nanasa Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo 
XIII,Seksyon 3 na nasa Konstitusyong 1987.
6. Probisyon ng “ Commision on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the
Commision on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and
Functions, and for Other Purposes”) o Batas Republika 7104
7. Probisyon sa “Education Act of 1982” o Batas Pambansa Bilang 232
8. Probisyon sa Batas Republika 7356 o “ An Act Creating the National Commision
for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and
Arts and for Other Purposes”.

 Section 5. Culture by the People. The filipino national culture shall be

evolved and developed by the people themselves in a climate of freedom and

responsibility. National cultural policies and programs shall be formulated

which shall be democratic, encouraging and supporting the participation of


the
vast masses of our people in its programs and projects, liberative, having

concern for the decolonization and emancipation of the Filipino psysche in

order to ensure the full flowering of Filipino culture.

 Section 6. Culture for the People. The creation of artistic and cultural

products shall be promoted and disseminated to the greatest number of our

people. The level of consciousness of our people about our own cultural

values in order to strengthen our culture and to instill nationhood and cultural

unity, shall be raised formally through the educational system and informally

through extra-scholastic means, including the use of traditional as well as

modern media of communication

 Section 7. Preservation of the Filipino Heritage. It is the duty of every

citizen to prserve and concerve the Filipino historical and cultural heritage and

resources. The retrieval and conservation of artifacts of Filipino culture and

history shall be vigorously pursued.

You might also like