You are on page 1of 79

A LUTA CONTINUA!

:
Ang Pakikibaka Para sa
Filipino sa Kolehiyo At
Iba Pang Kaugnay na Isyu
David Michael San Juan
Associate Professor, De La Salle University-Manila
Convenor, Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(TANGGOL WIKA)
Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers-Private Schools (ACT Private)
PAMBANSANG SEMINAR 2015
27-29 Abril 2015
Maynila
Panimula: Kontrobersyang Pangwika
Noon
• Kabanata 7 sa “El Filibusterismo”
Puno’t Dulo ng Gulo…
• CHED Memo. Order/CMO No. 20, Series of
2014
• Pagbura sa Filipino sa kurikulum ng kolehiyo
Puno’t Dulo ng Gulo…
• Binura rin ang mga asignaturang
Panitikan/Literatura at Philippine Government &
Constitution sa bagong General Education
Curriculum (GEC)
• Pinahina ang mga asignaturang mahalaga sa
pagpapatibay ng pambansang identidad, at
pambansang kaunlaran
• Ipinatupad ang K to 12 kahit na hindi ito
nakaayon sa pangangailangan ng bansa at ng mga
mamamayan ng Pilipinas
Globalisasyon: Kadena ng
Dependensiya
Kronolohiya ng Pakikibaka
• 21 Hunyo 2014 – Sa pangunguna ng Departamento Filipino ng
DLSU-Manila, isinagawa ang Konsultatibong Forum-Asembliya sa
Sitwasyon ng Filipino sa Kolehiyo. Humigit-kumulang 400 guro,
mag-aaral, propesyunal, at tagapagtaguyod ng wikang Filipino ang
dumalo sa nasabing forum-asembliya. Si Pambansang Alagad ng
Sining Dr. Bienvenido Lumbera ang nagbigay ng inspirasyonal na
pahayag sa nasabing aktibidad. Sa pagtitipon ding iyon ay binuo ng
humigit-kumulang 70 kolehiyo, unibersidad, samahang pangwika at
pangkultura, at paaralan, ang TANGGOL WIKA o Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino, ang kauna-unahang malapad na
alyansang naninindigan na: panatilihin ang pagtuturo ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo; rebyuhin ang CMO No. 20, Series
of 2013; gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang
asignatura; at isulong ang makabayang edukasyon.
Kronolohiya ng Pakikibaka
• 22 Hunyo 2014 – press release ng CHED hinggil sa
pagiging mandatory na medium of instruction ng
Filipino
• 04 Hulyo 2014 – konsultasyon ng CHED sa Metro
Manila
• 31 Hulyo 2014 – deadline ng pagpapasa ng
posisyong papel sa isyu
• 27 Nobyembre 2014 – pangalawang press release
ng CHED hinggil sa isyu (walang pinagbago sa
pahayag noong 22 Hunyo 2014)
Nasaan na Tayo Ngayon?
• Malakas na ang Tanggol Wika: mahigit 150 affiliate na
institusyon, unibersidad, samahang pangkultura,
samahang pangwika atbp.
• Mahigit 7,500 likes ng Tanggol Wika Facebook page
• Daan-daan libong pirma sa manipesto ng Tanggol Wika
• Halos lahat ng nasa akademya ay pro-Filipino
• NAKAPAGSAMPA na ng petisyon sa Korte Suprema
• MAY TRO NA sa CMO No. 20, Series of 2013
• May pakikipagdiyalogo sa Suspend K to 12 Alliance
Nasaan na Tayo Ngayon?
• Laman ng pambansang diskurso ang isyung
pangwika
• Popular ang mga panawagan ng Tanggol Wika
• May posisyong papel na pro-Filipino ang
maraming paaralan at prominenteng
indibidwal
TRO sa CMO No. 20, Series of 2013
Epekto ng TRO
• Pinapahinto ang pagbura sa Filipino at Panitikan
sa kolehiyo
• May 10 araw para sumagot ang CHED at
Malakanyang
• Hindi maaaring magplano ang mga unibersidad
nang hindi isinasama ang Filipino at Panitikan sa
kurikulum
• Epektibo ang TRO hanggang sa maglabas ng
bagong pasya ang Korte Suprema
• TULOY ANG LABAN DAHIL WALA PANG FINAL
DECISION
Anong Dapat Nating Gawin?
• Tuluy-tuloy na magsagawa ng forum,
asembliya, at mga kilos-protesta para lalong
lumawak ang suporta ng taumbayan sa ating
mga panawagan
• Makipag-ugnayan sa mga Departamento ng
Literatura, Departamento ng Agham Politika,
Departamento ng Agham Panlipunan at iba
pang katulad o katumbas na departamento
upang lalong mapalawak ang ating hanay
Anong Dapat Nating Gawin?
• Ipamalita sa ating mga kakilalang guro ang
tungkol sa adbokasiya at mga tagumpay ng
Tanggol Wika
• Suriin natin ang buong programang K to 12, at
palalimin at palawakin ang ating pagsusuri hinggil
dito sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
kaugnay na usapin tulad ng neoliberalismo, Labor
Export Policy, globalisasyon, kolonyal na
edukasyon, at imperyalismo.
Anong Dapat Nating Gawin?
• Makipagdiyalogo sa mga administrasyon ng
paaralan at sa mga lingkod-bayan upang
itaguyod ang ating mga adbokasiya at
hikayatin sila na suportahan din ito.
• Ilike at ipalike ang Facebook page ng Tanggol
Wika para sa mabilis na diseminasyon at
koordinasyon ng ating mga kalatas at
kampanya:
www.facebook.com/TANGGOLWIKA
Anong Dapat Nating Gawin?
• Basahin, talakayin, at palaganapin ang
petisyon ng Tanggol Wika sa Korte Suprema
• Madodownload sa:
dlsu.academia.edu/lastrepublic
• IGoogle: “Tanggol Wika versus Noynoy-CHED”
Buod ng Petisyon sa Korte Suprema
• Ang CMO No. 20, Series of 2013 ay lumalabag
sa 5 probisyon sa Konstitusyon at 3 Batas
Republika
Mga Nilalabag ng CMO No. 20
• Probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6
ng Konstitusyong 1987.
• Probisyong pang-edukasyon tungkol sa
preserbasyon ng yamang pangkultura ng bansa
na nasa Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18 ng
Konstitusyong 1987.
• Probisyong pang-edukasyon tungkol sa pagiging
bahagi ng mandatoring pag-aaral ng Konstitusyon
sa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa Artikulo
XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987.
Mga Nilalabag ng CMO No. 20
• Probisyong pang-edukasyon na nagbibigay-diin sa
kahalagahan ng nasyonalismo sa kurikulum at
pagpapaunlad ng bansa, at pagbubuo ng
sistemang pang-edukasyon na nakabatay sa
pangangailangan ng mga mamamayan, na nasa
Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2
at 3 ng Konstitusyong 1987
• Probisyong pampaggawa (labor provisions) na
nasa Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII,
Seksyon 3 na nasa Konstitusyong 1987.
Mga Nilalabag ng CMO No. 20
• Probisyon ng “Commission on the Filipino
Language Act” (“An Act Creating the
Commission on the Filipino Language,
Prescribing Its Powers, Duties and Functions,
and For Other Purposes”) o Batas Republika
7104
Mga Nilalabag ng CMO No. 20
• Probisyon sa “Education Act of 1982” o Batas
Pambansa Bilang 232.
• Probisyon sa Batas Republika 7356 o “An Act
Creating the National Commission for Culture
and the Arts, Establishing National
Endowment Fund for Culture and the Arts,
and For Other Purposes.”
Probisyong Pangwika
ARTIKULO XIV, SEKSYON 6.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ayFilipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin atpagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapatna maaaring
ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mgahakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusangitaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ngopisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sasistemang pang-edukasyon.

ARTIKULO XIV, SEKSYON 7.


Ukol sa mga layunin ng komunikasyon atpagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyalsa
mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon…
Probisyong Pangwika
• Ang CMO No. 20 ay malinaw na lumalabag sa
Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987,
sapagkat hindi ito naglalaan ng espasyo para
sa asignatura o disiplinang Filipino na
kailangan upang maging epektibong wikang
panturo at wika ng opisyal na komunikasyon
ang wikang pambansa gaya ng itinatadhana sa
Konstitusyon.
Probisyon Hinggil sa Preserbasyon ng
Yamang Pangkultura
ARTIKULO XIV, SEKSYON 14.
Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga, pagpapayaman at
dinamikong ebolusyonng isang pambansang kulturang Pilipino salig
sa simulaingpagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya,
artistiko atintelektwal na pagpapahayag.
ARTIKULO XIV, SEKSYON 15.
Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan.
Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang pamanang
historikal at kultural at ang mgalikha at mga kayamanang batis
artistiko ng bansa.
ARTIKULO XIV, SEKSYON 18. (2)
Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga pananaliksik at
mga pag-aaral tungkol samga sining at kultura.
Literatura: Binura Rin sa Kolehiyo
• Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20
ang asignaturang Panitikan/Literatura sa
bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa
tatlo hanggang anim na yunit sa lumang
kurikulumalinsunod sa CMO No. 04, Series of
1997
Kultura at Panitikan
• Malinaw na bahagi ng kultura
ang Panitikan/Literature, gaya ng binabanggit sa
UNESCO Universal Declaration on Cultural
Diversityna pinagtibay noong Nobyembre 2,
2001:
“[C]ulture should be regarded as the set of
distinctivespiritual, material, intellectual and
emotional features ofsociety or a social group, and
that it encompasses, in addition to art and
literature, lifestyles, ways of living together, value
systems, traditions and beliefs.”
Kultura at Panitikan
• Ang kahalagahan ng Panitikan/Literatura bilang
bahagi ngkultura ng Pilipinas ay pinatutunayan ng
pagkakaroon ng Subcommission on the Arts sa
ilalim ng National Commission onCulture and the
Arts (NCCA) na sumasaklaw sa “literary arts” o
“mga sining na pampanitikan,” gaya ng
ipinapahayag sa Seksyon 15 ng Batas Republika
7356 o “An Act Creating the National Commission
for Culture and the Arts, Establishing National
Endowment Fund for Culture and the Arts, and
For Other Purposes.”
Pagtuturo ng Panitikan:
Tungkulin ng Gobyerno
• Samakatwid, ang preserbasyon at pagtuturo
ng Panitikan/Literatura sa lahat ng antas ng
edukasyon ay tungkulin ng Estado, alinsunod
na rin sa mga mandato ng Konstitusyon na
nauna nang tinalakay.
Probisyong Pang-edukasyon
• ARTIKULO XIV, SEKSYON 3. (1)
Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng
Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon.
• Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20
angasignaturang Philippine Government & Constitution sa
bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlong yunit sa
lumang kurikulum alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997
• Samakatuwid, malinaw na labag sa Artikulo XIV, Seksyon 3
ng Konstitusyon ang CMO No. 20.
Probisyong Pang-edukasyon
ARTIKULO II, SEKSYON 17.
Dapat mag-ukol ng prayoriti ang Estado sa
edukasyon, syensya at teknolohiya, mga sining,
kultura at isports upang mapabulas ang
pagkamakabayan at nasyonalismo, mapabilis
ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang
ganap na paglaya at pag-unlad ng tao
Probisyong Pang-edukasyon
ARTIKULO XIV, SEKSYON 2 (1).
Ang Estado ay dapat magtatag, magpanatili, at
magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag-isang
sistema ng edukasyong naaangkop sa mga
pangangailangan ng sambayanan at lipunan.
ARTIKULO XIV, SEKSYON 3 (2)
Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at
nasyonalismo.
Makabayang Edukasyon sa Kurikulum
• Malinaw na ang mga asignaturang binura ng
CMO No. 20 sabagong kurikulum ng kolehiyo
— Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine
Government & Constitution — ay mga
asignaturangmahalaga sa pagtataguyod ng
nasyonalismo at pambansangkaunlaran, at
edukasyong nakabatay sa pangangailangan ng
mgamamamayan.
Probisyong Pampaggawa
ARTIKULO II, SEKSYON 18.
Naninindigan ang Estado na ang paggawaay
isang pangunahing pwersang pangkabuhayan
nglipunan. Dapat nitong pangalagaan ang mga
karapatan ngmga manggagawa at itaguyod ang
kanilang kagalingan.
Probisyong Pampaggawa
ARTIKULO XIII, SEKSYON 3.
Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa
paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di
organisado, at dapat itaguyod ang puspusang
employment at pantay na mga pagkakataon sa
employment para sa lahat…Dapat na may karapatan sila
sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa
trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay.
Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng
pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may
kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon
sa maaaring itadhana ng batas.
Kawalan ng Proteksyon sa Mga Manggagawa sa
Ilalim ng CMO No. 20 at K to 12
• Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang plano at nakalatag nang
mga mekanismo ang gobyerno upang bigyan ng sapat na
proteksyon ang mga mawawalan ng trabaho. Katunayan, dinidinig
pa lang ng House Committee on Higher and Technical Education
ang House Bill 5493, “Establishing the Tertiary Education Transition
Fund to develop and sustain tertiary education institutions during
the transition period of the Enhanced Basic Education Act of 2013,
and appropriating funds therefor” kaugnay sa pagbibigay ng
financial assistance sa mga mawawalan ng trabaho sa kolehiyo.
• Hindi kinonsulta ng CHED ang nakararaming mgaDepartamento ng
Filipino sa pagbuo ng CMO No. 20 at bagoipatupad ito. Hindi rin ito
nagbuo ng komprehensibong plano para samga propesor na
mawawalan ng trabaho.
Paglabag sa RA 7104
• Nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyon ng Batas
Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language
Act.”
• Ayon sa nasabing batas, ang Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) o Commission on the Filipino Language ang
ahensyang may kapangyarihan sa pagbubuo ng patakaran,
plano, at programang pangwika ng bansa: “Sec. 14. Powers,
Functions and Duties of the Commission. The Commission,
pursuant to the pertinent provisions of the Constitution,
shall have the following powers, functions and duties: (a)
formulate policies, plans and programs to ensure the
further development, enrichment, propagation and
preservation of Filipino and other Philippine language.”
Paglabag sa Education Act of 1982
• Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Education Act of 1982 o
Batas Pambansa Bilang 232: Part II. Section 3. Promote the
social and economic status of all school personnel, uphold
their rights, define their obligations, and improve their
living and working conditions and career prospects.
Part III. CHAPTER 1. Sec. 23. Objective of Tertiary Education.
The objectives of tertiary education are: 1.To provide a
general education program that will promote national
identity, cultural consciousness, moral integrity and spiritual
vigor; 2. To train the nation's manpower in the skills required
for national development; 3.To develop the professions that
will provide leadership for the nation.
Paglabag sa RA 7356
• Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Seksyon 5, 6,
at 7 ng Batas Republika 7356 o “An Act
Creating the National Commission forCulture
and the Arts, Establishing National
Endowment Fund for Culture and the Arts,
and For Other Purposes”
Paglabag sa RA 7356
• SECTION 5. Culture by the People. The Filipino national culture shall be evolved
and developed by the people themselves in a climate of freedom and
responsibility. National cultural policies and programs shall be formulated which
shall be b) democratic, encouraging and supporting the participation of the vast
masses of our people in its programs and projects d) liberative, having concern for
the decolonization and emancipation of the Filipino psyche in order to ensure the
full flowering of Filipino culture.
• SECTION 6. Culture for the People. The creation of artistic and cultural products
shall be promoted and disseminated to the greatest number of our people.
• The level of consciousness of our people about our own cultural values in order to
strengthen our culture and to instill nationhood an cultural unity, shall be raised
formally through the educational system and informally through extra-scholastic
means, including the use of traditional as well as modern media of
communication.
• SECTION 7. Preservation of the Filipino Heritage. It is the duty of every citizen to
preserve and conserve the Filipino historical and cultural heritage and resources.
The retrieval and conservation of artifacts of Filipino culture and history shall be
vigorously pursued.
MGA AKTIBIDAD NG
TANGGOL WIKA
Central Mindanao University – Agosto 27, 2014
Central Mindanao University – Agosto 27, 2014
National Teachers’ College – Agosto 28, 2014
National Teachers’ College – Agosto 28, 2014
Trinity University of Asia – Aug. 29, 2014
Pamantasang Lungsod ng Marikina – Aug. 29, 2014
National Teachers’ College – Aug. 1, 2014
National Teachers’ College – Aug. 1, 2014
National Teachers’ College – Aug. 1, 2014
Mindanao State University – Iligan Institute of
Technology – Aug.1, 2014
Far Eastern University – Aug. 2, 2014
CHED Office – July 31, 2014
CHED Office – July 31, 2014
CHED – July 11, 2014
CHED – July 11, 2014
Congress – July 30, 2014
Central Luzon State University – July 31, 2014
Mendiola – July 25, 2014
San Beda College-Manila – July 22, 2014
CHED – July 11, 2014
Philippine Normal University – July 9, 2014
Philippine Normal University – July 9, 2014
CHED – July 4, 2014
Polytechnic University of the Philippines – June
26, 2014
De La Salle University - June 21, 2014
De La Salle University - June 21, 2014
• University of Baguio – Aug. 23, 2014
• University of the East, Caloocan – Aug. 28, 2014
• University of Santo Tomas – Aug. 6, 2014
• Lyceum of the Philippines – July 18, 2014
• Xavier University – Aug. 1, 2014
• University of the East, Manila – Aug. 19, 2014
• Central Luzon State University – Aug. 11, 2014
• Isabela State University – Set. 2014
• Bulacan State University – Set. 2014
• University of the East, Manila – Enero 2015
Korte Suprema: April 15, 2015
Wika at Pambansang Kaunlaran
• “Madalas Itanong sa Wikang Pambansa” nina Virgilio
Almario at Marne Kilates
• “The Filipino National Language: Discourse on Power” ni
Teresita Gimenez Maceda
• “The Miseducation of the Filipino” ni Renato Constantino
• “Sneaking into the Philippines, Along the Rivers of Babylon:
An Intervention into the Language Question” ni Epifanio
San Juan
• “Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa” ni Bienvenido
Lumbera
• “Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in
the Philippines” nina Bienvenido Lumbera et al. (eds.)
Wika at Pambansang Kaunlaran

• “The Dialectics of National Liberation” ni N.


Brown

Independensya at
(Neo)kolonyalismo
Nasyonalismo
Wika at Pambansang Kaunlaran

Wika Panitikan Kultura


Wika at Pambansang Kaunlaran

• Malawi: gumagaya sa Pilipinas sa pag-Iingles


• Ang Malawi ay labor exporter (na) rin
• Tinututulan ng maraming taga-Malawi ang
bagong patakarang pangwikang maka-Ingles
Wika at Pambansang Kaunlaran

• Ayon kay Beaton Galafa, lider-estudyante sa


University of Malawi: “We don’t see any
advantage of the policy because speaking
fluent English doesn’t translate into one being
educated. Education’s primary preoccupation
to us is to help learners master actual
concepts…”
Wika at Pambansang Kaunlaran
• Galafa: “no country has developed while using
a foreign language as a main means of
classroom instruction…Almost all developed
countries like France uses French; Portugal
uses Portuguese; Spain uses Spanish;
Germany uses German…Now look at us and
see who is poor. It’s a sort of mental slavery,
mental colonialism.”
Wika at Pambansang Kaunlaran
• Bahasa: Brunei, Indonesia, Malaysia
• Mandarin: People’s Republic of China
• Nihonggo: Japan
• Hangungmal: South Korea
• Siamese: Thailand
• Mongol khel: Mongolia
Wika at Pambansang Kaunlaran
Wika at Pambansang Kaunlaran
• Samora Moisés Machel: “The struggle continues!
The struggle continues! The struggle continues!
Against what? Against what must the struggle
continue? Against tribalism! Against ignorance!
Against illiteracy! Against exploitation! Against
superstition! Against misery! Against famine!
Against lack of clothing! A luta continua so that
someday we will all be equal! Colonialism is a
crime against humanity. There is no humane
colonialism. There is no democratic colonialism.
There is no non-exploitative colonialism.”
Pangwakas
dlsu.academia.edu/lastrepublic
www.facebook.com/TANGGOLWIKA
www.facebook.com/SUSPENDKTO12
www.facebook.com/PSLLF
0927-2421-630

A LUTA CONTINUA!
TULOY ANG LABAN!

You might also like