You are on page 1of 10

WIKA: Kahulugan at Kahalagahan Batay

sa Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas


KonFili 2021-2022
Module 1 I Part 2
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
• 1973 – nagkaroon ng Constitutional Convention
Nakasaad sa Konstitusyon ng 1973 ang pagbabago sa pagtawag
sa wikang pambansa

• sa probisyong pangwika ng 1987 Konstitusyon, ganap nang


binura ang “Pilipino” at iniluklok ang isang wikang “Filipino” na
payayamanin at pauunlarin batay sa mga katutubong wika sa
Filipinas.
Ang Wikang Filipino
• 1987 – Artikulo XIV Seksyon 6-9 , ang kasalukuyang ngalan ng
pambansang wika ng Pilipinas ay FILIPINO.

• Sek 6 – Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
• F- simbolo ng protestang sosyo- pulitikal (1972)
• Wikang pambansa ay hindi puro (276 ethnic community)
Ang Wikang Filipino
TAGALOG
• Dayalekto o wikain sa Pilipinas na sinasalita sa mga lalawigan.
• Isang partikular na wika na sinasasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo
• Batayan ng wikang pambansa
PILIPINO
• opisyal na wika ng Pilipinas noong 1959
• nakabatay sa Tagalog at iba pang wikain sa Pilipinas at wikang Kastila
FILIPINO
• Lingua franca na nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong
bansa
• batay sa maraming wikain sa bansa kasama ang mga salitang banyaga na naging at
nagiging bahagi na ng ating kabihasnan (multi-based language)
Pagtataguyod ng Wikang Filipino
• Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nilikha ng Batas
Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) na iniaatas ng Saligang
Batas ng Pilipinas, na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng
mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga katutubong wika
ng Pilipinas.
• Ang lahad na misyon ng KWF ay magbalangkas, may-ugnay, at
magpatupad ng mga programa at proyekto sa pananaliksik upang
higit pang mapabilis ang pagsulong at pagbulas ng wikang
Filipino bilang midyum ng pangkalahatang talastasan at gayundin
ng mga layuning intelektwal.
Pananaw ng mga Paaralan sa CMO 20 ,s.2013
DLSU
• Ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay
matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino na may
inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.
• Ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga
komunidad na ating pinaglilingkuran
• ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang departamento at
kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na
ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa
ating mga kababayan.
Pananaw ng mga Paaralan sa CMO 20 ,s.2013
ATENEO
• Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong
disiplina.
• Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na
nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob
at labas ng akademya.
• Magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon
ng mga wika at kulturang panrehiyon.
Pananaw ng mga Paaralan sa CMO 20 ,s.2013
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
• paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at diwa ng kasarinlang
mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Filipino.
• Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro kapuwa sa Filipino at
Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika, bukod pa sa malaking
posibilidad ng pagpili sa Ingles dahil ito ang inimaheng “wika ng edukado” at “wikang
susi ng kaunlaran.”
• Hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang lehitimong dominyo ng
karunungan.
• Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan
at kaalamang pinanday sa akademya.
• Ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo ng karahasang
pangkamalayan. Nilulusaw nito ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kabihasnang
tanging wikang Filipino ang makapagpapaliwanag
Ayon kay BIENVENIDO LUMBERA……..
• Ang wika ay palatandaan ng pagkakaroon ng identidad ng
isang bayan
• Ang Wika kapag ginagamit sa edukasyon ay makakatulong
nang malaki sa pagpapalalim ng ideya sa pagmamahala sa sa
bayan, pagpapahalaga sa kasaysayan, panitikan
• Panitikan at wika ay mahalagang bahagi ng karanasan ng
isang estudyanteng nagdaan sa paaralan
• Ang wika ay nag-uugnay sa estudyante sa kanyang pamilya,
komunidad, kahapon ng bayan
• Lipunan ay lipunang hinubog ng kolonyal na pananakot
(Kastila at Amerikano)
• Pilipino ay hinubog ng kamalayan na tinatanggap lamang ang
binigay sa kanila ang ibinigay ng may kapangyarihan
• Ched memo- bunga ng kolonyal na edukasyon (kailangang i-
adjust ang edukasyon sa umiiral na pamantayan ng lipunan)
• Marami ang mawawalan nang trabaho
• Isang malaking problema sa edukasyon ay ibinunga ng kolonyal
na edukasyon

You might also like