You are on page 1of 12

COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 1

HALLYU SA KABATAAN: IMPLUWENSIYA NG KOREAN WAVE SA

PAGBABAGO NG PISIKAL NA PAMANTAYAN NG MGA

MAG-AARAL NA GRADE 11 HUMSS SA COMMONWEALTH HIGH SCHOOL

Ang Pananaliksik na ito ay iniharap sa

Mataas na Paaralan ng Komonwelt

Kagawaran ng Senior High

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang:

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t – ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Andres, Jhundrelon

Barcenas, Willienne Faith P.

Bertillo, Elaine Mae T.

Estefona, Abegail A.

Jaena, Jan Lorraine D.

Rayos, Yxian Shery B.

Ipinasa kay:

Bb. Ronna Mae Aguinaldo


Guro sa Filipino 11

Hunyo 2021
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 2

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

A. Introduksyon

Sa pagdaan ng panahon, patuloy ang paglaki ng impluwensiya ng

kulturang Koreano sa buong mundo lalo na sa Pilipinas. Mula sa K-Pop hanggang

sa K-Drama, minahal at tinangkilik na ng mga Pilipino ang kulturang Koreano mula

pa noong huling bahagi ng dekada 1990 nang magsimulang makakuha ng

atensyon sa buong mundo ang tinaguriang Hallyu o Korean Wave.

Ang terminong Hallyu ay hinango sa salitang Tsino na literal na

ngangahulugang ‘Korean Wave.’ Ginamit ang terminong ito upang isangguni sa

kamangha-manghang paglago at paglaki ng kulturang Koreano na sumasaklaw sa

lahat ng kultura nito mula musika, pelikula, sining, pagkain, at iba pa.

Ayon sa Korea Foundation, ang Pilipinas ay may pinakamalaking porsyento

ng paglago sa mga tagahanga ng kulturang Koreano sa humigit-kumulang 200 na

mga bansa noong 2018. Dahil dito, masasabing mayroong malaking impluwensiya

ang kulturang Koreano sa mga Pilipinong tumatangkilik at sumusubaybay dito.

Sa paaralang sekondarya ng Commonwealth (Commonwealth High

School) nakakitaan ng malaking interes ang mga mag-aaral sa kulturang Koreano

lalo na sa K-Pop nang itanghal ng mga mananayaw ng nasabing paaralan ang hit

song na Bboom Bboom ng grupong Momoland at Bon Bon Chocolat ng Everglow

noong Taong Pang-akademiko 2019-2020.


COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 3

Base sa mga pag-aaral, tinangkilik ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan

ang kulturang Koreano gaya ng K-Pop at K-Drama dahil sa kagandahan sa pisikal

na kaanyuan ng mga K-Idols at K-Actors. Bukod dito, minahal din ng mga Pilipino

ang kulturang ito sapagkat iba ang hatid na dulot ng kaibahan ng kwento ng mga

serye ng mga Koreano. Bilang karagdagan, kahit na iba ang wikang inaawit ng

mga K-Idols ay nahuhumaling sila sa ganda ng musika nito.


COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 4

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa para sa pagkalap ng kaalaman sa

impluwensiya ng Korean Wave sa pagbabago ng pisikal na preperensiya ng mga

mag-aaral sa baitang 11 ng Commonwealth High School sa ilalim ng strand na

Humanities and Social Sciences. Sa pagdaan ng panahon, palaki nang palaki ang

impluwensiyang dala ng mga kulturang dayuhan lalo na ang kulturang Koreano sa

bansa. Taong 1990 ay nagsimulang umusbong ang kulturang Koreano sa bansang

Pilipinas, na tinangkilik ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Ang mga

kabataang Pilipinong sumusubaybay at tumatangkilik sa kulturang Koreano lalo

na sa K-Pop at K-Drama ang direktang maiimpluwensiyahan ng mga pagbabago

sa kultura. Ang mga mananaliksik ay nagtataguyod na siyasatin ang impluwensya

ng kulturang ito sa pagbabago ng preperensiya ng mga kabataan sa kanilang

pisikal na katangian. Nilalayon ng pananaliksik na ito na maunawaan ang epekto

ng Korean Wave sa pagbabago ng pisikal na pamantayan ng mga mag-aaral sa

baitang 11 sa Commonwealth High School sa ilalim ng Humanities and Social

Sciences sa pamamagitan ng mga sagot sa mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga kalahok sa pananaliksik ayon

sa mga sumusunod:

1.1 edad;

1.2 kasarian; at

1.3 baitang at seksyon.


COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 5

2. Ano ang mga salik na nagbibigay-kadahilanan sa mga kabataang Grade

11 HUMSS ng Commonwealth High School upang tangkilikin ang kulturang

Koreano?

3. Ano ang mga positibo at negatibong dulot ng Hallyu o Korean Wave sa

mga kabataan?

4. Ano ang mga pagbabagong hatid ng kulturang Koreano sa preperensiya

sa pisikal na kaanyuan ng mga kabataan?

5. Ano ang mga pakinabang na matatamo ng mga kabataan sa pagbabago

ng kanilang preperensiya sa pisikal na kaanyuan sa patuloy na pagtingkilik sa

kulturang Koreano?
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 6

C. Kahulugan ng mga Katawagan

1. Beauty Standards – ang pamantayan sa pisikal na katangian

2. Hallyu – salitang Tsino na literal na ngangahulugang ‘Korean Wave.’

3. Hit Song – kantang sumikat sa buong mundo

4. K-Actors – tumutukoy sa mga gumaganap na karakter sa mga serye sa

mga K-Drama

5. K-Drama – isa sa mga kulturang popular ng mga Koreano na tumutukoy

sa kanilang mga serye at palabas sa telebisyon

6. K-Idols – tumutukoy sa mga taong nagtatanghal ng musika ng K-Pop

7. Korean Wave – literal na kahulugan ng salitang Tsino na Hallyu;

tumutukoy sa pag-usbong at paglaganap ng kulturang Koreano sa buong mundo

simula dekada 1990

8. K-Pop – isa sa mga kulturang popular ng mga Koreano na tumutukoy sa

kanilang musika
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 7

D. Batayang Konseptwal

INPUT
Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay ang
mga mag-aaral na Grade 11 HUMSS sa Commonwealth
High School.

Profile:
1. edad
2. kasarian
3. seksyon

PROSESO
Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng mga
impormasyon sa pamamagitan ng pagi-interbyu,
pagsusuri, at pagbabasa ng mga literaturang may
kaugnayan sa aming paksa na “Hallyu sa Kabataan:
Impluwensya ng Korean Wave sa Pisikal na Pamantayan
ng mga Mag-aaral na Grade 11 HUMSS sa Commowealth
High School”.
Isasagawa ang pangangalap ng impormasyon at
kasagutan mula sa mga respondente o ang mga mag-
aaral na Grade 11 HUMSS sa Commonwealth High School
sa pamamagitan ng impormal na interbyu at sarbey. Ang
mga katanungan sa sarbey at interbyu at ang inaasahang
mga kasagutan mula sa mga respondente ay may
kaugnayan lamang sa aming nasabing paksa.

AWTPUT
Inaasahan sa pag-aaral na ito na malaman ang
implu-wensya at epekto ng Korean Wave sa aspetong
pisikal na pamantayan ng mga Mag-aaral na Grade 11
HUMSS sa Common-wealth High School at mabigyang
solusyon ang mga ilalahad na suliranin ng panana-liksik.

Pigura 1. Konseptwal na Paradaym ng Pag-aaral


COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 8

Ayon kay Straubhaar sa kaniyang teorya na Cultural Proximity Theory

(1991), naaaliw ang mga tao kapag ang kanilang pinapanood at ang content ng

media ay tungkol sa kanilang bansa. Isa rin sa mahalagang tinitignan ng mga tao

ay ang lengguwahe o wikang ginagamit. Ngunit, kung hindi naging sapat sa mga

tao ang content na kanilang nakikita, naniniwala si Straubhaar na mas

magugustuhan ng mga tao na makita ang lengguwahe at mga content tungkol sa

iba’t ibang bansa na may malaking pagkakahalintulad din sa kanilang sariling

bansa. Hindi lang ito tungkol sa lengguwahe dahil minsan nang sinabi ni

Straubhaar na, “...they go beyond language to include history, religion, ethnicity (in

some cases) and culture in several senses: shared identity, gestures and

nonverbal communication; what is considered funny or serious or even sacred;

clothing styles; living patterns; climate influences and other relationships with the

environment.” Ang ibig sabihin ni Straubhaar sa kaniyang sinabi na hindi lamang

lengguwahe ang napapansin ng mga tao kundi naiimpluwensyahan din tayo pati

na rin ng kanilang kultura kagaya ng pananamit at paraan ng pagkilos at pag-iisip.

Ang teoryang ito ay may kaugnayan sa aming paksang itinatalakay

sapagkat naipapakita nito na malaki ang impluwensya ng kultura ng ibang bansa,

partikular ang kulturang Koreano, kapag nasimulan nang kilalanin ng mga

kabataan ang kultura nito. Dito na nagsisimula ang pagbabago sa pagkilos at pag-

iisip at maaaring sa pisikal na pamantayan din ng mga kabataang pilipino dahil

hindi nila namamalayan na nagagaya at naisasama na nila sa kanilang paraan ng

pamumuhay ang kulturang koreano.


COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 9

Bilang karagdagan, ang teorya nina Rokeach at Defleur na Media

Dependecy Theory (1976) ay nagpopokus sa relasyon ng mga tao sa media. Ayon

sa teoryang ito, kung gaano dume-depende ang mga tao sa media, mas malaki

ang epekto at impluwensya nito sa kanila na nagiging dahilan ng pag-domina ng

media sa buhay ng mga tao at nagreresulta sa pagbabago ng pamamaraan ng

pamumuhay at pag-iisip ng isang tao. Isinasaad din sa teoryang ito na dahil

napupunan ng media ang pangangailangan at mga kagustuhan ng isang tao, mas

dumedepende sila rito kaya naman naaapektuhan nito ang kultural at pisikal na

aspeto natin. Gamit ang media, hindi lang ang mga kultura ng bansa natin ang

ating nakikilala kundi ang kultura na rin ng iba’t iba pang mga bansa.

Maiuugnay ang teoryang ito sa ating pag-aaral sapagkat ang media ang isa

sa naging daan kaya nakilala ng mga kabataang pilipino ang kulturang koreano.

Sa pamamagitan ng malaking impluwensya ng media, nalaman natin ang kultura

nila at nagsimula nating tangkilikin at bigyang atensyon ang mga ito. Dahil dito,

nagkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa Kpop at Kdrama na maaaring isa sa mga

dahilan ng pagtaas at pagbabago ng pamantayan ng mga kabataan sa aspetong

pisikal.
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 10

E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa impluwensiya ng Korean Wave sa

pagbabago ng pisikal na pamantayan o preperensya ng mga kabataan sa

Commonwealth High School taong 2020-2021.

Sumasaklaw ito sa layuning matukoy ang mga basehan ng lipunan upang

masabing pasok ang isang tao sa beauty standards na naimpluwensiyahan ng

kulturang Koreano gaya ng K-Pop at K-Drama na laganap sa bansa. Ang mga

basehan na ito ay nagkakaroon ng epekto sa mga mamamayan at sa aming

pananaliksik; bibigyang-diin ang epekto nito sa kabataan.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral ng Commonwealth

High School na sa baiting 11 sa ilalim ng kursong Humanities and Social Sciences.

Inaasahan na sa pag-aaral na ito ay malaman ang mga epekto sa pagbabago ng

pisikal na pamantayan ng mga kabataan. Sa huli, ang mga mananaliksik ay may

mungkahing ipahayag na hindi mahalaga ang mga maibibigay na basehan dahil

tayo ay may kanya-kanyang kagandahan.

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng sarbey na nakalagay sa google

forms at ibibigay sa ilang mag-aaral ng Commonwealth Highschool sa baitang 11

sa ilalim ng kursong Humanities and Social Sciences bilang datos sa pag-aaral na

ito. Asahan na ang mga sasagot sa sarbey ay pawang boluntaryo at kompidensyal.


COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 11

F. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga resulta ng pag-aaral ay magiging malaking pakinabang sa mga

sumusunod:

Tagahanga ng K-Pop at K-Drama. Ang mga resulta ng pag-aaral ay

makatutulong sa mga tagahanga ng K-Pop at K-Drama sa pagpapaunlad ng

kanilang pag-unawa sa impluwensiya ng K-Pop at K-drama sa pagbabago ng

kanilang persepsiyon sa pisikal na katangian.

Mag-aaral na Senior High School. Ang mga resulta ng pag-aaral ay

makatutulong sa mga mag-aaral na Senior High School na kilalanin ang epekto ng

pagsubaybay at panonood sa K-Pop at K-Drama lalung-lalo na ang pagbabago sa

persepsiyon sa aspetong pampisikal.

Mag-aaral ng Humanities at Social Sciences (HUMSS) sa Baitang 11

sa Commonwealth High School. Ang mga resulta ng pag-aaral ay makatutulong

sa mga mag-aaral na HUMSS sa Baitang 11 sa Commonwealth High School na

malaman ang impluwensiya sa kanila ng pagtangkilik ng K-Pop at K-Drama lalo

na sa pagbabago ng kanilang preperensiya sa pisikal na katangian. Ang mga

resulta ay makatutulong din upang maunawan nila ang mga kulturang naibabahagi

ng mga Koreano sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga ito.

Mga mananaliksik. Ang mga resulta ng pag-aaral ay makakatulong sa mga

mananaliksik sa pagbuo ng kanilang konklusyon para sa pananaliksik na ito at

pagpapabuti ng kanilang mga kasanayan, diskarte, at kaalaman sa pagkuha

pananaliksik.
COMMONWEALTH HIGH SCHOOL 12

Mga Guro. Ang mga resulta ng pag-aaral ay makakatulong sa mga guro

upang maunawaan nila ang epekto ng K-Pop at K-Drama sa kanilang mga mag-

aaral lalo na sa pagbabagong pisikal.

Mga Bagong Mananaliksik. Ang mga resulta ng pag-aaral ay

makakatulong sa mga susunod na mananaliksik sa pagbuo ng kanilang sariling

pananaliksik sapagkat ito ay maaaring magsilbing gabay sa pagkalap ng mga

datos at bilang isang sandigan ng kanilang pag-aaral.

You might also like