You are on page 1of 21

Title Defense sa Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik
Members:
Sophia Margarette Laderas
Jillian Gabredo
Michelle Rivera
Ashley Principio
Jessabelle Esteban
Janelle Arcibal
Crystine Mae Vitales
Cee jay Sanchez
Unang Pamagat ng Pananaliksik

Ang Pagpapahalaga sa Kultura ng


Pilipinas sa pamamagitan ng Wikang
Filipino
Mga Suliranin

 Ang isang suliranin ay ang kakulangan ng paggalugad sa mga aspekto ng kultura


na hindi saklaw ng wikang Filipino.

 Ang pangalawang suliranin ng pag aaral na ito ay ang kakulangan ng kamalayan


sa pagpapahalaga sa ating kultura.

 Ang huling suliranin ay ang problema sa pagpapatupad ng wikang Filipino sa


iba't ibang aspeto ng ating lipunan.
PARADAYM
Input Proseso Awtput
Nais ng mga Ang mga proseso Ang
mananaliksik na malaman
kung paano na gagawin ng Pagpapahalaga
mapapahalagahan ng mga mga sa Kultura ng
Pilipino ang ating kultura
sa pamamagitan ng mananaliksik ay Pilipinas sa
wikang Filipino. Kung magsawa ng pamamagitan
kaya’t ang mga
mananaliksik ay isang survey at ng Wikang
nagsagawa ng survey gumawa ng Filipino
upang masagot ang ating
problema. questionnaire.
Teoritikal Balangkas
Kung walang wika, walang bansa sapagkat hindi tayo nakakapagusap o wala
tayong komunikasyon sa kadahilanang walang nag uugnay sa bawat tao sa
isang bansa, walang pagkakaisa at higit sa lahat walang mabubuong kultura.
Ang wika ay ang tagapagbigkis ng isang lipunan. (Buensuceso, 1991)
Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na
magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at
kultura. Ang pagkawala o pagkamatay ng isang wika ay nangangahulugan din
ng pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang siyang
pagkakakilanlan ng isang kultura. ( Santos, 2009)
Ayon kay Almario (2003) "ang wika mismo ang patunay na tayo'y may
katutubong kultura. Isang wika itong patuloy na nabuhay sa kabila ng mahabang
pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan tungkol sa ating lahi. Sa
kanyang mga sulatin, pinapakita ni Almario na ang wikang Filipino ay hindi
lamang basta komunikasyong pang-araw-araw, kundi isang instrumento rin ng
pagkakakilanlan at pagpapahalaga sa kultura ng bansa. Ayon sa kanya, ang
wikang Filipino ay mayaman sa mga salitang nagsasalamin sa kultura at
tradisyon ng mga Pilipino, kaya't mahalagang itaguyod at palaganapin ang
paggamit nito.
Katangian ng Respondent

 Isa sa aming katangian ng respondents


ang gumagamit ng wikang Pilipino.
Ikalawang Pamagat ng Pananaliksik

Epekto ng modernisasyong wika sa


pakikipag komunikasyon ng mga
estudyante sa mga Pilipino ng San Jose
City National High School Senior High
School
Mga Suliranin
 Ang isa sa mga pangunahing suliranin ay ang kakulangan ng
kaalaman ng mga Pilipino sa mga makalumang wika ng Pilipinas. Ano
nga ba ang mga epekto nito sa ating bagong henerasyon?

 Sa pagsibol ng panahon maraming makabagong wika na rin ang


umusbong. Ang isa sa pangalawang suliranin nito ay ang mga
pagkalimot sa ating mga makalumang salita na hanggang ngayon ay
hindi na napapahalagahan.

 Isa sa pinakamahalagang makrong kasanayan sa atin ay ang


pagbabasa at pagsusulat. Ang isa sa pangatlong suliranin nito ay ang
kawalan ng kakayahan ng mga Pilipino na maipadama at maipakita
nila ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng makalumang salita.
Paradaym

Malayang Baryabol Di- Malayang Baryabol

 Edad  Barkada
 Kasarian  Social Media
Teoretikal na Balangkas

 Ang gagamitin na teorya sa pag-aaral na ito ay ang Functional Theory ni


Michael Alexander Kirkwood Halliday na magsisilbing gabay sa kabuuan
ng gagawing pag- aaral. Ang Functional Theory ni M.A.K. Halliday
(1994) ay nagsasabi na ang wika ay nagbabago ayon sa pangangailangan
ng gumagamit nito. Ito ay pangunahing tumutukoy sa mga leksikal na
pagbabago ng wika. Ito ay maaring nasa anyong balbal, mga bagong
imbensiyon, at mga salitang teknolohikal.
Teoretikal na Balangkas

 Ayon kay Hin (Sa tumangon, et al., 2000) at Gleason (Sa tumangon, etal., 2000)
ang wika ay nagababago. Dinamiko ang wika at hindi ito maaaringtumangging
magbago. Ang wikang stagnant ay maaaring mamatay tulad ng hindipaggamit
ngayon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaringnadadag-dagan ng
mga bagong bokabolaryo, bunga ng pagiging malikhain ngmga tao, maaaring sila
ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay
ang mga salitang balbal at pangkabataang salita o mas tawagin nilang “Millenials”
samantala, kailangang lapatan ng mga katawagan ang mga produkto ng pag-unlad
ng teknolohiya at sensya. Bukoddito, ang dating wika ay nadaragdagan ng mga
bagong salita na hindi umiiralnoon may mga salita ning maaaring nawawala
sapagkat hindi na ginagamit.
Teoretikal na Balangkas

 Language Shift, Batay sa teoryang ito, ang mga tao ay nagbabago


ng kanilang pangunahing wika dahil sa pagkakaroon ng mas
maraming oportunidad o pagbabago sa kanilang kapaligiran. Ayon
kay Fishman (1972), ang wika ay nagbabago dahil sa mga
pagbabago sa lipunan tulad ng pagbabago sa kultura, ekonomiya,
at edukasyon.
Katangian ng Respondent

May kakayahang mag-Ingles


Ikatlong Pamagat ng Pananaliksik

“Pag- aaral tungkol sa kung ano ang


epekto ng Kulturang Korean sa
Kulturang Filipino”
Mga Suliranin
Pagbabago ng pananaw at pagkakakilanlan - Sa paglipat ng kulturang Korean sa
Pilipinas, maaaring magdulot ito ng pagbabago sa pananaw at pagkakakilanlan ng mga
Pilipino.
Kakulangan sa pagpapahalaga sa sariling kultura - Maaari ring magdulot ng hamon sa
mga Pilipino ang impluwensiya ng kulturang Korean sa pagpapahalaga sa kanilang
sariling kultura. Maaaring magkaroon ng pagkakalimot o pagbalewala sa mga
tradisyong Pilipino dahil sa pagiging interesado sa mga kulturang banyaga.
Kakulangan sa pagpapahalaga sa sariling kultura - Maaari ring magdulot ng hamon sa
mga Pilipino ang impluwensiya ng kulturang Korean sa pagpapahalaga sa kanilang
sariling kultura. Maaaring magkaroon ng pagkakalimot o pagbalewala sa mga
tradisyong Pilipino dahil sa pagiging interesado sa mga kulturang banyaga.
Paradyam
Malayang Baryabol Di- MalayangBaryabol

 Edad  Barkada
 Kasarian  Lipunan
 Bilang ng Kaibigan  Daily Life
Teoritikal na Balangkas
 Ang Media Dependency Theoryay natuklasan nina Sandra Ball-Rokeach atMelvin
DeFleur noong 1976. Sa makatuwid, and Dependency Theory ay nagsasabingkung
gaano katagal nakadepende ang tao sa media para tugunan ang kanyangpangangailangan
ay mas nadadagdagan ang importansya ng media sa kanyang buhayat lumalaki ang
impluwensya nito sa kanya. Kaugnay ng teoryang ito ang pamagat ngpananaliksik na
patungkol sa KPOP. Alam naman natin na maaaring masubaybayanang KPOP na
iniidolo ng karamihan gamit ang media. Kumbaga sa media tayonakatutok upang pawiin
ang ating pagkabagot, ngunit hindi lingid sa ating kaalaman nahabang tumatagal ang
ating paggamit nito ay lumalaki na ang impluwensya nito sa atinna maaaring may dulot
na maganda o masamang hindi lamang sa ating sarili pati narin sa ating mga
responsibilidad.
Teoretikal na Balangkas

 "Filipinos most teenagers do like koreans not only with their popular
music and artist but also the culture." Batay sa pag-aaral na ito ni
Heigoff (1994), ang mga kabataan sa ating bansa ay hindi lamang
tumatangkilik sa mga sikat na kantang Korean o K-Pop at sa mga
Korean artist ngunit minamahal na rin nila ang mga kultura sa South
Korea. Ayon sa kanya, nagpapakita ng interes ang mga kabataan sa
iba't ibang kultura sa nasabing bansa. Kung sa Pilipinas ay kutsara
at tinidor ang ginagamit sa pagkain, chopsticks naman ang
kinakailangan ng mga Koreano sa tuwing sila ay kumakain na
makikitang ginagaya na rin ng mga tao sa ating bansa.
 Ayon sa pag-aaral ni Menes (2017), lumabas sa kanilang resulta na
mas binibigyan nang pansin ng mga kabataan ang mga awit mula
sa Timog Korea kaysa sa ating sariling musika o OPM (Original
Pinoy Music). Bukod dito, mas sikat pa ang mga kanta na galing
mula sa Korea tulad na lang ang pag-usbong ng kanta ni Psy na
Gangnam Style.
Katangian ng Respondent

 Mga Estudyante na nag-aaral ng Korean language at


kultura

You might also like