You are on page 1of 18

“Pagsusuri sa pagbabago ng Wika ng Isang Pribadong Paaralan”

Tesis

Na Iniharap sa Kaguran ng Senior High School

Koleheyo ng Sacred Heart

Lungsod ng Lucena

Bilang Bahalagi

Ng mga Pangangailangan sa Pagtamo

ng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibbang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Umali, Rafadea Ysa Andrea P.

Barretto, Krystala E.

Balane, Kim Chelsea L.

Dinglasan, Tristan Gabriel B.

Emprese, Sigmound freud A.

Septyembre 2022
2

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

“Ang wika ay siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at maithiin ng isang

bayan" Salitang tumatak din saating mga Pilipino na galing kay Manuel L. Quezon na

siyang ama ng wika. Ang wikang Filipino ang ating pambansang wika. Ang wikang

Filipino na ating ginagamit hanggang sa kasalukuyan ay siyang maraming naitutulog sa

atin tulad ng pakikipagkomunikasyon at pakikipagkalakalan. Ngunit sa paglipas ng

panahon ito ay unti-unting nagbabago dulot na rin ng modernisasyon at mga dayuhang

impluwensya. Ayon sa Sekyon 6 ng Artikulo 14 ng konstitusyong 1987, ang wikang

pambansa natin ay Filipino ngunit sa pag tagal ng panahon eto ay unti-unti nababago

dahil sa mga batas na kelangan natin sundin (Konstitution, GOVPH. 1987). Sa Kautusang

Pangkagawaran Blg. 52 isinaad ang pagbabago sa edukasyon sa patakarang bilingguwal

ay naglalayong makapagtamo ng kahusayang sa filipino at ingles sa antas na pambansa sa

pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa

lahat ng antas. At dahil sa iba’t ibang patakaran sa bansa sa loob ng maraming taon unti-

unting nawawala ang sariling wika sa ating puso dulot ng pagiging moderno ng mga tao

atpaggamit ng mga paaralan ng wikang hindi lubos na maunawaan (DepEd2011) .

Tayong mga Pilipino ay nag-isip tungkol sa mga sanhi ng pagbabago ng wika.


3

Isang mahalagang yaman ng isang bansa ang sarili nilang wika. mahalaga rin

ang papel na ginagampanan ng wika sa lipunan partikular na sa pagpapahayag ng

saloobin ng marami na ginagamit sa iba’t ibang adbokasiya at pangangailangan. Ngunit

tayo ay natututo ng ibang lenguwahe dahil sa mga batas at mga impluwensya satin na

nagdudulot ng emosyonal na epekto sa mag-aaral na maaaringmagdulot ng mababang

marka o mas masama pa (Alexander 2000, Bowden 2002). Ang malayang

pamamamahayag ang bumubuhay sa kakayahan ng tao na magsalita kahit na ordinaryo

man ang estado mo sa lipunan. Ito ay nagsisilbing salamin ng kanilanilang kultura,

kasaysayan, at pagpapahalaga ng isang bansa. Maliban dito, napatunayan na rin ang

halaga ng wika upang mas mapaunlad pa ang pamumuhay ng mga mamamayan. At dahil

sa ating wika, maayos ang palitan ng mga ideya na mahalaga naman upang mapanatili

ang pagpapa-unlad ng ating bayan. Nagagamit ang wika sa pagsisiwalat ng katiwalian,

pagwawasto ng mga kamalian, at pagbuo ng isang aksiyon para sa nagsasangang

suliranin. Ang wika ay isang mahalagang paksa ng pagaaral sa mundo.

Ang kahalagahan ng wika sa ekonomiya, edukasyon, at pamamahayag, ay

itinuturing nating kayamanan. At upang ang mga mag-aaral na tinuruan gamitang

kanilang unang wika ay mas mabilis natututunan ang mga kinakailangang kakayahan

(DepEd Order No. 74,s..2009). Ang mga akdang pampanitikan, mga biswal na sining

tulad ng mga dula, pelikula, musika, at iba pang pagtatanghal, ay hindi makatatayo kung

walang wika. Malaki rin ang papel ng wika sa pagtatala ng mahahalagang ganap sa

kasaysayan na dapat nating balikan bilang pundasyon ng ating kasalukuyan. Mahalagang

bahagi ng buhay ang wika dahil dito nabubuo ang mas mabisang unawaan ng mga tao. At

upang magkaroon nang maayos na buhay, kinakailangan ng pagkakaisa at komunikasyon


4

na nagiging posible dahil sa wikang ginagamit. Nakapaglalahad ng ideya at opinyon,

nakakapagpalitan ng saloobin at damdamin, at nagkakaroon ng kaayusan sa

pagpapatupad ng mga bagay dahil sa wika. Nagbibigay ito ng mga kapaki-pakinabang na

benepisyo gaya ng mas mataas na tingin at pagtitiwala sa sarili, at mas malaking

inspirasyon sa pagaaral at sa pamumuhay (UNESCO2006). Ito ang mga layunin na nais

ipahatid ng pananaliksik na ito, at upang matunton na ito ang problema na hinaharap ng

mga kabataan sa ating bansa. Mga kabataan, partikular na ang mga istudyante mula sa

ika-11 baitang na namulat sa modernong paraan ng pamumuhay, maging sa modernong

paraan ng pananalita ukol sa wika.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa suliranin na pagbabago ng Wika ng Isang

Pribadong Paaralan, partikular sa mga kabataan mula sa ika-11 baytang mula sa Sacred

Heart College of Lucena, Inc.

Ang pananaliksik na ito ay kinakamit na mabigyang sagot ang mga tanong na ito:

1. Ano ang demographikong tala ng tagapagsagot sa mga sumusunod:

a. Edad

b. Kasarian

c. Baitang at Strand

2. Ano - ano ang nagiimpluensya sa pagbabago ng wika?


5

3. Ano ang mahahalagang aspeto sa pagbabago ng wika ang higit na naka-apekto

sa mga mag-aaral mula sa Pribadong paaralan?

Konseptwal ng Balangkas

INPUT PROSESO
AWTPUT
1. Ang demograpikong 1. Pamamahagi ng mga
tala ng mga tagapagsagot katanungan na naglalaman Isang infograph na
sa mga sumusunod: ng tanong patungkol sa naglalaman ng mga
pagbabago ng wika. gabay at impormasyon
a. Edad upang patuloy na
b. Kasarian tangkilikin at huwag
c. Baitang at Strand 2. Pagsasagawa ng kalimutan ng mga
ebalwasyon ng kasarian, kabataan ang sariling
edad, baitang at strand ng
wika.
2. Pananaw ng mga mga tagapagsagot.
kabataan patungkol sa
pagbabago ng wika.
3. Pagsusuri sa mga
problem ana nakakapagpa-
impluwensya sa mga
3. mahahalagang aspeto kabataan na kalimutan ang
sa pagbabago ng wika wika.
ang higit na naka-apekto
sa mga mag-aaral mula
sa Pribadong paaralan

Pigura 1. Konseptuwal na Balangkas na nagpapakita ng Impluwensya ng pagbabago ng

Wika sa pananaw ng mga kabataan sa Isang Pribadong Paaralan.


6

Makikita sa Pigura 1 ang konseptwal na balangkas ng pananaliksik na ito.

Nahahati ito sa tatlong bahagi, ang input, proseso, at awtput na nasilbing gabay sa

paggawa ng mga mag-aaral.

Sa bahaging input nakapaloob ang demographikong tala ng mgatagapagsagot;

impluwensiya ng Impluwensya ng pagbabago ng Wika sa pananaw ng mga kabataan sa

Isang Pribadong Paaralan; at mahahalagang aspeto sa pagbabago ng wika ang higit na

naka-apekto sa mga mag-aaral mula sa Pribadong paaralan

Sa bahaging proseso, nagpapakita ito ng hakbang kung paano sasagutin ang mga

layunin. Ang pamamahagi ng mga katanungan ay naglalaman ng mga tanong ukol sa

pananaw ng kabataan, ebalwasyon ng kasarian, edad, baitang at strand, at ang pagsusuri

sa impluwensiya ng pagbabago ng Wika sa pananaw ng mga kabataan.

Samantalang ipinapakita naman ng bahaging awtput ang aksyong maaaring

isagawa sa pananaliksik na ito partikular na ang paggawa ng isang infograph kung saan

naglalaman ng mga gabay at impormasyon upang patuloy na tangkilikin at huwag

kalimutan ng mga kabataan ang sariling wika.

Saklaw at Limitasyon nng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga mag aaral na nasa ika-labing isang

baitang sa isang pribadong paaralan. Ang pag aaral na ito ay tungkol sa pag susuri ng

kahalagahan at kung papaano nakakatulong ang wika sa ika-labing isang baitang na

magaaral ng isang pribadong paaralan. Dahil sa mabilis na paglipas ng panahon nais

malaman ng mananaliksik ang pagbabago ng wika dulot ng modernisasyon at


7

impluwensya sa mga mag aaral na nasa ika-labing isang baitang sa isang pribadong

paaralan

Ang limitasyon ng pag aaral na ito ay mga piling mag aaral sa ika-labing isang

baitang sa isang pribadong paaralan. Ang pananaliksik na ito ay kasalukuyan nagaganap

sa isang pribadong paaralan.

Kahalagahan ng Pag-aaral’

Inaasahang magiging kapaki-pakinabang at mahala ang isinagawang pag-aaral na

ito:

Para sa mga mag-aaral, malalaman kung ano ang kahalagahan ng wika para sa lipunan

at sa pag endayog ng ating kasaysayan. Maalalaman din ang kahalagahan ng

pagkakaroon ng sapat na impormasyon at kaalaman patungkol sa mga sanhi ng

problemang ito.

Para sa mga magulang, malalaman ang kahalagahan at maayos na gabay sa mga

kabataan sa mabisang pakikipag unawa sa ibang tao.

Para sa mga guro, magkakaroon ng maayos na taslastasan at praan ng pagtuturo sa mga

kabataan sa lengguwahn.

Para sa lipunan, malalaman at mas magkakaroon ng kaalaman sa mga importansya ng

wika. Mas mabibigyan ng pansin ang kasaysayan at makakapag bahagi ng kontribution sa

paglinlang ng kaaalaman lalo’t ito ay isang problemang kinakaharap ng ating kabataan

ngayon.
8

Para sa mga mananaliksik, malalaman ang mga sagot sa katanungang pinoproblema ng

bansa at lipunan. Malalaman ang mga impluwensya at sanhi ng problema. Mas

magkakaroon ng kaalaman sa pag babahagi ng impormasyon sa kapwa estudyante

Depinisyon ng mg Katawagan

Upang lubos na maunawaan ang pag-aaral, mahalagang mabigyang kahulugan

ang ilang salita sa paraag konsepltwal at operasyonal.

Filipino – Pangunahing salita at literature na itinuturo sa mga mag-aaral.

Ingles – Isa sa dalawang lengguwahe na itinuturo sa mga paaralan.

Kabataan - Ang mga taong pinatutunguhan ng pananaliksik. Sila ang nais pag-bigyan ng

pansin at patama patungkol sa kalalabasan ng sinabing pananaliksik.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 – Kautusang nagsasaad ang pagbabago sa

edukasyon sa patakarang bilingguwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayang sa

filipino at ingles sa antas na pambansa sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang

ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.

Madla mula sa ika-11 baytang – Ang mga inaasahang sumagot sa inilahad na suliranin

ng pananaliksik.

Manuel L. Quezon - Ama ng wika na kinikilala upang mabigyan ng pansin at upang

magkaroon ng matibay na ebidensya ang pananaliksik.

Sacred Heart Collage of Lucena, inc. – paaralan kung saan isasagawa ang pagtatanong

at pagsagot sa mga problema at solusyon ng pananaliksik.


9

Sekyon 6 ng Artikulo 14 ng konstitusyong 1987 - Ang artikulong nagsasaadd na Ang

wikang pambansa natin ay Filipino ngunit sa pag tagal ng panahon eto ay unti-unti

nababago dahil sa mga batas na kelangan natin sundin. Na isa sa suportang nagpapatibay

sa pananaliksik.

Wika - Isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit upang ipakita ang konteksto na

kailangan pagtuunan ng pansin sa pananaliksik.


10

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Naglalaman ang bahaging it ng mga nakalap a literatura at pag-aaral ng mga

mananaliksik na makakatulong at makakadagdag a impormasyong makukuha ng mga

mambabasa ukol sa epekto ng paglipat n paaralan malayo sa lugar na kinalakihan.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino:

Do they Differsa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon

noong Ika-30 ng Disyembre, 1937ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo

ng Wikang Pambansa. Marahil ang pagkakaroon ng opisyal na wika ng isang bansa ay

siyang magiging tulay tungo sa matatag at matagumpay na ekonomiya nito. 

Ayon naman kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay

multilinggwal at multikultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang

mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi

gayon din sa isahang midyum ng Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan

ang papel ng wika sa pagtatangka ng baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.

Hindi rin kayang baguhin, palitan, at malimutan ng isang bansa ang wika nito dahil

Malaki ang naging gampanin nito noon at magpahanggang ngayon.


11

Ayon kay Bienvenido Lumbera(2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat

sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang

umugnay sa kapwa nating gumagamitdin nito. Sa bawat pangangailangan natin ay

gumagamit tayo ng wika upang kamtan ang kailangan natin.”Kasabay ng araw-araw na

pamumuhay ng bawat indibidwal kabilang na ang mga pulitiko, propesyonal, at mga

simpleng mamamayan ay nakakabit na sa kanila ang paggamit ng wika sa tuwing

makikisalamuha’t makikipagtalastasan upang kanilang makamtan ang layunin sa

lipunang ginagalawan. Pinapatunayanlamang nito na kapag ginamit at pinapalaganap ang

Wikang Filipino kasabay ng modernisasyon sakasalukuyan ay maipapalaganap din ang

produkto, kultura, at iba pang ipinagmamalaki ng 

Lokal na Literatura

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na

binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng

maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng

kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o

natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa

komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi

ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil

dito ay ayon sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may

sariling set ng mga tuntunin.


12

Banyagang Literatura

Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika raw

ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga

simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at

isinasaayos sa mga klase at pattern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na

istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitrayo at kontrolado

ng lipunan.

 Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang

kasulukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon.

Maaari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika,

naipababatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang

kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumunod at

sumusunod pang mga henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas na

karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay

naitutuwid o maitutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabi kung gayon na sa

pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal, at

kultural

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAGAARAL.


13

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin

na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na

kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay

madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging

Kahalagahan ng Pag-aaral. Maroon ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa

napapanahong mga isyu partikular na sa larang ng Edukasyon.

Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaulad at pagpapatatag ng ekonomiya

saisang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng bawat

tao saisang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi pagkakaunawaan at

maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang bansa. Masasabi na sa

pamamagitan ng wika ay umuunlad ang isang bansa sa mga aspektong intelektwal,

sikolohikal, at kultural.

Sa kasalukuyang siglo, ang edukasyon ay karaniwang dinadala ng mga paaralan at

iba pang organisasyon. Hindi rin kaila na ang makabuluhang mga bagay na nasa

komunidad ay naaapektuhan ng malaki sa pamamagitan ng media (Dushkin/ McGraw-

Hill, 2000).

Nakasaad sa (Art. XIV, Sec. 6) ng Philippine Constitution sinasabing ang

paggamit ng wikang pambansa ay dapat pagyamanin at paularin haban g tumatagal ang

panahon. Nakasaad din na kailangan mapanatili ang paggamit ng wika bilang paraan ng
14

pakikipag talastasan sa Pilipinas at bilang parte ng sistema ng edukasyon.Mula noon ang

paggamit ng tagalog ay lumawak hindi lamang sa Luzon kundi maging sa Visayas at

Mindanao rin ay lumawak ang paggamit ng Tagalog at paggamit ng makrong kasanayan

lalo na sa sistema ng pananalita o pakikipag talastasan. Maraming bihasa sa ating wika

lalo na ang mga dalubwika at mga nag aaral o mananaliksik ng linguistics at mga guro sa

asignturang Filipino naging dalubhasa sila sa wika bilangrequirements nila para

makakuha ng dign o Kaya naman makapasa. Hindirequred ang mga lao na gumamilng

purong Tagalog dahil hanggat naiintindihan ayos lang ito. Pero dahil dito tuluvang

nababon o unti. unting nalilimot ang nakagisnang wika napapalitan ng mga

terminolohiyang mas maikli o mas madali bigkasin (Baldon et.al 2014).

Ayon sa Utrecht Institute of Linguistics OTS angpaggamit ng wika sa

pakikipagtalastasan ay kelangang precise o eksakto batay sa tuna na bokabularyo para

mas malinaw na maipahiwatig ang mensahe at pormal ang paraan ng pakikipag usap

habang nakikipag talastasan. Nakasaad din dito na ang kelangang maintindihan kung

paano gumagana o ginagamit ang wika, at kung ito ba ay nagamit ng tama sa papapanong

paraan.

Filipino ang pangunahing wika sa Pilipinas tumutukoy ito sa pangkalahatan pero

ang pinaka sentro ng wikang Filipino ay ang Tagalog (Mangahas, Philippine Daily

Inquirer 2016).Ginagamit ito sa pangaraw araw lalo na sa pakikipag talastasan. Sa


15

panahon ngayon ang pagkadalubhasa sa wika ay para lamang sa mga dalubwika o mga

propesyong may kinalaman dito.Ayon kay Mangyao (2016) ang wika ay

dynamic o patuloy na nagbabago sa katagalan ng panahonito ang nagiging sanhi ng

pagkalimot o hindi paggamit ng natural na anyo ng wika. Isa na rin angmodernisasyon sa

nakakaapekto sa pagbabgo ng wika sa pamamgitan ng pagbabago o pag usbongng mga

makabagong terminolohiya na mas magpapadali sa pag bigkas (Reyes, 2016)

Batay sa pook-sapot na Wikipedia Sa kanilang artikulo na “Paggamit ng wikang

pambansa”, sa pamamagitan ng bagong pagsulong sa isang pambansang wika, binigyang

-diin anghalaga ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at paagkakakilanlan sa mga Pilipino. Ito

ay isangmahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mga Pilipino ng isang wikang

maipapagmalakikaya nararapat lang itong gamitin at hindi ikahiya. Ito rin ang nagsilbing

simula upang suriin sahinaharap ang halaga ng wika sa pagsulong ng kalayaan at

pagkakaisa ng bansa.

Batay naman sa isang artikulo sa inquirer.net na pinamagatang Numbers on

Filipino,Cebuano and English nakasaad dito na isa ang Tagalog sa tatlong pangunahing

wika sa buongPilipinas kasabay ng Cebuano at Hiligaynon. Humigit kumulang 37.8

porsyento o higit 39 milyongkatao sa Pilipinas ang gumagamit nito sa pakikipag usap.

Mas malaki ito ng di hamak sa ibangmakrong kasanayan dahil karaniwang ginagamit sa

pag sulat ay ingles.


16

Nakasaad sa (Art. XIV, Sec. 6) ng Philippine constitution ang paggamit ng wika

sa pakikipag talastasan ay dapat tuloy-tuloy at dapat pang mas paunlarin sa pagtagal ng

panahon bilang batayhan ng iba pang wikang ginagamit sa pilipinas. Sinasabi rin na ang

pakikipag usap o pagbibigay utos o instruksyon ay dapat nakasaad saFilipino at yan

lamang maliban na lang kung inatas ng gobyerno na gumamit ng ingles

KABANATA II

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Populasyon ng Pananaliksik

Ang mga tagatugon ng pananaliksik na ito ay mula sa paaralan ng Sacred Heart

College of Lucena City: ang mga estudyante ng STEM, ika-11 baitang at ika-12 baitang

taong pampaaralan 2022-2023, ang kabuuang bilang ng estudyante na rumesponde sa

pananaliksik ay dalawang daan at apatnapu't pito (247) bilang kumakatawan sa dalawang

baitang para alamin ang kanilang pananaw tungkol sa pagbabago ng wika sa pribadong

paaralan.

Lokal na Pananaliksik

Lokal ng Pananaliksik. Sa Kolehiyo ng Sacred Heart, Lungsod ng Lucena isasagawa ang

pananaliksik sapagkat madami ang mga mag-aaral nito. Ang gagamitin ng mga
17

mananaliksik ay pagbibigay ng google forms sa mga estudyante sapagkat iisa lamang

and pinapasukang paaralan, bilang resulta magkakaroon ng madaling pamamahagi ng

talatanungan. Kilala ang Kolehiyo ng Sacred Heart bilang pinakaunang Catholic School.

na itinayo sa Quezon noong Abril 27, 1884. Si Herman Fausta Labrador ang nagtayo o

founder ng nasabing paaralan at ito pinasa ito sa Daughters of Charity of St. Vincent de

Paul noong Agosto 14, 1937.

Paraan ng pagkuha ng Datos

Instrumento ng Pananaliksik

Talatanungan ang naging instrumento ng mga mananaliksik. Mga epekto na

nararanasan ng mga mag-aaral sa kanilang paglipat ng paaralan malayo sa lugar na

kinalakihan ang nilalaman ng talatanungan. Maglalagay ang mga mag-aaral ng tsek (1)

kung lubos na sumasang-ayon, sumasang-ayon, hindi sumasang-avon o lubos na hindi

sumasang-ayon sa mga nakalap na epekto ng mga mananaliksik base sa mga karanasan

ng mga mag-aaral sa kanilang paglipat.

Paglalapat ng Istatistika

Sa tulong ng statistika, mabibigyan ng interpretason ang mga nakalap na datos ng mga

mananaliksik. Ito ang makakapagbigay ng mga kasagutan sa mga tanong na nakatala sa

unang kabanata. Sa pagkuha ng Weighted Average Mean (WAM) na nangaling mula sa


18

mga kasagutan ng mga respondante, ginamit ang Likert Scale. Ito ang pormulang ginamit

sa pagkuha ng WAM:

WAM= Efx/n

Kung saan:

F= frequency (dalas)

X=Likert-scale score

N= kabuuang bilang ng mga nagsagot.

Saklaw ng Bilang Kwalitibong Deskripsyon

3.26 – 4.00 Lubos na sumasang-ayon (4)

2.51 – 3.25 Sumasang-ayon (3)

1.76 – 2.50 Hindi sumasang-ayon (2)

1.0 – 1.75 Lubos na hindi sumasang-ayon (1)

Talahanayan 1. Batayan ng Descriptive Rate sa ginamit na Likert Scale

You might also like