You are on page 1of 6

INTRODUKSYON

Ang mga estudyante ng Senior High School sa pamantasan ng Libagon kilala sa paggawa ng malikhaing artikulo, lalo na sa antas ng

edukasyon. Layunin nitong malinawan at mapalawak ang kaalaman ukol sa pagtangkilik sa mga banyaga lalo nasa Korean. Matutunghayan din

dito ang epekto nito sa pamumuhay lalo na sa mga kabataan.

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa mga panahon ngayon nagging sikat na ang impluwensiya ng mga Korean sa mga Pilipino. Ito ay mapapanood natin sa ibat-ibang

larangan sa musika, sayaw at pag-aarte. Ito ay nagging saklaw nasa ating araw araw na pamumuhay lalo na sa makabagong panahon ng mga

millennial.

Halos araw-araw ay binibigyan pansin ng mga kabataan at nilalaanan nila ng oras sa panood ng korean drama na sinimulan ng Four

Sister`s Story (2004) hanggang sa Encounter (2019) na ipinapalabas sa telebisyon at K-pop na sumasaklaw sa pagsasayaw at pagkanta ng mga

banyagang Koreano kagaya ni BOA, G-Dragon, Sandara Park, PSY at mga grupong 2NE1, Bigbang, EXO, BTS, Super Junior , at iba pa. At mga

koreanong artista kagaya nila Park Bo Gum, Gong Yoo, Kim Yoo-Jung, Lee Min Ho, Jun-Ji Hyun at iba pa. At ito’y isa sa nakapagpapabago sa

pananaw ng millennial sa korea, at unti-unti na ring nakakalimutan ng kabataan ang pagkapilipino.

Ayon kay Dong (2006) , Ang hallyu o ang korean Wave ay naging laganap na sa mga bansang Tsina, Taiwan at Japan. Ang impluwensya ng

kulturang Korean sa iba’t- ibang rehiyon ng mga bansang ito ay dulot ng mga sikat na K-drama, pagkatapos ay simulang pagsikat ng mga K-pop

nakanta at mga pelikula kasabay ng pag-usbong ng media sa bansang Singapore ,Vietnam at Mongolia na mas labas na sasakop ng East Asia at

Southest Asia. Ang terminong Hallyu ay ngayong nangangahulugang impluwensiyang kultura at panlipunang aspeto ng mga koreano kagaya ng

paraan ng pananamit, pag-unlad ng teknolohiya at iba pang bansa sa Asya.

Bukod sa kanilang impluwensiya sa malikhaing paggawa ng pelikula, dahil sa hindi inaasahang wakas, mga musikang sumisimbolo sa

uso, pag-ibig, at magaling na pag-arte bilang isang bansang kultura’t tradisyon. Bagaman ito’y nagging malaking hamon sa pagpapanatiling

pagka-pilipino dahil sa pag-usbong ng mga banyaga. Nagmula sa iba’t-ibang bansang Amerika, Eroupe, ang Pilipinas ay nakikisabay din sa daloy

ng globalisasyon pero ang tanong kaya ba nitong panatilihin ang tunay na kaluluwang bayan? Ito’y malaking tanong kung paano at gampanan

bilang mga Pilipino.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ito ay makabuluhan sa mga guro, magulong, at sa mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ay layuning magbigay ng impormasyon. Ang

tungkol sa positibo at negatibo ba ang epekto ng Korean sa pananaw ng mga kabataan. At pag-usbong ng impluwensiya ng banyaga gaya ng

korean. Layunin nito din ay isa sa mga sumusunod.

 Sa mga guro, na bigyang-pansin, turuan at ipanulat ang epekto nito.


 Sa mga magulang na maintindihan ang mga talakayang ito upang gabayan at patnubayan ang kanilang mga anak ukol sa kalalabasan

ng impluwensiyang koreano.
 Sa mga kabataan na maunawan at ma solusyon ang suliraning dapat bigyan diin. Dahil mga kaluluwang Pilipinas ay na sa ating pag-

kapilipino.

Paglalahad ng Suliranin

Angpinapakaysapag-aaralnito ay at mabigyangdiinangepektongkoreansapananawnngmgamillenial.

Tinugon at ginarantiyan sa pag-aaral nito ang mga sumusunod:

1. Anong bahagi ng kulturang korea kung saan ka tumatangkilik?

1.1 Drama at literature

1.2 Sayaw at Musika

1.3 Pagkain

1.4 Sports

2. May patutunguhan ba ang pagtangkilik sa banyaga kaysa sa sariling atin?

Meron o Wala

3. Ito ba ay nakabago sapananaw ng ating sariling kultura’t tradisyon sa iba’t-ibang larangan?

Oo o Hindi

4. Saan mo mas tinu-onan ng pansin ang pagkapilipino o pagtangkilik sa Koreano? Sa paanong paraan?

Pagka-Pilipino o Koreano

5. Nakakatulong ba sa ating paka-Pilipino ang pagtangkilik sa mga banyaga kagaya ng mga Korean?

Oo o Hindi

KABANATA 2:
Teoryang Sosyolohikal o Sosyolismo

Ang lapit-sosyolohikal ay naangkop sa tradisyon at prehistiyo ng dulaan sa panitikan.

Mas malawak ang perspekto na pagsusuri ng isang akda dahil binubusisi nito, hindi lang kasiningan at katangian ng akda kundi pati rin

ang bahagi ng lipunan at kasaysayang pinagluwalaan nito.

Kilala ng pananaw na ito ang ugnayan ng likhang-sining at lipunan.

Hindi sapat na suriin lamang ang akda kundi pati na rin ang lipunang kinabibilangan ng may akda na siyang naglarawan sa akdang iyon.

Ayon kay Taine, isang manunulat sa Pranses:

“Ang Panitikan ay bunga ng salinlahi, at ng panahon at kapaligiran.”

TEORITICAL-KONSEPTWAL NA BALANGKAS NG PAG-AARAL


EPEKTO NG KOREAN SA
TEORYANG
PANANAW NG MGA
AKSYON AT
PAGLALAHAD PAGSUSURI SA
SOSYOLOHIKAL O
NG PROBLEMA MILLENIAL IMPORMASYON AT
SOSYOLISMO SOLUSYON
KABANATA 3:

METODOLOHIYA

Ang bahaging ito ay maglalahad sa pamaraan at paraang pananaliksik na alamin ang epekto ng Korean sa pananaw ng Millenial.

Inilalahad ang disenyong Pananaliksik, mga kalahok ng pag-aaral, lugar ng pananaliksik, instrumentong gagamitin, paraan ng paglikom ng Datos

at Pagsusuring istatistikal g mga Datos.

DISENYONG PANANALIKSIK

Ginamit sa pag-aaral na ito ang deskriptibong pamamaraang pananaliksik na kung saan inalam ang epekto ng Korean sa pananaw ng

millennial.

Sa pamamagitan ng rubrics batay sa nabuo ni Tabec (2013) ay sinuri ang katha ng mga kalahok, na bawat rubrics ay may katapat.

LUGAR NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa Libagon National High School, Distrito ng Libagon, Jubas, Libagon, Timugang Leyte. Natapos ang

pag-aaral sa loob ng isang panuruan, 2019-2020.

KALAHOK NG PANANALIKSIK

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Libagon National High School sa baiting 7 to 11.

KOMITE NG PAGSUSURI

Ang komite ng Pagsusuri ay nagtatalakay ng iba’t-ibang uri ng research sa aming baitang ng 11 seksyon Bonifacio. Sa pagkilala sa

kasanayang panggramatika ginagamit ng mge eksperto ang rubric na kinuha mula kay Tabec (2013)

Ang komite ay binbuo ng mga gurong nagtuturo at eksperto sa asignaturang Filipino at dalubhasa sa disiplinang ito. Ang naging

kasapi ng komite sa Pagsusuri ng mga sumusunod:


Instrumentong Pananaliksik

Ang nabuong kathang aralin ay tungkol sa epekto ng Korean sa pananaw ng mga Millenial na ginamitan ng mga nalikom na ideya at

pagsusuri sa aming tesis o research kung saan ito’y aming binigyan ng buhay at pinagtunan ang suliranin upang mapukaw at mas maunawaan nila

ang tungkol sa aming pagsasaliksik.

Paraan Sa Paglikom Ng Datos

Sa paraang ito kami ay humihingi at sumulat ng pahintulot sa aming punong-guro sa paglikom ng Datos sa paaralan. Tinanong naming

ang bawat pangkat ng Libagon National High School mula Grade o Baitang 7 hanggang 11. Pagkatapos ng mga katanungan at talakayan,

Nagbigay ang mga mananaliksik ng gawaim sa pagsulat ayon sa nakasaad sa instrumentong pananaliksik. Ang mga gawaing sulating katha ay

nakapaloob sa portfolio, nilikom at inipon ng mananaliksik at ipinagkaloob ito sa komite ng pagsusuri.

Inalaan ng mga dalubhasang tagasuri ang kalakasan at kahinaang kasanayang panggramatika ng mga mag-aaral na napaloob sa pang-

akademikong portfolio na ito. Sa pagkilala sa kasanayang panggramatikal ng mga mag-aaral , ginamit ng mga eksperto ng rubric na kinuha mula

sa Tabec (2013)

Pagsusuring Istatistikal Ng Mga Datos

Ang mg a Datos na nalikom ay inalisa at binusisi gamit ang mga sumusunod na istatistikal na mga instumento:

1. Descriptive Statistics
- upang malaman ang kasanayang panggramatika ng mga mag-aaral na napapaloob sa pang akademikong portfolio batay sa

nilalaman, organisasyon at gamit.


2. Illustrated Graphs
- Upang mas maunawaan ang tungkol sa bahagdan ng bawat sagot sa mga tanong na nailatha.

You might also like