You are on page 1of 19

Ano ang mahalagang

dulot ng pananaliksik sa
buhay mo bilang
estudyante?
Pagbuo ng Paksa
Mga Paalala sa Pagbuo ng Paksa
Ayon kay Dayag, Alma et.,al 2016 ang paksa ng
isang sulating pananaliksik ay isa sa pinakamahalagang
bahagi ng isang papel- pananaliksik. Tulad ng mga
tinalakay na sa asignaturang komunikasyon sa Filipino,
ang pagpili ng isang paksa ay dapat nakapokus lamang
sa iisang direksyon upang di mahirapan sa pagbuo ng
pahayag.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Ang pagpili ng paksang pananaliksik
ay mahalagang maisaalang-alang
ang mga sumusunod tulad ng:
kasapatan ng datos na maaaring
makasuporta sa paksang mapipili
pinansyal na aspeto ng mananaliksik
limitasyon ng oras sa bubuuing sulating
pananaliksik
PAKSA PANGKALAHATANG NILIMITANG PAMAGAT NG
PAKSA PAKSA SULATING
PANANALIKSIK
Musika
Mga Kabataan, Kaugnayan ng Epekto ng Pakikinig
musika at pag- musika sa pag- ng Musika sa Pag-
aaral aaral ng mga aaral ng mga Mag-
kabataan aaral sa Ikalabing-
Isang Baitang ng
Senior High School
sa Opol National
Secondary
Technical School
MGA BAHAGI NG
PANANALIKSIK
Bahagi ng Pananaliksik

Kabanata I
• Panimula - Ito ang bahaging nagtatalaga ng mga panimulang
impormasyon tungkol sa paksa na magsasakonteksto sa mga
mambabasa, ano ang pinanggalingan ng saliksik.
• Paglalahad ng Suliranin - Ito ang bahaging tumutukoy sa mga
pangunahing suliraning sasagutin ng pag-aaral. Ito ang
magsisilbing tuon ng pananaliksik at dito tutuon ang pagtalakay
Ang mahahalagang tanong ang magsisilbing gabay ng nilalaman
ng pananaliksik upang hindi mawala sa dapat talakayin.
TANDAAN:

Iwasan ang pagtatanong na sasagot lamang


sa Oo at Hindi.
Pagtuunan ang pamagat sa pagbuo ng
tanong.
Ang mga tanong ay kinakailangang masagot
sa pananaliksik
Halimbawa:
Epekto ng Online Class sa Kalusugan ng mga Mag-aaral
ng Ika-11 Baitang sa Holy Trinity Academy, 2020-2021

1.Ano ang epekto ng online class sa kalusugan ng mga


mag-aaral ng ikalabing-isang baitang sa Holy Trinity
Academy, Unang semestre 2020-2021?
2. Ano ang kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ng
mga mag-aaral ng Ikalabing-isang baitang sa Holy
Trinity Academy, Unang Semestre, 2020-2021?
HALIMBAWA:
Impluwensya ng mga Panunuod ng
Korean Drama sa Pag-uugali at mga
Pananamit ng piling mag-aaral ng
Bachelor of Arts in English ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas,
Taong Panuruan 2011-2012
TANONG:
1.Sa pag-usbong at pagtangkilik ng Korean Drama sa
Pilipinas, ano-ano ang mga mabubuti at hindi
mabubuting dulot nito?
2.Anong kaugalian at uri ng pananamit ang makukuha
at nagagaya ng mga mag-aaral ng PUP-ABE mula sa
mga Korean Drama?
3.Gaano kalawak ang pagpapalabas ng mga Korean
Drama sa iba’t ibang istasyon sa telebisyon?
HALIMBAWA:
Pananaw ng mga kalalakihan sa konsepto ng
seenzone

1.Ano ang pananaw ng mga kalalakihan sa


konsepto ng seenzone?
2.Ano-ano ang iba’t ibang konsepto ng
seenzone sa kasalukuyang panahon?
• Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Layunin - Isinusulat sa bahaging ito ang mga bagay na


nais isakatuparan ng pananaliksik.

Halimbawa:
Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay
malaman ang Epekto ng Online Class sa Kalusugan ng
mga Mag-aaral ng Ika-11 Baitang sa Holy Trinity
Academy, 2020-2021. Ang pananaliksik na ito ay may
mga tiyak na layunin;
1. Malaman ang epekto ng online class sa
kalusugan ng mga mag-aaral ng ikalabing-isang
baitang sa Holy Trinity Academy, Unang
semestre 2020-2021?
2. Matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng
kalusugan ng mga mag-aaral ng Ikalabing-
isang baitang sa Holy Trinity Academy, Unang
Semestre, 2020-2021?
Ang Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito na
malaman ang pananaw ng mga kalalakihan sa
konsepto ng seenzone. Ang pananaliksik na ito
ay may mga tiyak na layunin;
1.Isa-isahin ang pananaw ng mga kalalakihan sa
konsepto ng seenzone?
2.Makilala ang iba’t ibang konsepto ng seenzone sa
kasalukuyang panahon?
• Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa bahaging ito tinatalakay ang kapakinabang idudulot ng
pananaliksik. Gayundin, ang mga sektor na makikinabang sa pag-
aaral na ito.

Halimbawa:
Malaki ang inaaasahang tulong ng pananaliksik na ito sa
kasalukuyang panahon.............. Ito ay magdudulot ng
kapakinabang sa sumusunod na sektor:
Mga Mag-aaral
Ang bawat mag-aaral ay ...........
Mga Guro
Sa aspektong edukasyon, guro ang .........
Pagsasanay I
Isang Pagsusuri sa Persepsyon sa at Aktwal na Kahusayang
Pampagtuturo ng Guro

Paksa :

Paglalahad ng suliranin: (Maaaring bumuo ng 2-3 tanong)

Saklaw at Delimitasyon:
Pagsasanay 1
Paksa :

Paglalahad ng suliranin: (Maaaring bumuo ng 2-3


tanong)

Layunin ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Saklaw at Delimitasyon:

You might also like