You are on page 1of 18

Mga Dapat Isaalang-alang Sa Pagpili Ng Paksa

1. Dapat may interes sa paksang sasaliksikin


2. Magbasa ng mga kaugnay na literature at pag-aaral
3. May ambag sa sarili, lipunan at iba pang larangan
4. Pinansyal na aspeto
5. Napapanahon subalit may materyales na magagamit
Saan Kinukuha ang mga Suliranin sa Pananaliksik
• Pakikinig ng balita
• Pagbabasa ng tesis, disertasyon, journal, aklat at iba pang
sanggunian
• Pag-oobserba sa ating kapaligiran
• Pag-search sa internet
• Propesyon na napili
• Pagdalo ng mga webinar at seminar
I. ANG PANIMULA O INTRODUKSYON
(RASYONAL)
Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban
ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik.

Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na


Ano at Bakit.
“Ano ba ang tungkol sa iyong pinag-aaralang paksa
at Bakit kailangan pa itong pag-aralan.”

Sa mga mananaliksik na mag-aaral, ang isa’t


kalahating pahina sa bahaging ito ay sapat na.
Ano ba ang Rasyonal?
• Sa pagsulat ng rasyonal, mahalaga na maunawaang mabuti
kung;
1. Bakit kailangang isagawa ang pag-aaral.
2. Paano nakatutulong ito sa mga mag-aaral at mananaliksik.
3. Gaano ito kahalaga.
4. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang para malinaw na
mabigyan ng solusyon ang anumang suliranin na sinasaliksik.
• Ito ay karaniwang nagsisimula sa pangkalahatang pagpapahayag ng
suliranin na nakatuon sa tiyak na suliranin ng pananaliksik.

• Sa bahagi ring ito ibinibigay mo bilang mananaliksik ang paunang


paliwanag kung bakit isinisagawa ang pag-aaral

• Tiyak ang nilalaman nito, hindi na kailangang paligoy-ligoy.

• Sa bahaging ito isinasama rin ang mga kaugnay na literatura na


nabasa mula sa mga tesis, disertasyon, aklat, journal at iba pang
babasahin na may kaugnayan sa pag-aaral
Pagtataya ng MTB-MLE: Tugon sa Pagpapaunlad ng
Implementasyon ng K to 12 Kuriklum
• Ang paggamit ng unang wika o Mother Tounge-Based Multilingual Education sa
Pilipinas ay isang pagtugon sa uhaw na pangangailangan ng mga mag-aaral tungo
sa pagtamo ng madaliang pag-unawa sa isang aralin. Patunay nito ang sinabi ni
Cummins (1996) na ang paggamit ng unang wika ay tumutulong sa pagtamo ng pag-
unawa at paglinang ng kritikal na pag-iisip. Ayon kina Benson (2002) at Ducher
(2003), ang pangkalahatang edukasyong natamo ng mga mag-aaral ay mas
napapalawig kung ipinagamit ang unang wika bilang pundasyong wika sa pag-aaral
ng primarya. Dagdag pa ang pag-aaral ni Dutcher (2004) na malaking bilang ng mga
batang katutubo ang hindi nag-aaral ay nauuwi pa rin sa mababang performans at
mababang literasi at kasanayan dahil sa ginagamit na panturo tulad ng Ingles.
Mga tanong:
•Paano inumpisahan ang
talata?
•Ano ang nais palutangin sa
pag-aaral?
•Mahalaga ba ang pag-aaral?
Tandaan!
•Sa rasyonal mababasa na ang
pagpapaliwanag kung ano ang kabuluhan ng
ginagawa mong pananaliksik upang malaman
agad ng mambabasa ang tunguhin at
kabuohan ng pag-aaral.
II. Paglalahad ng Suliranin
• Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa
ang pag-aaral.

• Tinutukoy din dito ang mga pangunahing suliranin na nasa anyong


patanong. Sa bahaging ito nilalahad at inilalarawan ang suliraning nais
bigyan ng mahalagang pokus.

• Inilalahad dito ang mga impormasyong tungkol sa kahalagahan ng paksa.


Ito ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik.

• Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral. Ang mga katanungang inilahad ay


nararapat na masagutang lahat ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
II. Paglalahad ng Suliranin
Mga anyo/paraan ng paglalahad ng suliranin:

ANYONG PATANONG (Question Form) -


Ginagamitan ng tanong na "Ano" o "Paano".

ANYONG PAPAKSA (Topical Form) - Ang anyong


ito ay mas ginagamit sa mga pangkalakalang
pananaliksik na sa halip na tawaging "paglalahad ng
suliranin" pinapalitan ito ng katagang "mga layunin
ng pag-aaral".
Impluwensiya ng Panunuod ng Korean Drama sa Pag-
uugali at mga Pananamit ng mga Mag-aaral sa Ika-10
Baitang sa Mataas na Paaralan ng Jovellar
1. Ano ang Korean Drama?
2. Sa pag-usbong at pagtangkilik ng Korean Drama sa
Pilipinas, ano-ano ang bentahe at disbentahe nito?
3. Paano nakakaapekto ang panunuod at pagtangkilik ng
Korean Drama sa mga mag-aaral ng Mataas na
Paaralan ng Jovellar?
4. Anong kaugalian at uri ng pananamit ang makukuha at
nagagaya ng mga mag-aaral sa Mataaas na Paaralan
ng Jovellar mula sa mga Korean Drama?
III. SAKLAW AT LIMITASYON
• Tinutukoy ang simula at hangganan ng
pananaliksik. Dito itinakda ang
parameter ng pananaliksik. Ipinakikita sa
bahaging ito ang lawak ng angkop ng
ginagawang pag-aaral.

• Binubuo ng dalawang talata.


Halimbawa:
• Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga salik na
nakakaapekto sa akademikong performans ng mga
mag-aaral sa Filipino. Nilimitahan ang pag-aaral na
ito sa unang taon sa kolehiyo na
nagpapakadalubhasa sa Filipino taong panuruan
2018-2019.
IV. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
• Nilalahad dito ang signifikans ng
pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa
ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang
makikinabang sa nasabing pag-aaral.

• Tinatalakay sa bahaging ito ang


kahalagahan ng buong pag-aaral at kung
ano ang magiging kontribusyon nito sa
larangan ng edukasyon at siyensya.
Halimbawa
• Malaki at buo ang paniniwala ng mananaliksik sa pag-aaral na
malawak ang maitutugon nito upang maging kalugod-lugod ito at
makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral, upang malaman nila kung ano ang Mabuti at


masamang epekto ng panunuod ng mga Korean Dramas sa kanilang
mga pag-uugali at pananamit.
Sa mga magulang, upang malaman nila kung ano ang mga
kasalukuyang kinahihiligan ng kanilang mga anak at upang
makapagbigay sila ng maayos na payo at magabayan ang kanilang
mga anak.
SANGGUNIAN
• American
• AMA
• SULIRANIN mas tiyak ang SOP

You might also like