You are on page 1of 45

ANG PAPEL

PANANALIKSIK
PAGPILI NG
PAKSA
PAGBUO NG
PAMAGAT
HALIMBAWA
•Paksa: Gamit ng Unang Wika/ MTB-MLE

•“ Pagsipat sa W1 bilang midyum


saPagtuturo ng Agham at Matematiks
Alinsunod sa MTB-MLE Program)”
PANIMULANG
BAHAGI
Ang Pahina ng Pamagat
•Dito nakatala ang pamagat ng pamanahong
papel, pangalan ng mga mananaliksik,
kanilang affiliation (anong unibersidad at
kolehiyo), ang gurong tagapatnubay, ang
kanyang affiliation, at ang petsa ng pagpasa.
Pagsipat sa W1 bilang midyum saPagtuturo ng Agham at Matematiks
Alinsunod sa MTB-MLE Program)”

Isang pananaliksik na iniharap kay

G. AL Vincent DL. Mendiola

Bilang pagtupad sa pambahaging pangangailangan sa asignaturang Pagbasa


at Pagsusuri ng Iba’t Ibang teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina:
Chuminelar
Kumelabu
Sinimayma

Enero 2021
Dahon ng Pagpapatibay
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na
pinamagatang “Isang panamaliksik ukol sa pagsipat sa W1 bilang midyum ng pagtuturo ng
Agham at Matematiks alinsunod sa MTB-MLE Program:

Jan Richard J. Boncodin


Jason S. Arellano

_________________________
G. AL Vincent DL. Mendiola

Enero 25, 2021


Petsa

Tinanggap bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagkumpleto ng mga kailangan
para sa Asignaturang Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.
Pagkilala

Nais naming ipaabot ang pasasalamat namin sa lahat


ng naging parte at tumulong sa amin para mabuo ang
pananaliksik na ito. Higit sa lahat, nagpapasalamat
kami sa Diyos dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala
tayong lahat sa mundo. Sa aming mga magulang at
mga kapatid na nakasama namin sa lahat ng aming
mga problema. Sa aming mga kaibigan na nakasama
naming sa pagsasaya at kalungkutan at sa aming
propesor sa Fil 102 na nag-inspire sa amin para
gumawa ng pananaliksik at makatulong sa iba pang
mananaliksik na mangangailangan ng aming
pananaliksik.
Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano
ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal,
espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik
ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng non-random
convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay
tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang
labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na
resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag
grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang
kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at
sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
PANANALIKSIK
Ito ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya
upang lutasin ang problema o hadlang sa buhay
ng isang suliranin na nangangailangan na
mabigyan ng solusyon.

Ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap


sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin.
Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at
disiplinadong pagtatanong ng impormasyon sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ayon sa
kalikasan at kalalagyan ng suliraning tinukoy tungo
sa solusyon nito.

Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan


at isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa
mga importanteng impormasyon tungkol sa isang
tiyak na paksa o suliranin
Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanila,
ito naman ay isang sistematiko at siyentipikong
pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri,
paglilinaw, pag-aayos, pagpaliwanag, at
pagbigyang kahulugan nga isang datos o
impormasyon na nangangailangan ng solusyon
sa problema. Ito rin ang palawakin sa mga
limitadong kaalaman at pagpakita ng pag-unlad
sa buhay ng tao.
KABANATA
I
Suliranin At Kaligiran ng Pag-
aaral
RASYUNAL
Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano? at
Bakit?. Ano ba ang tungkol sa iyong pinag-aaralang
paksa at Bakit kailangan pa itong pag-aralan. Sa mga
mananaliksik na mag-aaral, ang isa’t kalahating pahina
sa bahaging ito ay maari o sapat na.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Dito babanggitin ang sanhi o layunin ng pananaliksik
na maaring saanyong patanong o simpling paglalahad
ng layunin. Iaanyo itong nangunguna
ang pangkalahatang layunin na susundan ng 3 o higit
pang mga tiyak na layunin.
Paraan ng Paglalahad ng Suliranin
• Patanong (Question type) – Kadalsang
ginagamit ang “Ano, Paano, Gaano” at iba
pa
• Papaksa (StatementType) – ginagamit sa
pangkalahatang pananaliksik o kung nais
na papangungusap ang pahayag. Ang
“Paglalahad ng Suliranin” ay pinapalitan
ng “Layunin ng pag-aaral”
Patanong
Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang midyum na ginagamit


ng mga guro sa antas 2 at 3 sa elementarya ng piling mga
pampublikong paaralan sa asignaturang Agham at Matematiks.
Layunin din ng pag aaral na ito na sagutin ang mga sumsunod na
katanungan:
1. Ano ang midyum na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng agham
at Matematiks 2 at 3?
2. Anu-ano ang mga suliranin ng guro sa paggamit ng W1 bilang
midyum ng Pagtuturo ng Agham at Matematiks sa antas 2 at 3?
Papahayag o papangungusap
Layunin ng Pananaliksik

1. Natutukoy ang midyum na ginagamit ng mga guro sa


pagtuturo ng Agham at Matematiks sa antas 2 at 3.
2. Naiisa-isa ang mga suliranin ng guro sa paggamit ng W1
bilang midyum sa pagtuturo ng Agham at Matematiks.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang bahaging ito ng pananaliksik ang nagsasabi kung
sino ang makikinabang sa pag-aaral na isinasagawa at
kung ano ang kapakinabangang maibibigay nito sa kanila.
Nagbibigay rin ito ng pagkakataong maipahayag ang
ambag ng pananaliksik sa iba’t ibang larangan at
disiplina. Maaaring sa indibidwal, kompanya o
institusyon, komunidad, kalahok sa pag-aaral at sarili ang
pakinabang na makukuha sa pananaliksik. Tandaan
lamang na ang isusulat sa bahaging ito ay Kayang
isakanuparan at makatotohanan.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang isinagawang pananaliksik ay mahalaga sa mga sumusunod:
Kagawaran ng Edukasyon. Matutukoy ng ahensiya kung ang programang
MTB-MLE ay naisasagawa nang maayos ng mga guro lalo na sa pagtuturo ng
Agham at Matematiks. Matutukoy din nila ang mga suliranin ng guro at mag-
aaral gayundin ang pansamantalang interbensyon ng guro upang matupad ang
kanilang mga programa.
Punungguro. Matutukoy nila ang mga kailangang paghahanda ng mga
guro gayundin ang mga mag-aaral na sasailalim sa programang ito. Dahil dito,
maaaring magplano ang punong-guro at magsagawa ng mga interbensyon
upang tulungan ang dalawang panig.

********
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang depinisyon ng terminolohiya ay isang bahagi ng
pananaliksik kung saan nakatala ang mga salitang
madalas gamitin sa isinagawang pag-aaral kalakip ang
konseptwal at operasyonal na pagpapakahulugan. Ito
ay makakatulong sa mambabasa upang higit
maunawaan ang nilalaman ng isang pananaliksik.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Saklaw ng pag-aaral na ito ang dalawampu’t apat na mga
gurong nagtuturo ng Agham at Matematiks sa antas 2 at 3 sa
piling mga pampublikong paaralan sa Malolos at mga karatıg-
bayan nito. Labmdalawa sa kanila ay guro sa antas 2 at
labindalawa naman sa antas 3.
Hindi sakop ng pag-aaral ang iba pang asignatura sa antas
2 at 3 sa gumagamit ng unang wika bilang midyum sa pagtuturo
o ang Mother Tongue subject mismo. Hindi rin sangkot sa pag-
aaral na ito ang mga gurong nagtuturo ng Agham at Matematiks
sa iba pang antas. Isinagawa ang pagmamasid at panayam sa
panuruang taon ( 2016-2017).
KAHALAGAHAN NG MGA KATAWAGAN
Ang depinisyon ng terminolohiya ay isang bahagi
ng pananaliksik kung saan nakatala ang mga
salitang madalas gamitin sa isinagawang pag-
aaral kalakip ang konseptwal at operasyonal na
pagpapakahulugan. Ito ay makakatulong sa
mambabasa upang higit maunawaan ang
nilalaman ng isang pananaliksik.
Konseptwal na kahulugan (conceptual
definition)
Tumutukoy ito sa mga kahulugang kinuha
sa diksyunaryo at sa iba pang aklat na
naglalaman ng pangkalahatang
kahulugan ng salita. Ito ay kahulugang
nauunawaan ng lahat ng tao kaya
tinalawag din itong pormal na kahulugan.
Operasyunal (operational definition)

Tumutukoy sa kahulugan ng salita


ayon pagkakagamit nito sa iyong
pananaliksik. Sa iba pang salita, ito ang
kahulugang konteksto ng piling salita na
isinama sa pananaliksik.
Katuturan ng Pagbibigay-kahulugan
• Agham at Matematiks dalawang asignatura sa antas 2 at 3
sa elementarya na itinuturo ng mga guro gamit ang unang
wika ng mga mag-aaral alinsunod sa programa ng MTB-MLE
ng Kagawaran ng Edukasyon.
• MTB-MILE Program-( Mother Tongue Based- Multi Lingual
Education Program) isang programa ng Kagawaran ng
Edukasyon na naglalayong gamitin ang unang wika bilang
hiwalay na asignatura at wikang panturo naman sa Agham at
Matematiks sa antas 2 at 3 bilang bahagi ng K-12 Kurikulum
(DepEd, 2013).
KABANATA
II
Mga Kaugnay na Literatura
Kaugnay na Literatura
Ang kabanatang ito ay isang poRmal na pangangalap ng literatura
na may kaugnayan sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ay binubuo ng
lokal na literatura, banyagang literatura, lokal na pag-aaral at
banyaga o internasyunal na pag-aaral. Kasama sa proseso ng
paggawa ng kabanatang to ay ang pagpunta ng mga mananaliksik
sa mga silid- aklatan upang magnanap ng datos na llalagay rito.
Maaari rin namang mangalap ng mga iteratura at pag-aaral sa ibat
ibang websites sa internet ngunit KInakailangang siguraduhing
may kredibilidad ito at hindi pawang mga opinyon lang.
Kaugnay na Literatura
Ito ay isang mahabang proseso at hindi dapat madalin. Ang
pagrerevyu ng kaugnay na literatura at pag-aaral ang
magbibigay sa mga mananaliksik ng mas malalim na kaalaman
tungkol sa kanilang pag-aaral na isinasagawa. Hindi maaaring
kopyahin lamang ang mga nakatala sa ibro at pag-aaral oi-
copy-paste lamang ang mga ito; kinakailangan itong masusing
revyuhin bago isulat.
KABANATA
III
Disenyo ng Pananaliksik
DISENYO NG PANANALIKSIK
KWANTITATIBO
Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirical
na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa
pamamagitan ng matematikal, estadikal, at mga teknik na pamamaraan na
gumagamit ng komputasyon. Kadalasang ginagamit din ito ng mga
nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng
sarbey, ekperimentasyon, at pagsusuring estadistikal.
DISENYO NG PANANALIKSIK
KWALITATIBO
Ang kwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri ng
pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at
ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito.ang disenyong ito ay
pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay lagging naka
batay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga
panlipunang realidad gaya ng kultura, intitusyon, at ugnayan pantao na
hindi maaraing mabilang o masukat.
DISENYO NG PANANALIKSIK
DESKRIPTIBO
Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang
ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga
tanong na sino, ano, kailan, at paano na may kinalaman sa paksa bg pag-
aaral. Hindi ito makakatugon sa tanongna “bakit” sapagkat naglalarawan
lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng pangyayari at hindi ng
nakalipas o hinaharap.
DISENYO NG PANANALIKSIK
ACTION RESEARCH
Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na
kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layunin palitan itong
mas epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik ay
bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paanong
makapagbibigay ng makabuluhang rekomendasyon. Kailangan din ang
mga serye ng ebalwasyon kung nakakamit o hindi ang ideyal na awtput.
DISENYO NG PANANALIKSIK
HISTORIKAL
Ang historical na pananaliksik ay gumaganit ng iba’t ibang pamamaraan ng
pangangalap ng datos upang makabuong mga kongklusyon hinggil sa
nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensya, pinalalalim ang pag-unawa sa
nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay. At ang
panagdaang proseso kung paanongang nakaraan ay naging kasalukuyan.
DISENYO NG PANANALIKSIK
CASE STUDY
Ang pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang
unawain ang isang particular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang
kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral. Ginagamit ito upang
paliiting, maging ispesipiko, o kaya’y pumili lamang ng isang tiyak na
halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa.
DISENYO NG PANANALIKSIK
KOMPARATIBO
Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing
ng anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa.
madalas na ginagamit sa mga cross-national na pag-aaral ng
ganitong uri ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura at institusyon.
DISENYO NG PANANALIKSIK
NORMATIVE STUDY
Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang
disenyo ng normative dahil naglalayon itong maglarawan ng
anomang paksa. Gayunpaman, naiiba ang disenyong ito hindi
lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-
diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan
batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan.
PARAAN SA PAGKALAP NG DATOS
Obserbasyon- Ang mananaliksik ay tuwirang inilalarawan ang
sitwasyon, mga taong sangkot sa pag-aaral, at kapaligirang
pinag-aaralan sa pamamagitan ng pagmamasid. Sa
pagsasagawa ng obserbasyon, kailangan ang isang
agenda,plano sa pagkuha ng datos, at rubriks sa pagsusuri ng
nakalap na datos.
PARAAN SA PAGKALAP NG DATOS
Panayam- ito ang pagkolekta ng datos sa pamamagitan
ng interaksyon ng dalawa o higit pang tao sa pasalitang
paraan. Ang panayam ay maaaring binalangkas
(Structured), o hindi binalangkas.
PARAAN SA PAGKALAP NG DATOS
Binalangkas-Binalangkas –
Sa isang binalangas na panayam, may inihandang
katanungan ng mananaliksik. Hindi siya maaaring
magtanong ng karagdagang katanungan na wala
sa gabay-talatanungan.
PARAAN SA PAGKALAP NG DATOS
Hindi Binalangkas- Ang ginawang gabay-talatanungan
ay malayang maaaring magdagdag ng katanungan na
makatutulong sa pag-aaral. Sundin ang pagkakasunod-
sunod at malayang madagdag ng katanungan na wala sa
gabay-talatanungan.
PARAAN SA PAGKALAP NG DATOS
Kwestyoner- Kung walang sapat na panahon ang
sinuman sa kakapanayamin o makikipanayam,
maaaring gumamit ng kwetyoner at lahad lamang ang
mga tanong na bibigyan ng tugon. Maaaring pasagutan
ito sa respondente at balikan ito ayon sa kaluwagan.
PARAAN SA PAGKALAP NG DATOS
Tseklist- Ito ay binalangkas na instrument sa
pagtatanong. Ito ay Karaniwang ginagamit kung nais ng
mabilisang tugon dahil ang Tespondente ay pipili na
lamang ng tugon at itsetsek ang hanay na
kinabibilangan nito.

You might also like